Lunes, Mayo 4, 2015

Ric Reyes: My Resignation from Akbayan

Here's Ric Reyes' letter to PLM explaining his resignation from Akbayan:
Ric Reyes: My Resignation from Akbayan


Please see below Ka Ric's explanation for his resignation from Akbayan (see attachment).

==================

Dear All,

This is to inform you that I resigned as Akbayan member during its recently held 6th Regular Congress after it voted to continue the party's alliance with the Aquino administration and its coalition with the Liberal Party.

I cannot defend, much less comply, with a policy to ally with an administration and ruling party whose aggressive neo-liberal and pro-US directions and designs have ran roughshod over the interests of the working class, the peasantry and the fishers and have forsaken the nation's and the people's sovereignty.

Many comrades advised me to remain in as much as the Aquino administration has only 13 months to go before it steps down from power. But I said those 13 months are forever - like a flowing stream that carries the mud of previous years and will pile up more before it reaches its destination.

I look forward to continue working with comrades and start working with new ones to strengthen the movement for socialism and participatory democracy, including comrades in Akbayan as individuals.

Attached is the speech I prepared for a debate on the alliance issue and also for my resignation in the event that the Akbayan Congress voted in favor of the alliance policy.

Mabuhay!

PAHAYAG NI KASAMANG RIC REYES 
SA IKA-6 NA REGULAR NA KONGRESO NG PARTIDO AKBAYAN
CLOUD 9, ANTIPOLO CITY, ABRIL 23-25


25 Abril 2015

Mga kasama,

Anim na taon ang nakakaraan, sa lugar ding ito, tumayo ako para tutulan ang panukala na magbuo ng pormal at mataas na alyansa sa Partido Liberal at suportahan ang kandidatura ni Senador Mar Roxas. Liban sa akin at sa mga kasamang kinatawan ng Alliance of Progressive Labor (APL) halos lahat ay sumang-ayon. Sa bisa ng desisyong ito, sinuportahan ng ating partido ang kandidatura ni Senador Noynoy Aquino nang siya ang ipinalit ng Partido Liberal kay Senador Roxas.

Tumutol ako dahil ang Partido Liberal at si G. Roxas ay tagapagtaguyod noon pa ng neoliberal na direksyon ng ekonomya at pamamahala . Ang direksyong neoliberal ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon ay instrumento para patayin ng mga monopolyong global at lokal ang ating kakayahang lumikha ng trabaho at kabuhayan, magreporma sa lupa at payabungin ang agrikultura, at proteksyunan ang ating likas na yaman para sa ating mamamayan, kabilang ang mga katububo . Lalo lamang mabubulid sa kahirapan ang mayorya ng ating mamamayan at makokonsentra ang yaman at kapangyarihan sa iilang pamilya at mga monopolyong dayuhan at lokal.

Dito ako nagdumiin dahil sa ipinapakita ng ating karanasan bilang isang bayan. Ang demokrasya at kahirapan ay hindi pwedeng magsama. Ang bayang mayorya ay mahirap ay hindi kailanman magiging demokratiko. Ang pangarap ng ating Partido na mabali ang pulitikang elitista, trapo at padron ay mangyayari lamang kung ang ating mamamayan ay makakaahon sa kahirapan para maging independyente, mulat at aral na botante at walang kinatatakutang Pilato at Herodes sa bawat sulok ng ating bayan. Ang kahirapan ay hindi lang kasalatan sa pangangailangan sa buhay kundi ang kawalan ng kapangyarihan bunga ng makauring pagsasamantala at kaapihan.

Ang islogan ni G. Aquino nang palitan niya si G. Roxas: Kung walang corrupt, walang mahirap, ay hindi kapani-paniwala. Baligtad pa ang mas malapit sa katotohanan: kung walang mahirap, mahirap maging corrupt. Gayunman, ang panawagang ito ay naging kaakit-akit di lamang sa maraming kababayan kundi sa marami ring progresibo hindi lamang dahil kailangang tapusin na ang labis na corruption ng nakaraang administrasyon. Ang isang tapat at tuluy-tuloy na anti-corruption drive ay maaaring tumibag sa malalaking dinastiya na magbibigay ng ispasyo para sa mga progresibong pwersa at magpapalaya sa malaking pera ng gubyerno para sa mga batayang pangangailangan ng mamamayan.

Kaaakyat pa lamang sa Malacanang ng bagong presidente, malinaw na sa kanyang hirang na Gabinete at direksyon ng pamamahala na ang direksyong neoliberal ay mananatili. Pero dahil sa malalaki niyang hakbang para ipakulong si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, pababain sa pagiging Ombudsman si Gutierrez at tanggalin sa pamamagitan ng impeachment si Chief Justice Corona, natakpan sa media ang araw-araw na kaganapan sa ating mga tahanan at komunidad – ang palalang kahirapan, kawalan ng trabaho, namamatay na kabuhayan, ang mas mabigat na dobleng pasanin ng ating kababaihan, ang malaking bilang ng di makapag-aral, ang di-makayanang gastos sa ospital, sa koryente at tubig at pamasahe, ang mga demolisyon, at ang walang tigil na paglisan sa ating bayan ng ating manggagawa para sa trabaho abroad.

Umasa ang maraming kababayan pati ang ating Partido na ang kampanya ng Presidente laban sa corruption ay magtutuluy-tuloy at ang problema n gating ekonomya ay unti-unting mahaharap. Kung kayat matapos ang unang tatlong taon ni G. Aquino sa Malacanang, sumisikat pa ang araw para sa kanya bagamat may namumumuong masamang panahon sa di-kalayuan.

