Huwebes, Setyembre 26, 2019

Ang talumpati ni Greta Thunberg sa Kongreso ng Amerika

TALUMPATI NI GRETA THUNBERG
SA KONGRESO NG AMERIKA
Setyembre 18, 2019
Malayang salin ni Greg Bituin Jr.

Ang pangalan ko ay Greta Thunberg. Ako'y labing-anim na taong gulang at mula sa Sweden. Nagpapasalamat ako't kasama ko kayo rito sa Amerika. Isang bansang para sa maraming tao'y bansa ng mga pangarap.

Mayroon din akong pangarap: na magagap ng mga pamahalaan, partido pulitikal at korporasyon ang pangangailangan ng agarang pagkilos hinggil sa krisis sa klima at ekolohiya at magsama-sama sa kabila ng kanilang pagkakaiba - tulad ng gagawin mo sa isang kagipitan - at gawin ang mga kinakailangang hakbang upang mapangalagaan ang mga kondisyon para sa buhay na may dignidad para sa lahat ng tao sa daigdig.

Nang sa gayon - kaming milyun-milyong nag-aaklas na kabataan mula sa paaralan - ay makabalik na sa paaralan.

May pangarap akong ang mga nasa kapangyarihan, pati na rin ang midya, ay simulang tratuhin ang krisis na ito tulad ng umiiral na emerhensiyang ito. Upang makauwi na ako sa aking kapatid na babae at mga alaga kong aso. 

Sa katunayan, marami akong pangarap. Subalit ito ang taon 2019. Hindi ito ang panahon at lugar para sa mga pangarap. Ngayon ang panahon ng paggising. Ito ang sandali ng kasaysayan kung saan dapat tayong lahat ay gising.

At oo, kailangan natin ng mga pangarap, hindi tayo mabubuhay ng walang pangarap. Subalit may panahon at lugar para sa lahat ng bagay. At hindi dapat pigilan ng mga pangarap ang pagsasabi tulad ng ganoon.

At gayunpaman, kahit saan ako pumunta ay parang napapaligiran ako ng mga alamat. Ang mga namumuno sa negosyo, mga halal na opisyal sa iba't ibang saray ng pulitika na nagbigay ng kanilang oras sa paglikha at pagtalakay ng mga kwentong pampatulog na nagpapaginhawa sa atin, na tayo'y babalik sa pagtulog.

Ito'y mga kwentong "pampabuti ng pakiramdam" tungkol sa kung paano natin aayusin ang lahat ng gusot. Gaano kaganda ang lahat ng bagay kung "malulutas" ang lahat. Ngunit ang problemang kinakaharap natin ay hindi ang kakulangan natin ng kakayahang mangarap, o isipin ang isang mas mahusay na mundo. Ang problema ngayon ay kailangan nating gumising. Panahon na upang harapin ang reyalidad, ang mga katotohanan, ang siyensya.

At ang pinag-uusapan ng siyensya ay di lamang ang "mga dakilang pagkakataon upang lumikha ng lipunang ninanais natin lagi". Tinatalakay nito ang hindi sinasabing pagdurusa ng tao, na lalala pa ng lalala habang naaantala tayo sa pagkilos - maliban kung kikilos na tayo ngayon. At oo, kasama sa isang sustenableng nagbabagong mundo ang maraming bagong benepisyo. Ngunit kailangan ninyong maunawaan. Hindi ito pagkakataon upang lumikha ng mga bagong luntiang trabaho, bagong mga negosyo o paglago ng luntiang ekonomiya. Higit sa lahat ito'y emerhensiya, at hindi lang ito tulad ng ibang emerhensiya. Ito ang pinakamalaking krisis na naranasan ng sangkatauhan.

At kailangan nating tratuhin ito nang naaayon upang maunawaan at magagap ng mga tao ang pangangailangan ng agarang aksyon. Dahil hindi mo malulutas ang isang krisis kung hindi mo ito tatratuhing isang krisis. Tigilan ang pagsasabi sa mga tao na ang lahat ay magiging maayos kung sa katunayan, tulad ng nakikita ngayon, hindi ito magiging maayos. Hindi ito isang bagay na maaari mong ibalot at ibenta o "i-like" sa social media.

Itigil ang pagpapanggap na ikaw, ang ideya mo sa negosyo, ang iyong partidong pampulitika o plano ang makakalutas sa lahat. Dapat mapagtanto nating wala pa tayo ng lahat ng mga solusyon. Malayo pa iyon. Maliban kung ang mga solusyong iyon ay nangangahulugang tumitigil lang tayo sa paggawa ng ilang mga bagay.

Hindi maituturing na pag-unlad ang pagbabago ng isang mapaminsalang mapagkukunan ng enerhiya para sa isang bagay na hindi gaanong mapaminsala. Ang pagdadala ng ating mga emisyon sa ibang bansa ay di nakakabawas ng ating emisyon. Hindi makakatulong sa atin ang malikhaing pagpapaliwanag. Sa katunayan, ito ang mismong puso ng problema.

Maaaring narinig na ng ilan sa inyo na mayroon na lang tayong labingdalawang taon mula noong Enero 1, 2018 upang putulin sa kalahati ang emisyon natin ng carbon dioxide. Ngunit sa palagay ko, iilan lang sa inyo ang narinig na mayroong limampung bahagdan (o singkwenta porsyento) na tsansa na manatiling mababa pa sa 1.5 degri Celsius ng pandaigdigang pagtaas ng temperatura sa ibabaw ng antas ng bago pa ang panahong industriyal. Limampung bahagdang pagkakataon (o singkwenta porsyentong tsansa).

At sa  kasalukuyang, pinakamahusay na magagamit na siyentipinong kalkulasyon, di kasama ang mga di kahanay na kritikal na dako pati na rin ang karamihan sa mga hindi inaasahang lundo ng pagbalik (feedback loop) tulad ng napakalakas na methane gas na tumakas mula sa mabilis na nalulusaw na arctic permafrost. O nakakandado na sa nakatagong pag-init ng nakakalasong polusyon ng hangin. O ang aspeto ng ekwidad; hustisya sa klima.

