Martes, Abril 4, 2017

Pakikiisa ng BMP sa pagkakatatag ng ORIANG

Pakikiisa ng BMP sa pagkakatatag ng ORIANG

Maalab na pagbati at pagpupugay ang ipinaabot ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa liderato at kasapian ng ORIANG – ang bagong tatag na kilusan ng kababaihan sa bansa. 

Tunay ngang hindi lalaya ang lipunan sa diskriminasyon, karahasan, kahirapan, kaapihan at pagsasamantala ng tao sa tao kung hindi lumalaya ang kababaihan. Kaisa niyo kami sa paninindigang ang umiiral na sistemang kapital at ang patriyarkal na kaayusan ang siyang ugat ng mga suliraning kinahaharap hindi lamang ng kababaihang manggagawa – na kalahati na kabuuang pwersa ng paggawa – kundi maging ng lipunan sa kabuuan. 

Ang patriyarkal na mga istruktura sa lipunan – mula sa larangan ng ideya hanggang sa kongkretong realidad – ay hadlang sa pagpapanday ng pagkakaisa ng manggagawa “bilang uri”, na esensyal na sangkap sa pagtitipon ng mapagpalayang pwersa para baguhin ang lipunan at palitan ito ng lipunang tunay na nagsisilbi sa lahat ng kasapi ng sosyedad. 

Sa hanay ng manggagwa, panahon na para iwaksi ang mga naagnas at makalumang mga kaisipang tinatanaw ang kababaihan bilang “pambahay lamang”, “mahinang kasarian”, “pang-aliw”, “mga puta”, atbp. Lahat ng ganitong ideya ay tahasan nating idinedeklara bilang mga reaksyonaryong pananaw na kumakalawang sa pinapanday nating ganap na pagkakaisa ng uring manggagawa. 

Wasto rin ang inyong pagsusuri sa ugat ng kahirapan – ang pribadong pag-aari sa mga kasangkapan sa produksyon (at reproduksyon), na nagdulot ng pagsasamantala ng tao sa tao. Tama lamang na balikan ang istorikal na ugat ng kaapihan sa kababaihan, nang malusaw ang primibo komunal na lipunan at kinamkam ng mga amo ang mga alipin bilang kanilang “pag-aari”, kasama ang mga kababaihan na siyang “unang pribadong pag-aari” para tiyakin ang ipamamanang pag-aari ng mga naghaharing uri.

Biyernes, Marso 31, 2017

Pahayag ng Paninindigan at Pagkakaisa ng Oriang






ORIANG KONGRESO NG PAGPUNDAR, Marso, 2017

PAHAYAG NG PANININDIGAN AT PAGKAKAISA ng ORIANG

Mula sa mataimtim na paniniwala na may angking tapang, lakas, kakayahan at talino ang kababaihang Pilipino, namamuno sa pagbabago ng kanilang kasalukuyang kalagayan at ang hinaharap, na nagdudulot ng labis na pasakit sa kanila,

Bilang pagkilala na kagyat ang pangangailan ng pagbabago dahil sa iba’tibang anyo ng diskriminasyon, pagsasamantala at kaapihan na nararanasan ng mga kababaihan sa pang-araw-araw, sa loob man o labas ng tahanan,

Dahil mahigpit na gagap natin mula sa pang-araw-araw na karanasan ang pagmamaliit at pagsasawalang-halaga sa kasarian at katauhan ng mga kababaihan na nasasalamin sa iba’t ibang paraang tulad ng mga sumusunod na halimbawa:

o patuloy na karahasan at pananakot laban sa kababaihan

o sa sitwasyong mababa at di-makatarungan ang pasahod sa mga manggagawa, lalo pang mas mababang kita at sahod ng kababaihan; lalo pang mas malalang katayuan ng kababaihan sa sitwasyong di-makatarungang kalagayan sa paggawa, kawalan ng seguridad sa trabaho, kakulangan ng mga mga batayang benepisyo at kontraktwalisasyon 

o diskriminasyon laban sa kababaihan sa tipo at anyo ng trabaho na mapapasukan

o mas mabigat na pananagutan at mahabang panahong iginuguol sa pag-aaruga ng pamilya at pamamahay; 

