Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Mag-People Power Laban sa Bulok na Sistema


MAG-PEOPLE POWER LABAN SA BULOK NA SISTEMA!

Lumaganap na ang people power sa iba't ibang bansa. Nakilala na ng masa na kung magsasama-sama lamang silang kikilos ay kaya nilang magpabagsak ng isang pangulo nang mapayapa. Naging halimbawa sa mamamayan ng daigdig ang Edsa 1 Revolution sa Pilipinas (1986) na nagpatalsik kay Marcos. Nasundan ito ng Singing Revolution sa Estonia, Latvia at Lithuania (1988), Velvet Revolution sa Czechoslovakia (1989), Bulldozer Revolution sa Yugoslavia (2000), Edsa 2 Revolution sa Pilipinas (2001), Rose Revolution sa Georgia (2003), Orange Revolution sa Ukraine (2004), Cedar Revolution sa Lebanon (2005), Tulip Revolution sa Kyrgystan (2005), Jasmine Revolution sa Tunisia (2011), at Day of Anger Revolution sa Egypt (2011).

Ngunit may mga pagkatalo rin, tulad ng 8888 Uprising sa Burma (1988), Tiananmen Students Protest sa Tsina (1989), Edsa 3 Urban Poor Revolution sa Pilipinas (2001), at Saffron Revolution sa Burma (2007).

Nagtagumpay ang mga mamamayan na mapatalsik ang kani-kanilang pangulo, ngunit karamihan sa kanila, inagaw pa rin ng naghaharing uri ang pamumuno. Dahil lahat ng ito’y pag-aalsa ng mamamayan, hindi pag-aalsa ng isang uri laban sa katunggaliang uri, hindi pag-aalsa ng uring manggagawa laban sa burgesya. Walang kapangyarihan ang masa. Wala ang uring manggagawang namumuno para sa pagbabago ng sistema. Dahil hindi lang relyebo ng pangulo ang kasagutan.

Sa ngayon, matapos mapatalsik ng mamamayan ng Egypt ang kanilang pangulo, pumutok na rin ang pag-aalsa ng mga mamamayan sa mga bansang Bahrain, Yemen at Libya. Nanalo nga ang mamamayan ng Egypt na mapatalsik ang pangulo nilang si Mubarak, ngunit dahil walang namumunong grupo o partido na gumagabay sa pag-aalsa, napunta sa kamay ng militar ang kapangyarihan, imbes na sa kamay ng mamamayang nagsakripisyo para mabago ang pamahalaan.

Ano ang kulang? Bakit sa Pilipinas na tatlong beses nang nag-Edsa, wala pa ring naramdamang pagbabago, kaya nanlalamig na ang karamihan sa people power? Naganap ang Edsa 1 at 2, napatalsik ang pangulo ngunit napalitan lang ng kauri nilang elitista. Si Marcos ay napalitan ni Cory. Si Erap ay napalitan ni Gloria. Walang lider-manggagawa, walang lider-maralita, walang lider-kababaihan, walang lider-magsasakang napunta sa poder. Wala ang isyu ng masa, wala ang isyu ng kahirapan, wala ang isyu ng trabaho, wala ang isyu ng pabahay, wala ang isyu ng salot na kontraktwalisasyon. Hindi umangat ang pakikibaka ng sambayanan sa tunggalian ng uri sa lipunan.

Dahil hindi sapat na ang layunin lang ng people power ay ang pagpapalit ng pangulo. Dapat itong itaas sa pagbabago ng sistema. Hindi sapat na demokrasya lang ang kasagutan. Dapat ipakita na may tunggalian ng uri sa lipunan, at ang pagpawi sa mga uri ang siyang kasagutan. Dapat ipakitang ang mga manggagawa’y hindi lang tahimik na masang nagtatrabaho, kundi isang malakas at pangunahing pwersa sa pagbabago.

Ano ang dapat gawin? Dalhin natin sa masa ang isyu ng kahirapan bilang pangunahing panawagan sa people power. Ipakita natin sa masa ang tunggalian ng uri. Ikampanya natin sa lahat ng pabrika’t komunidad, sa lahat ng lungsod at kanayunan, sa mga pahayagan, radio at telebisyon, sa internet, ang pagkasalot ng kapitalismo sa buhay ng mamamayan. Pag-aralan natin ang lipunan at iangat ang kamalayan ng masa tungo sa pagwawakas sa kapitalistang sistemang dahilan ng kanilang pagdurusa’t kahirapan.

Paputukin natin ang isyu ng pabahay, tulad ng ginawang pagkubkob ng mga maralitang lungsod sa Libya sa mga pabahay ng kanilang gobyerno nitong Enero 2011. Paputukin natin ang isyu ng kontraktwalisasyon bilang panawagan sa people power na pangungunahan ng uring manggagawa. Paputukin natin ang iba pang makauring isyu na maaaring magpabagsak sa mga elitista sa lipunan.

Panahon na para manawagan ng people power laban sa bulok na sistema, laban sa kapitalismo. Dapat mag-people power ang uring api laban sa uring mapagsamantala’t naghahari-harian sa lipunan!

Uring manggagawa, magkaisa! Ipakita ang inyong mapagpalayang papel para sa pagbabago ng lipunan! Mag-people power laban sa bulok na sistema!

BMP-SANLAKAS-PLM-PMT-KPML-ZOTO-PK-KALAYAAN-KPP-MMVA-AMA-MakabayanPilipinas
Pebrero 24, 2011

Martes, Pebrero 15, 2011

TEN Good Reasons to Pass RH Bill Now -TAGALOG Version

TEN Good Reasons to Pass the RH Bill Now

Sampung Magandang Dahilan para Ipasa ang Panukalang Batas sa RH Ngayon

Just a few years ago, say “RH” in ordinary talks and you’ll get blank looks. Now, most Filipinos know that RH is reproductive health. It has entered presidential debates, topped the news, been surveyed to death. Moreover, majority have plainly said their piece: “We support RH.” Why? Loads of reasons—from the practical “We need help” to the proud “It’s my choice!” But 10 good ones should be enough to convince rational people and thoughtful policy-makers. So here are our top picks.

Ilang taon na ang nakaraan, sabihin mo ang “RH” sa karaniwang usapan at tutunganga lang sila sa iyo. Ngayon, alam n ang maraming Pilipino na ang RH ay reproductive health o reproduktibong kalusugan. Pinasok nito ang mga presidensyal na debate, nanguna sa balita, at na-surbey pa. Dagdag pa rito, nagsalita na ang mayorya: “Sinusuportahan namin ang RH.” Bakit? Sa iba’t ibang dahilan – mula sa praktikal na “Nais namin ng tulong” hanggang sa mapagmalaking “Iyan ang pinili namin!” Ngunit 10 magagandang dahilan ay sapat na upang kumbinsihin ang mga taong makatwiran at mapag-isip na tagagawa ng polisiya. Kaya ito ang aming nangungunang pinili.

1 RH WILL: PROTECT THE HEALTH & LIVES OF MOTHERS

1. ANG RH AY: MAGPOPROTEKTA SA KALUSUGAN AT BUHAY NG MGA INA

The WHO (World Health Organization) estimates that complications arise in 15% of pregnancies, bad enough to hospitalize or kill women. From the 2 million plus live births alone, some 300,000 maternal complications occur yearly. This is 7 times the DOH’s annual count for TB, 19 times for heart diseases and 20 times for malaria in women. As a result, more than 11 women die needlessly each day.

Tinataya ng WHO (Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan)na tumaas ang kumplikasyon ng 15% ng pagbubuntis, sadyang masama na nagpapaospital o pumapatay sa kababaihan. Mula lamang sa higit 2 milyong buhay na isinilang, nasa 300,000 kumplikasyong maternal ang nagaganap taun-taon. Ito’y nasa 7 beses ng taunang bilangng DOH sa TB,19 na beses para sa karamdaman sa puso at 20 besespara sa malarya sa kababaihan. Bilang resulta, mahigit 11 kababaihanang namamatay araw-araw ng walang katuturan.

Enough skilled birth attendants and prompt referral to hospitals with emergency obstetric care are proven curative solutions to maternal complications. For women who wish to stop childbearing, family planning (FP) is the best preventive measure. All these are part of RH.

Ang sapat na may kasanayang tagapag-aruga ng isinisilang at ang nasa oras na pagsangguni sa orpital na may emerhensiyang pag-aaruga sa panganganak (obstetric care) ay napatunayang nakalulunas na soulsuyon sa maternal na kumplikasyon. Para sa mga kababaihang nagnanais huminto sa pagbubuntis, ang pagpaplano ng pamilya (FP) ang pinakamabuting paraan. Lahat ng ito ay bahagi ng RH.

2 SAVE BABIES

2. KALIGTASAN NG MGA BATA

Proper birth spacing reduces infant deaths. The WHO says at least 2 years should pass between a birth and the next pregnancy. In our country, the infant mortality rate of those with less than 2 years birth interval is twice those with 3. The more effective and user-friendly the FP method, the greater the chances of the next child to survive.

Ang angkop na pagpapatlang ay nakakabawas ng pagkamatay ng sanggol. Sinabi ng WHO na dapat dalawang taon ang palipasin sa pagitan ng pagkapanganak at ng susunod na pagbubuntis. Sa ating bansa, ang rata ng pagkamatay ng sanggol na ang patlang ay hindi umaabot ng 2 taon ay doble ng may 3. Ang pinaka-epektibo at palakaibigang paggamit, ang pamamaraang FP, ang laki ng tsansa ng susunod na sanggol na mabuhay.

3 RESPOND TO THE MAJORITY WHO WANT SMALLER FAMILIES

3. PAGTUGON SA MAYORYA NA NAGNANAIS NG MAS MALIIT NA PAMILYA

Times have changed and people want smaller families. When surveyed about their ideal number of children, women in their 40s want slightly more than 3, while those in their teens and early 20s want just slightly more than 2.

Nagbabago ang panahon at nais ng mga tao ng mas maliit na pamilya. Nang sinurbey tungkol sa tamang bilang ng bata, nais ng mga babaeng nasa edad 40 pataas na bahagyang nais nila ng higit sa 3, habang yaong nasa kanilang kabataan at nasa maagang ead 20 ay bahagyang nagnanais lang ng higit sa 2.

Moreover, couples end up with families larger than what they planned. On average, Filipino women want close to 2 children but end up with 3. This gap is unequal, but shows up in all social classes and regions. RH education and services will help couples fulfill their hopes for their families.

Dagdag pa rito, tumungo ang mga mag-asawa sa pamilyang mas malaki pa kaysa kanilang plinano. Sa kainaman, nais ng kababaihang Pilipino ng malapit sa 2 anak ngunit tumutungo sa 3. Ang agwat na itoay hindi pantay, ngunit ipinapakita salahat ng panlipunang uri at rehiyon. Ang edukasyon at serbisyo ng RH ay makatutulong sa mga mag-asawa na matupad ang kanilang pangarap sa kanilang pamilya.