Kaya tiyak na di sapat ang isang 50 porsyentong tsansa - isang istatistikong kalansing ng barya – ay tiyak na di pa sapat. Imposible iyon upang moral na ipagtanggol. Mayroon bang sinuman sa inyong sasakay ng eroplano kung alam ninyong mayroon itong higit sa 50 porsyentong tsansa ng pagbagsak? Higit pa sa punto: pasasakayin ba ninyo ang inyong mga anak sa paglipad niyon?

At bakit napakahalagang manatili sa ibaba ng limitasyong 1.5 degri? Sapagkat iyon ang panawagan ng nagkakaisang siyensya, upang maiwasang masira ang klima, upang manatiling malinaw ang pagtatakda ng isang hindi maibabalik na tanikala ng reaksyong lampas sa kontrol ng tao. Kahit na sa isang degri ng pag-init ay nakikita natin ang hindi katanggap-tanggap na pagkawala ng buhay at kabuhayan.

Kaya saan tayo magsisimula? Iminumungkahi kong simulan nating tingnan ang kabanata 2, sa pahina 108 ng ulat ng IPCC na lumabas noong nakaraang taon. Sinasabi doon na kung mayroon tayong 67 porsyentong tsansa na malimitahan ang daigdigang pagtaas ng temperatura sa ibaba ng 1.5 degri Celsius, mayroon tayo sa 1 Enero 2018, ng aabot sa 420 Gtonnes ng CO2 na naiwan upang ibuga ang badyet na carbon dioxide. At syempre mas mababa na ngayon ang numerong iyon. Habang nagbubuga tayo ng halos 42 Gtonnes ng CO2 bawat taon, kung isasama mo ang paggamit ng lupa.

Sa mga antas ng kasalukuyang emisyon, nawala na ang natitirang badyet sa loob ng mas mababa sa walo at kalahating taon. Hindi ko opinyon ang mga numerong iyon. Hindi rin ito opinyon o pananaw sa pulitika ng sinuman. Ito ang kasalukuyang pinakamahusay na naabot ng siyensiya. Bagaman sinasabi ng mga siyentipiko na napaka-moderato ng pigurang ito, ito ang katanggap-tanggap sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng IPCC.

At mangyaring tandaan na ang mga pigurang ito'y pandaigdigan at samakatuwid ay walang sinasabi sa aspeto ng ekwidad, na malinaw na nakasaad sa buong Kasunduan ng Paris, na talagang kinakailangan upang gumana ito sa isang pandaigdigang sukatan. Nangangahulugan itong kailangang gawin ng mga mayayamang bansa ang kanilang patas na bahagi at bumaba ng mas mabilis ang emisyon sa zero, upang maaaring mapataas ng mga tao sa mas mahirap na mga bansa ang kanilang pamantayan ng pamumuhay, sa pamamagitan ng pagtatayo ng ilang mga imprastraktura na itinayo na natin. Tulad ng mga kalsada, ospital, paaralan, malinis na inuming tubig at kuryente.

Ang USA ang pinakamalaking carbon polluter o tagapagdumi ng karbon sa kasaysayan. Ito rin ang numero unong tagagawa ng langis ng mundo. At gayundin naman, ikaw din ang nag-iisang bansa sa mundo na nagbigay hudyat ng iyong malakas na balak na iwanan ang Kasunduan sa Paris. Dahil sa sinasabing "ito'y isang masamang pakikitungo para sa Amerika".

Apatnaraan at dalawampung Gt ng CO2 ang naiwan upang ibuga noong Enero 1, 2018 upang magkaroon ng isang 67 porsyentong tsansang manatili sa ibaba ng 1.5 degri ng pagtaas ng temperatura sa mundo. Ngayon ang pigurang iyon ay nasa mas mababa sa 360 Gt.

Nakaliligalig ang mga numerong ito. Subalit karapatan ng mga taong makaalam. At ang karamihan sa atin ay walang ideya na umiiral ang mga numerong ito. Sa katunayan kahit na ang mga mamamahayag na nakausap ko'y tila di rin alam na umiral ang mga iyon. Di pa natin nababanggit ang mga pulitiko. At tila mukhang tingin nila na ang kanilang pampulitikang plano ang makakalutas sa buong krisis.

Subalit paano ba natin malulutas ang problemang di natin lubusang nauunawaan? Paano ba natin maiiwanan ang buong larawan at ang kasalukuyang naririyang siyensya?

Naniniwala akong may malaking panganib na gawin ito. At gaano man kapulitikal ang paglalarawan sa krisis na ito, huwag nating hayaang magpatuloy ito bilang partisanong pulitikal na usapin. Ang krisis ekolohikal at klima ay lampas pa sa pulitikang pampartido. At ang pangunahing kaaway natin ngayon ay hindi ang ating mga kalaban sa politika. Ang pangunahing kaaway natin ngayon ay pisika. At hindi tayo "nakikipagkasundo" sa pisika.

Marami ang nagsasabing imposibleng magawa ang pagsasakripisyo ng marami para sa kaligtasan ng bisospero (o kabuuan ng ekosistema) at tiyakin ang kalagayan ng pamumuhay para sa hinaharap at kasalukuyang henerasyon.

Marami na ngang nagawang dakilang sakripisyo ang mga Amerikano upang malagpasan ang mga teribleng panganib noon.

Isipin ninyo ang matatapang na kawal na sumugod sa dalampasigan sa unang salpukan sa Omaha Beach noong D Day. Isipin ninyo si Martin Luther King at ang 600 iba pang mga pinuno ng karapatang sibil na itinaya ang lahat upang magmartsa mula Selma hanggang Montgomery. Isipin ninyo si Pangulong John F. Kennedy na inihayag noong 1962 na ang Amerika ay "pipiliin pang magtungo sa buwan sa dekadang ito at gawin ang iba pang mga bagay, hindi dahil iyon ay madali, ngunit dahil iyon ay mahirap..."

Marahil nga ay imposible. Ngunit sa pagtingin sa mga numerong iyon - ang pagtingin sa kasalukuyang pinakamahusay na siyensya na nilagdaan ng bawat bansa - sa palagay ko'y iyon ang kinakalaban natin.

