Lunes, Mayo 31, 2010

Teachers Presented Demands to DepEd


Teachers’ Dignity Coalition

“Unity of Teachers to Regain the Dignity of Teaching Profession”
SEC Registration Number: CN 2007-10645
12 Retales corner Joaquin St., T. S. Cruz Subd.,
Quirino Highway, Baesa, Quezon City

Hotline: (02)3853437 • Telefax (02)4543571
Mobile: 0920-5740241/ 0920-4142614

Facebook Account: Teachers’ Dignity
Email: teachersdignity@yahoo.com.ph
Website: www.teachersdignity.com


PRESS RELEASE
31 May 2010


Reference: Benjo Basas, National Chairperson 0920-5740241/ 3853437
Emmalyn Policarpio, Spokeperson 0908-9933045

TEACHERS PRESENTED SOME DEMANDS TO DEPED

The Department of Education (DepEd) seemingly prepared everything for the reopening of classes on June 15. The Brigada Eskuwela, the traditional schools maintenance week program had been successful in almost all areas. The DepEd has reiterated its enrolment policies such as the “No Collection,” “No Refusal,” “No ID and No Uniform” policies among others and had explained it on public. The department also waged a campaign against the Jejemons, a text-internet subculture among the youth.

However, many teachers are still in field collecting information for the 2010 Census of Population and Housing (CPH); some are still waiting for the full payment for their arduous tasks during the first automated elections last May. All of them are hoping that on July 1, 2010, the DBM will release the second tranche of their salary increase under the Salary Standardization Law 3 (SSL of 2009).

The TDC felt that the DepEd might overlook the teachers’ welfare while it is pre-occupied with other matters of education and preparations for the class resumption. While cognizant of the fact that most of the problems of public education system stem from insufficient allocation of budget and national policies on education which need to be overhauled, the TDC challenges DepEd on some demands of the teachers. These are demands that would complement the realization of DepEd’s plan for coming school year, are doable and within the powers of the DepEd:

1. Allocation of greater budget for school maintenance and operation to enforce the “no collection policy”

The DepEd has been very strict on the implementation of no collection policy in all public elementary and secondary schools and identified several fees that are authorized but voluntary. The voluntary nature of this collection did not spare even the PTAs. The TDC is in support of this policy, it only upholds the government’s commitment to deliver free education to its citizens. However, we challenge the DepEd and the entire government as well to allocate funds for the needed maintenance and operation of all schools.

• The recipient organizations of those voluntary collections (Anti-TB, BSP/GSP, Red Cross and PTA) shall assign their personnel to collect the payment and liberate the teachers from any collection

• In most of schools, not only in remote areas but in Metro Manila as well, utility workers or even guards are paid not by the DepEd or the LGU but by the PTA.

• The production cost of review and test materials and the purchase of cleaning materials in each classroom should be funded by the government.

• Some schools enforce the collection of these “authorized voluntary contributions” or even those that are not authorized like tickets etc. in a manner that they appear to be pre-requisite for enrolment or requirement for the release of records.

• In some cases, teacher-advisers of students who failed to settle these contributions are being made liable for such.

2. Clarification on the “No ID and No Uniform Policy”

The DepEd must establish a clear-cut rule on the imposition of “No Uniform and No ID Policy.” The acceptability of fashion or clothes the learners wear must be properly established.

• In urban areas, the policy might be detrimental to the safety and security of the children and school personnel.

• Does it mean we would allow even the Jejemon fashion? The youth subculture of texting and use of internet and even fashion which the DepEd discouraged.

• The school is a training ground for the children’s good manner, proper conduct and discipline. Perhaps the policy might run contrary to this purpose.

3. Class sizes

The minimum class size set by the DepEd is 15 and the maximum is 60 per classroom. Previously, the DepEd’s official class size was 45 during Sec. Abad’s term and 50 during Sec. Lapus’ incumbency. The maximum threshold of 60 students per class might be abused in the field. It gives some administrators the legal and technical alibi to compress the learners at the expense of the teachers’ welfare and the quality of learning process. The problem of overcrowding could be addressed through the creation of more teacher-items, construction of more school buildings or creation of more public schools in densely populated areas.