o paggamit sa katawan ng kababaihan, at paggamit sa mga kababaihan bilang "sex objects" para sa pagkamal ng tubo; pagtrato sa kababaihan bilang kalakal; kasama na ang industriyang prostitusyon;

o pagpapawalang-halaga sa kaalaman ng kababaihan, lalu na ang mga kababaihang katutubo

o pagyurak sa karapatan ng mga kababaihan, laluna sa akses at control ng mga rekurso tulad ng lupa at edukasyon, at sa kalusugang sekswal at karapatan pang-reproduksyon

o pagsagka sa kalayaang pagpasyahan ang sariling oryentasyong sekswal

Batay sa pagsusuri na ang naghaharing sistemang kapitalismo at patriyarkiya sa ating bansa at maging sa buong mundo ang di lamang nagbunsod ng ganitong kalagayan, kundi patuloy itong pinalalalim at pinagsasamantalahan,

Ayon sa matibay na paninindigan na wala nang ibang higit na nakakaunawa sa kalagayan ng mga kababaihan at may pangunahing interes na buwagin ang sistemang ito kundi mga kababaihan mismo,

Kami, mga kababaihang nagmula sa iba’t ibang sektor ay nagsasama-sama sa organisasyong Oriang, isang bagong kilusang peminista na

 Hangad ang lubusang paglaya ng mga kababaihan mula sa diskriminasyon at karahasan, kahirapan at kaapihan,

 Minamahalaga at ipinagdiriwang ang malayo ng inabot ng kilusang kababaihan sa Pilipinas at sa buong daigdig sa pakikipaglaban sa kapakanan, karapatan at kalayaan ng kababaihan,

 Humahalaw ng aral at humuhugot ng inspirasyon at lakas ng loob mula sa iba pang babaeng Pilipino tulad ni Gregoria de Jesus at marami pang ibang lumaban, nagtalaga ng maraming oras, at nagbuwis ng buhay sa paghahangad ng mas makataong pamumuhay at lipunan,

 Nanindigan na ipagbuklod-buklod ang aming mga karanasan, kakayahan, talino, lakas, sipag at mithiin tungo sa pagkamit ng kalayaan, lubos na pagtamasa ng mga karapatan ng mga kababaihan, at sasariling kapasyahan sa pag-iisip, pamumuhay at katauhan.

Pinagtitibay ngayong ika-31 ng Marso 2017, Lungsod Quezon

New Women's Movement ORIANG Launched


Oriang Press Release March 31, 2017

NEW WOMEN’S MOVEMENT ORIANG LAUNCHED, WOMEN LEADERS CONVENE FOR PROGRAMS ON WOMEN’S RIGHTS, GENDER JUSTICE, PROTEST AGAINST DO 174 AND CONTINUING LABOR CONTRACTUALIZATION, IN QUEZON CITY

Oriang, a new women’s movement, was launched on the final day of this year’s Women’s Month, attended by over a hundred women leaders from across social and sectoral organizations in the country.

The movement was founded as a contribution of women activists to the growing women’s movement and to the expansion of the fight for women’s rights and for gender and social justice. “Oriang is a movement named after one of the remarkable Filipino women revolutionaries: Gregoria De Jesus,” said Oriang Organizing Committee member Lidy Nacpil. “We take her name to honor her, to hold her up as a shining example of women going beyond the boundaries of tradition, women of courage and daring, women giving their lives for the liberation of their country and their people,” said Nacpil.

“We take her name to send a message that the task of revolutionary transformation has not been completed, that this task is now more urgent than ever,” continued Nacpil. 

Oriang’s Founding Congress carried the theme “Kababaihang Lumalaban para sa Kalayaan, Karapatan at Sariling Kapasyahan” as it formally convened to forge and implement programs and strategies for organizing and mobilizing women. Veteran feminist activists engaged in multi-sectoral and social struggles brought to the forefront of the assembly current issues that have been significantly impacting everyday lives of women across the country. Among the issues deliberated upon were climate justice, defense of democracy, workers’ rights, the right to livelihood and housing, the state of human rights in the country, and women-centric issues such as the fight for reproductive justice, freedom from discrimination and violence against women, and women’s social and economic emancipation and political empowerment.