Subalit di mo dapat aksayahin ang buong panahon mo sa pangangarap, o tingnan ito bilang ilang laban sa politika na dapat pagtagumpayan.

At hindi mo dapat isugal ang kinabukasan iyong mga anak sa isang kalansing ng barya.

Sa halip, dapat kayong makiisa sa siyensya.

Dapat kayong kumilos.

Dapat ninyong gawin ang imposible.

Dahil ang pagsuko ay di kailanman kasama sa pagpipilian.



https://www.independent.co.uk/voices/greta-thunberg-congress-speech-climate-change-crisis-dream-a9112151.html

Greta Thunberg speech in the US Congress
September 18, 2019

My name is Greta Thunberg. I am 16 years old and I’m from Sweden. I am grateful for being with you here in the USA. A nation that, to many people, is the country of dreams.

I also have a dream: that governments, political parties and corporations grasp the urgency of the climate and ecological crisis and come together despite their differences – as you would in an emergency – and take the measures required to safeguard the conditions for a dignified life for everybody on earth.

Because then – we millions of school striking youth – could go back to school.

I have a dream that the people in power, as well as the media, start treating this crisis like the existential emergency it is. So that I could go home to my sister and my dogs. Because I miss them.

In fact I have many dreams. But this is the year 2019. This is not the time and place for dreams. This is the time to wake up. This is the moment in history when we need to be wide awake.

And yes, we need dreams, we can not live without dreams. But there’s a time and place for everything. And dreams can not stand in the way of telling it like it is.

And yet, wherever I go I seem to be surrounded by fairy tales. Business leaders, elected officials all across the political spectrum spending their time making up and telling bedtime stories that soothe us, that make us go back to sleep.

These are “feel-good” stories about how we are going to fix everything. How wonderful everything is going to be when we have “solved” everything. But the problem we are facing is not that we lack the ability to dream, or to imagine a better world. The problem now is that we need to wake up. It’s time to face the reality, the facts, the science.

And the science doesn’t mainly speak of “great opportunities to create the society we always wanted”. It tells of unspoken human sufferings, which will get worse and worse the longer we delay action – unless we start to act now. And yes, of course a sustainable transformed world will include lots of new benefits. But you have to understand. This is not primarily an opportunity to create new green jobs, new businesses or green economic growth. This is above all an emergency, and not just any emergency. This is the biggest crisis humanity has ever faced.

And we need to treat it accordingly so that people can understand and grasp the urgency. Because you can not solve a crisis without treating it as one. Stop telling people that everything will be fine when in fact, as it looks now, it won’t be very fine. This is not something you can package and sell or ”like” on social media.

Stop pretending that you, your business idea, your political party or plan will solve everything. We must realise that we don’t have all the solutions yet. Far from it. Unless those solutions mean that we simply stop doing certain things.

Changing one disastrous energy source for a slightly less disastrous one is not progress. Exporting our emissions overseas is not reducing our emission. Creative accounting will not help us. In fact, it’s the very heart of the problem.

Some of you may have heard that we have 12 years as from 1 January 2018 to cut our emissions of carbon dioxide in half. But I guess that hardly any of you have heard that there is a 50 per cent chance of staying below a 1.5 degree Celsius of global temperature rise above pre-industrial levels. Fifty per cent chance.

And these current, best available scientific calculations do not include non linear tipping points as well as most unforeseen feedback loops like the extremely powerful methane gas escaping from rapidly thawing arctic permafrost. Or already locked in warming hidden by toxic air pollution. Or the aspect of equity; climate justice.

So a 50 per cent chance – a statistical flip of a coin – will most definitely not be enough. That would be impossible to morally defend. Would anyone of you step onto a plane if you knew it had more than a 50 per cent chance of crashing? More to the point: would you put your children on that flight?

And why is it so important to stay below the 1.5 degree limit? Because that is what the united science calls for, to avoid destabilising the climate, so that we stay clear of setting off an irreversible chain reaction beyond human control. Even at 1 degree of warming we are seeing an unacceptable loss of life and livelihoods.

So where do we begin? Well I would suggest that we start looking at chapter 2, on page 108 in the IPCC report that came out last year. Right there it says that if we are to have a 67 per cent chance of limiting the global temperature rise to below 1.5 degrees Celsius, we had, on 1 January 2018, about 420 Gtonnes of CO2 left to emit in that carbon dioxide budget. And of course that number is much lower today. As we emit about 42 Gtonnes of CO2 every year, if you include land use.

With today’s emissions levels, that remaining budget is gone within less than 8 and a half years. These numbers are not my opinions. They aren’t anyone’s opinions or political views. This is the current best available science. Though a great number of scientists suggest even these figures are too moderate, these are the ones that have been accepted by all nations through the IPCC.

And please note that these figures are global and therefore do not say anything about the aspect of equity, clearly stated throughout the Paris Agreement, which is absolutely necessary to make it work on a global scale. That means that richer countries need to do their fair share and get down to zero emissions much faster, so that people in poorer countries can heighten their standard of living, by building some of the infrastructure that we have already built. Such as roads, hospitals, schools, clean drinking water and electricity.

The USA is the biggest carbon polluter in history. It is also the world’s number one producer of oil. And yet, you are also the only nation in the world that has signalled your strong intention to leave the Paris Agreement. Because quote “it was a bad deal for the USA”.

Four-hundred and twenty Gt of CO2 left to emit on 1 January 2018 to have a 67 per cent chance of staying below a 1.5 degrees of global temperature rise. Now that figure is already down to less than 360 Gt.

These numbers are very uncomfortable. But people have the right to know. And the vast majority of us have no idea these numbers even exist. In fact not even the journalists that I meet seem to know that they even exist. Not to mention the politicians. And yet they all seem so certain that their political plan will solve the entire crisis.

But how can we solve a problem that we don’t even fully understand? How can we leave out the full picture and the current best available science?

I believe there is a huge danger in doing so. And no matter how political the background to this crisis may be, we must not allow this to continue to be a partisan political question. The climate and ecological crisis is beyond party politics. And our main enemy right now is not our political opponents. Our main enemy now is physics. And we can not make “deals” with physics.