4. Protection of the rights and welfare of the locally-paid teachers

It is quite disappointing that the epidemic of contractualization has penetrated the public education system through the so called “locally-paid teachers.” They are the teachers of the same training, qualification, job description but often with more amount of work but less amount of compensation than their counterpart DepEd or nationally-paid teachers. They are also called LSB teachers or Local School Board teachers. The source of their salary is the respective school boards of the municipal, city or province.

The DepEd must strictly observe the provision of RA 4670 or the Magna Carta of Public School Teachers, Section 17 of which states that “The salary scales of teachers whose salaries are appropriated by a city, municipal, municipal district, or provincial government, shall not be less than those provided for teachers of the National Government.” Unfortunately, many locally-paid teachers are receiving less, in salaries and other benefits (in case there is such) than their nationally-paid colleagues.

LSB teachers are the most exploited among the teachers in public education system, aside from minimal compensation and uncertain job tenure they are forced to be docile and submissive in the hopes that someday they will be rewarded the much-contested permanent item.

• The DepEd must compel the LGUs to enforce the provision of Magna Carta on the compensation of the LSB teachers.

• There must also be a policy on hiring which gives due consideration to the incumbent LSB teachers in assigning permanent teaching positions from the national government.

Linggo, Abril 25, 2010

Gobyerno ng Masa hindi ng mga trapo at elitista

Gobyerno ng Masa
hindi ng mga trapo at elitista

Gugunitain natin ang Mayo Uno sa taong ito sa gitna ng nagsasalimbayang pangangampanya ng mga kandidato para sa pwesto sa gobyerno mula konsehal ng bayan hanggang pangulo sa Malakanyang. Lahat ay nangangakong sila ay magiging matinong lingkod ng bayan kapag nahalal, lalabanan ang kurapsyon, tatapusin ang kahirapan, magiging tapat na kakampi ng mahihirap at kung anu-ano pang linya ng pagpapahayag na nag-i-enganyong sila ay iboto ng mamamayan.

Kasinungalingang lahat! Wala sa sino man sa mga tradisyunal na kandidato at partidong nangangampanya ngayon ang may kakayanang mabago ang kalagayan ng mga manggagawa, nang dumaraming bilang ng mga maralita at ng masang anakpawis. Sapagkat, ipagpag mo man ng ilang beses ang kanilang plataporma ay di mo makikita ang pagtuligsa sa kapitalistang sistema bilang syang pinag-uugatan ng kahirapan at kaapihan ng masa ng sambayanan.

Ni ang pagsuporta sa mga ipinapanawagang reporma upang maibsan man lamang ang hirap na dinaranas ng mamamayan ay di nila magawa. Wala ni isa sa mga kandidatong presidente ngayon ang nagsasalita laban sa problemang kontraktwalisasyon, demolisyon, oil deregulation law, pribatisasyon, liberalisasyon at sa automatic appropriation. At lalong wala sa mga “prominenteng partido” ang nagpapanukala na baligtarin na ang Neo-liberal na patakarang pang-ekonomiya na isinalaksak sa ating bayan ng mga dambuhalang kapitalista sa daigdig.

Ang mga nabangit na usapin sa itaas ang ekspresyon ng kapitalistang pagsasamantala sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit lumiit na nang todo ang bilang ng mga regular na manggagawa, lumaganap ang mga manggagawang kontraktwal na kapos sa sahod, benepisyo, di tuloy tuloy ang trabaho at wala halos karapatan. Ito rin ang dahilan ng walang awang pagwasak sa mga tahanan ng mga kapatid nating maralita at pagkasadlak sa kagutuman at kaapihan ng maraming mamamayan sa lunsod man o kanayunan.

Kaya’t ang kawalan ng tindig sa mga isyung ito ng mga kandidato ngayon sa pagkapresidente at ng kani-kanilang partido ay ebidensya na walang mapapakinabang ang masa ng sambayanan sa eleksyong ito, sino man sa kanila ang manalo.

Ang mas masama, ang mismong inaasam ng mamamayan na mapalitan na si Gloria Arroyo ay di pa rin syento por yiento, dahil hanggang sa ngayon wala pa ring tigil ang kampo ni Arroyo sa pagmamaniobra para makapanatili sa pwesto. Maugong ang usapin ng Failure of Election! Ang secret deal ng kampo ni Villar at Arroyo (Villaroyo) kasabay ng nabubulgar na mga maniobra bilang paghahanda sa malawakang pandaraya, bago at sa aktwal na halalan.