“Oriang believes that women’s struggles intersect with every other struggle,” said Nacpil. “It is important that in tackling any social issue, we do not forget to look through the lens of the woman’s plight. Women, after all, are twice impacted by each societal problem — as a woman and as a citizen,” said Nacpil. Nacpil, as a feminist activist currently engaged in the global movement for climate justice, cited the domestic and social struggles endured by women residing in regional areas across the globe where the worst effects of climate change are being felt. “That is one among many issues where women suffer twofold,” said Nacpil. “Oriang fights to make the extraordinary struggles of these women known and eradicated,” said Nacpil.

After the assembly, women leaders composing Oriang gathered outside the Social Security System building where the assembly was held, to join in the widening call against DO 174 and the continuing problem of labor contractualization. Oriang condemned the Department Order by the Department of Labor and Employment as a move to detract from fulfilling the true call of movements and organizations fighting against contractualization: to end labor contractualization unconditionally.

Huwebes, Hulyo 7, 2016

Justice for Gloria Capitan! Stop the Killing of Climate Justice Activists

JUSTICE FOR GLORIA CAPITAN! STOP THE KILLING OF CLIMATE JUSTICE ACTIVISTS!

We condemn the killing of Gloria Capitan, Filipino woman  leader-activist of KILUSAN, a member organization of the Philippine Movement for Climate Justice. Ate Glo, as she is called by people close to her, was shot by motorcycle-riding gunmen last July 1.  She was 57 years old, a mother and a grandmother.

Ate Glo was very active in the fight against coal and led in a series of mass actions and petitions calling for a permanent closure of a coal stockpile in their village.

If this is an attempt to silence other anti-coal activists like her, then they are mistaken. On the ground where Ate Glo's body fell, where the blood from her body flowed, more anti-coal and climate justice activists will sprout.

We are activists and movements from all corners of the world.  Ate Glo’s sacrifice only further strengthens  our  solidarity and our conviction that this evil menace which is coal must end.  We will persevere in this fight and see to it that our children and the children of our children will be free from coal.

We join the clamor for the Philippine government to immediately launch a thorough investigation of her killing and bring the perpetrators  to justice.

SIGNED :

Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ)
Asian Peoples Movement on Debt and Development (APMDD)
Alyansa Tigil Mina (ATM)
Freedom From Debt Coalition (FDC)
Sanlakas
Our Rivers Our Life Philippines (OROL)
Gitib Mindinao
Bukluran ng Manggawang Pilipino (BMP)
Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)
Youth for Climate Justice Pilipinas (Y4CJ)
Koalisyon Pabahay Pilipinas (KPP)
Makabayan Pilipinas
Kalayaan Pilipinas
Green Convergence for Safe Food, Healthy Environment and Sustainable Economy
Bishop Broderick Pabillo
RECON Phils.
FPE-Mindanao Regional Unit
The Climate Reality Project Philippines
Ecological Society of the Philippines
Germelino M. Bautista
Greenresearch
FR. JOEL TABORA, S.J.
PROMISI
UNLAD
SASFA
Tess Tabada
Focus on the Global South
Aniban ng Mangagawa sa Agrikultura (AMA)
Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM)
No Nukes Asia Forum
Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan (PKKK)
FDC-Western Mindanao Region
PALAG Mindanao
PMCJ-Western Mindanao Chapter
Sanlakas Misamis Occidental
APL Youth-SENTRO
Tambuyog Development Center
Philippine Human Rights Information Center (PHILRIGHTS)
Center for Energy, Ecology and Development (CEED)
Socsargen Cared
World March of Women - Pilipinas and Coalition Against Trafficking in Women - Asia Pacific (CATW-AP)
Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO)
Citizens' Environment Network (CEN).