4 PROMOTE EQUITY FOR POOR FAMILIES

4. PAGTATAGUYOD NG PAGKAKAPANTAY SA MGA MAHIHIRAP NA PAMILYA

RH indicators show severe inequities between the rich and poor. For example, 94% of women in the richest quintile have a skilled attendant at birth, while only 26% of the poorest can do so. The richest have 3 times higher tubal legation rates. This partly explains why the wealthy hardly exceed their planned number of children, while the poorest get an extra 2. Infant deaths among the poorest are almost 3 times that of the richest, which in a way explains why the poor plan for more children. An RH law will help in attaining equity in health through stronger public health services.

Ipinapakita ng mga panukat ng RH na may malalang di-pagkakapantay sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Halimbawa, 94 bahagdan (94%) ng mga kababaihang nasa pinakamayamang kaayusan ang merong may kasanayang tagapangalaga sa pagkasilang, habang 26% lamang sa pinakamahirap. Ang pinakamayaman ay may 3 beses na mas mataas na rata ng pagtatali ng tubal. Bahagyang naipaliliwanag nito kung bakit hindi nahihigitan ng mga maykaya ang planong bilang ng anak, habang sumosobra naman ng2 ang pinakamahihirap. Ang pagkamatay ng sanggol sa mga pinakamahihirap ay nasa 3 beses ng pinakamayaman, na kahit papaano’y nagpapaliwanag kung bakit marami ang pinaplanong anak ng mga mahihirap. Makakatulong ang batas sa RH upang kamtin ang pagkakapnaty sa kalusugan sa pamamagitan ng mas malakas na pampublikong serbisyo sa kalusugan.

5 PREVENT INDUCED ABORTIONS

5. MAPIGILAN ANG SAPILITANG ABORSYON

Unintended pregnancies precede almost all induced abortions. Of all unintended pregnancies, 68% occur in women without any FP method, and 24% happen to those using traditional FP like withdrawal or calendar-abstinence.

Nauunahan ng di-ginustong pagbubuntis ang halos lahat ng sapilitang aborsyon. Sa lahat ng di-ginustong pagbubuntis, 68% ang nagaganap sa kababaihang walang anumang pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya (FP), habang nagaganap ito sa 24% ng gumagamit ng tradisyunal na FP tulad ng withdrawal o pagpipigil gamit ang kalendaryo.

If all those who want to space or stop childbearing would use modern FP, abortions would fall by some 500,000. In our country where abortion is strictly criminalized, and where 90,000 women are hospitalized yearly for complications, it would be reckless and heartless not to ensure prevention through FP.

Sa lahat ng mga nagnanais na magpatlang o itigil na ang pagbubuntis ay dapat gumamit ng modernong FP, angaborsyon ay papatak ng nasa 500,000. Sa ating bansa kung saan ganap na itinuturing na krimen ang aborsyon, at 90,000 kababaihan ang naoospital taun-taon dahil sa mga kumplikasyon, magiging walang-ingat at walang puso kung hindi titiyakin ang kaligtasan nila sa pamamagitan ng FP.

6 SUPPORT & DEPLOY MORE PUBLIC MIDWIVES, NURSES & DOCTORS

6. SUPORTA AT PAGPAPADALA NG MAS MARAMING PAMPUBLIKONG HILOT, NARS AT DOKTOR

RH health services are needed wherever people are establishing their families. For example, a report by the MDG Task Force points out the need for 1 full-time midwife to attend to every 100 to 200 annual live births. Other health staff are needed for the millions who need prenatal and postpartum care, infant care and family planning. Investing in these core public health staff will serve the basic needs of many communities.

Ang serbisyong pangkalusugang RH ay kinakailangan kung saan binubuo ng mga tao ang kanilang pamilya. Halimbawa, tinukoy sa ulat ng MDG Task Force ang pangangailangan ng 1 buong-panahong hilot na dadalo sa bawat 100 hanggang 200 buhay na ipinanganganak taun-taon. Kailangan din ng iba pang kawani sa kalusugan para sa milyong nangangailangan ng pangangalaga bago at matapos manganak, pangangalaga sa sanggol at pagpaplano ng pamilya. Ang pamumuhunan sa mga sentrong pampublikong kawani sa kalusugang ito ay magsisilbi sa pangunahing pangangailangan ng maraming komunidad.

7 GUARANTEE FUNDING FOR & EQUAL ACCESS TO HEALTH FACILITIES

7. PAGGARANTIYA SA PAGPOPONDO AT PANTAY NA PAG-ABOT SA PASILIDAD NA PANGKALUSUGAN

RH will need and therefore support many levels of health facilities. These range from health stations that can do basic prenatal, infant and FP care; health centers for safe birthing, more difficult FP services like IUD insertions, and management of sexually transmitted infections; and hospitals for emergency obstetric and newborn care and surgical contraception. Strong RH facilities can be the backbone of a strong and fairly distributed public health facility system.

Kailangan ng RH at samakatwid susuporta sa maraming antas ng pasilidad na pangkalusugan. Umaabot ito mula sa himpilang pangkalusugan na nagsasagawa ng pangunahing pangangalaga bago manganak, sanggol at FP; mga sentrong pangkalusugan para sa ligtas na panganganak, mas mahirap na serbisyong FP tulad ng pagpasok ng IUD, at pamamahala sa mga impeksyong nakuha sa pakikipagtalik; at mga ospitalpara sa emerhensiyang pangangalaga sa panganganak at bagong panganak at kontrasepsyong surhikal. Ang matatatag na pasilidad ng RH ay maaaring maging gulugod ng isang matatag at pantay na pagbabahagi ng sistema ng pampublikong pasilidad na pangkalusugan.

8 GIVE ACCURATE & POSITIVE SEXUALITY EDUCATION TO YOUNG PEOPLE

8. PAGBIBIGAY NG TUMPAK AT POSITIBONG EDUKASYONG PANGSEKSWALIDAD SA MGA KABATAAN

Currently, most young people enter relationships and even married life without the benefit of systematic inputs by any of our social institutions. We insist on young voters’ education for events that occur once every few years, but do nothing guiding the young in new relationships they face daily. The RH bill mandates the education and health departments to fill this serious gap.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga kabataan ay pumapasok sa relasyon at kahit sa buhay may-asawa nang walang mga benepisyo ng sistematikong impormasyong ibinibigay mula sa ating mga panlipunang institusyon. Iginigiit natin ang edukasyon sa mga batang botante para sa mga pangyayaring nagaganap ng isang beses kada ilang taon, ngunit walang ginagawa para gabayan ang mga kabataan sa bagong relasyong nakakaharap nila araw-araw. Inaatas ng panukalang batas ng RH na punan ng departamento ng edukasyon at pangkalusugan ang seryosong puwang na ito.

9 REDUCE CANCER DEATHS

9. MABAWASAN ANG MGA PAGKAMATAY SA KANSER

Delaying sex, avoiding multiple partners or using condoms prevent HPV infections that cause cervical cancers. Self breast exams and Pap smears can detect early signs of cancers which can be cured if treated early. All these are part of RH education and care. Contraceptives do not heighten cancer risks; combined pills actually reduce the risk of endometrial and ovarian cancers.

Ang pagbinbin sa pakikipagtalik, pag-iwas sa maramihang partner o paggamit ng kondom ay makasasagka sa impeksyong dulot ng HPV na nagdudulot ng kanser serbikal. Ang pagsusuri sa sariling dibdib at pagkulapol sa uton (Pap smear) ang makakadiskubre sa maagang senyales ng kanser na malulunasan kung magagamot ng maaga. Lahat ng ito ay bahagi ng edukasyon at pangangalagang RH. Hindi pinatataas ng kontraseptibo ang panganib ng kanser; sadyang binabawasan ng pinagsamang tabletasangpanganib ng kanser sa endometriyal at obaryo.

10 SAVE MONEY THAT CAN BE USED FOR EVEN MORE SOCIAL SPENDING

10. MAKATIPID SA SALAPI NA MAGAGAMIT SA HIGIT PANG DAPAT PANLIPUNANG PAGKAGASTUSAN

Ensuring modern FP for all who need it would increase spending from P1.9 B to P4.0 B, but the medical costs for unintended pregnancies would fall from P3.5 B to P0.6 B, resulting in a net savings of P0.8 B. There is evidence that families with fewer children do spend more for health and education.

Ang pagtiyak ng modernong FP para sa lahat ng nangangailangan nito ay magtataas ng gastusin mula P1.9B hanggang P4.0B ngunit ang gastusing medical para sa di-ginustong pagbubuntis ay bumagsak mula P3.5B hanggang P0.6B, na magreresulta sa netong matitipid na P0.8 B. Maymga patunay na ang mga pamilyang may kaunting anak ay gumagastos ng higit para sa kalusugan at edukasyon.

Miyerkules, Nobyembre 24, 2010

KPP Press Release - on Balikatan Housing

PRESS RELEASE
November 24, 2010

PNOY GUARANTEES PROTECTION TO FOREIGN INVESTORS AS
THOUSANDS OF FILIPINOS STAND TO LOSE THEIR HOMES TO FOREIGN INVESTORS

Thousands of Filipinos are facing eviction from their homes by the BALIKATAN HOUSING, even as thousands more are threatened with eviction in the coming months with the lapse of government set cut-off deadline for settlement of arrears in mortgage payments low-cost housing and relocation/resettlement programs.

In a press conference called by KOALISYON PABAHAY NG PILIPINAS (KPP), homeowners affected by evictions brought to the public’s attention not only their plight but the fate of thousands of homeowners who entered government’s housing programs be it low-cost/ socialized housing program or its relocation/resettlement programs.

The Implementing Rules and Regulations of a law passed in 2008—RA 9507, covering low-cost housing and even relocation and resettlement programs, pertaining to condonation and restructuring of loans and mortgages, set a cut-off deadline of September 26, 2010 for the settlement of all arrears. Homeowners have since received “final foreclosure” notices and notices of “extra judicial resolutions” to auction off their houses.

According to Charito Anunciacion, president of KPP, “the impact of such a policy and deadline will be massive with the implementation of this law. About 70% to 80% of homeowners in low-cost housing programs are in default. But it is even higher in resettlement areas of government, about 80% to 90% are in default.”

Anunciacion added that the homes of the evicted families will suffer the same fate as those houses that fell into programs such as that of BALIKATAN HOUSING, after government repossessed and auctioned them off to foreign investors. Homeowners of Balikatan Housing are among those immediately facing eviction as they, even now, face down sheriffs throwing them out of their homes.