Nasa ibabaw na natin ngayon ang maiitim na ulap. Ang pangako ng kanyang kampanya kontra corruption ay tumigil sa pintuan ng kanyang mga kasangga at kaalyado sa gubyerno. Ang prosecution at pagkulong sa tatlong senador at ang paglalantad at pagkakaso sa salang corruption laban sa pamilyang Binay ay makabuluhang hakbang sa paglilinis ng gubyerno. Subalit sa masugid na depensa ni G. Aquino sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP), sa pagkunsinti sa iba’ibang paikot ng mga kongresista at senador sa pag-ilegalisa sa PDAF at sa pagprotekta sa kanyang mga kakamping sangkot sa pork barrel scam naging double-standard ang kanyang kampanya laban sa corruption.

Kasabay nito ang mas mapaminsalang pangyayari. Ang sa umpisa’y “business as usual" na pagdadala ng neoliberal na direksyon ay naging agresibo nang pagtutulak nito na lalong nagpalala sa kahirapan at katayuan ng ating mga manggagawa, magbubukid, mangingisda, katutubo at kababaihan.

Ang adyenda ng ating Partido sa paggawa, agraryo at pagsasaka, pangisdaan at soberanyang bayan ay sinagasaan ng administrasyong ito.

Ang laban natin para sa full employment ay winalang bahala. Walang malinaw na industrial policy para buhayin ang ating mga industriya at baliin ang nakabaong monopolyo ng mga dayuhang korporasyon at mga kabit nitong lokal na monopolyo. Ito ang bara sa pagyabong ng mga maliliit at katamtamang mga negosyo at bara rin sa pagpasok ng mga dayuhang puhunan na makakatulong sa ating ekonomya.

Sa ating pagtataguyod sa karapatan ng paggawa, ang sagot ni G. Aquino ay pagmamatigas laban sa Security of Tenure Bill. Hindi natin makakalimutan ang pag-akusa ni G. Aquino ng economic sabotage sa mga unyonista ng PAL, ang PALEA. Masakit sa dibdib ang pagkatuwa niya sa nakaraang SONA na kakaunti na lang ang nagwewelga. At makahumindig-galit ang pangarap niyang zero strike sa SONA ding yaon. G. Aquino, alam ng buong bayan pati ang mga kapitalista na kaya kaunti at napakahirap magwelga ngayon ay hindi dahil maligaya sila sa kanilang sahod, benepisyo at iba pang karapatan, kundi dahil nilulumpo ang mga unyon ng contractualization at ang kapangyarihan ng gubyerno na mag-assume ng jurisdiction at mag-compulsory arbitration tuwing may labor dispute.

Lahat ng ito ay pinahayag ng APL at SENTRO sa Kongresong ito. Dagdag pa nila, ang mga manggagawa ay walang nakuha sa kanilang mga hiling ng makatwirang taas ng sahod, substantial tax breaks para sa sumasahod nang minimum, pagbaba ng bayad sa koryente, transportasyon at iba pang serbisyo, at determinadong pagbibigay hustisya sa mga biktimang unyonista at aktibista ng extra-judicial killings, at ang FOI bill.

Winaldas ni G. Aquino at kanyang administrasyon ang nalalabing pagkakataon at panahon na ipatupad ang CARPER. Natapos ito na ayon mismo sa DAR, 60 porsyento ng target nitong pamamahagi ng lupa sa magbubukid ay hindi pa nagagawa, kabilang ang hindi pa nabibigyan ng Notice of Coverage (NOC) matapos ang 25 taon. Ito ang sabi lang ng DAR. Paano na ang may 1 milyong ektaryang nabura sa target nang walang malinaw at kapani-paniwalang paliwanag? Ngayon pa lamang, sa Audit na sinisimulan ng Save Agrarian Reform Coalition (SARA) , naglilitawan na ang mga anomalya sa CLOA sa ilalim ng CARP bago pa mag-CARPER.

Ang CARPER ay sunog na sinaing na. Tutong sa ilalim, hilaw sa ibabaw at ang makukuha mo na lamang ay pakutsa-kutsarang luto. Kailangang magsaing nang bago. Para magawa ito, kailangang pawalang bisa o rebisahin ang maraming batas na sumasakal sa repormang agraryo tulad ng kapangyarihan ng LGU sa land classification, pagbali ng mga monopolyo sa agrikultura at pagbasura sa liberalisasyon na nagpasok sa atin sa WTO.

Ang lalong masakit, isa na namang salin ng mga batang magbubukid at batang aktibista ang magsasakripisyo para sa isang pagbabago na binuhusan na ng pawis, talino at dugo ng ilang henerasyon at naiukit na sa ating Konstitusyon.

Dineklara ng ating Partido na agrikultura ang susi sa pambansang pag-unlad: agriculture-led development. Salamat kay G. Aquino at kanyang administrasyon, ang ating agrikultura at ang ating magbubukid ay nahaharap sa mas matinding disaster sa mga papasok na taon. Pinayagan ng gubyerno na tapusin na ang quantitive restriction (QR) o pagkontrol sa importasyon ng bigas. Libre nang bumaha ang murang bigas mula Thailand at Vietnam. Wasak ang kabuhayan ng ating milyong magpapalay.