Everybody says that making sacrifices for the survival of the biosphere – and to secure the living conditions for future and present generations – is an impossible thing to do.

Americans have indeed made great sacrifices to overcome terrible odds before.

Think of the brave soldiers that rushed ashore in that first wave on Omaha Beach on D Day. Think of Martin Luther King and the 600 other civil rights leaders who risked everything to march from Selma to Montgomery. Think of President John F. Kennedy announcing in 1962 that America would “choose to go to the moon in this decade and do the other things, not because they are easy, but because they are hard…”

Perhaps it is impossible. But looking at those numbers – looking at the current best available science signed by every nation – then I think that is precisely what we are up against.

But you must not spend all of your time dreaming, or see this as some political fight to win.

And you must not gamble your children’s future on the flip of a coin.

Instead, you must unite behind the science.

You must take action.

You must do the impossible.

Because giving up can never ever be an option.

Martes, Setyembre 17, 2019

Bukas na liham sa mga magulang ng aktibista

BUKAS NA LIHAM SA MGA MAGULANG NG AKTIBISTA
Mula sa kolum na EAGLE EYES ni Tony La Viña
7 September 2019, The Standard
Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.

Sinulat ko ito para sa lahat ng magulang na may mga anak na aktibista. Isinulat ko rin ito sa aking mga kapwa guro na may mga estudyanteng aktibista.

Isa akong estudyante’t kabataang aktibista noong ako'y nasa hayskul at kolehiyo. Ako ngayon ay isang abogadong pangkalikasan na kumikilos sa internasyonal, isang manunulat at iskolar, isang panlipunang negosyante, at isang propesor ng batas, pilosopiya at pamamahala sa labing-isang pamantasan sa Pilipinas at maraming iba pang institusyon sa pag-aaral tulad ng Philippine Judicial Academy at ilang seminaryong Katoliko. Sa nakaraang apatnapung taon, hinawakan ko ang mga nangungunang panlideratong posisyon sa gobyerno, mga organisasyon sa internasyonal, pang-akademiko, propesyonal, at samahan ng mamamayan.

Utang ko ang aking propesyonal na tagumpay sa aking pagiging isang estudyante at kalaunan bilang isang panlipunang aktibista, lalo na bilang tagapagtaguyod ng kapaligiran at karapatang pantao. Dahil sa pakikipag-ugnayan ko sa mga pinakamalalaking isyu ng ating bansa at sa daigdig, nakakuha ako ng kaalaman, kasanayan, karanasan, talakupan (network), at karunungang nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon.

Kasama na rito ang pagiging magulang ng mga kabataang may taya (commited) upang itayo ang isang mas magandang bansa, isang mas makatarungan at masayang lipunan - sa isang salita, aktibista.

Kamakailan, nakita natin ang pagtatangka ng ilang personalidad sa pamahalaan kabilang ang mga senador na maka-administrasyon, mga miyembro ng mababang kapulungan, at yaong may matataas na katungkulan sa militar at pulisya upang gawing krimen ang pagiging kasapi ng militanteng organisasyon at upang buhayin ang batas ng anti-subersyon na napawalang-bisa noong panahon ni Pangulong Ramos. Alam nating lahat, ang mga ligal na hakbang na ito’y matagal nang itinakwil bilang labi ng mapanupil na pamumuno ng rehimeng Marcos.

Alam nating lahat na tulad ng pinakamadilim na panahon ng batas militar, ang mga hakbang na ito'y walang ibang layunin maliban sa panggigipit sa mga lehitimong tinig ng protesta at oposisyon hanggang sa nararamdamang pang-aabuso at maling paggamit ng kapangyarihan. Bilang mga magulang, labis kaming nag-aalala na sa panahong ito kung saan lumaganap ang klima ng takot sa ating lipunan, kung titingnan ang libu-libong patay na ngayon bunga ng brutal na kampanya kontra-droga, at libu-libo pang mga hindi nalutas na ekstra-dyudisyal na pagpaslang, natatakot kaming ang aming mga anak ay maaaring mapabilang bilang bahagi ng kakila-kilabot na istadistikang ito, alinman dahil sila'y nabilanggo, naging biktima ng pagmamaltrato o baka mas masahol pa.

Maraming kabataan ang naging martir noong madilim na panahon ng diktadura, na lahat sila sa ngayon ay itinuturing nating bayani. Subalit wala sa amin bilang magulang ang nais itong mangyari sa aming mga anak.

Bagaman ang mga alalahanin namin bilang mga magulang ay maaaring lehitimo at ang aming mga takot ay di basta maipagkikibit-balikat lamang, dapat nating mapagtantong ang ating mga anak ay nasa hustong gulang na at mayroon nang kakayahang maging kritikal at may malayang pag-iisip at mas mahusay na paghuhusga. Maaaring may panahong ang ilan sa atin ay di nila nakakasundo sa kanilang pulitika, o sa pag-unawa sa ilang mga bagay na nangyayari sa kanilang paligid. Subalit magtiwala tayo sa kanilang paghuhusga. Kasama na rito ang pagtitiwala sa kanilang kakayahang makagawa ng kamalian. At kapag nagkamali sila, dapat naroon tayo upang matulungan sila - hindi ang murahin sila, hindi ang magalit sa kanila, kundi higit na mahalin sila.

Para lang nakatitik, naniniwala akong ang paraan pasulong para sa anumang lipunan upang malutas ang mga salungatan ay sa pamamagitan ng diyalogo at pinagkasunduan. Matagal ko nang tinalikuran ang matinding ideolohiyang balangkas o pagtatatak sa sinumang tao o pangkat ng mga tao bilang mga kaaway ng estado o ng mamamayan. Nagtuturo ako at nagpapayo sa mga aktibistang may iba’t ibang ideyolohikal na paniniwala; nagtuturo rin ako at nagpapayo sa mga opisyal ng militar at pulisya (ang ilan ay may mataas na ranggo), sa isang henerasyon ng mga negosyanteng panlipunan, mga opisyal mula sa lahat ng sangay ng pamahalaan, at maraming bilang ng mga pari at relihiyoso.