Anu’t ano man ang kalalabasan, matuloy man o hindi ang eleksyon, walang mapapala ang masang Pilipino. Dahil ito ay labanan lamang sa pagitan ng mga elitistang partido! Kaya’t iikot lamang sa sirkulo ng makakapamayaning partido ang anumang yamang lilikhain ng sambayanan sa darating na anim na taon. Hindi malulutas ang kurapsyon. Hindi malulutas ang kahirapan at ang kaapihang kinasasadlakan ng sambayanan.

Magiging katulad lang sila ng 14 na nagdaang mga presidente at partido na namuno sa gobyerno. Natapos ang kani-kanilang termino nang hindi naresolba ang problema bagkos ay lumala pa. Ito’y sapagkat laban sa kanilang interes, laban sa interes ng kanilang pamilya at laban sa interes ng mga kasapi ng kanilang partido ang totoong solusyon sa problema ng masang Pilipino.

Laban sa kanilang interes na pataasin ang sahod ng mga manggagawa, ipamahagi sa mga magsasaka ang malalawak na lupaing kanilang pag-aari, itigil ang demolisyon, itigil ang oil deregulation law, itigil na ang pagbabayad sa maanomalyang utang sa mga dambuhalang bangko at institusyong pampinansya at ipwesto ang mga lider ng masa sa gobyerno at hindi ang mga elitista. Ito ang panimulang solusyon para sa pagbabago na kailanman ay di nila gagawin.

Hindi sila kundi tayo ang may pinakamatibay na dahilan upang isulong ang pagbabago. Ito ay magagawa natin sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalakas ng ating sariling partido, ng pagpaparami ng mga kasapi ng ating partido na uukupa ng pwesto sa loob ng gobyerno at ng ating tuloy-tuloy na pakikibaka para wakasan ang elitistang pulitika at itayo ang Gobyerno ng Masa.

Lumahok sa ating pagkilos sa Mayo Uno. Gamitin natin ang araw na ito upang irehistro ang ating sariling agenda, ang ating totoong kahilingan para sa kagalingan ng masang manggagawa at maralita.

Mabuhay ang uring manggagawa! Mabuhay ang masang anakpawis!

BMP-KPML-SUPER-MELF-PMT
Abril 19, 2010

Sabado, Pebrero 27, 2010

Hinggil sa Pagbubuo ng MASO

HINGGIL SA PAGBUBUO NG MANUNULAT NA MANGGAGAWA
PARA SA SOSYALISMO (MASO)

Rationale

Kulang na kulang ang mga propagandista para ipatagos sa malawak na masa ang mga isyu't kahilingan ng mga manggagawa. Kaya ang nangyayari, ang mga manggagawa'y laging dehado at naaapi sa kanilang pakikibaka para sa kanilang karapatan sa hanapbuhay at serbisyong panlipunan.

Dahil sa kakulangang ito ng mga manunulat na kakampi ng mga manggagawa sa laban, kinakailangan nating magpalawak at mag-organisa ng mga may kakayahang magsulat sa mga pabrika, unyon at mga komunidad na inuuwian ng mga manggagawa, Maraming manunulat na manggagawa sa mga lugar na nabanggit ngunit di nahahasa dahil wala silang mapagsulatan at wala silang gabay kung saan, para kanino at para saan sila magsusulat.

Bilang mga mulat na manggagawa, naninindigan tayo sa katotohanan, karapatan at tungkuling ilantad ang mga pangyayari at nangyayari sa mga manggagawa sa kasalukuyang lipunan. Materyalista ang ating paraan ng pagsusuri. Ang mga kongklusyon natin ay laging nagmumula sa materyal na batayan, sa sapat at kongkretong imbestigasyon. Hindi tayo nanghuhula ng datos, at lalong hindi nag-iimbento. Kasabay nito, malinaw tayong naninindigan para sa kapakanan ng mga inaapi't pinagsasamantalahan.