Salamat din kay G. Aquino, ang kanyang bagong EO sa coco levy ay salungat sa hinihingi ng mga maliliit na magninyog na lumaban nang ilang dekada at naglunsad ng milya-milyang martsa nang ilang beses. Ang nabawing mga coco oil mills at mga kaugnay na pag-aari ay isasapribado. Takam na takam na ang mga pinuno ng gubyerno sa mga bilyon ni Manny Pangilinan. Sa halip na gawing perpetual fund ang P71 billion coco levy, ito ay hinayaan na sa disposisyon ng PCA kung saan maimpluwensya si Danding Cojuangco at mga monopolista sa niyog. Ang kahilingan ng magninyog na Farmers Trust Fund para panghawakan ang nakumpiskang coco levy money sa halip na PCA ay nakasalang sa Kongreso kung saan may malaking tipak ng mga kongresista si Danding at mga monopolista sa niyog at walang determinadong pagtutulak ng Malacanang para rito.

Salamat uli kay G. Aquino at kanyang administrasyon, ang pinirmahan niyang Sugarcane Industry Development Act ng 2015 ay magbibigay daan sa lalong pagsakal ng mga monopolista sa asukal sa maliliit na saka sa tubo sa ilalim ng iskemang “ block farming “. Bagong panabotahe na naman ito sa laban para lansagin ang mga asyenda at gawing demokratiko ang kontrol sa lupa at kapital sa ating mga tubuhan.

Ang alarmang matagal nang itinaas ng mga maliliit na mangingisda tungkol sa mabilis na pagkaubos ng ating pangisdaan dahil sa open access sa karagatan na binigay sa malalaking komersyal na pangingisda ng mga kapitalistang korporasyon at kawalan ng plano at regulasyon ng gubyerno ay hindi pinapakinggan ng gubyerno.

Ang mahirap, marahas at dikdikang labanan ng mga manggagawa sa mararalitang komunidad ay nagtamo ng ilang tagumpay sa ilalim ng administrasyong ito. Nais kong kilalanin sa puntong ito ang ambag ng pumanaw na Kalihim Jesse Robredo at NAPC sa ilalim ng ating Joel Rocamora. Gayunman, di ko maikaila sa aking sarili na ang tagumpay na ito ay hindi permanente. Hindi matibay ang angkla ng patakarang on site at in city sa urban settlement program ng gubyerno at maliit ang pondong nakalaan para rito.

Tuluy-tuloy pa rin at paparami ang coal mining sa maraming lugar sa bansa, laluna sa Kabisayaan, sa ilalim ng kutsabahan ng ADB at ng gubyerno. Nakakasira ito sa klima, nakatarak ito sa puso ng mga lupang ninuno ng mga katutubo at nakakapinsala ito sa kalusugan ng mga komunidad na nakatira sa paligid.

Totoong nag-ambag si G. Aquino sa malawak at malakas na kampanya ng kilusang kababaihan at mga progresibo na nagtagumpay ipasa ang Reproductive Health Act. Ang mga hakbanging nilalaman ng batas na ito, bagamat limitado pa rin, ay patungo sa ganap na pagkilala ng karapatan ng kababaihan sa kanilang katawan. Paro tulad ng alam natin sa nangyayari sa mga karapatan, ito ay madaling maging patay na letra hanggat ang karamihan ng ating kababaihan mula sa manggagawa, magbubukid, mangingisda at katutubo ay nananatiling mahirap at kapos sa kapangyarihan sa pulitika.

Tinupad ni Aquino nang higit pa sa ninais ng kanyang ina na si Corazon Aquino na panatilihin ang base militar ng US sa Pilipinas. Ngayon, sa ilalim ng Enhanced Defense Coorperation Agreement (EDCA), makapagtatayo muli ng mga base at instalasyong militar ang mga Amerikano AT SA MISMONG sa mga kampo at instalasyong militar ng Pilipinas bukod sa iba pang pribilehiyong binigay sa mga tropang Amerikano sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Nakakagimbal ang kataksilang ito. Tahasang binaligtad nito ang tagumpay ng mahigit kalahating siglo ng makabayang pakikibaka ng mamamayang Pilipino para palayasin ang mga base militar ng US sa ating bayan.

Mga kasama, hindi lang ito simpleng patakarang panlabas o patakarang panlabas na militar. Ang sinangla dito ay ang ating pambansang soberanya, ang ating karapatang ugitin ang ating sariling direksyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipag-relasyon sa ibang bansa.

Lalong pagkokonsolida ito ng sakal ng dayuhan sa atin na kahit may pagluluwag ng mga nakaraang dekada ay nasa sentrong parametro pa rin ng Imperyong Amerikano. Kinomit ng EDCA ni Aquino ang Pilipinas bilang lunsaran o staging post ng gyera ng US laban sa tinatawag nitong terorismo na nakatuon sa mga kaaway nito sa Islamic at Arab world at sa geo-political na paligsahan nito sa Tsina. Mas maaga pa, tinanggap ni Aquino ang asaynment ni Presidente Obama na maging liaison ng US ang Pilipinas sa ASEAN. Nakakahiya!

Bulls-eye ang winika ni Senadora Santiago: wala kang makikitang isang bansa na labis labis na namanipula ng isa pang bansa tulad ng Pilipinas. Minsan pa, pinako ng isa pang Presidente ng Pilipinas ang ating bayan sa pinakamalaking kasawian nito sa kasaysayan – ang hindi pagkakaroon ng tunay na pagkakataon liban sa panahon ng Rebolusyong Pilipino at Digmang Pilipino-Amerikano, na umugit ng ating kinabukasan, lalo na para sa nakararaming mamamayan, bilang malayang bansa.

