Miyerkules, Marso 14, 2012

Nagkakaisang pahayag at paninindigan kaugnay ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo!


Nagkakaisang pahayag at paninindigan kaugnay ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo!

Muli na namang sumirit noong nakaraang lingo ang presyo ng panghinaharap na kontrata (futures contract) ng crude oil sa pandaigdigang merkado. Umabot ito sa $120 bawat bariles (Dubai benchmark). Ito na ang pinakamataas na inabot mula ng sumambulat ang krisis sa presyo ng langis noong kalagitnaan ng taong 2008 kung saan umabot ito ng $145.

Sinasamantala ng mga ispekulador at mamumuhunan sa pandaigdigang merkado ang pagkakataong kumita ng mas malaki bunsod ng mga balitang maaring makaapekto sa supply at demand. Ginagamit nila ang problema ng bansang US, Greece at iba pang bansa sa Europa (baon sa utang at krisis pang-ekonomiya), ang patuloy na kaguluhan sa Syria (wala namang langis), sunog sa mga minahan langis sa Saudi Arabia (lumalabas hindi totoo) at ang nakaambang gera sa Iran (hindi pa nangyayari). Patuloy ang mga balita kaya’t patuloy nilang maitataas ang presyo ng kanilang produkto.

Ngunit hindi lang sila ang nagsasamantala. Ang mga lokal na kumpanya ng langis dito sa atin ay nag-uunahan sa pagtaas ng presyo. Para daw ireflect ang tama at totoong presyo ng mga produktong petrolyo batay sa presyo nito sa pandaigdigang pamilihan. Kahinahinala ito sapagkat ang tumataas na presyo ng crude oil ay futures contract. Ibig sabihin ay dalawang (2) buwan pa bago maideliver ang langis na ito kung ikaw ay bumili. At hindi rin nga natin alam kung lahat ng mga lokal na kumpaya ay bumili nito dahil lahat sila ay sabay-sabay na nagtataas.

Ang kanilang kasalukuyang presyo ay halos katumbas na ng presyo noong panahon 2008. Ngayon ay umaabot na sa 58.50 ang gasolina kumpara sa 59.46 noong Hunyo 2008. Ang diesel naman ay nasa 50.28 na kumpara sa 52.44 noong Hunyo 2008. Mas matindi ang LPG sapagkat nilampasan na nito ang P700 noong Hunyo 2008 na ngayon ay nasa P861 hanggang P1,000 ang bentahan. Halos $25 pa ang diperensya kada bariles noong pinakamataas ng 2008 pero di na naglalayo (at lumampas na sa kaso ng LPG) ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Ang piso naman ay higit na mas malakas ngayon sa palitang P42.40 kumpara sa P44.28 noong Hunyo 2008. Sa kabilang banda, noong bumulusok ang pandaigdigang presyo sa $30 kada bariles, di nangyaring bumaba ang presyo sa kahit P20 per litro. Ito ay maliwanag na overpricing at manipulasyon ng presyo para mas palakihin ang kanilang kita.

Ibig sabihin nito, na kapag umabot sa antas ng 2008 ang presyo ng langis ay aabot pa sa P70 ang gasolina, P60 ang diesel at P1,500 ang LPG. Hindi malayong mangyari ito. At mukhang lalampasan pa ang antas ng 2008 sa hitsura ng pandaigdigang pamilihan.

Walang nang pipigil dito dahil deregularisado ang industriya ng langis sa bansa. Ibig sabihin tanging ang mga kumpanya lang ang nagtatakda ng presyo. Walang pakialam sa epekto dahil ang tanging konsiderasyon ay hindi malugi. Di na naman kapanipaniwala ang pagkalugi dahil ang tatlong pinakamalalaking kumpanya o Big3 ng langis ay nanatiling ilan sa mga pinakamataas kumitang kumpanya taon- taon. Sa top 10, ang Petron ay pangalawa (2nd), ang Shell ay pangatlo (3rd) at ang Caltex ay panganim (6th). Bilyon bilyon ang kita nila taon taon at hindi na rin nalalayo ang mga tinatawag na small players.

Wala ring magagawa ang pamahalaan dahil nga deregularisado ang industriya. Ginawa siyang inutil ng deregulasyon ng industriya ng langis na siya rin mismo ang may akda. Tutal, para sa kanya, bilyon-bilyon din naman ang kita niya rito. Kapag nakapagbenta ang mga kumpanya ng P500 Bilyon, P60 Bilyon ang kita niya sa pamamagitan ng 12% Value-Added Tax sa mga produktong petrolyo. Marami silang mapaghahatian.