In 2004, Deutsche Bank won the bid to buy the 55,000 UHLP accounts from National Home Mortgage Finance Corporation at Php 13.4 Billion. As part of the agreement of the sale Deutsche Bank was given 51% of the share whereas the partner, National Home Mortgage Finance Corporation was given 49 % share. A joint venture with Asian Development Bank and World Bank, known as Balikatan Housing, to manage the accounts was forged in compliance with the requirement of the law on special purpose asset vehicle. Balikatan Housing designated Bahay Financial Services (BFS) as its collecting agency.

Bahay Financial Services (BFS), since its assignation, imposed unreasonable terms to the low cost homeowners. Case in fact are 5,000 KPP coalition members under the BFS account in San Jose del Monte, Bulacan, Camarin in Caloocan and Kapayapaanville, Canlubang in Laguna. Anunciacion said, “Everyday these homeowners live in mortal dread of losing their homes with no visible hope for remedy or alternate shelter.”

Anunciacion argues, “Government’s low-cost housing programs are supposed to have been created for low-income earners. But BFS with its prohibitive terms of payment have not only made it impossible for them to meet regular amortization payments, much less pay off the entire loan. Because of these terms and rates we have documented many cases where homeowners have amortized as much as three times the original price of their housing loans but continue to amortize because the total value of their mortgages had compounded several times over. Similar cases are reported happening in other areas. Today thousands face imminent eviction because of a law that mirrors similar terms of payments for settling arrears and loan payments.”

KPP will actively take action along with thousands of threatened homeowners nationwide to defend and assert their rights to their homes and prevent further forcible evictions.

Anunciacion said, “PNoy is very quick to guarantee protection of foreign investors, but what about guarantees for the protection of our right to housing, or doesn’t being a Filipino citizen mean anything to this new government?”

Lunes, Hulyo 26, 2010

3-Taong Moratoryum sa Demolisyon, Hiling ng Maralita ng San Roque



PRESS STATEMENT

July 26, 2010

3-Taong Moratoryum sa Demolisyon, Hiling ng Maralita
MGA MARALITA NG SAN ROQUE,
NAGMARTSA PATUNGONG TIMES ST.


Nagsagawa ng piket-martsa ang nasa dalawangdaang (200) maralita, isangdaan dito ay mga bata mula edad 7 pataas, mula sa Agham Road sa Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa, Quezon City. Nagmartsa sila mula sa Agham Road patungo sa bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times St.

Ang kanilang isyu: ipatigil ang bantang demolisyon sa kanilang lugar bunsod ng proyektong CBD o Central Business District, kung saan tatamaan nito ang 10,000 hanggang 12,000 pamilyang nakatira sa North Triangle at East Triangle, at mula Veterans Hospital hanggang Esat Avenue Medical Center.

Ang nasabing pagkilos ay pinangunahan ng FRONT (Friends of North Triangle) na binubuo ng San Roque Community Council (SRCC), N3T, at United Muslim Association (UMA). Dalawang linggo ang nakararaan ng magbigay sila ng liham kay Pangulong Aquino na humihiling na itigil ang demolisyon at petisyon para sa tatlong taong moratoryum laban sa demolisyon sa buong Sitio San Roque.

Ayon kay Edwin Nacpil, tagapagsalita ng grupo, "Nararapat lamang na pakinggan ni P-Noy ang aming kahilingan dahil sabi nga niya sa kanyang inaugural address, “Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo.” Umaasa ang maralita na ang munting kahilingan nila ay agarang magkaroon ng katuparan.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin si Lydia Lim sa 0918-7393524 o sa 09082030713

Biyernes, Hulyo 23, 2010

Polyeto para sa Unang SONA ni P-Noy

PAGBABAGO
PARA SA MASA

Sa Hulyo 26, haharap sa bayan si Benigno Aquino III, sa kanyang unang state-of-the-nation address. Sasabihin niya rito ang direksyon ng kanyang administrasyon at mga plano para ipatupad ito.

Sa araw na ito natin malalaman ang totoong ibig sabihin ng kanyang mga ipinangako noong kampanya: kung walang corrupt, walang mahirap; pagbabago sa tuwid na landas; kayo ang aking lakas; at kayo ang boss ko nitong nakaraang inagurasyon niya.

Sa araw na ito natin malalaman kung ang mga salitang ito ay simpleng gimik lang sa eleksyon;

O nangangahulugan ng totoong pagbabago para sa masang Pilipino:

— para itaas ang sweldo na makabubuhay ng pamilya;
— para sa sapat na retirement benefits ng retiradong manggagawa;
— para sa desente at abot-kayang pabahay upang wala ng iskwater sa sariling bayan;
— para sa ligtas at makataong kalagayan sa pagtatrabaho
— para sa seguridad sa trabaho at wala ng kontraktwal;
— para ayudahan ang mga manggagawa na makapag-organisa, makipagtawaran sa mga employer at matamasa nang lubos ang karapatan sa sama-samang pagkilos.
— para alisin ang assumption of jurisdiction o AJ sa mga hidwaan ng manggagawa at kapitalista.
— para bigyan ng boses at representasyon ang mga manggagawa at mamamayan sa lokal na pamahalaan at sa iba pang ahensya ng gubyerno na gumagawa ng desisyon.
— para sa tunay na repormang agraryo;
— para gumawa ng sapat at desenteng trabaho;
— para ilaan ang natitirang pondo ng bansa sa serbisyo publiko—edukasyon, kalusugan at pabahay at pagpapaunlad ng agrikultura at industriya—sa halip na ibayad sa utang.
— para paunlarin ang produksyon ng pagkain upang bumaba ang presyo nito at magkaroon ng seguridad sa pagkain.
— para ang industriya ng tubig at kuryente ay maibalik bilang serbisyo ng gubyerno hindi negosyo na pinagkakakitaan ng mga kapitalistang lokal at dayuhan;

Ilan lamang yan sa mga pagbabagong matagal na nating hinahangad. Pagbabagong di natin nakamit sa administrasyon ng lumipas na mga pangulo. Si Noynoy ba ay kaiba sa nakaraang mga pangulo? Na mas pinaboran ang mga dayuhang negosyo kaysa sa manggagawang Pilipino. Na ang sinunod ay utos ng gubyerno ng Amerika kaysa boses ng masa.

Mga kamanggagawa at kababayan. Sa oras na mag-ulat sa bayan si Noynoy sa Batasang Pambansa, iharap natin sa kanya ang ating tunay na kalagayan. Hamunin natin siya sa gusto nating pagbabago. Magdala tayo ng kanya-kanyang plakard. Isulat ang gusto mong pagbabago. Ito na ang tamang pagkakataon upang makita natin kung totoo nga ang kanyang binigkas na “Kayo ang boss ko,” at hindi isang pang-uuto!

Paapawin natin ang bulwagan ng batasan hanggang sa bakuran ng Kongreso at mga kalsadang nakapaligid dito. Tanda ito na seryoso tayo sa pagbabago. Tanda ito na sawang-sawa na tayo sa mga pangulo na pawang napako ang mga pangako. Tanda ito na ilalaban natin ang ating mga kahilingan hanggang sa makamit ang pagbabago para sa masang Pilipino.


SANLAKAS  PLM  BMP  KPML  SM-ZOTO  KPP  PMT  SANLAKAS YOUTH  SDK  TEATRO PABRIKA  MMVA  AMA  KALAYAAN!  SUPER  MELF  MAKABAYAN-PILIPINAS

Biyernes, Hulyo 9, 2010

Eight political prisoners released

http://www.thepoc.net/breaking-news/breaking-stories/8505-eight-political-prisoners-released.html

Eight political prisoners released
Thursday, 08 July 2010 07:06 PM Merck Maguddayao

The eight political prisoners who were supposed to be released last month are free men today, the Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) reported.

The so-called “Freedom 8,” whose release orders were signed by former president Gloria Macapagal-Arroyo last June 25, are Orlando Bundalian Jr., Rogelio Galero, Rupert Lopez, Pedro Madera, Anacleto Mercader, Pedro Pascual, Mariano Reyes, and Rodolfo Tubera.

According to the TFDP, the eight are former activists in the early 1990s who were convicted of various criminal charges in connection with their alleged participation with various underground revolutionary groups and were detained for at least 15 years. Bundalian, one of the “Freedom 8,” was initially sentenced with the death penalty but was not executed due to the scrapping of the death penalty law in 2006.

According to Bundalian, who spoke for the "Freedom 8", their release was "conditional" and that they are required to report to the Bureau of Pardons and Parole every month as a condition for their release.

"Now that we are free, we will campaign for the release of other political prisoners. We urge the present administration of President Noynoy [Aquino] to release all political prisoners unconditionally," Bundalian said in a press conference held at the TFDP office.

Bundalian added that they are happy for their release but they are also sad at the same time because other political prisoners are still in jail.

The “Freedom 8” are the first batch of political prisoners to be released within the term of President Benigno Aquino III. According to TFDP, there are still 263 political prisoners detained in the Philippines.

Aquino's mother former President Corazon Aquino ordered the release of all political prisoners during her administration, which came after Martial Law. The younger Aquino, however, has not ordered the release of current political prisoners.

Meanwhile, Justice Secretary Leila De Lima said that she will “review” the case of 43 health workers who were detained by the military last March in Morong, Rizal. The 43 are accused of being members of the New People's Army.

Miyerkules, Hunyo 30, 2010

Workers Reform Agenda

WORKERS REFORM AGENDA

Paunang Salita

Isang bayani ng uring manggagawa ang nagsulat ng sumusunod:

GUBYERNO NG MANGGAGAWA

Gubyerno ng uring manggagawa. Ito ang ating pangarap. At ito’y hindi isang imposibleng pangarap.

Kung nais natin ng hustisya at progreso para sa masa, kailangang hawakan ng manggagawa ang kapangyarihang isagawa ito. At ang kapangyarihang ito sa ibabaw ng lipunan ay walang iba kundi ang estado at ang mga instrumentalidad nito.

Dapat lang na ang uring manggagawa ang mangibabaw sa pamahalaan. Una, tayo ang mayorya sa lipunan. Ikalawa, tayo ang bumubuhay sa lipunan. Ikatlo, ang kapakanan ng ating uri ang kumakatawan sa simulain ng progreso at hustisyang panlipunan.

Madaling tanggapin ang mga batayang ito kung bakit ang manggagawa ang dapat na mangibabaw sa lipunan at pamahalaan. Ang agam-agam ay mas nanggagaling sa pananaw na tayo ay walang kapasidad na paandarin ang pamahalaan.

May kakayahan raw ang manggagawa na paandarin ang mga makina ng pagawaan pero hindi ang makinarya ng pamahalaan. Ang dapat daw na humahawak nito ay ang mga edukadong uri, ang mga edukadong tao, at ang uring manggagawa ay hindi edukado.