Mga kasama, hinding hindi ko matatanggap na sa kabila ng pananagasa ni Aquino at ng kanyang administrasyon sa adyenda ng ating Partido sa paggawa, agraryo at agrikultura, pangisdaan, at soberanyang bayan, ay magpapatuloy pa tayo ng alyansa sa kanila at koalisyon sa Partido Liberal. Hindi ko matatanggap na dapat itong gawin ng isang partido ng mapanlahok na demokrasya at sosyalismo.

Saksi ang mga naunang nagtayo ng ating Partido at mga kasaping nanatili at nagpursigi sa ating hanay sa kabila ng ating mga ups and downs na sinikap kong maging mabuting myembro, maging ako ma’y nasa mayorya o minorya. Naniniwala ako na ang praxis ng pagiging mabuting mayorya at mabuting minorya ay isang haligi ng pagtatayo ng demokratikong institusyon.

Batid ng mga kasama na kahit salungat ako sa desisyon ng ating 2009 Kongreso na makipag-alyansa sa Partido Liberal, kinilala ko ito. Katunayan, sa tulak ng lokal na oposisyon sa aking bayan ng Pasig, tumakbo ako kahit agaran para pamunuan ang labang elektoral kontra sa dinastiya sa amin sa ilalim ng koalisyon ng ating partido, LP, Partido ng Masang Pilipino, Sanlakas, Partido Lakas ng Masa at Magdalo.

Kahit kontra pa rin ako sa patakarang koalisyong ito, kinilala ko pa rin ang desisyon ng 2012 Kongreso ng ating partido.

Tinindigan ko rin ang ating partido sa ilang beses na pagkalas ng ilang mga grupo ng mga taong malalapit sa akin at sinikap kong angkupan at gamutin ang mapapait na bunga nito.

Hindi ninyo rin ako naringgan na aalis kung ang pusisyong tinindigan ko ay hindi mapagtitibay.

Sa pagkakataong ito, napakalalaki ng mga nakasalang na tumitinag at tumitibag sa mga pundamental kong paniniwala at sa aking tingin ay mga pundamental na paninidigan ng partido Akbayan nang ito ay itatag.

Hindi ko kayang ipagtanggol sa ating mamamayan, sa aking sarili at sa aking kahapon – ang alaala ng mga naunang nakibaka sa atin, at lalong hindi ko kayang ipatupad ang boto ng ating Kongreso ngayon na ipagpatuloy ang alyansa kay Aquino at sa Partido Liberal.

Dahil dito, tanggapin ninyo ang pormal kong pagbibitiw bilang kasapi ng Partido Akbayan.

Mahal ko kayong lahat at maraming maraming salamat sa inyong lahat sa ating mga ginintuang panahon ng pagsubok, pangangarap, iyakan at katuwaan.

Ricardo B. Reyes

Martes, Enero 13, 2015

Fasting para palayain ang mga bilanggong pulitikal, isinagawa

FASTING O PAG-AAYUNO PARA PALAYAIN NA ANG MGA BILANGGONG PULITIKAL, ISINAGAWA

Suot sa kanilang t-shirt ang mga katagang "We are on fasting. Free all political prisoners now!", nagsagawa ng fasting o pag-aayuno kaninang umaga hanggang hapon ang mga kaanak ng bilanggong pulitikal, at mga kasapi ng organisasyong Ex-Political Detainee Initiative (XDI), sa Mendiola at sa UST sa España. Mula umaga sa Morayta ay nagmartsa sila patungo sa tulay ng Mendiola at nagsagawa ng maikling programa doon. Pagkatapos ay nagmartsa sila patungong UST sa España, isinabit doon ang kanilang mga streamers at plakard, at doon ipinagpatuloy ang kanilang pag-aayuno.

Ayon sa datos ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), may 347 detenidong pulitikal ang nakapiit ngayon sa iba't ibang detensyon sa bansa, kasama na rito ang nasa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa. May mga deka-dekada na ang inabot sa piitan, sentensyado man o hindi. Nasa 173 dito ang biktima ng torture. May mga detenidong "senior citizen" na, at mayorya sa kanila ay mga may karamdaman. Ang magtagal pa sa loob ng bilangguan ang mga may karamdaman at mga senior citizen ay maglalagay lamang sa panganib sa kanilang buhay. Marapat lamang na sila ay palayain na."

Sa isang streamer na kulay puti ay nakasulat, "Palayain ang lahat ng mga biktima ng torture, senior citizen, may karamdaman, at deka-dekada nang detenido at bilanggong pulitikal!" Sa isa pang streamer ay nakasulat ang isang panawagan kay Pope Francis na parating na sa bansa, "Your Holiness, please help and pray for our concern with President Aquino. Free all political detainees and prisoners."  Hinihiling nila na nawa'y maging instrumento si Pope Francis upang mapalaya ang mga bilanggong pulitikal.

Ang nakalagda sa mga streamers at plakard ay ang XD Initiative at ang UATC (United Against Torture Coalition).

Ayon kay Edwin Guarin, pangulo ng XDI, "Ang mga detenidong pulitikal ay dapat bigyan ng pagkakataon na makapiling na ang kanilang mga pamilya. Ang mga hirap at pasakit na inabot nila sa loob ng kulungan, at ang kasalukuyan nilang kalagayan, sa tingin namin, ay sapat na upang sila ay makalaya."