Para sa atin, patong patong na pasakit ang dala ng ganitong sitwasyon. Konektado sa presyo ng produktong petrolyo ang presyo ng iba pang produktong kailangan, hindi lamang ng mga namamasada kundi ng buong mamamayan. Kayat pag tumaas ang presyo ng produktong petrolyo, nagtataasan din ang presyo ng iba pang produkto at serbisyo. 

Ang Oil deregulation Law at ang VAT Law ay kambal na batas na nag ligalisa sa pang huhuthot ng mga kapitalista at Gobyerno sa perang pinagpaguran ng mamamaya. Itoý batas na bumubusog sa kasakiman sa tubo ng mga kapitalista ng langis at nagpapalaki sa pondong darambungin ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. 

Kailangan na ng pagkakaisa, Kailangan na nang samasamang pagtutol. Ang mapagpahirap na sistemang ito ang batayan upang pasiglahin ang kampanya kontra sa mataas at di-makatarungang presyo ng langis sa bansa at mas igiit ang pagsasagawa ng mga kongkretong hakbangin para resolbahin ang ganitong tuloy-tuloy na suliranin.

Batay sa maka-isangpanig na patakarang ito at sa epekto nito sa kabuhayan at karapatan ng masa ng sambayanan, kami sa hanay ng mga manggagawa sa industriya at Serbisyo ay nagkakaisa na ipanawagan at ipaglaban ang mga sumusunod na kahilingan; 

Ibaba ang presyo ng langis, 12% VAT sa produktong petrolyo alisin!

Kung tatanggalin ang VAT, P7 sa presyo ng gasolina, halos P6 sa krudo at di bababa sa P103 para sa LPG ang mababawas. Ang pagbabang ito ay dapat humila pababa sa presyo ng ibang batayang pangangailangan natin.

Itayo Oil Regulatory Commission, Oil Deregulation Ibasura!

Ang pagtatakda ng presyo ng mga produktong petrolyo ay lubhang nakakaapekto sa buhay ng mga mamamayan. Dapat ito ay dumadaan sa proseso ng pagpapatunay at pagaaral para tunay na makatarungan ang presyo. Ang prosesong ito ay dapat nalalahukan ng mamamayan at mga sector ng direktang apektado. Hindi dapat ito dinadaan lamang s aura-uradang paganunsyo at madalas ay “text” lamang.

Buy-back Petron, Energy Development Corp. (EDC), Isabansa! 

Kinakailangan ang masusing pagpaplano para sa Energy (kabilang ang oil) Development ng bansa lalo kung gusto talaga natin makaahon sa kahirapan. Kailangan dito ay ang instrumentong pag-aari at pinatatakbo ng gobyerno (para sa publiko at kanyang kapakanan, hindi para sa tubo) katulad ng EDC at Petron na maaring gamitin upang ipangtapat sa mga pribadong kumpanya. Sila ay dapat maging pangunahing kumpanya sa kanilang larangan katulad ng kasalukuyan nilang estado.


Signed;



TUPAS
KATIPUNAN
NATU
BMP
SUPER
MELF
PMT

Huwebes, Marso 8, 2012

Marso 8: Araw ng kababaihan, Araw ng paglaya!


Marso 8: Araw ng kababaihan, Araw ng paglaya!
ni Teody Navea

Ang halaga ng araw ng Marso 8 ay singhalaga ng araw ng Mayo Uno sa hanay ng kababaihan. Matagal nang panahon na di nakakaalpas ang sektor ng kababaihan sa patuloy nitong dinaranas na kaapihan at pagsasamantala. Mangyaring gawin nating krusada ang araw na ito upang imulat ang malawak na bilang ng kababaihan sa tunay na diwa ng okasyong ito di lamang sa ating bansa kundi maging sa buong daigdig.

Ang sektor ng kababaihan sa Pilipinas ay masahol pa ang kalagayan, dahil bukod sa ito’y nabibilang sa mahihirap na bansa ay patuloy pang kinukunsinti ng isang sistemang imbes kakandili sa kanyang interes ay lalo pang nagsasadlak sa kanya sa matinding kaapihan at kahirapan. Patong-patong na dagan ang kanyang dinadala resulta ng samu’t saring isyu’t problema dulot ng kabulukan ng sistemang kapital kung saan ang sektor ng kababaihan ay niyuyurakan ang karapatan at hindi naipagkakaloob ang tunay na interes at kagalingan nito.

Sa gitna ng matinding krisis na kinakaharap ng bansa, ang sektor ng kababaihan ay lalo pang nalulugmok sa kahirapan at kaapihan. Kung kaya’t ang marapat na papel ng sektor ng kababaihan ay patuloy na isulong nito ang kanyang laban upang tuluyang mapawi na ang tunay na ugat ng pagsasamantala. Isang lipunang mangangalaga sa kanyang mga karapatan at kagalingan maging ang mga pangkabuuang serbisyo at proteksiyon bilang sektor ng kababaihan.