Kinokondena ko ang lahat ng anyo ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao - gawa man ng estado o ng iba pang mga grupo sa lipunan. Para sa akin, walang makakapagbigay-katwiran sa pagpapahirap o pagpatay sa isang adik sa droga, pinuno ng magsasaka, organisador ng unyon, tagapagtanggol ng karapatang pantao, abugado, hukom, mamamahayag, opisyal ng gobyerno, pulis, o kawal.

Ang tiyak, minsan ay di ako sang-ayon sa mga taktika at posisyon ng mga aktibistang nakakasalamuha ko, kasama na ang mga personal na malapit sa akin. Ngunit ang mas mahinahong paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga hindi pagkakasundong ito, kung mayroon man, ay gabayan sila, at bigyan sila ng payo sa kung ano ang pinaniniwalaan natin sa ating mga puso, ang tamang landas na kanilang gagawin.

Kung ang mga bata ay nasa panahong tinedyer pa lang, o mga menor de edad, natural na ang mga magulang ang mag-utos at manduhan sila kung ano ang dapat gawin at dapat nilang sundin kung itatanim lamang ang disiplina at itanim sa kanilang isip ang mga mabubuting kaugalian. Ngunit habang lumalaki ang ating mga anak, nagsisimula na nilang mabuo at linangin ang kanilang sariling pang-unawa sa mga bagay-bagay, naiimpluwensyahan na rin, ng kanilang pamilya, pakikipag-ugnayan, pisikal at panlipunang kapaligiran. Ang pinakapangit na bagay na gagawin natin ay kapag hindi natin pinahihintulutan ang mga ito, inaakusahan silang nakulapo ang utak, o inagaw ng mga militanteng organisasyon na sa katunayan ay nagbigay sa kanila ng mga kagamitan at pamamaraan upang makagawa ng pagkakaiba.

Maraming mga bata, dahil sa iba't ibang mga panloob at panlabas na impluwensya, ay maaaring mas naggigiit ng kanilang karapatan, mas sensitibo sa kawalang-katarungan at pang-unawa sa di pagkakapantay-pantay sa lipunan na nasa paligid nila kaysa sa iba, at hindi nasisiyahan na umupo ng nakatunganga at maghintay ng darating na pagbabago kundi laging handang kumilos upang itama ang kanilang pinaniniwalaang mali; samakatuwid, sila ang ating mga anak na piniling maging aktibista para sa pagbabago.

Sila ang mga kabataan, ang ating mga anak na lalaki at babae, na lumalahok sa mga rali, kilos protesta at demonstrasyon sa mga paaralan, lansangan, sa harap ng mga tanggapan ng pamahalaan, dayuhang embahada o kung ano pa man. Sila ang ating mga anak na nagpapahayag ng kanilang pagsalungat laban sa pagtaas sa singil sa matrikula, pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin, laban sa isang kalabang dayuhang gobyerno, opisyal na pang-aabuso at katiwalian at iba pang nauugnay na mga panlipunan at pampulitikang isyu.

Sinusuportahan ko ang mga kabataang ito pag nagsasalita sila ng katotohanan sa kapangyarihan. Ang katotohanan, kung iisipin kung nasaan ako ngayon at ang mga ugnayang mayroon ako, di ako magiging matapat tulad nila.

Tingnan ang mga kabataan ng Hong Kong! Magiging mas mahusay na Pilipinas tayo kung ang antas ng ating mga aktibista ay lumobo rin tulad ng paraang iyon.

Upang maibulalas ang mga hinaing at upang maipahayag ang opinyon at pananaw ng isang tao sa ilang mga bagay, kahit na ang mga ito ay hindi nasasang-ayon sa nasa-kapangyarihan at sa pakialamerong elitista, ay isang garantisadong karapatan at protektado ng ating mga batas, di man banggitin ang konstitusyon, ang pangunahing batas ng bansa. Mahalagang sangkap ito ng bawat gumaganang demokrasya na pahintulutan ang ating kabataan na maipahayag ang kanilang mga palagay at saloobin. Ang pigilan ang mga pangunahing kalayaang ito ay kontra-demokratiko at direktang salungat sa mga prinsipyo kung saan itinatag ang bawat sibilisadong lipunan.

Si Kailash Satyarthi, na nagkamit ng Gawad Nobel hinggil sa kapayapaan, na kumakatig sa kapangyarihan ng kabataan, ay minsang nagsabi: "Ang lakas ng kabataan ang karaniwang kayamanan para sa buong daigdig. Ang mukha ng mga kabataan ang mukha ng ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Walang bahagi ng lipunan ang maaaring tumugma sa lakas, ideyalismo, sigasig at katapangan ng mga kabataan. ”

Sa parehong kalagayan, ang kabataan ang palaging katalista o sanhi ng pagbabago sa bawat panahon ng kasaysayan ng ating bansa. Tulad ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na noon pa napagtanto at sinipi ang kanyang sinabing kahit na sa panahon na ang nasyonalismong Pilipino ay nasa yutong nagsisimula pa lang: "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan".

Sa minamahal naming mga magulang at guro ng ating mga estudyante't kabataang aktibista, huwag tayong matakot! Magkasama nating hangaan ang mga kabataan natin ngayon - ang kanilang katapangan at ideyalismo, ang kanulang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili, ang kanilang pagtaya para sa isang mas mabuting Pilipinas at daigdig. Bilang mga magulang at guro, huwag natin silang hilahin o pigilan, ngunit samahan sila, suportahan sila, sa katunayan ay magmartsa at tanganan ang linya kasama nila kung kinakailangan.


'Open letter to parents of activists'
EAGLE EYES – Tony La Viña
7 September 2019, The Standard

I write this for all parents who have children that are activists. I also write this to my fellow teachers who have students who are activists.

I was a student and youth activist in my high school and college days. I am now an international environmental lawyer, a writer and scholar, a social entrepreneur, and a law, philosophy and governance professor in eleven Philippine universities and several other learning institutions like the Philippine Judicial Academy and some Catholic seminaries. In the last forty years, I have held top leadership positions in government, international organizations, academic, professional, and citizen organizations.