Dagdag pa nila, ang mga political prisoners ay hindi kriminal, kundi sila'y mga aktibistang nakibaka para sa hustisyang panlipunan at pagbabago. Sila ang mga nakikibaka para sa kagalingan ng mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, mga maralita't iba pang aping sektor ng lipunan. Ngunit ikinulong ng gobyerno, at pinatungan ng gawa-gawang mga kasong kriminal.

Sumama sa pagkilos ang mga kasapi ng Amnesty International, Medical Action Group (MAG), Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Task Force Detainees of the Philippines, Balay Rehabilitation Center, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at mga pamilya at kaanak ng mga bilanggong pulitikal.

(Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.)


Lunes, Setyembre 15, 2014

Groups Launch Resistance Movement vs. Noynoy Aquino

Joint Press Release
15 September 2014 

Groups Launch Resistance Movement vs. Aquino’s Emergency Powers, Cha-Cha, Term Extension and Attacks vs Supreme Court

“When injustice becomes law, resistance becomes a duty.” Atty Aaron Pedrosa, SANLAKAS Secretary General borrows a quote from Thomas Jefferson, as various groups and sectoral organizations gathered to launch a movement dubbed as “All Resist Movement” (ARM the People!). 

Leaders of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). SANLAKAS, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita sa Lunsod (KPML), Aniban ng Magsasaka sa Agrikultura (AMA), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Metro Manila Vendors Alliance (MMVA) and Partido Lakas ng Masa (PLM) took turns in lambasting President Noynoy Aquino’s request for a Joint Resolution from Congress that would grant him emergency powers to address a purported energy crisis in 2015.

Leody de Guzman, BMP President, added, “Two presidents invoked and used Emergency Powers: Fidel Ramos, when he used it and locked-in the country in IPP contracts that to this day the Filipino people are paying for in high electricity rates; and Gloria Arroyo, when she wielded emergency powers to preserve her fraudulently acquired presidency in the 2004 elections. During both times, emergency powers did not serve the people’s interest and welfare at all.” 

“Why does he need Emergency Powers? The energy crisis is the result of EPIRA, a law that after over ten years of existence has proven to have failed in ensuring power supply and affordable electricity for the people, especially the masses. If Congress should act to resolve the crisis, it is should not be to give Noynoy emergency powers but to throw out EPIRA and pass a new law that gives back the control of the power industry to government.” decried Flora A. Santos of the Metro Manila Vendors Alliance.

“Connect the dots. From appropriating the powers of Congress to stop approved government projects, declaring these funds as “savings” in order to divert the funds into other projects, and the cross-border transfer of these funds to allies and prospective allies, his endorsement of ChaCha for the expressed purpose of clipping the powers of the Supreme Court, his innuendos towards term extension, and now, Aquino wants emergency powers. Doesn’t this smack of Marcosian rule?” Pedrosa pointed out. 

The groups also opposed the Economic ChaCha, .spearheaded by House Speaker Sonny Belmonte. Sonny Melencio, PLM Chairman, described the move to insert the phrase “and as provided by law” towards allowing 100% foreign ownership in the Philippines as “an attempt to give foreign corporate interest a free pass to ravage the nation’s natural and human resources without any guarantees that it will benefit the entire populace and not only the factories in export processing zones and the residences of the propertied classes”.

While Aquino and his allies give foreign corporate interest carte blanche rights to plunder our economy, PNoy is going on his 4-European Nation 8-day Tour on a Filipino labor-pimping mission.”, added Gie Relova of BMP”.

“All of the Heads of State and corporate bosses that Aquino will talk to will find out how dirt cheap Filipino labor is and how contractualization has breached all industries in the country and that once the constitution is amended, it will make it even more profitable for capitalists to invest here, Relova said.

The All Resist Movement (ARM the People) which they described as a peoples’ crusade in response to Noynoy Aquino’s plans to further plunder the economy and extend his term in office by amending the constitution and utilizing special provisions that will grant him emergency powers.

The ARM the People campaign, as the militants articulated “is also the peoples’ response and resistance to the crude political maneuvers of Aquino and allies to secure their political survival in the 2016 elections by the continued practice of the pork barrel system”.

Pedrosa argued that, “After the striking down of the impeachment charges before the House, this call to arms is the logical step forward for an aggrieved and victimized nation to redress the four-year epic failure of the presidency of Aquino and the unabated neglect and misery of our people”.

ARM the People will be launched this coming week from the 16th onward with a series of mass actions to bring to Noynoy’s doorstep in Malacanang, to Congress, to the Senate the resistance of a people who will not allow corruption, injustice or tyranny to prevail.

On September 21, ARM the People will hold simultaneous protest actions at the grassroots level in various cities and municipalities in Metro Manila, and in major city centers in Laguna, Cavite, Bulacan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Tacloban, Davao City and Ozamiz City.#

All Resist Movement (ARM the People!), Inilunsad

Kuha ni Omeng Abunda ng Sanlakas, 091514
Joint Press Release
15 Setyembre 2014 

Resistance Movement, Inilunsad ng iba’t ibang grupo laban sa Emergency Powers ni Aquino, Cha-Cha, Term Extension at Atake sa Korte Suprema

“Kapag naging batas ang inhustisya, tungkulin na nating makibaka.” Hiniram ni Atty. Aaron Pedrosa, Secretary General ng SANLAKAS, ang mga pananalitang ito kay Thomas Jefferson, habang nagtitipon ang iba’t ibang grupo at organisasyong sektoral sa paglulunsad ng isang kilusang tinawag nilang “All Resist Movement” (ARM the People!).