Kung gusto nating maunawaan ang mga mahahalagang isyung kinakaharap ng sektor ng kababaihan, ating ilalatag ang mga puntong kailangan nating ipanawagan upang maisakongkreto ang mga kahilingan nito.

Una, ang mga kababaihan ay marapat mapagkalooban ng disente at marangal na trabaho.

Dumarami ang mga kababaihan sa puwersa sa paggawa dahil sa ”flexibilization of labor”. Malaganap ang kontraktwalisasyon kung saan ang sektor ng kababaihan ang siyang napupuruhan. Nagagamit ng mga kapitalista upang lalo pang pagsamantalahan ang kanilang hanay.

Ikalawa, ang mga kababaihan ay patuloy ang dinaranas na kawalang proteksyon at panlipunang serbisyo.

Ang ating bansa ay nahuhuli kung usaping proteksyon ng kababaihan ang pag-uusapan. Ang marapat na pagpapasa ng isang panukalang batas para sa kanyang mga karapatan at kagalingan ay nauunsiyami. Mahigit isang dekada na ang RH Bill sa kongreso ngunit ito’y hindi maipasa hanggang sa kasalukuyan.

Ikatlo, pasan-pasan ng mga kababaihan ang hagupit ng patuloy na pagtaas ng mga batayang bayarin at bilihin.

Ang unang natatamaan sa walang humpay na pagtataas ng presyo ng langis at bilihin ay ang mga kababaihan kung saan sila ang namomroblema sa gastusin sa pang-araw araw. Sila ang pangunahing nagbabadyet at kung papaano nila pagkakasyahin ang maliit na kinikita ng kani-kanilang mga asawa.

Ikaapat, patuloy nilang nararanasan ang samu’t saring diskriminasyon sa iba’t ibang aspeto ng kanilang pamumuhay.

Sa pag-eempleyo, karaniwan nang hindi pantay ang pagtrato sa mga kababaihang manggagawa. Sila ay hindi nabibigyan ng pantay na serbisyo at maging ang mga patakarang umiiral sa mga lugar na kanilang pinagtatrabahuhan ay di umaayon sa kanilang katayuan bilang sektor ng kababaihan. Malaganap pa rin ang kaisipang umiiral sa isang sistema kung saan binibigyang diin ang kapangyarihan ng kalalakihan o sistemang “patriarchal”. Mababa ang pagtingin sa kababaihan at mas pinapahalagahan ang papel ng kalalakihan sa lipunan. Sila ay itinuturing na mga “sex object” o commodity sa ilalim ng lipunang kapitalismo.

Ikalima, karaniwang ang nagiging bunton sa mga dumarating na krisis ay ang sektor ng kababaihan kung saan hindi sila ligtas sa mga pang-aabuso at karahasan.

Ayon sa ilang mga pananaliksik at pag-aaral, marami sa mga kababaihan ang dumaranas ng karahasan sa kanilang mga tahanan bunsod ng epekto ng krisis kung saan ang kanilang mga asa-asawa na nagiging aburido, bugnutin at sila ang napagbubuntunan. Maraming naitatalang mga kababaihang dumaranas ng pambubugbog ng asawa at iba pang samu’t saring porma ng karahasan.

Sa paggunita ng Marso 8, ating balik tanawin ang mga kadahilanan kung bakit natin ipinagdiriwang ito sa kasalukuyan. Sa araw na ito binigyan ng pagkilala ang karapatan ng mga kababaihan kung saan ang karapatan nilang bomoto ay patunay ng pagiging pantay nito sa karapatan ng mga kalalakihan. Ngunit hindi rito nagtatapos ang laban ng kababaihan. Ang tunay na diwa ng emansipasyon sa kababaihan ay di natin makakamit hangga’t ang ating lipunan ay nakapailalim sa bulok na sistemang kapitalismo. Kailangan nating lumaya upang mailatag at maipundar ang isang lipunang sosyalismo kung saan ang adyenda ng sektor ng kababaihan ay nasa unahan.

Mabuhay ang kababaihan! Mabuhay ang uring manggagawa!

* Ang may-akda ang ikalawang pangulo ng sosyalistang organisasyong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Press release - PMT Rally at DOE


Press release
February 1, 2012

DOE’s Oil Price Monitoring Team

Transport group presses for public welfare framework 
in review of oil prices and industry

Militant transport workers from the Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT) demonstrated outside the compound of the Department of Energy (DOE) to call on the newly-formed Oil price Independent Review Committee (IRC) to put public welfare above oil companies’ profits as they investigate whether or not oil prices are overpriced and oil companies have abused the Oil Deregulation Law.