Hindi natin matatanggap ang ganitong panghahamak sa uring manggagawa. May dignidad ang magpatulo ng pawis sa pagpapaandar ng makina. Pero para sabihing hanggang dito na lang ang kakayahan ng manggagawa ay insulto sa ating uri.

Iisa ang ibig sabihin nito: Tayong mga manggagawa ang magpapawis para buhayin ang lipunan pero ang pagpapaandar sa ating buhay at kapalaran ay wala sa ating kamay, kontrolado ng mga humahawak ng kapangyarihan sa pamahalaan.

Ang gubyerno ang nagpapasya sa direksyon ng buhay ng mamayan sa kinabukasan ng ating bansa. Narito ang eksaktong kahulugan ng ating pangarap na gubyerno ng manggagawa- ang kontrol sa ating buhay ay dapat nasa kamay ng uring manggagawa, ang ating kinabukasan ay dapat idikta ng ating kapakanan.

Ang interes ng uring manggagawa ang dapat maghari sa pamahalaan- ito ang ibig sabihin ng gubyerno ng manggagawa. Makatarungan lang na ang interes ng uring manggagawa ang dapat mangibabaw sapagkat tayo ang mayorya sa lipunan, tayo ang pinakaimportanteng uri sa lipunan, tayo ang kumakatawan sa interes ng progreso at hustisyang panlipunan.

Ang talino ay hindi monopolyo ng mararangyang uri.

Pero ang katotohanan, malaking aspeto ng pagpapaandar na pamahalaan ay nasa balikat ng manggagawa. Ang burokrasya ay pinaaandar ng karaniwang swelduhang mga empleyado ng gubyerno na kabilang sa mga manggagawa ng lipunan.

Ang kabilang aspeto, ang mapagpasyang aspeto—ang paggawa ng mga patakaran at batas—ang kontrolado ng matataas na opisyal ng gubyerno na ang totoong kwalipikasyon ay ang kanilang katapatan sa bulok na sistema.

Una sa lahat, dapat malaman na ngayon pa lang ay pinaaandar na ng mga manggagawa ang buong burokrasya ng pamahalaan. Umaandar ang makinarya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga empleyado ng gubyerno na kabilang sa uring manggagawa.

Pero ang desisyon ng pamahalaan ay wala sa kamay ng ordinaryong mga empleyado ng gubyerno. Itoy nasa kamay ng matataas na opisyal ng pamahalaan...

Isa ito sa pinakahuling isinulat ni Ka Popoy Lagman. Bago niya mabalikan ang pagtatapos ng akdang ito ay pinaslang na siya ng mga mamamatay-taong inupahan ng mga kaaway ng manggagawa. Ang Workers Reform Agenda ay maituturing na karugtong ng di natapos na sulatin ni Ka Popoy.

Ang Workers Reform Agenda bilang bahagi ng komprehensibong plataporma de gobyerno ng uring manggagawa ay patunay na magagawang balangkasin ng uring manggagawa ang “direksyon ng pamahalaan.”

Hindi eksklusibong kakayahan ng mga elitista o mga edukado ang itakda ang mga patakaran at batas. Katunayan ang buktot at baluktot na “direksyon ng pamahalaan” na kanilang ipinatutupad ang ugat ng kabulukan sa gobyerno at pagdarahop ng mamamayan.

Ang Workers Reform Agenda ay hindi simpleng ebidensya na kakayanin ng uring manggagawa na hawakan ang estado poder. Ang alternatibong plataporma de gubyernong ito mismo ang solusyon sa kagyat na mga problema ng manggagawa at mamamayang Pilipino.

Napapanahong ilathala ang Workers Reform Agenda at ipabatid ito sa buong madla laluna’t naghahanap ang taumbayan ng isang platapormang tutugon sa inaasam nilang pagbabago. Kaliwa’t kanan ang mga plataporma de gubyernong naglalabasan at nagkukumpitensyahan para sa puso’t isipan ng mamamayan.

Natatangi ang Workers Reform Agenda sapagkat ang nilalaman nitong mga reporma para sa sambayanang Pilipino ay ibinalangkas sa punto-de-bista ng uring manggagawa. Binalangkas ito nang ikinukunsidera hindi lamang ang kagyat na interes kundi ang ultimong adhikain ng uring manggagawa para sa pagpawi ng pagsasamantala sa lipunan.



Ang Pagbabagong Aming Ipaglalaban

Totohanan at makabuluhang mga pagbabago! Ito ang hamon naming mga mangagagawa sa lahat ng pwersang kumikilos para patalsikin si Gloria Arroyo at ibagsak ang pekeng pangulo ng bansa.

Kabilang kami sa mayorya ng mamamayan – walo sa bawat sampu, ayon sa survey – na nagnanais maalis si Gloria Arroyo sa kanyang trono sa Malakanyang. Pero ang hangad namin ay hindi lang pagpapalit ng pangulo kundi malawakang mga reporma sa gobyerno at lipunan.

Naniniwala kaming walang pagbabagong maaasahan ang uring manggagawa sa kasalukuyang rehimen. May kawastuhan ang sinasabi ng elitistang oposisyon na si Gloria Arroyo mismo ang problema dahil siya ay mandaraya at kurakot. Pero lagpas sa krimen ng pandaraya at pangungurakot ang dahilan kung bakit hindi sinusuportahan ng manggagawa ang rehimeng Arroyo.

Kaming mga manggagawa ay hindi nagdadalawang-isip na tutulan ang gobyerno ni Gloria Arroyo. Isinasakdal namin siya sa mas masahol na kasalanan – ang tumitinding kahirapan at pang-aapi sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino.

Ang mortal na kasalanan ni Gloria sa taumbayan, laluna sa manggagawa at maralita, ay ang pagtalima niya sa pang-ekonomikong doktrina ng Globalisasyon. Isinakripisyo niya sa altar ng pandaigdigang kompetisyon hindi lang ang lokal na industriya at agrikultura kundi pati ang kabuhayan at karapatan ng mga manggagawa.

Sapat nang ebidensya ang resulta ng Globalisasyon para isakdal ang rehimeng Arroyo. Matapos ratipikahin ng Senado ang General Agreement on Tarffs and Trade (GATT) noong 1994 – na inisponsor mismo ni Gloria Arroyo noong siya’y senador pa lang, ibayong nalugmok sa krisis ang kabuhayan at karapatan ng manggagawang Pilipino.

Ang resulta ng doktrina ni Gloria Arroyo? Sumisirit pataas ang presyo ng mga bilihin at singil sa kuryente’t tubig! Nagsasara ang mga pabrika! Kulang ang trabaho! Bumabagsak ang sweldo! Nilalabag ang mga karapatan ng manggagawa! Binubuwag ang mga unyon! Lumiliit ang badyet para sa edukasyon, kalusugan, pabahay, at iba pang panlipunang serbisyo!

Sinlaki ng mundo ang mga problemang bunga ng Globalisasyon. Pero sa kabila nito, nakabibingi ang katahimikan ng mga pulitikong anti-Arroyo ukol dito. Napakaingay nila sa paghingi ng pagbibitiw ni GMA. Pero ni isang salita ay hindi sila makapagbitiw sa dinedelubyong buhay naming mga manggagawa.

Hinahamon namin ang oposisyon na ihapag ang kanilang mga solusyon sa mga pang-araw-araw na problema ng mga manggagawa. Ano ang kanilang solusyon sa kakulangan ng regular na trabaho? Sa mababang sweldo? Sa contractualization? Sa downsizing? Sa union busting? Sa mga paglabag sa labor standards? Sa kawalan ng panlipunang serbisyo sa taumbayan?

Handa na kaming mga manggagawa na magmartsang kasabay ng iba pang pwersang nais magpatalsik kay GMA. Laluna sa mga nananawagan ng “transitional revolutionary government”, “caretaker council”at “demokratikong konseho”, hindi ng constitutional succession. Sapagkat isang rekisito ng malawak na pagbabago ng gobyerno at lipunan ang maipagkait ang pagkapangulo kina Noli, Drilon at de Venecia matapos maibagsak si GMA. Natuto na kami sa mapait na aral ng Edsa Dos.

Ngunit habang nakikipagkaisa kami sa malawak na kilusang anti-Arroyo, dapat naming panatilihin ang aming interes bilang uri. Dahil ang interes ng uring manggagawa sa ngayon ay hindi lamang ang pagpapatalsik kay GMA kundi ang pagbubuo ng isang gobyernong tutugon sa mga problemang kinahaharap namin sa aming araw-araw na pamumuhay.

Kaya’t sa loob at labas ng gobyernong papalit kay Gloria Arroyo, patuloy naming igigiit ang mga repormang tutugon sa mga suliranin ng manggagawa’t maralita. Habang ang mga repormang ito ang batayan ng aming paninindigan laban kay Arroyo, alam namin na hindi ito maisasabatas sa pamamagitan lang ng pagpapabagsak kay GMA.

Ang mga kahilingang ito ay magiging tuloy-tuloy na krusada kahit pa maibagsak na si GMA. Ang papalit na gobyerno ay hindi magkukusa na magsagawa ng mga reporma, laluna kapag ang dominanteng pwersa sa loob ay mga elitista ring tulad ng napatalsik na pangulo. Sa ganitong kalagayan, obligadong isulong naming mga manggagawa ang mga repormang ito “mula sa labas” ng bagong gobyerno.

Hindi kami umaasa na susuportahan ng “buong-buo” ng mga elitistang pwersang anti-Arroyo ang listahan ng mga repormang isusulong ng uring manggagawa. Subalit naniniwala kami na sinumang nagmamalasakit at kumikilala sa dignidad ng mga lumilikha ng yaman ng lipunan ay makikinig sa katwiran ng sumusunod na mga kahilingan.

1. Kalayaan sa pag-oorganisa ng Manggagawa at Karapatang Mag-Unyon, Makipagtawaran at Magwelga

Sa panahong ito ng Globalisasyon, ang Konstitusyonal na karapatang mag-unyon ay dapat kilalanin bilang state policy. Sapagkat ang proteksyon sa paggawa ay dapat gawing prayoridad ng gubyerno sa kalagayang hindi maikakaila ang delubyong dulot ng Globalisasyon sa sektor ng paggawa.

Maliwanag sa kasaysayan ng lahat ng bansa na ang proteksyon sa paggawa at pagsulong ng labor standards ay dahil sa malakas na unyonismo. Unibersal na karanasan na kapag walang unyon ang mga manggagawa napakadali silang lapastanganin ng kapital.

Kasabay ng pagkilala sa karapatang mag-unyon, dapat ding patibayin ang kakambal nitong mga karapatan – ang pakikipagtawaran at paglulunsad ng sama-samang pagkilos, kasama ang pagwewelga.