Kaya habang lumalawak ang ating hanay, mas kakailanganin natin ang mahusay na makinarya (sa tao, pasilidad, at teknolohiya) para sa mas mabilis na pagsasagawa ng ating mga propaganda. Nariyan ang pangangalap ng datos, pagsusulat, pag-eedit, pagle-layout, pagtitiyak ng pinansya, pag-iimprenta ng mga polyeto't dyaryo, pamamahagi, at pangangalap ng feedback. Dapat nating alalahanin ang magkakambal na problema ng produksyon at distribusyon ng ating mga polyeto at dyaryong nagagawa. Hindi dapat mangyaring natatambak lamang sa isang sulok ang ating mga polyeto't pahayagan nang walang kumukuha. Kaya dapat na maging episyente rin sa paggampan ng trabaho ang ating mga propagandista.

Ang kalagayan ng ating gawaing propaganda ay mailalarawan sa mga sumusunod:

BURGIS NA PROPAGANDA VERSUS SOSYALISTANG PROPAGANDA

1. Para sa mga kapitalista't naghaharing uri sa lipunan VERSUS Para sa uring manggagawa at sa masang anakpawis
2. Sila ang may-ari ng mga kagamitan sa produksyon VERSUS
Ang kanilang tanging pag-aari'y ang kanilang lakas-paggawa
3. Kontrolado ng mga naghaharing uri ang mass media, tulad ng dyaryo, radyo at telebisyon
VERSUS Ang mga nagagamit ay sariling diskarteng media, press statements at press releases
4. Libu-libong dyornalista't manunulat ay empleyado ng naghaharing uri
VERSUS Kaunti ang manunulat at may dyaryong hindi lumabas sa tamang oras dahil sa kakulangan ng pondo
5. Pawang mga nakapagtapos at propesyunal ang mga propagandistang burgis at suportado pa sila ng maayos na makinarya at mabilis na tknolohiya para magampanan ng mahusay ang gawaing propaganda
VERSUS Karaniwa'y di nakakuha ng pormal na kurso sa dyornalismo o masscom ang naglilingkod sa uring anakpawis bilang propagandista, at kulang pa sa kagamitan at pamasahe para makakuha ng mga impormasyong gagamitin sa propaganda
6. Ang burgis na propaganda ay gamit ng kapitalista't naghaharing uri sa lipunan upang idepensa ang kapitalismo at sarili nilang interes VERSUS Ang sosyalistang propaganda ay gamit ng uring manggagawa at anakpawis upang ipahayag ang katotohanan ng nangyayari sa lipunan
7. Diverts attention - using superstitions, religion, telenovela, basketball, atbp. VERSUS Presents truth - using logical proof and arguments
8. Hindi sinasagot at inililihis sa masa ang tunay na dahilan ng mga nangyayari sa lipunan VERSUS Ipinapakita ang tunay na nangyayari sa mga pabrika't komunidad ng maralita
9. Survival of the fittest VERSUS Survival of the humankind
10. Karangalan para sa mga burgis na manawagan ng kumpetisyon VERSUS Karangalan para sa uring manggagawa't maralita ang manawagan ng kooperasyon
11. Ang dulot ng kumpetisyon ay paglalaban-laban, pagkakawatak-watak at pagiging makapera VERSUS Ang dulot ng kooperasyon ay pagtutulungan, pagkakaisa at pagiging makatao
12. Ang programa ng burgis na propaganda ay nakatuon upang palaganapin ang globalisasyon
VERSUS Ang programa ng sosyalistang propaganda ay ipakita sa uring manggagawa't anakpawis ang kanilang makauring interes
13. Ang burgis na propaganda sa esensya ay propaganda ng naghaharing uri VERSUS Ang sosyalistang propaganda sa esensya ay propaganda ng uring manggagawa
14. Instrumento ng supresyon VERSUS Instrumento ng rebolusyon

Ito ang eksaktong layunin ng sosyalistang propagandista: ang dalhin sa masa ang mapagpalayang kaisipan ng proletaryo (uring manggagawa) at imulat sila sa sosyalismo. Inihahanda ng propagandista ang masa sa pakikibaka para sa kanilang sariling interes hanggang sa pagtatayo ng sosyalistang lipunan.

Ang BMP bilang sosyalistang sentro ng manggagawa ay dapat magpakahusay sa gawaing propaganda. Dapat itong makapagsanay ng mga manunulat, makata, mga may kaalaman sa pagpipinta, paggawa ng kanta at iba pang may kinalaman sa gawaing propaganda.