I owe my professional success to my being a student and later as a social activist, in particular as an environmental and human rights advocate. Because of my engagement in the biggest issues of our country and world, I acquired knowledge, skills, experience, networks, and wisdom that has brought me to where I am today.

That includes being a parent of young persons who are committed to build a better country, a more just and happy society – in a word, activists.

Recently, we have seen attempts by certain personalities in government including pro-administration senators, members of the lower house and ranking military and police personnel to criminalize membership in militant organizations and to revive the Anti-Subversion law which had been repealed during the time of President Ramos. As we are all too aware, these legal measures had long been repudiated as vestiges of the Marcos repressive rule.

We all know that much like during the darkest days of the Martial Law era, these measures have no other purpose than to stamp down legitimate voices of protest and opposition to perceived abuse and misuse of power. As parents, we are doubly concerned that in these times when a climate of fear have so permeated our society given the thousands who are now dead as a result of the brutal anti-drug campaign, and thousands more of unresolved extra-judicial killings, we are fearful that our children might be counted as part of this horrible statistic, either because they end up in prison, become victims of maltreatment or worse.

Many young people were martyred during the dark days of the dictatorship, all of whom we now hail as heroes. But none of us parents want that for our children.

While our concerns as parents may be legitimate and our fears cannot simply be shrugged off, we must also be aware that our children are of majority age and are perfectly capable of critical and independent thinking and better judgment. Some of us may not be in agreement at times with their politics, or perceptions of certain things that are happening around them. But we must trust their judgment. That includes trusting also in their ability to make mistakes. And when they make mistakes, we should be there to help them – not scold them, not get angry with them, but love them even more.

For the record, I believe strongly that the way forward for any society to resolve its conflicts is through dialogue and consensus. I have long ago abandoned rigid ideological frameworks or labeling any person or group of persons as enemies of the state or people. I teach and mentor activists of all ideological persuasions; I also teach and mentor military and police officials (some already with high rank), a generation of social entrepreneurs, many officials from all branches of government, and quite a number of priests and religious people.

I condemn all forms of violence and violations of human rights – whether by the state or by other groups in society. For me, nothing can justify the torture or killing of a drug addict, a peasant leader, a union organizer, a human rights defender, a lawyer, a judge, a journalist, a government official, a policeman, or a soldier.

For sure, I sometimes disagree with the tactics and positions of the activists I engage with, including those personally close to me. But the more prudent way of approaching these disagreements, if any, is to guide them, and give them advice on what we believe in our hearts is the right path for them to take.

When children are still in their teens, or minors, it is natural for parents to command and order them what to do and they have to obey if only to instill discipline and inculcate in them good values. But as our children grow into adulthood, they begin to form and cultivate their own perception of things, influenced, as it is by their familial, relational, physical and social environments. The worst thing we do is when we disempower them, accused them of being brainwashed, or being kidnapped by militant organizations that have in fact provided them with the tools and avenues to make a difference.

Many children, because of these varying internal and external influences, may be more assertive of their rights, more sensitive of injustice and perceptive of the social inequality that surround them than others, and are not contented to sit idly and wait for change to come but are always willing to take action in order to make right what they believe is wrong; hence, these are our children who opt to become activists for change.

These are the young people, our sons and daughters, who participate in rallies, mass protests and demonstrations in schools, streets, in front of government offices, foreign embassies or what not. These are our children who voice out their opposition against tuition fee hikes, rising prices of oil and commodities, against a hostile foreign government, official abuse and corruption and other relevant social and political issues of the day.

I support these young people when they speak truth to power. The truth is, given where I am now and the relationships I have, I cannot be as honest as them.

Look at the young people of Hong Kong! We would be a better Philippines if our ranks of activists would swell in the same way.

To ventilate grievances and to express one’s opinions and views on certain things, even if these may be unsavory to the power-that-be and the entrenched elite, is a guaranteed right and protected by our laws, not to mention the constitution, the fundamental law of the land. It is a vital component of every working democracy that our youth be allowed to air their opinions and grievances. To curtail these basic freedoms is anti-democratic and antithetical to the principles for which every civilized society is founded.

Noble peace prize recipient Kailash Satyarthi endorsing the power of the youth once said: “The power of youth is the common wealth for the entire world. The faces of young people are the faces of our past, our present and our future. No segment in the society can match with the power, idealism, enthusiasm and courage of the young people.”

In the same vein, the youth has always been a catalyst of change in every epoch of our country’s history. As our national hero Dr. Jose Rizal long ago realized and was quoted saying even during a time when Filipino nationalism was still at a nascent stage: “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. (“The youth is the hope of our nation.”)

Dear parents and teachers of our student and youth activists let us not be afraid! Together let us be in awe of our young people today – their courage and idealism, their ability to think for themselves, their commitment to a better Philippines and world. As parents and teachers, let us not pull them back or restrain them, but be with them, always support them, in fact march and hold the line with them if necessary.

Biyernes, Agosto 30, 2019

Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang

Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang
Philippine Daily Inquirer, Agosto 29, 2019
Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.

Walang alinlangang tayo'y nasa panahon ng ligalig. Lahat ng hintuturo mula sa pamahalaan at masmidya ay tila nakaturo sa mga estudyanteng aktibista bilang "salot ng bayan" sa pinakamabuti, at tagakalap ng kasapi ng rebeldeng grupong komunista sa pinakamasahol. Alam naming maaari ninyong maramdamang dapat ninyo kaming protektahan mula sa galamay ng ating kasundaluhan, kapulisan, at iba pang elemento ng estado sa pamamagitan ng pagsira ng aming loob mula sa pagtungo sa mga lansangan... ngunit nais naming maglaan kayo ng panahon upang maunawaan kung bakit sa pangunahin ay naging aktibista ang inyong mga anak.

Nananahan ang inyong mga anak sa daigdig kung saan sa bawat sulok ng kanilang mga mata, ay napapalibutan sila ng mga resulta ng isang lipunang hinati-hati ng di mapigil na kapitalismo.