The PMT welcomed the creation of the IRC but warned against staging the review to justify the continued implementation of RA 8479 or Oil Deregulation Law. They asked the personalities who have agreed to be part of the IRC to conduct an honest examination of the documents to be provided by oil companies and operation of the industry under a deregulated environment with the view of protecting the masses’ interest and welfare.

Larry Pascua, Sec. Gen. of the PMT, stressed “The review must be done to provide justice to our suffering transport workers and masses, in general. Oil companies continue to rake in super profits as evidenced by their sustained stay atop the top grossing companies in the country while the majority of Filipinos carry the burden of spiralling prices of basic commodities due to pressure from high oil prices.”

“This so-called independent review must detach itself from PNoy’s adherence to the oil deregulation policy and his view that it still needs to be strengthened further. Competition or free market and even fair prices are but myths in an industry dominated and controlled by the Big 3 cartel. The IRC must not let itself be used by the administration to simply rationalize and uphold oil industry deregulation like what other reviews have done in the past.”

According to the PMT the enactment of RA 8479 in 1998 only bolstered the control of the Big 3 over the country’s oil industry. The absence of government role in oil pricing set the stage for rampant overpricing and profiteering as oil companies respond quickly and more fully to upward international price movements while being slow and unresponsive to decreases. In 2005, instead of going against such trend, government joined the bandwagon by imposing the Value-Added Tax on petroleum products. Together, VAT and deregulation has devastated the lives of our transport workers and the masses, in general.

“13 years of bitter experience with oil industry deregulation is enough proof for the IRC to propose the scrapping of RA 8479 and also the VAT on oil products. In fact, globally, deregulation and the whole neo-liberal agenda has failed to the secure the lives of the working masses while concentrating wealth to a very small minority. The first and foremost consideration of the IRC in the conduct of the review must be public welfare unless they want to challenge the ire of impoverished people. The PMT will be vigilant in monitoring the development of this review. The IRC members would not want to be on the wrong side of history” concluded Pascua.###

Martes, Enero 24, 2012

Censorship sa Internet, Ipinrotesta!


CENSORSHIP SA INTERNET, IPINROTESTA!
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nakaukit sa ating Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, Artikulo III, Seksyon 4: "No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances." (Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taongbayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.) Ganito din ang nakatala sa First Amendment sa US Constitution, kung saan nakasaad: "Congress shall make no law respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof; or abridging the freedom of speech, or of the press; or the right of the people peaceably to assemble, and to petition the Government for a redress of grievances."

Ang pagpapahayag tulad ng pagrarali, mobilisasyon, pagsusulat, pagtatalumpati, at maging ang magbahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng internet (cybespace), tulad ng email, ay ating karapatan pagkat ginagarantiyahan ito ng Konstitusyon. Dahil dito, nagprotesta ang iba't ibang website sa buong mundo, tulad ng Google, Craigslist, Wikipedia, Mozilla, Flickr, WordPress, Tumblr, Vimeo, at Reddit, laban sa dalawang panukalang batas sa Kongreso ng Amerika, ang Stop Online Piracy Act (SOPA) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, at ang Protect IP Act (Preventing Real Online Threats to Economic Creativity and Theft of Intellectual Property Act, or PIPA) sa Senado ng Amerika. Di sa sa Amerika nakaabot ang protesta, kundi maging dito sa Pilipinas, at sa iba pang panig ng mundo. Sabay-sabay tinanggal pansamantala ng kanilang homepage, o pag-blackout nito noong Enero 18, 2012.

Ang PIPA ang muling isinulat na CONCA (Combating Online Infringement and Counterfeits Act), na hindi nakapasa sa Senado ng Amerika nuong 2010, habang ang SOPA naman ang bersyon nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na ipinakilala nuong Oktubre 26, 2011.

"Imagine a world without free knowledge," ayon nga sa Wikipedia. Ibig sabihin, pag nakapasa ang dalawang panukalang batas na ito, hindi na tayo pwedeng basta mag-download sa internet ng mga kinakailangan nating mga research, o kaya'y magbasa ng anumang balita at kaalaman mula sa ibang bansa, at marahil ay babalik na tayo sa mga lumang silid-aklatan upang magsaliksik. Hindi natin ito papayagang mangyari. 

Kaya dapat tayong makiisa sa ipinaglalabang ito ng milyun-milyong mga netizen, dahil ang kaalaman ay karapatan. Dapat libre ito, at dapat malayang makakuha nito ang taumbayan.

Lunes, Enero 16, 2012

Karahasan sa Demolisyon sa Jose Corazon de Jesus

KARAHASAN SA DEMOLISYON SA JOSE CORAZON DE JESUS
ni Greg Bituin Jr.