Biyernes, Mayo 27, 2016

"Panalo ngunit hindi ipinroklama" - Ating Guro



PANALO NGUNIT HINDI IPRINOKLAMA!
(Pahayag Pangmadla ng ATING GURO Partylist)

“Ang alam ko nga panalo kayo eh. Nagulat ako at hindi kayo kasama sa naiproklama.” Ito ang tugon ni COMELEC Chairman Andres Bautista nang tanungin ng isa sa ating mga lider noong makasalubong siya nung Lunes, Mayo 23 habang patungo siya sa Manila Cathedral. “Nai-file na po namin ang petition to correct manifest error kanina Chairman.” Ito naman ang sagot ng ating lider. “Good, that’s good. Kasi nga kahit bigyan pa ng 2 seats ang Coop-Natcco ay papasok pa rin kayo.” Ito ang muli niyang tugon. Sayang at hindi na-record sa video ang usapang ito na halos may pag-amin mula sa Comelec Chairman mismo na sila ay nagkamali.

Ganito rin ang sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez nung sumilip siya sa ating tent noong Miyerkules, Mayo 25. Ayon sa kanya, “Ang alam ko ay panalo kayo, kasi kasama nga kayo sa proclamation program.” Maging ang mga empleyado ng COMELEC sa ERSD nung kumuha tayo ng mga dokumento noong Mayo 20, isang araw matapos ang proklamasyon ay gayundin ang sinasabi. Maraming empleyado at isang abogado rin ng COMELEC ang bumati sa atin ng “Congratulations!” Buong akala nila ay naiproklama tayo.

Kung ang mga taga-COMELEC, kasama ang Chairman mismo nito ay inaakalang panalo o naiproklama tayo, lalo naman ang madlang nanonood ng telebisyon noong gabi ng Mayo 19. Paulit-ulit kasing  naipalabas sa TV maging sa mga online edition ng balita na kasama ang ATING GURO Partylist sa mga nanalong partido noong nakaraang halalan. Pero ang masakit na katotohanan, HINDI TAYO IPRINOKLAMA AT NAGANAP ANG ‘PAGKAKAMALI’ ILANG MINUTO BAGO ANG AKTUWAL NA PROKLAMASYON.

ANO ANG NANGYARI NOONG MAY 19?
Narito ang ilang pangyayari noong Mayo 19 sa PICC kung saan ginaganap ang canvassing para sa mga senador at partylist:
• Bandang alas-diyes ng umaga (10:00am) ay naglabas ng papel ang COMELEC na ipinakikita ang tally ng boto ng lahat partylist at ang seat allocation. Mayroong 1 seat ang ATING GURO sa papel na ito.
• Bandang alas-dos ng hapon (2:00pm) ay pansamantalang itinigil ang sesyon upang paghandaan ang gaganaping proklamasyon na nakatakda ng alas-tres ng hapon (3:00pm) para sa labindalawang senador at alas-singko ng hapon (5:00pm) para sa mga partylist.
• Nakakuha tayo ng kopya ng proclamation program bandang alas-tres ng hapon (3:00pm) kung saan nakalista ang pangalan ng ating partido sa mga nakatakdang iproklama at sa atin ibibigay ang pinakahuling upuan.
• Bandang alas-singko (5:00pm) nang papasok na sa PICC ang ating mga watchers ay hindi sila pinayagan at hindi binigyan ng ID. Nakakagulat sapagkat binigyan ng ID na may tatak na “PARTYLIST-ELECT” ang ibang partido, kahit pa ang mas mababa ang boto kaysa atin at hindi kabilang sa magaganap na proklamasyon.
• Nang tinanong ng ating watcher kung bakit hindi tayo binibigyan ng ID, ang sagot sa kanya ng isang personnel ay, “May isyu pa sa inyo.”
• Nagsimula na ang proklamasyon pasado alas-sais ng gabi subalit hindi pa rin nakakapasok ang ating watchers, kaya isa sa kanila ay nakapagtaas ng boses sa ilang mga taga-COMELEC, dahilan kung bakit siya ay na-hold ng security at dinala sa isang sulok kaya lalo tayong nawalan ng bantay sa loob.
• Pasado alas-siyete nang i-anunsiyo na dalawang upuan ang ibibigay sa COOP-NATCCO. Sa pagpapatuloy ng proklamasyon, sa AGBIAG ibinigay ang huling upuan. Sa suma total, 46 na partido lamang ang nabigyan imbes na 47.
• Nagtangkang magpahayag ng pagtutol ang ating abogado, subalit nagsabi ang COMELEC na isulat na lamang ang  mga apela o manipestasyon.