Sa kanang bahagi nila, nahaharap sila sa mga pulitikong hindi iniisip ang mga taong dapat nilang paglingkuran. Oras-oras, binibigo sila ng mga taong ginawang karera ang serbisyo-publiko, ang pangunahing gawain nila'y pagsilbihan ang elitistang iilan: ang mga kapitalista, mga asendero at dayuhang kapitalista at pulitiko. Sa mga lansangan, pagala-gala sa paligid ang mga elemento ng estado upang patayin ang mga walang malay na mamamayang dukha, gumagamit man ang mga ito ng droga o hindi, sa ngalan ng digmaan laban sa droga na nagsisilbing balatkayo para sa katangiang kontra-maralita nito. Sa aming magandang katangian, pinipiga ng malalaking multinasyunal na kumpanya ng pagmimina ang mga lupa hanggang matuyo ito sa likasyaman habang nagsisilikas ang daan-daan hanggang libu-libong naninirahan doon. At higit sa lahat, sa tuktok ng ating sistemang pampulitika, mayroon tayong pinakabastos, mapagkunwari, elitistang reptilo, tulad ni Pangulong Duterte, na pinahintulutang mangyari ang lahat ng mga kagaguhang ito sa pama
magitan ng pagtatanggol sa kasalukuyang kaayusang labis na mapang-api at hindi demokratiko.

Sa kanilang kaliwa naman, nahaharap sila sa malawak na uri ng masang manggagawa, na sa pinakamalalang kalagayan ay tumindig at sama-samang ipinaglaban ang kanilang mga karapatan sa isang lipunang mapang-api na pinamamahalaan ng iilan. Mula sa mga unyon sa paggawa at mga grupo ng kababaihan hanggang sa mga grupong makakalikasan, mga pangkat ng LGBTQ + at marami pang mula sa inaaping sektor sa lipunan; na inilarawan ng mga kakila-kilabot na pangyayaring dinala ng pasistang administrasyong Duterte, ipinagtatanggol nila ang kanilang mga karapatan laban sa lahat ng anyo ng karahasang idinulot sa kanila - maging ito'y propaganda ng kasinungalingan, digmaang sikolohikal o pisikal na karahasan. Kahit na sila'y maaaring maging malakas, sila'y kulang sa bilang at napaglalangan ng malakas ng kaaway na tangan ang kayraming pera at pampulitikang puhunan upang mahadlangan ang karamihan sa kanilang makatarungan at lehitimong panawagan.

Sa isang lipunan ng mapagsamantala at pinagsasamantalahan, kaninong panig ang pipiliin mo? Ito ang batayang katanungang kinakaharap naming mga estudyanteng aktibista sa araw-araw.

Lumahok kami ng tiyakan sa aktibismo ng mga estudyante dahil sa aming mga natutunan sa umpisa pa lang: na kami'y tinuruang mahalin ang ating kapwa’t kababayan at manindigan kung ano ang tama.

Maaaring di namin ganap na maunawaan ang bawat isa, ngunit inaasahan naming mauunawaan ninyong mas malaki pa sa amin ang aming ipinaglalaban bilang mga estudyanteng aktibista. Inaasahan namin na isang araw — sa sandaling matapos na ang pakikibaka, at ang dating daigdig ng karahasan, kasakiman at pang-aapi ay mapalitan ng isang daigdig ng tunay na kapayapaan, pag-ibig at pagpapalakas sa mamamayan - magagawa na ninyong lingunin kaming muli, kaming inyong mga anak, at mapuno ng pagmamalaki dahil sa aming mga nagawa.

SAMAHAN NG PROGRESIBONG KABATAAN,
progresibongkabataan@gmail.com


https://opinion.inquirer.net/123599/why-we-are-activists-an-open-letter-to-all-parents

Why we are activists: An open letter to all parents
Philippine Daily Inquirer
August 29, 2019

These are undoubtedly scary times. All fingers from our government and mass media seem to point to student activists as “salot ng bayan” at best, and recruiters for communist insurgent groups at worst. We know that you may feel that you have to protect us from the hands of our military, police and other state elements by discouraging us from taking to the streets… but we wish you would take time to understand why your children have become activists in the first place.

Your children live in a world where in each corner of their eyes, they are surrounded by the results of a society that has been divided by unbridled capitalism.

On their right, they are faced with politicians who think nothing of the people they are supposed to serve. Time after time, they are failed by those who’ve made public service a career, the primary trade of which is serving the elite minority: capitalists, hacienderos and foreign capitalists and politicians. On the streets, state elements roam around to kill unsuspecting poor citizens, whether they are drug users or not, under the name of a drug war that serves as a guise for its antipoor nature. In our beautiful nature, massive multinational mining companies suck the earth dry of resources at the expense of displacing hundreds up to thousands of people. And to top it all off, at the top of our political system, we have the most vile, misogynistic, elitist reptiles, such as President Duterte, who enable all these atrocities to happen by defending a status quo that is profoundly oppressive and undemocratic.

On their left, they are faced with the vast ranks of the toiling masses, who in the worst of conditions have stood up and fought for their rights collectively in an oppressive society ruled by the few. From labor unions and women’s groups to environmental groups, LGBTQ+ groups and more from the oppressed sectors in society; animated by the dire circumstances  brought upon by the fascist Duterte administration, they defend their rights against all forms of violence inflicted upon them—whether it be black propaganda, psychological warfare or physical violence. Though they may be strong, they are outnumbered and overpowered by an enemy who has all the money and political capital to thwart most of their just and legitimate calls.

In a society of oppressors and oppressed peoples, whose side will you choose? This is the basic question that we as student activists are faced with every day.

We engage in student activism precisely because of what we’ve been learning from the very start: that we’ve been taught to love our fellow countrymen and stand for what is right.

We may not ever come fully to understand each other, but we hope you understand that what we fight for as student activists is greater than us. We hope one day—once the struggle has ended, and the old world of violence, greed and oppression has been replaced by a world of genuine peace, love and empowerment—you will be able to look back at us, your children, and be filled with pride for what we’ve done.