Isabatas ang Magna Carta of Unionism, na magbibigay ng ganap na kalayaan at karapatan ng lahat ng manggagawa at empleyado sa pribado at publikong mga sektor na organisahin ang kanilang mga sarili sa mga unyon at pampulitikong organisasyon. Babaklasin ng naturang batas ang mga restriksyon sa pag-uunyon. Isasabatas din nito ang kriminalisasyon ng mga paglabag sa mga batas at istandard sa paggawa.

Kakambal ng karapatan sa pag-uunyon ang karapatan sa collective bargaining. Walang manggagawang tatangging makipagnegosasyon sa kapitalista para mapataas ang sweldo, mapalaki at maparami ang mga benepisyo at masiguro ang mga karapatan. Ito ang dahilan kung bakit sila sumasapi sa unyon – upang katawanin sila sa negosasyon sa kanilang employer. Kung ang karapatang bumoto ay ginawa ng estado na obligasyon ng mamamayan, dapat ay obligasyon din ang pagtatayo ng unyon at pagkakaroon ng CBA.

Lalamnin din ng Magna Carta of Unionism ang ganap na kalayaan at karapatang magwelga ng lahat ng manggagawa at empleyado sa pribado at publikong mga sektor hindi lang sa mga isyung pang-ekonomya kundi hanggang sa mga isyung pampulitika at pasaklawin ito hanggang sa paglulunsad ng general strikes at sympathy strikes. Baklasin ang mga restriksyon sa batas na sumusupil o bumabalewala sa karapatang ito gaya ng assumption of jurisdiction, free egress-ingress, atbp. Palakasin at istriktong ipatupad ang mga batas laban sa paggamit ng mga iskirol, pulis at maton sa panahon ng welga.

Sa naturang batas, gagawing mandatory ang pagtatayo ng pambansang mga unyon para sa piling mga linya ng industriya laluna sa mga sektor ng agrikultura, serbisyo, konstruksyon, transportasyon, atbp., na mahirap itayo o hindi epektibo ang lokal na unyon. Ang pagtatayo ng industriyal na mga unyon ang dapat na direksyon ng pagkakaorganisa ng kilusang unyon sa bansa.

Tanggalin ang “no union” na option sa certification election (CE) sapagkat ginagamit lang ito ng kapitalista para biguin ang pag-uunyon sa isang kompanya. Malaya ang sinumang manggagawa na di sumapi sa unyon pero di dapat sagasaan nito ang karapatan din ng ibang manggagawa na magkaroon ng unyon. Dapat lubusang paluwagin ang mga regulasyon hinggil sa pagtatayo ng unyon hindi gaya sa kasalukuyan na ito’y napakasalimuot at napakahaba ang proseso. Nabibigyan ng oportunidad ang management na agad na wasakin ang inoorganisang unyon dahil napakaraming rekisito bago ito makaabot sa certification election.

2. Ibasura ang Cheap Labor Policy at Ipatupad ang Konstitusyunal na probisyon sa Living Wage

Ang kasalukuyang antas ng pasahod ay malayong malayo sa cost of living, sa kinakailangan para mabuhay ng disente’t marangal ang pamilyang manggagawa. Sa datos ng gobyerno, ito ay nasa P20,430 kada buwan o P681 kada araw. Dulot ito ng cheap labor policy na ibinababa ang sweldo para akitin ang dayuhang pamumuhunan. Ang polisiyang ito ang sinunod ng Wage Rationalization Act o RA 6727 na ginamit ang “employers capacity to pay” sa pagtatakda ng sweldo.

Hindi kompetisyon o batas ng merkado ang dapat na magtakda ng minimum na halaga ng paggawa kundi ang cost of living. Ito ay alinsunod sa Konstitusyonal na karapatan sa living wage (Art. XIII Sec. 3 at Art. XV Sec. 3) o sa sweldo para sa disenteng pamumuhay ng manggagawa.

Katulad din ito sa pagtatakda ng mga negosyante sa presyo ng kanilang mga kalakal. Kung saan, ang minimum na presyo ay katumbas ng cost of production o mga gastusin para likhain ito. Sa lakas-paggawa, mapapanatili lang ng manggagawa ang kanyang produktibong pagtatrabaho kung ang sweldo niya ay sapat para bigyan siya at ang kanyang pamilya ng makataong pamumuhay.

Dapat itaas ang minimum wage sa antas ng living wage sa pamamagitan ng kombinasyon ng direct wage increase, tax breaks, subsidy sa social security contributions at price discounts sa basic goods and services na binibili ng mga manggagawa.

3. Trabaho at Seguridad sa Empleyo ng Lahat ng Manggagawa

“Full employment” ang kautusan ng Konstitusyon sa gobyerno. Ibig sabihin, obligasyon ng estado na bigyan ng sapat na hanapbuhay ang bawat Pilipino sa loob ng ating bansa. Hindi ito dapat na maging ahente para gawing alila ang mga Pilipino sa ibang bansa.

Taliwas sa Konstitusyon ang nangyayari sa kasalukuyan. Ang unemployed ay 11.3% ng kabuuang labor force, bukod pa sa 16.1% na underemployed (may pinagkakakitaan subalit nais pa ng dagdag na trabaho). Ibig sabihin, isa sa bawat apat na Pilipino ang walang sapat na hanapbuhay. Karamihan sa ating skilled workers (tulad ng mga nars at doktor) ay nangibang bayan na dahil sa kasalatan ng oportunidad na umunlad sa Plipinas.

Sa kabila nito, sobra-sobra ang trabaho ng mga nasa mga pabrika. Kalakaran sa mga pagawaan ay pag-oovertime at pumapayag ang mga manggagawa dahil kapos ang kinikitang sweldo. Ang resulta, ipinagkakait ng mga kapitalista ang paggawang ito na maaring gawin ng mga walang trabaho.

Hindi rin ligtas ang mga nagtatrabaho sa banta ng unemployment. Talamak ang mga iskema ng kontraktwalisasyon, pleksibilisasyon ng paggawa at oras ng paggawa, na nauso dahil sa Globalisasyon para mapamura ang lakas paggawa, mapalaki ang tubo at maikutan ang unyonismo.

May sapat na yamang likas at yamang tao ang Pilipinas para bigyan ng sapat na trabaho at masaganang buhay ang bawat Pilipino. Ang problema – bukod pa sa kabulukan ng pamahalaan at kasibaan ng mga kapitalista – ay ang delubyo ng Globalisasyon. Ang prinsipal na solusyon ay isang panibagong modelo ng nagsasariling pambansang pag-unlad na nilalayon ang paglakas ng lokal na industriya at agrikultura na magiging bukal ng disenteng hanapbuhay para sa mamamayang Pilipino, at mga batas at patakaran ng gobyerno na sadyang tinatarget hindi lamang ang job generation kundi job security.

4. Isabatas ang Proteksyon ng Paggawa Laban sa Globalisasyon

Ang Globalisasyon ay nangangahulugan ng pagbabaklas sa lahat ng proteksyon ng ekonomya ng bansa para sa malayang pagpasok at paglabas ng dayuhang kalakal at kapital. Dahil dito, ang ipinangako nitong “malayang kalakalan” ay nagdulot ng “malayang kompetisyon” sa lokal na industriya at agrikultura.

Sa pag-igting ng pandaigdigang kompetisyon, iisa ang gastusin sa produksyon na pinag-iinitang tipirin ng nga kapitalista. Walang iba kundi ang sahod, ang presyo ng lakas-paggawa. Sa panahon ng Globalisasyon, nauso ang iba’t ibang iskema para baratin ang mga manggagawa. Kabilang dito ang contractualization at downsizing.

Solusyon sa contractualization. May lehitimo at di lehitimong dahilan sa paggamit ng contractual labor. Kung seasonal o pana-panahon lang ang pangangailangan para sa contractual labor, ito ay lehitimong rason para hindi umupa ng regular na manggagawa. Pero kung ang totoong rason ay para makatipid sa pasahod/benepisyo at makaiwas sa regularisasyon, ito ay di lehitimong rason, labag sa batas at pandaraya sa paggawa. Ang iligal na paggamit ng contractual labor ang dahilan ng contractualization, at hindi ito napipigil sapagkat hindi ang tunay na rason sa likod ng ganitong contractualization ang inaatake ng mga batas hinggil rito.

Upang ganap na maiwasan at mapigilan ang di lehitimong paggamit ng contractual labor at maobliga ang mga kompanya na iregularisa ang ginagamit nilang mga contractual o casual, ipag-utos ng batas na sa pangkalahatan ay mas mataas ng 50% ang pasahod sa contractual labor kaysa regular labor. Sa ganitong paraan, mawawala ang rason o bentahe sa pananamantala sa contractual labor. Kung lehitimo naman ang rason sa paggamit ng contractuals, tama lang na bayaran ng mas malaki ang contractual dahil wala silang kasiguruhan sa trabaho kapag natapos ang kontrata at minimal ang mga benepisyo kumpara sa regular.

Isabatas ang isang Anti-Contractualization Law na may probisyong kailangang may pagsang-ayon ang nakatayong unyon, o ang kinatawan ng manggagawa kung walang unyon, sa paggamit ng contractuals pati ang pagpasok sa subcontracting at outsourcing.

Solusyon sa downsizing, Sa buong daigdig, nagkakaisa ang mga kilusang unyon sa iba’t ibang bansa na mali na ang magiging biktima ng progreso ay ang uring manggagawa, na ang isasakripisyo sa modernisasyon ng produksyon ay ang uring manggagawa. Kung tumataas ang produktibidad ng indibidwal na manggagawa dahil sa aplikasyon ng makabagong mga makina at teknolohiya, ibig sabihin, ang trabaho dati ng dalawa ay magagawa na ng isang manggagawa, mali na ang magiging hakbang ng kompanya ay downsizing, ang patalsikin sa trabaho ang sinasabing “redundant” na emleyado. Kung ganito ang magiging kalakaran, ibig sabihin, imbes na makinabang sa progreso ang manggagawa ay siya ang sinasagasaan at pineperwisyo.

Hindi dapat downsizing ang ibunga ng pagsulong ng industriya kundi pagpapaiksi ng araw ng paggawa (shortening of the working-day} nang walang kabawasan sa sahod at benepisyo. Ito ang tamang hakbang sapagkat maling-mali na pagkawala ng trabaho at paghihikahos ng pamilya ng empleyadong tatamaan ng downsizing ang ibinubunga ng modernisasyon ng produksyon. Kung tumataas ang produktibidad bunga ng aplikasyon ng makinarya, ang dapat na bunga nito ay hindi kawalan ng trabaho kundi pag-alwan ng trabaho at kabuhayan ng manggagawa gaya ng pag-iksi ng kanyang oras ng pagtatrabaho at paghaba ng kanyang panahon para sa pamilya.