PARA TAYONG INAGAWAN NG DIPLOMA
Maihahalintulad ang ginawa sa atin ng COMELEC sa graduation. Handa na sana tayong mag-martsa sa entablado, subalit pagdating sa bahaging tatawagin na ang pangalan ay biglang hindi tayo natawag. Ano ito, isang pagkakamali lamang ba? Hindi! Hindi maaari. Sapagkat kagaya rin sa mga graduation, hindi natin inilalagay sa programa ang pangalan ng batang hindi naka-comply sa lahat ng requirements. Bago kasi mailagay ang pangalan niya, ito ay masusi nating pinag-aaralan. Tinitiyak kung kumpleto ba ang kanyang units. Wala siyang back subjects. Napirmahan ng lahat ng guro ang kanyang forms. At bandang huli, dumadaan siya sa deliberation. Ganito tayo ka-sistematiko sa mga paaralan. Kung hindi natin magagawa ang mga ito, mahihiya tayo sa ating mga sarili at tila napaka-iresponsable naman natin. Isipin na lamang natin na papipilahin natin sa graduation march at ililista ang pangalan ng isang bata na hindi naman pala candidate sa graduation. At sa puntong handa na niyang tanggapin ang kanyang diploma ay sasabihin nating hindi pala siya ga-graduate.

SAAN KAYO NAGKAMALI?
Bakit noong una ay consistent ang COMELEC na tayo ay kabilang sa mga nanalo? Iyon ay dahil sinunod nila sa simula ang tamang alokasyon ng upuan sa partylist ayon sa itinakda ng Korte Suprema sa kasong BANAT vs. COMELEC noong 2009, kung saan itinatakda ang pagtatalaga ng upuan sa mga kinatawan ng partylist sa Kongreso. Batay sa teknikal na mga batayan, papasok ang ATING GURO sa winning circle. Ganito rin ang kompyutasyon natin at ng lahat ng partido na naroon- tayo ang makakakuha ng huling upuan.

Hindi dapat nabigyan ng additional seat ang COOP-NATCCO at ang seat na ito ay dapat ipagkaloob sa ATING GURO. Kung sa naunang kuwenta ng seat allocation at sa program of proclamation ay kasama ang ATING GURO, bakit bigla-bigla ay hindi siya naiproklama? Ano ang nangyari?

NOT ONCE, BUT TWICE!
Ayaw nating mag-isip ng malisyoso, kaya hinahamon natin ang COMELEC na agad sagutin ang ating petisyon at itama ang pagkakamali. Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito sa ATING GURO. Maging noong 2013 elections ay qualified sa seat allocation ang ATING GURO subalit, gaya nang maaaring mangyari ngayon, nagkaloob ng excess seat ang COMELEC sa ilang maimpluwensiya at mayamang mga partido. Sinikap ng ATING GURO na habulin iyon sa Supreme Court subalit natapos na ang 2016 elections ay hindi pa ito nadesisyunan. Ngayon, ayaw na nating paabutin muli sa Korte Suprema ang usapin at hinihiling natin sa COMELEC na resolbahin na sa sarili nitong kapasidad ang pagkakamaling nagawa niya noong Mayo 19, 2016.

ATING GURO ANG TINIG NG MGA GURO AT KARANIWANG TAO SA KONGRESO
Walang pera at walang impluwensiya ang ATING GURO, tanging sakripisyo at sinseridad lamang ng mga kasapi nito na maglingkod sa mga guro at sektor ng edukasyon. Huwag naman sanang ipagkait sa atin muli ang upuang ipinaglaban natin nang tapat at may determinasyon. Huwag naman sanang pagkaitan ng representasyon ang tanging partylist na nagtiwala sa isang public school teacher bilang first nominee nito sa Kongreso.