Kinutya ng mga lider ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). SANLAKAS, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lunsod (KPML), Aniban ng Magsasaka sa Agrikultura (AMA), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), at Partido Lakas ng Masa (PLM) ang kahilingan ni Pangulong Noynoy Aquino sa kahilingan nitong Joint Resolution mula sa Kongreso na magbibigay sa kanya ng emergency power upang matugunan ang napipintong krisis sa enerhiya sa 2015.

Idinagdag pa ni Leody de Guzman, pangulo ng BMP, “Dalawang pangulo na ang naggiit at gumamit ng emergency power: si Fidel Ramos, nang ginamit niya ito at ipiniit ang bansa sa mga kontrata ng IPP na hanggang sa ngayon, nagbabayad ang mamamayang Pilipino ng napakataas na presyo ng kuryente; at si Gloria Arroyo, nang ginamit niya ang emergency power upang mapanatili sa kanyang nakuha-sa-dayang pangkapangulo noong halalang 2004. Sa dalawang panahong iyon, hindi nakapagsilbi sa kapakanan at kagalingan ng mamamayan ang emergency power.”

“Bakit niya kailangan ng emergency power? Ang krisis sa enerhiya ang resulta ng EPIRA, isang batas na makalipas ang mahigit sampung taon ay patunay ng pagkabigong matiyak ang suplay sa kuryente at abotkayang elektrisidad para sa mamamayan, lalo na sa mga maliliit. Kung kikios ang Kongreso para maresolba ang krisis, ito’y hindi ang bigyan ng emergency power si Noynoy kundi ibasura ang EPIRA at magpasa ng bagong batas na magbabalik sa pamahalaan ng kontrol sa industriya ng kuryente,” puna ni Flora A. Santos ng Metro Manila Vendors Alliance.

“Ikonekta natin ang mga tuldok. Mula sa paglalaan ng kapangyarihan ng Kongreso upang matigil ang mga aprubadong proyekto ng gobyerno, na idinedeklrarang “ipon” o “savings” ang mga pondong ito upang mailipat ang mga pondo sa ibang proyekto, at ang mga paglilipat ng mga pondong ito sa mga alyadao at inaasahang alyado, ang kanyang pag-endorso sa ChaCha para sa adhikain niyang mabawasan ang kapangyarihan ng Korte Suprema, ang mga pasaring niya sa pagpapalawig ng termino, at ngayon, nais ni Aquino ng emergency power. Hindi ba ito isang paggaya sa pamamahala ni Marcos?” pagdidiin pa ni Pedrosa.

Laban din ang mga nasabing grupo sa Economic ChaCha, na pinangungunahan ni House Speaker Sonny Belmonte. Inilarawan ni Sonny Melencio, pangulo ng PLM, ang kilos upang ipasok ang pariralang “and as provided by law” hinggil sa pagpayag sa 100% pag-aari ng dayuhan sa Pilipinas bilang “pagtatangkang bigyan ng libreng pases ang mga dayuhang korporasyon na was akin ang likas-yaman at lakas-paggawa ng bansa nang walang anumang katiyakan na ito’y magbibigay ng benepisyon sa buong mamamayan, at hindi lang sa mga pabrika sa export processing zones at sa mga tahanan ng uring maraming pag-aari”.

Habang binibigyan ni Aquino at kanyang mga alyado ang interes ng mga dayuhang korporasyon ng blangkong karapatang mandambong sa ating ekonomya, patungo naman si PNoy sa kanyang walong araw na pagdalaw sa apat na bansa sa Europa upang ibugaw ang manggagawang Pilipino.” Dagdag ni Gie Relova ng BMP.

“Lahat ng mga Pinuno ng Estado at mga boss na kapitalista na kinakausap ni Aquino ay malalaman kung gaano kamura ang lakas-paggawa ng manggagawang Pilipino, at paanong dumaragsa ang kontratwalisasyon sa lahat ng industriya sa bansa, at kapag naamyendahan ang konstitusyon, lalo pang magkakamal ng tubo ang mga kapitalistang magnenegosyo rito,” dagdag pa ni Relova.

Ang All Resist Movement (ARM the People) na inilarawan nilang krusada ng taumbayan bilang tugon sa plano ni Aquino na patuloy pang dambungin ang ekonomya at palawigin ang kanyang termino sa pwesto sa pamamagitan ng pag-amyenda sa konstitusyon at paggamit ng mga ispesyal na probisyon na magbibigay sa kanya ng mga emergency power.

Ang kampanyang ARM the People, na ipinaliliwanag ng mga militante “ang siya ring tugon ng sambayanan at paglaban sa baluktot na maniobrang pulitikal ni Aquino at ng kayang mga kaalyado upang matiyak ang kanilang pulitikal na pananatili sa halalang 2016 sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng sistemang pork barrel”.

Iginiit pa ni Pedrosa, “Matapos na mabasura ang mga impeachment charges sa Mababang Kapulungan, ang panawagang pag-aarmas na ito ang lohikal na hakbang pasulong para sa inapi’t biniktimang bansa upang tugunan ng apat-na-taong pagkabigo ng pagkapangulo ni Aquino at ang patuloy na pagbalewala at karukhaan ng ating mamamayan”.

Ilulunsad ang ARM the People sa susunod na linggo mula sa ika-16 sa pamamagitan ng serye ng mga aksyong masa upang madala sa tarangkahan ni Noynoy sa Malacañang, sa Kongreso, sa Senado ang pakikibaka ng taumbayang hindi pumapayag sa katiwalian, inhustisya o tiranya na manatili.