Ang naganap na demolisyon sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan noong Enero 11 ay sadyang kalunos-lunos. Ngunit kami sa Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML) ay nagpupugay sa ginawang depensa ng mga kapatid naming maralita sa kanilang pakikibaka para sa kanilang karapatan sa pabahay at kinabukasan. Nagkabatuhan, nagkasakitan, nawalan ng tahanan ang mga pamilya, nawalan ng matutulugan ang kanilang mga anak, nasa tatlumpung katao ang hinuli ng pulis dahil sa pagdepensa sa kanilang bahay.

Para silang mga dagang itatapon sa relokasyon sa Montalban, Rizal; isang relokasyong malayo sa kanilang trabaho, isang relokasyong malayo sa paaralan ng kanilang mga anak, isang relokasyong ang totoong kahulugan ay dislokasyon ng kanilang buhay. Masakit sa mata ng mga naghaharing uring elitista ang mga maralita. Kaya nais ng mga itong itaboy na parang mga daga ang mga maralita. Tulad ng naganap sa Brgy. Mariana at North Triangle sa Quezon City, tulad ng demolisyon sa kanto ng Shaw Blvd., at 9 de Pebrero sa Mandaluyong, tulad ng demolisyon sa Laperal Compund sa Makati, at sa iba pang mga demolisyon sa kalunsuran, iisa ang padron: ang itaboy ang maralita sa kabundukan dahil etsapuwera sila sa kalunsuran.

Panahon nang magkaisa ang mga maralita upang labanan ang ganitong mga pasistang patakaran ng mga elitista. Hindi mga hayop ang mga maralita, kundi tao. Taong may karapatang mabuhay, taong may karapatang magkaroon ng magandang kinabukasan, taong masisipag bagamat naghihirap, taong nagsisikap para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Sa paglilipatang relokasyon sa kanila, bahala na ang maralita sa erya ng relokasyon pagdating sa pabahay, kahit pa sabihing binigyan sila ng tigsasampung libong piso (P10,000) bawat pamilya, na mumo lang kung ikukumpara sa limpak-limpak na tubo ng mga nais mag-okupa ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay. Balewala sa mga Ayala, Henry Sy, Araneta, Gozon, at iba pa ang barya-baryang ibinibigay nila sa maralita dahil kaya nila itong mabawi pag naitayo na nila ang kanilang negosyo sa pinagtanggalan sa mga maralita. Ngunit mahirap na nga ang maralita, ang ibinigay na bahay sa relokasyon ay di talaga bigay, dahil negosyo ang pabahay, imbes na serbisyo. Patunay dito ang tinatawag na escalating scheme of payment na kasunduan para sa pabahay, na hindi naman kaya ng mga maralita.

Panahon nang magkaisa ang lahat ng maralita laban sa demolisyon. At dapat pag-aralan na rin ng maralita ang iba't ibang modelo ng pabahay sa iba't ibang bansa, tulad ng Cuba, na ang bayad sa bahay, kundi man libre, ay batay sa kakayanan ng maralita. Ibig sabihin, batay sa kinikita ng maralita at hindi batay sa dikta ng negosyo. Maraming mga modelo sa pabahay, ngunit marahil, kailangan pa ng maralita ang totoong mag-alsa laban sa sistemang kapitalismo, dahil ito ang pahirap sa kanila. Dahil ang karapatan sa pabahay ay negosyo ng iilang mayayaman, pabahay na hindi kayang bayaran ng mga maralitang kakarampot na lang ang kinikita, at kulang pa para sa kanilang pagkain sa araw-araw.

Dapat pag-aralan din ng maralita ang lipunang kanyang ginagalawan. Bakit nga ba kapitalismo ang sistema? At bakit sa ilalim ng kapitalismo, patuloy na naghihirap ang sambayanan? Simpleng kurapsyon lang ba ang problema na tulad ng elitistang pangulo? Bakit dapat mag-alsa ang mga maralita laban sa bulok na sistema ng lipunan? Bakit sa ilalim ng kapitalismo'y binabayaran ang bawat karapatan, tulad ng karapatan sa pabahay at karapatan sa kalusugan?

Maralita, tapusin na natin ang panahon ng pananahimik at pagsasawalang-kibo. Panahon na upang magpasya tayo, di lang para sa ating sarili, kundi para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

Liham at Polyeto ng Unyon ng Arco Metal


Ang Samahan ng Manggagawa sa Arco Metal (SAMARM), sa pamumuno ng kanilang pangulo ng unyon na si Percival Bernas, ay kasalukuyang nakapiket sa harapan ng kanilang kumpanya sa Santolan, Pasig.

Nakatanggap ang bawat manggagawa ng liham mula sa kumpanya na may petsang Oktubre 6, 2011. Ito ang nilalaman ng liham:




Re: Pagsarado ng Kumpanya

Ginoong (pangalan ng manggagawa),


Mabuhay!