MGA MUNGKAHING DAPAT GAWIN:

1. Tukuyin ang mga manunulat na manggagawa mula sa mga pabrika, unyon, at komunidad na may kasanayan, kahit di pa gaanong nahasa, sa gawaing pagsusulat, at kulumpunin ang mga ito, pulungin, at gawan ng plano.

2. Maglabas ng dyaryo buwanan bawat erya o bawat lokal na organisasyon ng manggagawa upang maging daluyan ng mga talento ng mga manunulat sa mga pabrika at unyon, at komunidad. Ang pagpopondo nito'y dapat planuhin ng mga lider-manggagawa sa mga pabrika at unyon o ng mga lokal na organisasyon ng manggagawa. Maaaring maglabas ng buwanang pahayagan, isang back-to-back na bond paper size na dyaryo, news print, at isang ream (500 kopya) bawat isyu.

3. Pagbubuo ng Manunulat na Manggagawa para sa Sosyalismo (MASO), [ang pangalan ng samahang ito’y mungkahi lamang at maaari pang mabago] bilang unang hakbang sa pagkulumpon ng mga manunulat na manggagawa sa mga pabrika, unyon, at komunidad. Ang oryentasyon nito ay sosyalistang propaganda, kaya nararapat na may kaalaman sila, hindi lamang sa pagsusulat, kundi sa pang-ideyolohiyang kaalaman, lalo na sa pag-unawa sa takbo ng lipunan at sa tunggalian ng mga uri. Ang MASO ay sa ilalim ng gabay ng BMP.

4. Gamiting behikulo ang publikasyong OBRERO, at iba pang dyaryo ng manggagawa sa pabrika, para sa treyning at pag-oorganisa ng mga manunulat na manggagawa.

5. Tutukan ang gawaing pagrerekrut ng mga manunulat mula sa mga pahayagang pangkampus, anak man sila ng manggagawa o hindi, upang sanayin at gawing sosyalistang propagandista ng kilusang manggagawa.


Sinulat ni Greg Bituin Jr.
Pebrero 17, 2010

Sabado, Disyembre 5, 2009

pr - Alma Santolan

ALMA-SANTOLAN
ALYANSA NG MGA MAGKAKAPITBAHAY
SA TABING-ILOG NG SANTOLAN
Santolan, Pasig City

I-justify nang Buo
PRESS RELEASE
Disyembre 4, 2009

Maralita ng Pasig, Nagmartsa Laban sa Demolisyon
HUWAG KAMING ITAPON MULA
DANGER ZONE TUNGO SA DEATH ZONE!


Sa pangunguna ng Alyansa ng mga Magkakapitbahay sa Tabing Ilog ng Santolan, Pasig (ALMA-SANTOLAN), nagmartsa patungong Pasig City Hall kaninang hapon ang mga maralita, kasama ang mga manggagawa mula sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), mga kapwa maralita mula sa Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lunsod (KPML), Partido Lakas ng Masa-Pasig chapter (PLM-Pasig), at mga residente sa palibot ng Manggahan Floodway artsa ang mga maralitang apektado ng demolisyon mula Santolan, Pasig tungo sa Pasig City Hall upang ipanawagan sa mga mamamayan ng Pasig at sa pamahalaang lokal ng Pasig na ayaw nilang ilipat sila sa death zone mula sa danger zone nang wala silang malinaw na pinanghahawakan upang matiyak ang kanilang kasiguraduhan sa paninirahan.

Ayon kay Vergel Velasquez, presidente ng ALMA-SANTOLAN, "Ang nais namin ay moratorium sa demolisyon hangga’t walang maayos at makataong relokasyon, at ang pinakamainam ay in-city relocation upang hindi tayo mapalayo sa ating trabaho at kinalakihang lugar. Ang nais po namin ay katiyakan sa paninirahan. Dapat ipatupad ang 10 meters easement ayon sa Flood Summit at dapat matayuan ng dike ang pampang para maging ligtas ang mga mamamayan ng Santolan. "

Idinagdag pa ni Velasquez, "Marami nang bumalik mula sa Calauan, Laguna dahil wala roong pagkakitaan ang mga tao, malayo sa hanapbuhay nila, malayo ang palengke, ospital at paaralan, at malapit sa bundok na may banta ng landslide. Kung ganito ang nangyayari, bakit pa kami pupunta doon? Dapat ay in-city relocation kung saan malapit ang pagdadalhan sa amin sa aming mga trabaho dito sa Pasig. Ang ilayo kami sa aming pagkukunan ng ikabubuhay ay parang unti-unti na ring pagpatay nila sa aming mga pamilya."