Kung babalikan ang kasaysayan ng unyonismo sa buong mundo, nagawang paiksiin ng kilusang manggagawa ang araw ng paggawa mula sa 14, 12, 10 hanggang sa naging 8 oras sa isang araw. Hindi ito naging sagka sa pagsulong ng kapitalistang ekonomya. At sa panahong ito ng modernong industriya, ang pag-unlad ng mga kasangkapan sa produksyon ay mas matibay na dahilan para paiksiin pa ang araw ng paggawa upang pagaanin ang trabaho at isulong ang kabuhayan ng manggagawa.

5. Isulong ang mga Istandard at Benepisyo ng Manggagawa

a. 50% Overtime Rates. Hindi tayo sang-ayon na pinupwersa ng kapitalista o ng kababaan ng basic pay ang manggagawa na mag-overtime. Ang epekto nito ay sinasagad sa trabaho ang may trabaho pinagkakaitan ng trabaho ang walang hanapbuhay. Gayunman, dapat doblehin ang premium sa overtime mula 25% sa 50% ng basic pay sapagkat, una, ang sobrang oras na binibili ng kapitalista ay inaagaw na niya sa pamilya ng manggagawa, at ikalawa, ito’y trabahong ipinagkakait sa mga walang trabahong manggagawa. Dapat ding doblehin ang holiday pay, premium pay at night differential pay.

b. One Month Separation Pay. Doblehin ang separation pay na itinatakda ng batas at gawing katumbas ng isang buwang sahod. Baguhin din ang batas na ginagawa lang ikatlo sa prayoridad ang manggagawa sa babayaran kapag nagsara ang isang kompanya. Dapat unang makasingil ang manggagawa bago ang gubyerno at mga bangko. Ang pagpapalaki sa separation pay ay maaring magsilbing disentibo sa pagbabawas ng empleyado o pagsasara ng kompanya para muling magbukas sa ibang lugar (run-away shop).

c. 14th Month Pay. Isabatas ang 14th month pay na nakalaan sa Disyembre at ibigay ang dating 13th month pay sa Hunyo kasabay ng pagbubukas ng school year at bayaran ng matrikula. Kung ang mahihingi ng modernong sistema sa produksyon ay mataas na antas na edukasyon ng bagong henerasyon ng mga manggagawa, dapat lang na madagdagan ang kinikita ng manggagawa para matustusan ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanilang mga anak.

d. 3 Months Paid Maternity Leave. Ipatupad sa bansa ang rekomendasyon ng ILO na tatlong buwan na maternity leave with pay. Ipagkaloob rin ang parental leave. Mahalaga ang maternity leave at parental leave sa pag-aalaga sa bata at katatagan ng pamilya ng manggagawa. Itaas ang itinakda ng batas sa paid sick leave at vacation leave.

e. Monthly Pension. Palakihin ang pension mula sa SSS at GSIS para sa retiradong mga manggagawa. Ang karagdagang ito ay dapat sagutin ng buong hanay ng uring kapitalista at ng gubyerno, at hindi dapat kaltasin sa mga manggagawa.

f. Tax Breaks. Lahat ng manggagawa sa pribado at publikong mga sektor na ang take home pay ay hindi umaabot sa daily cost of living ay hindi dapat kaltasan ng withholding tax.

g. Housing Benefits. Isabatas ang pagtatayo ng workers’ villages na isang ispesyal na housing program ng gubyerno (national at LGU) katulong ang buong uring kapitalista na ang ginagamit ay mga lupa ng gubyerno na di kalayuan sa mga lugar ng trabaho ng mga manggagawa.

6. Proteksyon sa Masang Maralita at Informal Sector

Ang problema ng kakulangan ng disenteng tirahan at sapat na hanapbuhay, ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin at arawang gastos sa kabuhayan, ang kapabayaan ng gubyerno sa serbisyong panlipunan, edukasyon at kalusugan, ang pagkakait ng benepisyo sa progreso at dignidad ng paggawa, ang pagsupil sa pampulitikang karapaatan at representasyon ay komon na mga isyu ng lahat ng maralita, sa lunsod man o sa kanayunan.Patunay ito ng kabiguan at kabulukan ng umiiral na sistema, at ebidensya ng kawalan ng tunay na demokrasya para sa masa.

Ang masang maralita - ibig sabihin, ang hukbo ng walang trabaho at nasa imformal sector tulad ng vendors, jeepney, tricycle at taxi drivers, at mahirap na magbubukid - ay bahagi ng uring manggagawa sapagkat pareho ang katayuan sa buhay sa puntong walang pag-aaring yaman at biktima ng kapitalistang sistema. Katunayan, mas malala pa ang pagdarahop at kaapihan ng mga maralita dahil walang proteksyong tinatamasa gaya ng mga nasa formal sector. Tanging ang ganap na pagbabago sa lipunan ang lulutas sa kahirapan at kaapihan ng maralita.Ganunpaman, sa pamamagitan ng kagyat na reporma, mapapaalwan ang kadusta-dusta naming kalagayan.

Para sa Maralita ng Lungsod

a. Absolutong pagbabawal at iligalisasyon sa marahas na demolisyon at pwersahang ebiksyon sa maralitang naninirahan sa mga lupaing pag-aari ng gubyerno o malalaking korporasyon o negosyante, at sa maliliit na manininda sa kalsada. Lutasin ang mga sigalot sa kaparaanan ng negosasyon nang walang banta ng dahas, panlalansi o panunuhol.

b. Walang relokasyong dapat maganap kung hindi garantisadong mas maigi ang magiging kalagayan ng masa kaysa sa kanilang pinanggalingang komunidad. Ang pagtatakda ng ganitong istandard ang magtitiyak na madadaan sa negosasyon ang mga sigalot at maiiwasan ang pwersahang ebiksyon. Dapat lamang na magbigay ng alternative vending sites na katanggap-tanggap sa maliliit na manininda. Maglaan ang gobyerno ng concessionary loans para sa maliliit na manininda.

c. Sa malalaking proyekto ng gubyerno at pribadong sektor na apektado ang maralitang lungsod, isabatas ang pagpasok ng social cost sa project cost at dapat ang masang maralita mismo ang magtakda ng mga istandard sa pagkukwenta ng social cost.

d. Iprayoridad at garantiyahan ang saligang panlipunang mga serbisyo sa mga komunidad ng maralita.

e. Ibasura ang UDHA dahil ang balangkas nito ay hindi komprehensibong solusyon sa problema ng maralitang lungsod kundi mas nilulutas kung paano mapalayas ang masang maralita sa mga lupang gustong bawiin ng gubyerno o kamkamin ng pribado. Dapat magkaroon ng batas para sa komprehensibong solusyon sa problema ng maralitang lungsod.

Para sa mga drayber

a. Pagbasura sa oil deregulation bilang unang hakbang sa pagkontrol sa presyo ng langis at pagpapababa sa mga gastusin ng jeepney, tricycle at taxi drivers at operators. Magbalangkas ng epektibong sistema ng subsidyo sa mga produktong petrolyo na ginagamit sa pampublikong transportasyon.

b. Bawasan ang labis na ligal na bayarin ng jeepney, tricycle at taxi drivers at operators, at sugpuin ang talamak na pangongotong ng mga pulis at sindikato.

c. Rationalization ng over-regulation sa public transort sector na bunga ng patong-patong na burukrasya at sala-salabat na patakaran ng LTO, MMDA at LGU sa public transport sector. Ilagay sa superbisyon ng isang ahensya at magbalangkas ng mga regulasyon nang may konsultasyon sa mga samahan ng jeepney, tricycle at taxi drivers at operators.

d. Itayo ang isang mass transport system nang kinukunsidera ang katiyakan sa kabuhayan ng jeepney, tricycle at taxi drivers at operators. Ang pag-phase-out ng mga lumang jeepney, tricycle at taxi ay dapat mayroong konsultasyon sa apektadong drivers at operators.

Para sa Mahihirap na Magbubukid

a. Baklasin ang monopolyo sa lupa ng mga asendero at ilagay ang lupa sa kontrol ng magbubukid na nagbubungkal nito. Pawiin ang upa sa lupa sa anyo man ng ani, paggawa o pera. Abolisyon ng anumang porma ng usura na pasanin ng magbubukid at totohanin ang concessionary loans mula sa Landbank batay sa programang ACEF at AFMA.

b. Lansagin ang mga kartel sa mga produktong agrikultural at buhusan ng suportang pinansyal at teknikal ang mga mahihirap na magbubukid tungo sa modernisasyon at industriyalisasyon ng kanayunan.

c. Engganyuhin ang pagbubuo ng cooperative farms sa halip na individual farms o corporate plantations.

d. Ipatupad ang labor standards at ilagay sa proteksyon ng labor code ang mga manggagawang agrikultural sa malalaking plantasyon at mahirap na magbubukid na nagbebenta ng lakas-paggawa sa mayayamang magsasaka at panginoong maylupa.

7. Proteksyon sa Overseas Filipino Workers

Ang tunay na katangian ng globalisasyon ay nalalantad ng katotohanang habang ipinipilit ang malayang paggalaw ng kapital kasabay namang pinipigil ang malayang migrasyon ng paggawa. Ang mayayamang bansang promotor ng globalisasyon ang pursigidong naglalagay ng restriksyon sa pagpasok ng migranteng manggagawa sa kani-kanilang bansa. Kinikilala natin na isang demokratikong karapatan ng manggagawa ang kalayaang mangibang-bayan sa layuning maghanap ng trabaho, kumita ng mas malaki at bumuti ang buhay.

Ganunpaman, ang puno’t dulo ng malawakang migrasyon ng manggagawang Pilipino ay dahil hindi sila mabigyan ng sapat at disenteng trabaho sa ilalim ng bulok na sistema at atrasadong kapitalismo. Mahirap masukat pero tiyak na malaki ang social costs na likha ng paglikas ng lagpas walong milyong Pilipino. Negatibo ang epekto sa pagpapaunlad ng Pilipinas ng tinatawag na brain drain at pagkawala ng milyun-milyong skilled at professional workers.