IPROKLAMA ANG ATING GURO, NGAYON NA!

ATING GURO Partylist
Mayo 27, 2016

Martes, Abril 19, 2016

Sanlakas joins "martsa ng Magsasaka" in petition before Supreme Court

PRESS RELEASE
April 19, 2016
Sanlakas

Militant partylist joins "martsa ng Magsasaka" in petition before Supreme Court

Sanlakas asks the SC not to allow Danding
to massacre farmers' claim to coco levy

The "Martsa ng Magsasaka", a 135-kilometer march by coco farmers from Sariaya, Quezon province to Manila, enters its eight day with a picket before the Supreme Court in Padre Faura today to seek the reversal of an earlier decision in 2011, which granted 20 percent of the coco levy fund to Marcos crony and presidential uncle Eduardo "Danding" cojuangco.

The coco levy refers to the fund collected from coconut farmers, primarily from the Bondoc peninsula, in the 1970s and 1980s by the Marcos regime. It was used by Cojuangco to secure control of the San Miguel Corporation (SMC), which earned him the monicker "Pac Man" from the anti-dictatorship mosquito press.

The march was joined in by a contingent from militant partylist Sanlakas, which appealed for a "finality on the gross injustice committed to generations of small coconut farmers".

Oyette Zacate, Sanlakas 4th nominee, said, "More than four decades of injustice is enough. The coco levy was extracted forcibly and under duress from our lowly magniniyog. While the presidential uncle may claim that the fund grew as it was used to buy shares from a blue chip company, he has no right to claim the fruits of his speculative gamble since it is a product of the hardwork and sacrifice of thousands of coco farmers, not by the Cojuangco who merely stole it from them".

She added, "This is but pure and absolute swindle by a crony. We call on the legal luminaries of the judiciary, not to allow Danding to render another kind of butchery of the farmers' welfare - not with bulletes and armed force as in the case of the Mendiola, Lupao, Luisita, and Kidapawan massacres, but through an unjust and unreasonable court decision".

Sanlakas is also demanding the full and direct control by the coco farmers of the 31 percent of coco levy in SMC shares that was granted by the high court to the Republic of the Philippines in trust for al the coconut farmers. It was reduced to 24 percent in 2011, amounting to more than P70 billion, and remitted to the national treasury in October 2012.

"We ask the court to revisit its definition of the term 'ownership' in its earlier decision. Generally, an owner enjoys the power to decide on a thing that he or she owns. But in the decision with regard the coco levy fund, a portion of the fund was deemed owned by the coconut farmers, but can decide on the fund only through the Philippine government who has sole decision making powers over the said fund", Zacate clarified.

The multisectoral coalition Sanlakas is running in the coming partylist elections with the demand for "land reform and social services for the farmers sector" in its platform. Zacate concluded, "The Philippine government must reverse its abandonment of local agriculture as it pursues the policy of import liberalization for an export-oriented, import-dependent service economy. Our lack of food security and sovereignty is a threat to the survival of the Filipino people".

Lunes, Abril 18, 2016

Buhay na may DIGNIDAD para sa lahat!

BUHAY NA MAY DIGNIDAD PARA SA LAHAT!

Eleksyon na naman. Muling humaharap ang mga kandidato para manuyo ng ating boto. Ang tanong natin sa kanila: May alok ba silang solusyon sa mga problema na dekada nang pasan ng masang Pilipino? May balak ba silang baguhin ang sistema ng pamamalakad sa ekonomiya at pulitika ng bansa para makamit ng lahat ng Pilipino ang buhay na may dignidad?

Ano ang ibig sabihin ng buhay na may dignidad para sa lahat? Sa maikling pakahulugan, ito ay pagkilala at pagbibigay-garantiya ng estado sa karapatan ng mamamayan na magtamasa ng de-kalidad na mga serbisyo at magkaroon ng mas malawak na oportunidad para sa higit pang pag-unlad ng ating pamumuhay. Ito mismo ang itinatadhana ng Seksyon 9, Artikulo II ng ating Saligang Batas.