Sa Setyembre 21, maglulunsad ng sari-saring pagkilos sa antas ng masa ang ARM the People sa iba’t ibang lungsod at bayan sa Metro Manila, at sa mga mayor na sentrong lungsod sa Laguna, Cavite, Bulacan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Tacloban, Lungsod ng Davao at Lungsod ng Ozamiz.#

Linggo, Agosto 24, 2014

Panunumpa ng bagong pamunuan ng SAMANA-FA sa Mandaluyong, Idinaos

PANUNUMPA NG BAGONG PAMUNUAN NG SAMANA-FA SA MANDALUYONG, IDINAOS

Agosto 24, 2014 - Kasabay ng ikatatlumpung (ika-30) anibersaryo ng Samahan ng Maralitang Nagtitinda sa Fabella (SAMANA-FA) sa Lungsod ng Mandaluyong, idinaos naman ang panunumpa ng bagong pamunuan nito. Ang tema ng anibersaryo ay "Magtitinda, Magkaisa! Isulong ang Katiyakan sa Hanapbuhay at Permanenteng Tirahan".

Ang bagong pamunuan ng SAMANA-FA ay sina: Ka Pedring Fadrigon - pangulo; Demetrio Riego - pangalawang pangulo - panloob; Rodelo Ramirez - pangalawang pangulo - panlabas; Alberto Kalalo - pangkalahatang kalihim; Patricio Ningala Jr. - pangalawang kalihim; Melanie Matias - ingatyaman; Nemia Bongalonta - tagasuri; - Salvador Soriano at Christopher Bolanon - PRO; at ang mga kasapi ng konseho ay sina: Leonora Espadilla, Arlene Gomez, Ma. Prima Rose, Marilou Bongcayao; Placida Cahinhinan; Edilberto Doctor, Rosemary Borreros at Loreta Cipriano.

Nauna rito'y nagdaos muna ng misa ng pasasalamat, na pinangunahan ni Fr. Wilmer Rosario, parish priest ng Sacred Heart of Jesus Parish, sa Welfareville Compound. 

Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Kagawad Carlito C. Cernal, at iba pang hindi agad nakuha ang pangalan. Dumating ang kinatawan ni Mayor Benhur Abalos na si Jimmy Isidro, na siyang nagpasumpa sa bagong pamunuan. Matapos ang misa'y nagdaos ng munting programa, at nagsalita si Ka Pedring Fadrigon. Nagpalabas din ng video si Mr. Isidro hinggil sa mga aktibidad ni Mayor Abalos, tulad ng kalinisan at ang bagong ordinansa ng Mandaluyong laban sa mga riding in tandem, pati na ang usapin ng palupa ng mga taga-Welfarevill. Binanggit din niya  ang hinggi sa Republic Act 9397, na umano'y pag-amyenda sa Seksyon 12 ng RA 7279 o UDHA (Urban Development and Housing Act). Binanggit din niyang libre ang pangungupahan ng mga taga-SAMANA-FA sa palengke hangga't si Mayor Abalos ang nakaupo sa pwesto.

Nagsimula ang misa ng ikapito ng gabi, at natapos ang buong programa ng bandang ikasiyam at kalahati ng gabi.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.


Miyerkules, Agosto 20, 2014

Joint PR: Groups Vow to Fight Aquino’s bid for Cha-Cha and Term Extension

SANLAKAS - BMP - PLM
Joint Press Release
20 August 2014 

Groups Vow to Fight Aquino’s bid for Cha-Cha and Term Extension to Secure Himself and his Pork Barrel Beyond 2016

CITING President Noynoy Aquino’s innuendoes towards Cha-Cha and term extension, and his declaration of intent to clip the powers of the judiciary after the Supreme Court declared his Disbursement Acceleration Program (DAP) unconstitutional, progressive groups say this clearly reveals Aquino’s dictatorial tendencies.

In a press conference held in Quezon City, the groups Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Partido Lakas ng Masa (PLM) and allied peoples organizations vowed to take to the streets and mobilize to fight President Noynoy Aquino schemes to change the Charter in order to extend his term in office to secure himself in the face of recent Disbursement Acceleration program (DAP).controversy.

“If a sitting President flouts the Constitutional tenets on checks and balance by flagrantly attacking the judiciary, flaunts his control over the legislative branch, and pits this against the judiciary as well,  does this not endanger the very delicate balance of power of existing constitutional democracy?” argued Atty. Aaron Pedrosa, national Secretary-General of Sanlakas.

Pedrosa said that Aquino’s recent moves against the judiciary, and calls for cha-cha and term extension reminds us of how President Ferdinand Marcos, who in 1972 was on his last year of his Constitutionally-mandated second term made similar innuendoes for term extension during the Constitutional Convention to amend the 1935 Constitution. “We all know what happened in September of 1972, Marcos usurped absolute power when he declared martial law and ruled as a dictator for the next 13 years”.

For his part, Leody de Guzman of BMP asserted that, “the bottom line of recent political tumult since parts of the DAP were declared unconstitutional by the SC is Aquino’s intent to protect himself and his partymates from the consequence of such a resolution, and to secure himself and his party of continued control over power beyond 2016.”

The groups also decried the refusal of Congress to recognize an impeachment complaint they filed earlier against President Aquino on the grounds of “culpable violation of the constitution” and “betrayal of trust”.  

Sonny Melencio of Partido Lakas ng Masa said, “Despite the general belief that impeachment in our political system is a numbers game, and that all impeachment complaints that are now filed and being deliberated in the House Committee on Justice are expected to be thrown out because of Noynoy’s and the ruling party coalition’s control over the very large majority of the House of Representative, it is still important and significant that we and all the groups who have done so, take a stand and file for impeachment of President Aquino, in the effort to expose the hypocrisy of this administration’s campaign against corruption, and the nature of their TRAPO rule.”  