Ang ultimong solusyon sa pag-ampat ng malawakang migrasyon ng manggagawang Pilipino ay ang nagsasariling pag-unlad ng bansa sa batayan ng pambansang industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura upang magkaroon ng sapat at disenteng hanapbuhay para sa lahat. Sa kagyat ang determinadong pagtatanggol at pagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng migranteng Pilipino laban sa pang-aabuso at pananamantala sa kanila ay dapat na maging haligi ng patakaran ng gobyerno

a. Wakasan ang deregulasyon ng labor export industry. Hindi maaring ineengganyo ng gobyerno ang paglikas ng mga manggagawa bilang paraan ng paglikha ng trabaho pero iniwan sa kamay ng pribadong recruitment at placement agencies ang mismong pagpapadala ng mga manggagawa. Palakasin sa halip na pahinain ang poder at regulasyon ng POEA sa pagpapadala ng mga migranteng manggagawa. Pabigatin ang parusa sa iligal na mga recruiter.

b. Amyendahan ang Migrants Workers and Overseas Workers Act para tanggalin ang mga probisyon na nagbibigay-laya sa deregulasyon ng labor export industry. Bigyan ng ngipin ang batas na ito para sa dagdag na proteksyon sa migranteng mga manggagawa, partikular mga kababaihan at marino.

c. Repormahin at reorganisahin ang OWWA upang mapagsilbihan ang kapakanan ng migranteng mga manggagawa. Ibasura ang OWWA Omnibus Policies. Isulong ang mga programa at serbisyo para sa pangangailangan ng migranteng mga manggagawa at kanilang pamilya, tulad ng social security, health at housing. Pangalagaan ang OWWA Fund sa pamamagitan ng mga mekanismo ng audit at transparency. Totohanang representasyon ng migranteng mga manggagawa at kanilang pamilya sa OWWA Board.

d. Amyendahan ang Overseas Absentee Voting Law upang maging mas epektibo. Kasama sa dapat baguhin ay ang sistema para sa postal o personal na pagrehistro at pagboto, continuing registration ng overseas Filipinos at angkop na mekanismo para sa pagrehistro at pagboto ng mga marino.

e. Maging prinsipal na oryentasyon at gawain ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa ibang bansa ang proteksyon sa migranteng mga manggagawa. Magbalangkas ng labor agreements sa mga bansang tumatanggap ng migranteng mga manggagawa upang tiyak ang proteksyon ng labor standards at social legislation. Ilaban sa internasyunal ng mga kasunduan ang ibayong proteksyon para sa migranteng mga manggagawa at abolisyon ng mga restriksyon sa malayang paggalaw ng paggawa.

8. Repormang Pang-ekonomya

Dapat nang lagutin ang napakahaba’t walang patid na kasaysayan ng dayuhang dominasyon sa Pilipinas na siyang namumukod na dahilan ng atrasadong pag-unlad ng ating ekonomya. Sandaang taon na tayong nasa ilalim ng imperyalistang dominasyon ng US at ang kasalukuyang kalagayan ng ating ekonomya ang nagpapatunay na pagsasamantala at panghuhuthot ang interes nito sa ating bayan at hindi pakikipagkaibigan. Dapat nang tigilan ang baluktot na katwirang wala tayong alternatibo kundi manatiling nakasandig sa US at lalo tayong mapasasama kapag hindi sumunod sa mga kagustuhan nito.

Ang isang bansang nasa imperyalistang dominasyon ay nakalubog sa isang kumunoy at wala nang sasahol pa sa ganitong sitwasyon. Kahit sa globalisadong mundo ay maaring magsarili ang Pilipinas sa pang-ekonomyang landas ng pag-unlad basta may kapasyahan ang gubyerno at nagkakaisa ang sambayanan. Pampulitikang kapasyahang nagsasariling paunlarin ang bansa ang kinakailangang hakbang sa pang-ekonomyang progresong ang pinakasimulain ay progreso at hustisyang panlipunan.

Itigil ang pagsandig ng Pilipinas sa dayuhang puhunan at dayuhang pautang dahil mas malaki ang nagiging kapalit nito kaysa pakinabang na pang-ekonomyang pag-unlad. Tama lang na papasukin ang mga dayuhang imbestor ngunit sa ating kondisyon. Ang pagbabayad sa mga dayuhang pautang ay dapat batay sa ating kapasidad at prayoridad. May sapat na kayamanan at puhunang nakaimbak ang Pilipinas para paandarin ang ekonomya ng bansa nang hindi nagpapaalipin sa dayuhang puhunan at pautang.

Distrungkahin ang “export-oriented, import dependent” na linya ng palsipikadong pag-unlad at halinhan ng patakaran ng industriyalisasyon ng ekonomya at modernisasyon ng agrikultura na prinsipal na nakasandig sa pagsulong ng panloob na pamilihan at sariling mga kalakal.

Isabansa ang mga susing korporasyon sa mga istratehikong industriya tulad ng langis, kuryente, tubig, atbp. Palakasin sa halip na pahinain ang pampublikong sektor ng ekonomya sa kondisyong ang nakatayo ay isang matalino, progresibo at makamasang gubyerno.

Ibig sabihin, tinututulan natin ang panukala ngayon na i-takeover ng gobyerno sa panahon daw ng krisis ang krusyal na mga industriya sapagkat sa ilalim ng bulok na rehimeng Arroyo ang mga kompanyang ito ay huthutan at gagatasan lamang ng mga kawatan sa gobyerno

9. Repormang Elektoral, Pulitikal at Sosyal

Ang kabulukan ng sistemang pang-ekonomya sa bansa, kung saan ang iilang nagmamay-ari ang nagpapasasa sa yamang likha ng nakararami ay ginagawang mas malubha’t mas masahol ng kabulukan ng kabuuang gubyernong kontrolado rin ng mga naghaharing uring ito.

Ang “Hello Garci” tape ay patunay ng talamak na katiwalian sa buong burukrasya ng estado mula lokal hanggang pambansang antas, at sa bawat sangay at ahensya ng pamahalaan, mula ehekutibo hanggang lehistura at pati ang mga hukuman. Ang buong makinarya ng militar at pulisya ay inuuod na sa kabulukan at lantarang ginagamit para sa interes pampulitika ng elitistang paksyong may hawak sa poder.

Natural na modus operandi ang korapsyon at katiwalian sa kasalukuyang gobyerno dahil kasali ang mamamayan sa operasyon at pagdedesisyon nito. Ang partisipasyon ng taumbayan sa pulitika ay tuwing eleksyon lamang, minsan sa tatlo o anim na taon, kung saan pinipili nila kung sino sa mga elitista ang susunod na mang-aapi sa mamamayan.

Kabilang sa pangunahing mga repormang pampulitikang aming ipinaglalaban ay ang reporma sa sistemang elektoral, sistema ng partidong pampulitika at sistema ng parlamentaryong demokrasya. Ang pinakamainam na larangan ng pakikipaglaban para sa mga repormang ito ay sa loob at labas ng isang People’s Assembly na dapat ipatawag ng pansamantalang gobyernong mabubuo matapos mapatalsik si Arroyo at madiskaril ang paghalili nina Noli, Drilon at De Venecia bilang “constitutional successors”. Ang People’s Assembly ay dapat na maging pagtitipon ng mga kinatawan ng taumbayan – ibig sabihin, manggagawa, maralita, magsasaka, middle class, atbp – upang balangkasin ang bagong konstitusyon para sa malawak na pampulitika at panlipunang pagbabago.

Ang pinakapundamental na repormang pampulitikang dapat ipaglaban ay ang paggigiit ng pampulitikang soberanya at kasarinlan ng Pilipinas mula sa dominasyon at interbensyon ng mga dayuhang bansa at pwersa. Dapat salaminin ng mga batas at kautusan ng gobyerno ang kapasyahan ng sambayanan, hindi ng mga dayuhan. Tayo ay dapat na makipag-ugnayan sa ibang bansa sa diwa ng totoong pandaigdigang kapatiran at kooperasyon. Sa diwa nito, dapat itigil ang pagsuporta ng gobyerno sa “gera laban sa terorismo” na pinangungunahan ng Estados Unidos na sa katunayan ay gera ng agresyon laban sa mamamayan ng daigdig.

Sa madaling salita, ang repormang elektoral at pampulitika na ating sinusulong ay magreresulta ng demokratisasyon ng lahat ng antas ng gobyerno, ng pagtitiyak sa partisipasyon ng mamamayan sa loob nito.

Dapat magkaroon ng representasyon ang mga manggagawa sa lahat ng ahensya at institusyon ng pamahalaan mula antas lokal hanggang nasyunal. Sa ngayon, may itinatalagang “kinatawan” diumano sa ilang piling ahensyang, tulad ng SSS, subalit palakasan at pagpapakatuta sa umiiral na rehimen ang batayan ng paghirang na ito. Kaya naman hindi nagiging tagapagtanggol ng kapakanan at karapatan ang mga inutil na “kinatawang” ito.

Ang hinihiling namin ay totoong mga representante ng manggagawa hindi sa ilan kundi sa lahat ng ahensya upang magsilbing bantay ng mamamayan sa mga nakatalaga sa opisinang ito. Ang kilusang manggagawa ang dapat na maghirang sa mga kinatawang ito para walang utang na loob sa umiiral na rehimen at sa anumang oras maaari silang tanggalin kung hindi gagampan ng maayos sa kanilang pwesto. May kakayahan ang mga manggagawa na magsilbi sa responsableng mga posisyon ng gobyerno at pagmamaliit na isiping hindi ito magagampanan ng mga manggagawa laluna’t kung iisipin mga empleyado ng gobyerno ang araw-araw nagpapagana ng serbisyo publiko

Ang pag-unlad ng anumang bansa ay nasusukat sa tinatamasang mga karapatan ng kanyang mamamayan. Dahil dito dapat na maging espesyal na bahagi ng programa ng gobyerno ang pagbibigay importansya sa panlipunan, pampulitika at pangkulturang mga karapatan ng mga Plilipino.

Sinusuportahan namin ang mga kahilingan ng ibang mga uri at sektor. May dalawang kondisyon ng pagsuporta sa mga kahilingang ito: (1) nagsisilbi ito sa kagyat na interes na pakilusin ang buong mamamayan para ibagsak ang rehimeng Arroyo sa batayan ng pagrereporma sa lipunan; at (2) konsistent ang mga ito sa demokratisasyon ng buong lipunan na kinakailangan para sa malayang pag-unlad ng manggagawa bilang uri.

Batayang Panlipunan, Pampulitika at Pangkulturang Karapatan

Ang sambayanan ay may karapatang mabuhay nang malaya at may dignidad. Ang pagkilala sa mga karapatang ito ay tumgkulin ng gobyerno. Gayundin ang pangangalaga at pagtitiyak sa dignidad ng mamamayan bilang indibidwal at bilang myembro ng komunidad. Tiyakin ang kapasidad sa sariling pag-unlad ng bawat tao. Isabatas ang mga patakaran, batas at mekanismo ayon sa mga unibersal na istandard ng karapatang pantao. Obligasyon ng gobyerno ang pagbibigay ng pinakamataas na antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagbubuwag sa di-pagkakapantay-pantay sa batayang pang-ekonomiya, pampulitika, lahi at kasarian. Karapatan din ng mamamayan ang tamasahin ang pinakamataas na istandard ng kalusugan at tiyakin ng gobyerno ang sapat na nutrisyon at eradikasyon ng kagutuman.