Sa kongkreto, ito ay karapatan ng mga Pilipino sa full employment, full protection at living wage. Karapatan natin na magkaroon ng trabahong regular hindi kontraktwal, sapat na sweldo at iba pang benepisyo, at maging ang kalayaang mag-unyon at makipagtawaran para sa pagpapabuti pa ng ating kalagayan.

Sa mga magsasaka sa kanayunan, ito ay pagkamit ng social justice sa pamamagitan ng repormang agraryo, proteksyon sa hanapbuhay, modernisasyon ng sakahan, at seguridad sa pagkain ng buong sambayanan.

Ngunit nakalulungkot isipin na makalipas ang 30 taon ng Edsa Revolution at ratipikasyon ng ating Konstitusyon, ang maginhawang buhay ay nananatiling mailap na pangarap ng mga Pilipino. Isa sa apat na Pinoy ang nasa ilalim ng poverty line. Marami ang nakakaranas pa rin ng gutom, walang disenteng tirahan, hindi makatuntong ng kolehiyo, at namamatay ng hindi nagagamot sa ospital. Nagpalit-palit na ang maraming administrasyon, pero ang buhay na may dignidad para sa lahat ay nakalugmok pa rin sa hukay ng mas lumalalim na inekwalidad sa ating bansa.

Trabaho

Mababang sweldo at kontraktwal na trabaho ang kaharap ng problema ng manggagawang Pilipino. Halos 15 milyon ang nabubuhay sa sariling sikap. Bukod dito, halos tatlong milyon ang unemployed - isa sa bawat tatlong kababaihan at isa sa dalawa sa kaso ng kabataan. Pitong milyon ang underemployed o kulang sa trabaho kaya naghahanap pa ng ibang pagkakakitaan. Tatlo sa apat na manggagawa ay naroon sa informal economy na hindi saklaw ng anumang proteksyon at regulasyon ng gobyerno.

Lahat ng kabilang sa hanay na ito ay walang social insurance o anumang ayudang natatanggap mula sa estado. Lalo pang madadagdagan ang bilang na ito kapag nagsibalikan na ang milyun-milyon nating mga OFW na apektado ng krisis sa langis at mga kaguluhan sa Middle East at sa patuloy pang lumalalang krisis sa Europa, maging sa US, Canada at China. Dapat may malinaw na employment program para dito ang pamahalaan.

Proteksyon

Bukod sa mga nabanggit ay milyun-milyon pang mga Pilipino - mga senior citizen, PWDs, lumad, street children, at LGBT ang matagal nang napapabayaan. Gayundin ang mga biktima ng kalamidad. Ang kawalang proteksyon mula sa estado ay lalo pang nagpapahirap sa kanilang buhay at higit na nagpapatingkad sa nakamumuhing inekwalidad sa ating bansa.

Kung ang lahat ay may karapatan sa buhay na may dignidad, bakit napakarami pa ring Pilipino ang marginalized o naiwan ng bus sa Edsa ng pangakong kalayaan, karapatan at pag-unlad?

Hamon sa mga Kandidato ngayong Halalan

Nabigo ang Edsa pero hindi natin isusuko ang pakikipaglaban para sa karapatang magkaroon ng buhay na may dignidad. Para dito, hamunin natin ang mga kandidato na bigyang-buhay ang ating mga pangarap sa pamamagitan ng pagbalangkas ng panlahatan (universal) at komprehensibong social protection program, tulad ng mga ss:

- Disenteng trabaho at kabuhayan, at sweldong nakabubuhay
- Disente, ligtas at abot-kayang pabahay (at sigurado at abot-kayang presyo ng tubig at kuryente)
- Libre at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan
- Ligtas, sapat at abot-kayang pagkain
- Ligtas at maaasahang public transport system
- Libreng edukasyon hanggang kolehiyo
- Pensyong nakabubuhay para sa lahat ng senior citizens at PWDs, at ayudang nakabubuhay sa mga nawalan ng trabaho o biktima ng kalamidad

Marami sa mga nabanggit na pangangailangan ay matutugunan kung lahat ay may regular na trabaho at nakakatanggap ng living wage. Ngunit dahil karamihan ay kontraktwal, walang trabaho at nagtitiis sa impormal na ekonomiya, nagiging obligasyon ngayon ng estado na magbigay ng karampatang social protection sa kanyang mamamayan.