Ikinalulungkot naming ipaalam sa iyo na magsasara at ihihinto ang pagpapatakbo ng negosyo ng kumpanya, Arco Metal Products Co., Inc. ("Kumpanya") sa Nobyembre 5, 2011.


Bilang pasasalamat ng Kumpanya, ikinalulugod namin na bigyan ka ng paid leave mula ngayon hanggang Nobyembre 5, 2011. Umaasa kami na gagamitin mo ang panahong ito sa paghahanap ng bagong trabaho o iba pang paraan ng kabuhayan. Sang-ayon sa patakaran ng Kumpanya, idedeposito ng Kumpanya ang iyong sweldo para sa panahong paid leave sa iyong payroll account sa bawat Biyernes ng bawat linggo.


Kasalukuyan naming inihahanda ang iyong mga separation pay at iba pang benepisyo. Ibibigay at kakalkulahin ang mga ito alinsunod sa batas at sa Collective Bargaining Agreement. Mangyari po lamang na bumalik sa kumpanya sa Nobyembre 3, 2011 sa pagitan ng 9 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali upang makakuha ng mga benepisyong ito.


Maraming salamat sa iyong oras at pagsisikap sa at para sa Kumpanya.


Lubos na sumasaiyo,


(Sgd.) SALVADOR T. UY
President




Ang sumusunod ang siyang nilalaman ng polyeto ng SAMARM na ipinamahagi sa ikalawang araw ng nakaraang ika-6 na Pambansang Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) noong Nobyembre 26-27, 2011:

KATOTOHANAN AT KATUWIRAN LABAN SA KASINUNGALINGAN

Ano ang reaksyon ninyo kung ang isang kumpanya na patuloy na kumikita at tumutubo ng malaki ay biglaang magsasara? Makukumbinsi ba kayo kung ang dahilan nila ay umatras diumano ang mga sinusuplayan nilang mga kostumer kung kaya't obligadong itigil na ang operation habang ang sister company nito na lumilikha din ng kaparehong produkto ay patuloy na tumatakbo?

Kami pong mga regular na manggagawa ng Arco Metal Corporation, na matatagpuan sa Santolan, Pasig City, ay nahaharap ngayon sa ganitong sitwasyon. Oktubre 2011 nang mag-file ng Closure sa DOLE ang management ng Arco Metal. Dalawang araw pagkatapos nito ay hindi na kami pinayagan pang makapasok sa loob ng pabrika. Ang kaduda-duda, nasa yugto kami ng pakikipagtawaran para sa aming Collective Barganing Agreement o CBA nang isagawa ito ng management.

Seryoso ba silang isarado na ang kumpanya? Bakit hindi sila nag-file ng closure sa Business and Licensing Office ng Lungsod ng Pasig? Wala rin silang request sa DTI at information sa SEC para ipa-dissolve ang company. Kung tutuusin, dapat nga ay nauna nilang ginawa ang mga ito dahil ang pagpa-file ng Closure sa DOLE ay para lang naman ipaabot sa ahensya na tatanggalin na nila ang kanilang mga trabahador. Ibig ipakahulugan nito, gusto lang nilang alisin ang mga regular na empleyado, buwagin ang aming unyon, at mag-hire ng mga contractual workers bilang kapalit. Kapag walang unyon, at mag-hire ng mga contractual workers bilang kapalit. Kapag walang unyon, madaling pagsamantalahan ang empleyado para mas malaki ang mapupuntang tubo sa may-ari ng kumpanya.

Dahil sa hakbang na ito ng management, kinailangan naming manindigan at lumaban para maipagtanggol ang aming mga karapatan at seguridad sa trabaho. Para sa amin, hindi makatuwiran na basta na lamang kami itatapon at babalewalain ng kumpanya. Totoong may intensyon sila na bayaran ang aming naging serbisyo subalit hindi ito katanggap-tanggap dahil malinaw na ang kanilang motibo ay malisyoso. Gusto lamang ng management ng Arco Metal na ikubli sa likod ng kunwariang pagsasara ang totoong layunin nila na tanggalin kaming lahat sa trabaho.

Para po sa inyong kaalaman, ang Arco Metal Corp. ay nagsimula lamang bilang isang maliit na bodega at machine shop na lumilikha ng spare parts ng motorsiklo. Sa maliit na panahon ay naging ganap na pabrika at nagawa nitong mamonopolyo ang supply sa halos lahat ng motorcycle company sa loob ng bansa. Nagsimula ding magig exporter ang Arco Metal at tuluyang namayagpag sa merkado sa buong dekada 90, sa mismong panahon kung kailan nagkaroon kami ng unyon at CBA.