Sinabi naman ni Ka Pedring Fadrigon, pambansang pangulo ng KPML, "Sinisisi ng pamahalaan ang mga maralitang malapit sa ilog na siyang dahilan ng pagkarumi at pagbabara ng mga ilog, gayong di masisi ng pamahalaan ang kanyang sariling kapalpakan. Itinuring agad nila ang mga dukhang parang mga dagang dapat itaboy pagkatapos ng bagyong Ondoy, gayong ang mga iyon ay lehitimong taga-Pasig."

Hanggang ngayon ay nangangamba ang mga maralitang tatamaan ng demolisyon sa mga danger zone kung sila’t tuluyang ililipat sa death zone dahil wala pa silang kasiguraduhan hangga’t wala pa silang napanghahawakang anumang kasunduan na magtitiyak ng maayos at makatarungang paninirahan para sa kani-kanilang pamilya.

Huwebes, Disyembre 3, 2009

bukas na liham - Alma Santolan

Bukas na Liham
Magkaisa! Ipaglaban ang karapatan sa paninirahan!

Magandang araw po sa inyo, mga mahal naming kapitbahay,

Kami po ang nalalabing pamilya na idedemolis sa tabing ilog ng Santolan. Alam po naming alam nyo kung ano ang hirap at pagdurusang dinaranas ng mga apektado ng demolisyon. Bagamat ang hindi apektado sa sukat na 30 meters ay nagiging kampante na, 'yun lang po ang ating iniisip. Sa kabila nito, kung ating iisipin, hindi pa tayo panatag, at maaari pang ubusin tayong mga taga-Santolan na walang pinaghahawakang anumang dokumento o titulo na nagpapatunay na pag-aari natin ito. Wala po tayong kasiguraduhan hangga’t wala pa tayong napanghahawakan kung hanggang saan talaga ang dapat na sukat. Dapat magkaroon ng kasunduan para mawala ang ating pangamba.

Maaari pa ring unti-unti tayong idemolis ng ating lokal na pamahalaan nang walang pakundangan at dalhin kung saan nila gusto ng walang pagkonsidera kahit malulugmok man tayo sa higit na kahirapan. Tulad na lang ng Calauan, Laguna na walang hanapbuhay, matagal magkapera, kaya malaking problema ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang pumaroon na.

Huwag na nating hintayin pang dumating sa puntong madamay tayo. Hindi natin alam ang pamumuhay na ipipilit ng ating lokal na pamahalaan kung tayo'y idemolis pa. Huwag na nating hintayin na matulad sa mga lumipat na sa Calauan na inilikas nga sa danger zone ay isinadlak naman sa death zone. Huwag na nating hintayin pa na pati sarili nating mga anak ay mapariwara at matigil sa pag-aaral, at lalong mapahirapan ng bulok na kalakaran sa ating bayan. Hindi pa huli ang lahat! Ating ipaglaban ang kinabukasan at karapatan ng ating pamilya! Huwag tayo agad magpadala sa pananakot at pag-aralan ang iba pang opsyon.

Alam po namin, napamahal na sa atin ang Santolan na siyang kinagisnan natin, kinalakihan at nakasanayan nating tirahan. Kaya po kumakatok kami sa inyong puso’t isipan na makiisa sa martsa mula Santolan hanggang Pasig City Hall, Biyernes, Disyembre 04, 2009, 2pm, sa Santo Tomas Villanueva Parish Church upang ipaalam sa taong bayan ang pinaggagawa ng lokal na pamahalaan sa mahihirap na katulad natin. Hindi po makatarungan ang pinaggagawa nila sa ating mahihirap. Tungkulin ng pamahalaan ang bigyan ng maayos na pamumuhay at makataong paninirahan at pangalagaan ang karapatan ng kanyang mamamayan.

Ang nais natin ay moratorium sa demolisyon hangga’t walang maayos at makataong relokasyon, at ang pinakamainam ay in-city relocation upang hindi tayo mapalayo sa ating trabaho at kinalakihang lugar. Ang nais po natin ay katiyakan sa paninirahan. Dapat ipatupad ang 10 meters easement ayon sa Flood Summit at dapat matayuan ng dike ang pampang para maging ligtas ang mga mamamayan ng Santolan.