Kasama din sa batayang karapatan ng mamamayan ang makabuluhang representasyon, partisipasyon, at pagdedesisyon sa mga usapin ng bansa at komunidad, at ang seguridad at privacy ng mga indibidwal at kanilang mga pamilya. Sa lahat ng pagkakataon, dapat garantiyahan at proteksyunan ng gobyerno ang mga karapatan sa malayang pamamahayag at mapayapang pagtitipon.

Pantay na oportunidad na maglingkod sa bayan ng lahat ng kwalipikado. Tiyaking ang pampulitikang kapangyarihan ay hindi monopolyado ng iilan at sagkaan ang mga political dynasty.

Ang soberanya ay nasa taumbayan. Nasa mamamayan ang karapatan para tutulan ang isang despotiko, mapang-api at tiwaling rehimen sa mga paraang konsistent sa pangkalahatang mga prinsipyo ng karapatang pantao.

Rekognisyon sa Karapatan para sa Self-Determination

Dapat itigil ang gera sa Mindanao at Cordillera, gayundin ang militarisasyon sa kanilang mga komunidad. Ang mga katutubo at ang Bangsamoro ay may karapatan sa pagkakapantay-pantay tulad ng ibang Pilipino at hindi dapat maging biktima ng anumang uri ng diskriminasyon. Karapatan nilang mabuhay bilang hiwalay na bansa, kasama ang pagtutol sa klase ng pag-unlad ng bansa sa kanilang pag-iral bilang komunidad. Daanin sa negosasyon ang nagaganap na armadong labanan tungo sa pampulitikang kasunduang nakabatay sa pagkilala sa kanilang karapatang magsarili.

Pagpapalaya sa mga Bilanggong Pulitikal

Ibasura ang mga kasong kriminal na ipinataw sa mga indibidwal na nagsusulong ng kanilang pampulitikang paniniwala. Kung hindi napipinsala ang taumbayan at hindi nasasagkaan ang panlipunang hustisya at progreso, ang anumang paraan ng pagsusulong ng pulitikal na ideolohiya ay dapat kilalanin ng gobyerno. Kagyat na palayain ang mga bilanggo at detinidong pulitikal.

Abot-kaya, Makabuluhan at De-kalidad na Edukasyon para sa Lahat

Ibasura ang Edukasyon Act of 1982 sapagkat ang balangkas nito ay “deregulation” na nagbibigay-laya sa mga kapitalistang edukador na magtakda ng matrikula at iba pang singil, at kung gayon patakbuhin bilang negosyo ang pribadong edukasyon.

Palawakin at palakasin ang pampublikong sistema ng edukasyon mula primarya hanggang kolehiyo. Ipatupad ang itinatadhana ng Konstitusyon, ilaan sa edukasyon ang pinakamataas na alokasyon sa pondo ng gobyerno imbes na sa pambayad-utang.

Isabatas ang “Magna Carta of Students” na gumagarantiya sa academic freedom, sa pag-oorganisa at pagkilos ng mga estudyante para ipaabot sa nangangasiwa ng paaralan o unibersidad ang kanilang mga hinaing, at sa representasyon ng estudyante sa Board of Directors o Board of Regents ng paaralan. Ibasura ang Campus Journalism Act at palitan ito ng batas na totoong nagtatanggol at nagtataguyod sa malayang pamamahayag ng mga mag-aaral.

Pantay na Karapatan at Oportunidad sa Kababaihan, Kabataan, Gays and Lesbians

Ang kabataan ay may karapatan sa espesyal na pagkalinga, edukasyon, kalusugan, at proteksyon sa lahat ng anyo ng pang-aabuso, diskriminasyon, pagsasamantala, katiwalian at mga sitwasyong sumasagka sa kanilang pag-unlad. Ang interes ng kabataan ay dapat maging pangunahin sa mga batas at patakaran ng gobyerno. Ipagbabawal ang child labor, child prostitution and trafficking, at child abuse. At ipagbawal ang paggamit ng mga salitang may bahid ng diskriminasyon gaya ng “illegitimate children”.

Pantay na karapatang sibil, pampulitika, panlipunan at kultural sa mga kababaihan. Proteksyunan sila ng gobyerno mula sa diskriminasyon, pagsasamantala, trafficking, assault, battery at iba pang anyo ng pang-aabuso at karahasan. Pantay na karapatan ng mga kababaihan na kumatawan at mamuno sa pampubliko at pribadong mga institusyon. Burahin ang sexismo at “sexist stereotyping” sa midya, paaralan at iba pang institusyon. Itigil ang diskriminasyon sa “sexual and gender preference”. Ibigay ang karampatang serbisyo sa mga biktima ng karahasan sa kababaihan. Huwag ituring na kriminal ang mga kababaihang biktima ng prostitution at sa halip ay parusahan ang mga kapitalistang nagsasamantala sa kanila.

Kilalanin ang karapatan ng lahat ng mag-asawa, magkarelasyon at mga indibidwal na malaya’t responsableng magpasya sa bilang, agwat at panahon ng kanilang magiging anak. Bigyan sila ng sapat na kaalaman at kaparaanan para dito. Karapatan ng mamamayan ang pinakamataas na istandard ng sexual at reproductive health.

Gayundin, respetuhin ng gobyerno ang pagdedesisyon ng mga magkarelasyon ukol sa reproduksyon. Tiyakin na ito ay walang diskriminasyon, koersyon o karahasan. Isabatas ang Reproductive Health Care Program na gagarantiya sa reproductive rights at reproductive health ng kababaihan. Gawing bahagi ng serbisyo ng gobyerno ang pagbibigay ng libre at ligtas na contraceptive. Ipagbawal ang forced sterilization. Ang sex education at mga usapin ng kababaihan ay ilagay sa kurikulum ng mga paaralan.

Pantay na ligal at panlipunang karapatan sa mga indibidwal na magbuo ng iba’t ibang anyo ng mga relasyon sa loob at labas ng matrimonya o kasal (kasama ang same sex marriage at de Facto relationship). Tiyakin ang karapatan ng kababaihan sa dibersyo, karampatang alimonya at suporta sa mga bata. Kilalanin ang produktibong paggawa ng kababaihan sa loob ng pamilya. Maglaan ng mga serbisyo, programa at rekurso para pagaanin ang mga gawaing bahay at mulatin ang mamamayan sa magkatuwang na responsibilidad ng babae at lalake sa gawaing bahay.

Para sa May-kapansanan

Maglaan ang gobyerno ng ispesyal na proteksyon sa mga may-kapansanan. Karapatan nilang tamasahin ang pantay na oportunidad, kabilang ang serbisyo sosyal, edukasyon, trabaho, rehabilitasyon at social security.

Para sa Senior Citizens

Bigyan ng gobyerno ng preferential treatment ang mga senior citizen. Sila ang bibigyang prayoridad sa social security at health.

Proteksyon sa Kalikasan

Lahat ng ng likhang yaman ay nagmula sa paggawa at kalikasan. Kung kaya’t itataguyod ng gobyerno ang maingat na paggamit, pagpapaunlad at pagpapanatili ng likas-yaman upang tiyakin ang ecological balance at sustenadong tugunan ang mga pangangailangan ng taumbayan. Karapatan ng mamamayan ang malinis, ligtas at sustenadong kapaligirang maaaring pagkunan ng maayos na pamumuhay.

Kung gayon, ipatupad ng gobyerno ang absolute ban sa commercial logging sa mga lugar na deforested kundi man kritikal. Ipagbawal ang dumping ng industrial waste at poisonous substances ng mayayamang bansa sa teritoryo ng Pilipinas. Tuklasin ang mga “renewable sources” ng enerhiya at itaguyod ang tradisyunal na teknolohiyang hindi nakakasira sa kalikasan.

Igiit ang makatarungang kompensasyon sa pagkasira sa kalikasan dulot ng dating mga base militar ng Amerika at multinasyunal na mga korporasyon sa Pilipinas. Balangkasin ang patakaran para sa sustenadong paggamit ng lupa at tubig, komprehensibong waste management, at sa anti-pollution program. Ipagbawal ang pagmimina sa lugar na nasa kritikal na ekolohikal na kalagayan, gayundin ang mga teknolohiyang nakakasira sa kalikasan.

Ang Susi sa Tagumpay ng Aming Mga Kahilingan

Minsan may nagsabi na ang “bawat hakbang ng totoong pagkilos ay mas mainam kaysa sa isang dosenang programa”. Ibig sabihin, hindi sapat ang simpleng ilista lamang ang mga paninindigan at kahilingan nating manggagawa’t maralita. Sapagkat mas matimbang ang totoong pagkilos kumpara sa mga “papel” ng ating plataporma.

Sinumang aktibong kasapi ng unyon at samahan sa komunidad ng maralita ay nakauunawa sa kahalagahan ng pagkakaisa at pakikibaka para kamtin ang ating kahilingan. Karanasan mismo ang nagsasabing hindi makakamit ang mga kahilingan sa isang collective bargaining agreement kung ito ay ililista at ihahain lang ng kapitalista.

Paano ba nagtatagumpay ang isang unyon? Sa pamamagitan ng nagkakaisang paninindigan at pagkilos ng mga kasapi nito. Pagkakaisa at pagkilos. Ito ang susi sa tagumpay ng malawakang reporma sa lipunan at gobyerno na hinahangad ng mga manggagawa.

Hindi totoong tayong mga manggagawa at maralita ay nagsawa na sa rali’t protesta. Sa tindi ng hirap ng buhay dahil sa Globalisasyon, “pumuputok na ang dibdib” natin sa sobrang ngitngit sa bulok na gobyerno. Siguradong ang ngitngit na ito ay sasabog sa tamang pagkakataon.

Kung mayroon man tayong pinagsawaan, ito ay ang mga resulta ng pagkilos na gaya ng Edsa 2, mga pag-aalsang ginamit lang tayo ng karibal na paksyon ng mga elitistang nasa poder para umagaw sila ng kapangyarihan.

Higit kailanman, ngayon na ang panahon para ipakita nating mga manggagawa’t maralita sa sambayanang Pilipino kung alin sa mga uri sa lipunan ang tunay na desidido at totoong may kapasidad na baguhin ang sistema.

Dapat itong patunayan ng ating uri, ang uring manggagawa, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Hindi lang sa pagpapahayag ng mga pagbabagong ating ninanais. Hindi lang para imarka ang kaibhan natin sa elitistang oposisyon. Ang higit na importante ay itatak natin ang nagkakaisang pagkilos ng uring manggagawa para maipagtagumpay ang kahilingan ng uri at bayan. #