Kaya't bakit nila kailangang buwagin ang unyon kung ang pagiging organisado ng mga manggagawa ang naging susi sa paglikha ng mas masinop at de kalidad na produkto ng Arco Metal. Hindi maikakaila ng management na dahil sa pagkilala nila sa mga karapatan naming mga empleyado ay tumaas ang kumpiyansa ng mga supplier at customer na siyang ugat kung bakit lumobo ng husto ang tubo at kapital ng kumpanya. Kaya nga nakapagpatayo sila ng isa pang pabrika, ang Metalcast Corporation na matatagpuan sa Cavite. Gusto ba nilang palabasin na kaming mga empleyado nila ay walang naging kontribusyon sa pag-unlad ng kumpanya?

Kung sadyang mababangkarote ang Arco Metal Corporation, matatanggap namin ang proseso na gustong mangyari ng management. Pero, dahil hawak namin ang lahatng patunay na nananatling matatag ang kumpanya, hindi namin papayagan ang kanilang maitim na hangarin.

Ito ang dahilan kung bakit kami nagtayo ng piket sa harapan ng pabrika. Kung bakit kami ngayon ay nagpuprotesta at kinukundena ang baluktot na hakbangin ng management sa pangunguna ng may-ari ng kumpanya na si Mr. Salvador Uy.

Mga kamanggagawa at kababayan, kung mababasa at maiintindihan mo ang aming saloobin, hihilingin namin na samahan mo kami sa aming pakikibaka. Hindi mo man kami pisikal na masusuportahan sa gagawin naming mga protesta, sapat na sa amin na maging kaisa ka namin sa pagkundena laban sa mga kumpanyang katulad ng Arco Metal na walang iniisip kundi ang magkamal ng tubo at tayong mga manggagawa ay itatapon na lamang matapos pigain ang lakas at mapakinabangan. Hindi man namin kayo makakasama sa aming mga itinakdang pagkilos, sapat na sa amin na isama ninyo sa inyong mga panalangin ang aming tagumpay.

At alam namin na magtatagumpay kami dahil kaisa namin kayo sa aming paninindigan at ipinaglalaban.

ANG TAGUMPAY NG AMING LABAN AY TAGUMPAY NG LAHAT NG MANGGAGAWA LABAN SA MGA MAPANLINLANG NA KAPITALISTA!

MARAMING SALAMAT!

SAMAHAN NG MANGGAGAWA SA ARCO METAL (SAMARM)

Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Mensahe ng Sanlakas sa Kongreso ng ZOTO

MENSAHE NG PAKIKIISA NG SANLAKAS
PARA SA KONGRESO 2011 NG ZOTO
24 Setyembre 2011

Buong pagpupugay na ipinaaabot ng Sanlakas ang pinakamainit na pagbati ng progresibo demokratikong pagkakaisa sa lahat ng ating mga kasama at kasaping samahan ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) sa di-malilimutang okasyon ng inyong Kongreso 2011!

Ang inyong Kongreso ngayon at ang masigla't aktibong partisipasyon ng inyong mga kasapi at lider ay matatag na patunay na ang ZOTO ay nananatiling isa sa mga ilang tumagal na organisasyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang inyong patuloy na kasaysayan ng mga matitinding pakikibakang masa para sa tunay na panlipunang pagpapalaya ng pinagsasamantalahan at inaaping maralita ng lungsod sa higit sa apat na dekada ay malinaw na isang inspirasyon para sa malawak na progresibong kilusan ng masa hanggang ngayon.

Ang inyong mga pakikibakang masa noon pa man sa tabing-dagat ng Tondo para sa katarungang panlipunan, demokrasya at tunay na progreso sa panahon ng Unang Sigwa ay isang matinding tagumpay para sa mga maralita ng lungsod. Nangyari ito noong lumitaw pasista diktadurang Marcos ay nagsisimula nang supilin ang batayang masa. Gayunpaman, ang inyong mga militanteng paglutas upang manalo ay tiyak na mananatiling isang nakakaantig na halimbawa ng kung anong magagawa ng malawak na uring manggagawa at makakamit sa pamamagitan ng nagkakaisang paglaban bilang isang solong kilusan para sa tunay na panlipunang pagbabago.

Sa nakalipas na apatnapung taon, at lalo na sa mga nakaraang dekada ng militanteng mga pakikibaka ng masa laban sa mga reaksyonaryong patakaran ng estado ng rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo, nanatiling nasa unahan ang ZOTO sa progresibong kilusan ng masa. Sa inyong sektoral at pangkomunidad na pamumuno, muling pinakikita ng ZOTO ang mahigpit nitong tangan sa prinsipyo at kolektibong paglaban upang tutulan at itigil ang anti-mahihirap at anti-demokratikong direksyon ng rehimeng GMA, sa lokal at pambansang arena ng pakikibaka.