Melencio added, “the fact that we have a House of Representative that will do the behest of the Executive in order to preserve the pork barrel system and to protect their hold on power merely reveals the reality that what we have is a Congress of TRAPOs and elite politicians, not a Congress truly representative of the people, the large majority that is the toiling masses.”

The groups called on the public “not to rely and put their lives and welfare in the hands of the Congress of TRAPOs, but to secure the people’s welfare and interest by setting up a People’s Congress that is representative of the large majority, that is of the toiling masses.”  

At their press conference, the groups announced that on August 25, they will launch a nationally-coordinated protest actions in major urban centers such as Metro Manila, Laguna, Cavite, Cebu City, Bacolod City, and Tacloban City in the Visayas, Davao and Ozamis City in Mindanao.

In Metro Manila, they will march to Mendiola in the morning to raise their call, and in the afternoon they will join with various forces gathering in Luneta against the Pork Barrel System.

Thereafter they vowed to hold a series of protests in all urban centers nationwide in the coming weeks. The activists say that these mass actions shall serve as venues and spaces for ordinary folks to link arms and resist and fight the Aquino government’s track of preserving their pork barrel, Cha-Cha and Aquino’s term extension.###

Biyernes, Agosto 15, 2014

Halalan ng SAMANA-FA sa Mandaluyong, Inilunsad

Halalan ng SAMANA-FA sa Mandaluyong, Inilunsad

Inilunsad ng grupong SAMANA-FA (Samahan ng Maralitang Nagtitinda sa Fabella) ang halalan ng kanilang bagong pamunuan, hapon ng Agosto 15, 2014, Biyernes, sa bulwagan ng Barangay Addition Hills sa Lungsod ng Mandaluyong. Sa 104 na kasapian ng SAMANA-FA, 91 lamang dito ang nakaboto. Kaya may 13 kasapi ang hindi nakaboto.

Dalawang pangkat ang naglaban, na kapwa may 15 kandidato. Ang patakaran, sa tatlumpung kandidato, ihahalal ang labinlimang kandidato na siyang bubuo ng bagong pamunuan, kasama ang komiteng tagapagpaganap at ang mga itatalagang mamununo ng bawat komite.

Ang mga kandidato sa Team A ay sina: 
1. Pedrito "Pedring" Fadrigon
2. Alberto "Albert" Kalalo
3. Salvador "Buddy" Soriano
4. Demetrio "Jimmy" Riego
5. Eugenia "Nemia" Bongalonta
6. Placida "Ida" Cahinhinan
7. Patricio "Patrick" Ningala
8. Romeo "Toto" Blances
9. Rodelo "Rudy" Ramirez
10. Arlene Gomez
11. Leonora "Nora" Espadilla
12. Fely Misias
13. Edilberto "Edil" Doctor
14. Christopher "Nonoy" Bolanon
15. Loreta "Lorie" Cipriano

Ang mga kandidato sa Team B ay sina:
1. Santiago "Santi" Mente
2. Alejandro "Alex" Descalzota
3. Alberto "Bert" Habana
4. Doroteo "Tiyoy" Lasao
5. Ma. Linda "Marlyn" Caunday
6. Ma. Fe "Fe" Mente
7. Marilou "Malou" Boncayao
8. Ma. Prima "Linday" Rose
9. Melanie "Melan" Matias
10. Ruth "Ritchie" Bacsain
11. Alejandro "Alie" Navidad
12. Imelda "Emie" Plaza
13. Ricky Cortez
14. Rosemary "Rose" Boreros
15. Reny "Ronnie" Descalzota

Ang mga kasapi ng COMELEC ay sina Ka Danny Afante, Merck Maguddayao at Joy Autencio. Ang nagbilang ng boto ay si Merck Maguddayao.

Nagkaroon ng patas (tie) na boto ang apat na kandidato, mula ika-14 hanggang ika-17 pwesto, na pare-parehong nakakuha ng 40 boto, at napagdesisyunan ng mayoryang naroon na isama na lahat, kaya naging labimpito na ang bilang ng pamunuan ng SAMANA-FA.

Ang mga nanalo at ang kanilang nakuhang boto ay sina: 
1. Pedring Fadrigon - 58
2. Rudy Ramirez - 57
3. Buddy Soriano - 55
4. Nemia Bongalonta - 52
5. Melan Matias - 51
6. Nora Espadilla - 50
7. Jimmy Riego - 49
8. Albert Kalalo - 46
9-10. Arlene Gomez - 43
9-10. Prima Rose - 43
11. Malou Boncayao - 42
12-13. Ida Cahinhinan - 41
12-13. Patrick Ningala - 41
14-17. Rose Borreros - 40
14-17. Edil Doctor - 40
14-17. Nonoy Bolanon - 40
14-17. Lorie Cipriano - 40

Napagkaisahan ng mga naroong dumalo na ipagpaliban muna ang botohan kada pwesto sa pagitan ng labingpitong nanalo. Magbobotohan sila sa susunod na mga araw para sa pwestong pangulo, atbp. Ipapakilala ang bagong pamunuan sa Agosto 24, 2014, anibersaryo ng SAMANA-FA.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Magandang paalala. Kuha sa paligid ng venue.
Magandang paalala. Kuha sa paligid ng venue.
Ang mga nanalo sa halalan