Dito na tayo tumagal. Dito rin tayo natutong mamuhay. Dito rin nagkapamilya. Kung kaya mahalin po natin itong ating lugar. Huwag nating basta-basta ibigay ang karapatan nating mamuhay ng walang alinlangan. Atin ito!!! Ipaglaban natin ang kinabukasan ng ating pamilya.

Nagkakaisang Magkakapitbahay na Apektado sa Tabing Ilog ng Santolan
Disyembre 2, 2009

polyeto - Alma-Santolan - blg. 1

HUWAG ITAPON SA CALAUAN KAMING TAGA-PASIG!

HUWAG KAMING ITAPON MULA DANGER ZONE TUNGO SA DEATH ZONE!

NAIS NAMI'Y KASIGURUHAN SA PANINIRAHAN!

PABAHAY, KABUHAYAN, KATARUNGAN!


Kami, mula sa Alyansa ng mga Magkakapitbahay sa Tabing Ilog ng Santolan, Pasig, ay ididemolis ng pamahalaang lokal at nais nila kaming ilipat sa Calauan, Laguna. Sa lugar na napakalayo at walang pagkakakitaan.

Itatapon kami dahil sakop daw ng danger zone ang aming lugar. Subalit tatanggalin nga kami sa danger zone upang dalhin naman sa death zone dahil wala kami duong ikabubuhay, walang palengke, ospital at paaralan ng mga anak na nag-aaral.

Hindi kami tutol na malipat ng lugar-tirahan subalit kung kami ay palilipatin ay sana sa lugar na kung hindi man mas maigi ay huwag namang mas delikado pa sa dati.

Napakasakit nito para sa amin na pwersahan kaming palipatin sa lugar na walang ikabubuhay. Hindi pa nga kami nakaka-recover sa trauma ng pananalanta ng bagyong Ondoy, ito na naman at rumaragasa ang balitang gigibain ang aming tahanan.

Kayat noong gabi ng Nobyembre 8 ay nakipag-usap agad kami sa mga kagawad ng Santolan at ipinahayag nila ang buong pagsuporta sa aming kahilingan at ipaglalaban din nila kami na kung kami ay palilipatin ay dapat sa Pasig rin para di kami malayo sa aming trabaho at sa paaralan ng aming mga anak.

Kinabukasan naman ay sama-sama kaming nakipag-usap sa Kapitan subalit waring bingi sa aming katwiran at kahilingan. Ipinagtutulakan na kaming pumayag na tanggapin na ang Calauan.

Nakipagpulong din kami kay MMDA Chairman Bayani Fernando at Mayor Bobby Eusebio, subalit iisa ang kanilang tono, pinalilipat kami sa lugar na di namin gusto at kung hindi ay idedemolis ang aming mga bahay.

Nagpunta rin kami sa tanggapan ng Presidential Commission on Urban Poor (PCUP), Commission on Human Rights (CHR) at National Housing Authority (NHA) noong Nobyembre 23 at nitong huli ay nagawan namin nang paraan na pagharap-harapin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa paninirahan, ang PCUP, CHR, NHA, MMDA, Office of Congressman Romulo at City Engineer Caparas. Ngunit katulad ng Kapitan ng Santolan at ng ating Mayor, wala kaming nakuhang pabor, lahat sila ay nagkakasundong palayasin na kami sa Pasig.

Paano kami lilipat sa lugar na napakalayo at wala kaming ikabubuhay. Katunayan, marami nang bumalik mula sa unang mga pumunta ng Calauan, dahil wala nga roong pagkakitaan, malayo at liblib ang lugar, paanan ng bundok at hindi imposible ang landslide.

Kung ganito rin lang naman ang paglilipatan, mas pipiliin na naming manatili dito sa tabi ng ilog sa Santolan na sa mahabang panahon ay naging lugar na ng aming paninirahan. Malapit sa aming hanapbuhay, eskwelahan at sa mga kabarangay na sa nakalipas na panahon ay naging bahagi na ng aming pang-araw-araw na buhay at takbuhan ng tulong sa tuwinang may mahigpit na pangangailangan.