At kahit ngayon, na may pro-elite at anti-masang karakter at tendensiya ng kasalukuyang rehimeng PNoy, ang progresibong kilusan ng masa sa Pilipinas ay hindi maaaring pumayag na magsawalang-kibo na lamang, kahit na para sa isang sandali. Sa kasalukuyan at pagbabago-bago ng pambansang kalagayan, at higit pa sa pulitikal na panahong daratal, ang batayang masa, lalo na tayong mga organisadong pwersa ay dapat patuloy na patindihin ang ating kolektibo't demokratikong tungkulin upang bumuo ng mataas na organisado at epektibong malalakas at banat na organisasyong masa. Tiyak na ang may kamalayan at nagkakaisang kilusang masa lamang ang mangunguna para sa isang mahalaga at matagumpay na sistematikong pagbabago ng lipunang Pilipino sahinaharap.

Kung gayon, kami sa SANLAKAS ay patuloy na kikilalanin ang natatanging ambag ng ZOTO sa ating pangkalahatang layunin. Ganap naming minamahalaga ang matiyagaat patuloy nitong pag-oorganisa - ang pagsisikap sa gawaing pagpapalawak at pagkokonsolida - upang mabigyang kapangyarihan ang masang maralita. Ito'y inyong isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-aaral, pag-oorganisa at pagmomobilisa ng mga walang kapangyarihang mayorya ng lipunan. Ito ang mga nagawa ng inyong organisasyon mula pa noong 1970, at itong inyong patuloy na paninindigan ay inaasahan naming inyong ipagpapatuloy hanggang sa ang tunay na panlipunang kalayaan ay makamit ng sambayanan.

IPAGPATULOY ANG PAKIKIBAKA PARA SA TUNAY NA PANLIPUNANG PAGBABAGO!
PATULOY NA ISULONG ANG PAGPAPALAYA NG MGA MARALITA!
MABUHAY ANG ZONE-ONE TONDO ORGANIZATION!



SANLAKAS SOLIDARITY MESSAGE
FOR THE 2011 ZOTO CONGRESS
24 September 2011

SANLAKAS proudly extends its warmest greetings of progressive democratic solidarity to all our kasamas and member-organizations of the Zone-One Tondo Organization (ZOTO) on this memorable occasion of your 2011 Congress!

Your Congress today and the vibrantly active participation of your members and leaders is solid proof that ZOTO remains one of the very few surviving and historic people’s organizations in the Philippines. Your continuing story of hard-fought mass struggles for the genuine social liberation of the exploited and oppressed urban poor after more than four decades is clearly an inspiring story for the broad progressive mass movement until now.

Your earliest mass struggles in the Tondo Foreshore area for social justice, democracy and true progress during the First Quarter Storm period was a smashing success for the urban poor. This happened at a time when the still-emergent fascist Marcos Dictatorship was just beginning to repress the basic masses. However, your militant resolve to win certainly remains a rousing example of what the broad working-class masses can and, still achieve through united fight-backs as one single movement for real social change.

Over the past forty-years, and especially in the past decade of militant mass battles against the reactionary state policies of the Gloria Macapagal-Arroyo Regime, ZOTO remained in the frontline of the progressive mass movement. With your sectoral and community-oriented leadership, ZOTO once again showed its firmest and principled courage in our collective resistance to oppose and stop the GMA Regime’s anti-poor and anti-democratic direction, both in the local and national arenas of struggle.

And even now, with the current PNoy Regime’s pro-elite and anti-masses character and tendency, the Philippine progressive mass movement cannot allow its guard down at all, even for a single moment. In the presently (and still) shifting national situation, and more so in the political period ahead, the basic masses, and especially all of us in the organized forces must continue to intensify our collective democratic duty to build highly organized and effectively strong and resilient mass organizations. Definitely and for sure, only a conscious and unified mass movement can become the spearhead for an urgent and triumphant systemic change in Philippine society in the future.

It is in this regard, therefore, that we in SANLAKAS continue to recognize ZOTO’s unique and unqualified contributions to our common general cause. We fully value ZOTO’s persistent and consistent organizing—through both your expansion and consolidation work efforts—to help empower the poor masses. This you do primarily through educating, organizing and mobilizing the disempowered social majority. This is what you have organizationally accomplished since 1970, and it is this resolute commitment of yours which we wish you will continue to carry out until real social liberation is achieved for our people.

CONTINUE THE STRUGGLE FOR GENUINE SOCIAL CHANGE!
ALWAYS ADVANCE THE LIBERATION OF THE POOR!
MABUHAY ANG ZONE-ONE TONDO ORGANIZATION!