Ang paglikha ng trabaho tulad ng green jobs at social jobs, at maging ang pagsugpo sa kontraktwalisasyon ay dapat pangunahan mismo ng estado. Ang 4Ps ay dapat palawakin at ikabit sa mas malawak na programa ng employment upang maitawid ang marami sa pormal na hanapbuhay sa mga larangan ng housing, health, environment, agriculture at iba pang social infrastructure.

Ang Magna carta for Workers in the Informal Economy (MACWIE) na ngayon ay mas kilala bilang Informal Economy Transition Act ay dapat nang maisabatas.

Dapat magkaroon din ng batas para sa insurance o income guarantees sa mga natatanggal o nawawalan ng trabaho, o sa nawawalan ng kabuhayan dulot ng kalamidad o proyektong pangkaunlaran, tulad ng madalas mangyari sa magsasaka, mangingisda, lumad, maralitang lungsod, at maliit na mangangalakal.

At sa panahon ng climate change, ang social protection ay paraan sa pagtatayo ng climate-resilient na mga komunidad.

Lahat ng senior citizen at PWDs, miyembro man o hindi ng SSS o GSIS, ay dapat may pensyon na sapat sa kanilang pangangailangan. Sa mga walang kapasidad na mag-ambag ng premium sa social security tulad ng mga nasa informal sector, dapat sagutin ng estado ang kanilang kontribusyon sa SSS habang buong subsidy ang para sa mga PWDs at senior.

Dapat magkaroon din ng kontrol sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, asukal, mantika, atbp., maging sa presyo ng kuryente, tubig at gamot.

Naniniwala ang DIGNIDAD na lahat ito ay makakayang gawin kung hahakbang lamang ang ating gobyerno palayo sa mga patakarang idinikta sa atin ng IMF-WB at WTO sa nakaraang ilang dekada tulad ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon sa mga produkto at serbisyo. Ang mga patakarang ito, kakambal ng bulok na pulitika sa bansa, ang dahilan kung bakit hindi umunlad ang ating industriya at napabayaan ang agrikultura na silang pagmumulan dapat ng maraming trabaho.

Mayaman ang ating bansa pero hawak lamang ng iilang kamay. Para lahat ay makinabang sa kaunlaran, kailangan ding baguhin ang sistema ng pagbubuwis at pagbabadyet. Buwisan ng mas malaki ang mayayaman at unahin sa badyet ng pambansang pangangailangan sa halip na debt-service. Alisin ang pork barrel at ilaan ang pondo sa universal protection upang ito ay mailayo sa sistema ng patronage politics.

Kung nakahanda ang mga kandidato na gawin ang mga programang ito, ang buhay na may dignidad para sa lahat ay walang duda na maging realidad sa malapit na hinaharap. ###

DIGNIDAD members: Kampanya para sa Makataong Pamumuhay (KAMP) - Pambansang Tagapag-ugnay ng mga Manggagawa sa Bahay (PATAMABA) - Freedom from Debt Coalition (FDC) - Kilos Maralita (KM) - Institue for Popular Democracy (IPD) - Homenet Philippines - Integrated Rural Development Foundation (IRDF) - WomanHealth Philippines - Katipunang Bagong Pilipina (KABAPA) - Coalition of Services of the Elderly (COSE) - UmalabKa - SANLAKAS - Partido Manggagawa (PM) - KILUSAN - Alab Katipunan - Arya Progresibo (ARYA) - Sarilaya - SENTRO - AKBAYAN - Ating Guro - Metro Manila Vendors Alliance - Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan (PKKK) - FIAN - Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) - PAHRA - NASSA-Social Action Centers - and numerous sectoral and community-based networks. Ang DIGNIDAD ay partner ng Network for Transformative Social Protection (NSTP) sa Asya na nagsusulong ng isang Agenda for a Social ASEAN.