Matagal na kaming mamamayan ng Pasig, hindi nga lang kami nagkaroon ng pagkakataon na makabili ng sariling lupang titirikan dahil maliit lang ang aming kinikita sa araw araw, gayong napakataa ng presyo ng bilihin at serbisyo tulad ng eskwela, pamasahe, tubig at kuryente. Marami kami na ganito ang kalagayan, nagsisiksikan kahit sa lugar na delikado para lang mabuhay.

Kami at ang milyon milyong kababayan natin ay mga biktima ng bulok na kaayusan ng ating bayan, ang kaayusang nagpapahintulot sa pagkamkam ng iilan sa yamang sana’y para sa buong mamamayan. Kung wala sanang kurapsyon at pandaraya at ang malaking perang ninanakaw ay nagagamit sa pagpapatayo ng bahay ng mahihirap, wala sanang mamamayang nakatira ngayon sa mga di ligtas na lugar.

Kami ay mga tao rin, di kami basura, huwag kaming itapon sa malayong lugar na walang ikabubuhay.

Kung ganito ang ginawa nila sa amin sa Santolan, tiyak ganito rin ang gagawin nila sa mga nakaambang demolisyon sa Manggahan Floodway at sa iba pang itinuturing nilang danger zone.

Ang aming hiling ay pang-unawa at tulong, hindi demolisyon.

Kaya’t nananawagan kami sa inyo na samahan kami na papaglinawin ang isipan ng ating mga opisyal ng pamahalaan. Tulungan nyo kami na mahadlangan ang plano ng ating pamahalaan na paalisin kami sa Pasig.

Lahat na po ng ahensya ay amin nang nalapitan at lahat sila ay bingi sa aming hinaing. Kayo na lang po mga kababayan ang aming pag-asa.

Samahan nyo kami sa panawagang WALANG DEMOLISYON KUNG WALANG MAKATAONG RELOKASYON!

Itigil ang pandarahas sa mga maralita!

Makiisa sa Martsa para sa makatao at ligtas na paninirahan
mula Santolan to Pasig City Hall.
Disyembre 4, 2009, Biyernes, 2:00pm
Magkita-kita tayo sa Sto. Tomas Villanueva Parish Church, Evangelista St., Santolan, Pasig.

ALMA-SANTOLAN
(ALYANSA NG MGA MAGKAKAPITBAHAY SA TABING-ILOG NG SANTOLAN, PASIG)
BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO (BMP)
KONGRESO NG PAGKAKAISA NG MGA
MARALITA NG LUNGSOD (KPML)
PARTIDO LAKAS NG MASA-PASIG (PLM-PASIG)

Disyembre 2, 2009

Sabado, Nobyembre 28, 2009

PLM statement - Justice for Victims of Maguindanao Massacre

Justice for the Maguindanao 46!
End Trapo Politics Now!
Justice for Journalists and Human Rights Heroes Murdered by Trapo Politics!


Partido Lakas ng Masa (PLM) condemns in the strongest possible terms the massacre in Maguindanao. We assert that this is not only a problem confined to Mindanao, but that it’s a symptom of a festering and rotten political system. We predict that this violence will be the feature of the coming elections, as the political elite struggle with increasing desperation and ferocity for a share of the ever-dwindling national wealth and power.

The Philippine elections are veritable killing fields and the killings have begun!

We agree that the protection provided to the leaders of the Ampatuan clan by the GMA regime has granted them political immunity, to act with impunity as they will. However, the political impunity of the families and clans that control the political establishment is a permanent feature of politics in this country. It’s the mark of trapo politics. And lest we forget, it was the Ampatuan clan that guaranteed Gloria Macapagal Arroyo’s theft of the presidency.

The massacre happened because the rival Mangudadatu political clan was contesting the seat of power of the Ampatuans and were on their way to file their candidacy. In these clan wars, it’s the poor who are always the victims as they sacrifice themselves at the altar of trapo politics and for the interest of rotten trapo politicians. The Maguindanao massacre exposes the sham of the political system and the electoral process in this country.

PLM says that the people must act and put an end to this rotten system of trapo politics and the rule of the trapo politicians. Only then can we make a breach in this rotting carcass of the trapo political establishment and bring about fundamental changes in the political system. We need system change! We need to end to elite rule and establish a government of the masa. Only then can we be assured that the violence brought about by trapo political system will be removed.

Sonny Melencio
Chairperson
Partido Lakas ng Masa (PLM)