SAMAHAN NG PROGRESIBONG KABATAAN,
progresibongkabataan@gmail.com

Sabado, Mayo 18, 2019

Soneto sa kaarawan ng dalawang magigiting na lider ng masa

SONETO SA KAARAWAN NG DALAWANG
MAGIGITING NA LIDER NG MASA

Maligayang kaarawan sa dalawang magaling
Na lider ng pakikibaka't sadyang magigiting
Humaba pa ang buhay nila'y tangi naming hiling
Maging malakas pa sila lalo't masa'y kapiling

Lider nating Pedring Fadrigon at Tita Flor Santos
Sa maraming isyu ng masa'y talagang kumilos
Ibinigay ang panahon at nakibakang lubos
Upang maralita'y di na basta binubusabos.

Sa inyo, Tita Flor Santos at Ka Pedring Fadrigon
Kasama ng masa sa pagharap sa mga hamon
Sa marami sa amin, tunay kayong inspirasyon
Tunay na kasama sa pagbabago't rebolusyon

Nawa'y magpatuloy sa adhikang nasimulan
At muli, pagbati ng maligayang kaarawan!

- gregbituinjr.,05/18/2019

Martes, Mayo 14, 2019

Kailan ba talaga isinilang ang KPML: 1985 o 1986?

KAILAN BA TALAGA ISINILANG ANG KPML: 1985 O 1986?
Maikling sanaysay ni Greg Bituin Jr.

Natatandaan ko, may naisulat noon si Ka Roger Borromeo (SLN), dating pangulo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod, hinggil sa kasaysayan ng KPML, at isinulat nga niyang noong panahon ni Marcos isinilang ang KPML. Natatandaan kong isinulat niya ay parang ganito: "Sa gitna ng pakikibaka laban sa diktadurang Marcos isinilang ang KPML". Subalit wala akong kopya ng sinulat niyang iyon, at hindi ko iyon pinansin sa pag-aakalang Disyembre 18, 1986 isinilang ang KPML dahil iyon ang nakasaad sa dokumentong "Oryentasyon ng KPML".

Ang petsang iyon na ang nakagisnan ko nang maging staff ako ng KPML noong Nobyembre 2001 hanggang Marso 2008. Nakabalik lamang ako sa KPML nitong Setyembre 16, 2018 nang mahalal ako bilang sekretaryo heneral ng pambansang pamunuan nito. Matagal na naming alam na isinilang ang KPML noong Disyembre 18, 1986, dahil iyon ang itinuro sa amin ng mga naunang lider ng KPML. Subalit nang makita ko ang kasaysayan ng PCUP na binanggit ang KPML, naisip kong hindi 1986 itinatag ang KPML kundi noon pang panahon ni Marcos, na marahil ay noong 1985. Binalikan ko rin ang isang magasin hinggil kay ka Eddie Guazon, kung saan nabanggit na pangulo siya ng KPML sa kalagitnaan ng taong 1986.

Ang sumusunod ang nakasulat na kasaysayan ng KPML, ayon sa dokumentong "ORYENTASYON NG KPML", na hawak ng bawat lider at organisador ng KPML sa mahabang panahon, at makikita rin sa blog ng KPML na nasa kawing na http://kpml-org.blogspot.com/2008/04/oryentasyon-ng-kpml.html

"C. KAILAN AT PAANO NABUO ANG KPML

Sa gitna ng magiting na pakikibaka ng maralita sa karapatan sa paninirahan, serbisyo at kabuhayan, itinatag ang KPML noong Disyembre 18, 1986 bunga ng pagkakabigkis ng iba’t ibang samahang maralita na pinangunahan ng Zone One Tondo Organization (ZOTO), Coalition of Urban Poor Againts Poverty (CUPAP) at ng Pagkakaisa ng Mamamayan ng Navotas (PAMANA) at ng iba pang samahang maralita. Ang KPML ay isang katugunan sa pangangailangan para sa isang sentrong pampulitikang organisasyon ng maralita.

Isinusulong ng KPML ang pakikibaka ng maralita para sa isang lipunang malaya at may pagkakapantay-pantay kasama ng iba pang samahang pangkomunidad. Binibigyang-diin nito ang pakikipaglaban ng maralita sa pabahay, hanapbuhay at serbisyong panlipunan.

Nagtuloy-tuloy ang pakikibaka ng maralita sa pangunguna ng KPML. Noong kalagitnaan ng taong 1987, isa ang KPML na nagbuo ng National Congress of Urban Poor Organizations (NACUPO) na siyang naghain ng People’s Proposal sa Malacañang. Naglalaman ito ng mga pagsusuri sa mga suliranin ng mga maralitang lungsod, ng kahinaan ng umiiral na proyektong Low Cost Housing at naghain ng alternatibo sa gobyernong Aquino. Nagbunga ang mga konsultasyon at ang sagot ng gobyerno ay ang pagtatayo ng Urban Poor Task Force na sa kalaunan ay itinayo ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) bilang ahenya ng pamahalaan na gagabay sa pagpapatupad ng mga patakaran at implementasyon ng mga programa para sa maralita ng lunsod.

Bagamat nakapagpatayo ng ganitong ahensya para sa maralita, wala ni isa man sa nilalaman ng People’s Proposal ang nakamit, tulad ng ang dapat mamuno rito ay mismong galing sa hanay ng maralita. Walang habas na ipinapatupad ng pamahalaan ang marahas na demolisyon at ebiksyon ng mga maralita. Pagkaraan ng isang taon, nabuwag ang NACUPO at muling pinamunuan ng KPML ang pakikibaka ng maralita."

Subalit nabahala ako na baka totoo nga ang isinulat noon ni KR na kasagsagan ng pagkapangulo ni Marcos nang isinilang ang KPML. Kung pagtutugmain sa pagkakatatag ng Presidential Commission of the Urban Poor (PCUP), marahil ay isinilang ang KPML noong Disyembre 18, 1985, panahong di pa nagaganap ang Pag-aalsang EDSA. Panahon din ito kung saan naitatag ang Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND) na naitatag noong Nobyembre 23, 1985, at BALAY Rehabilitation Center noong Setyembre 27, 1985.

AYON SA PCUP

Ganito naman ikinwento ng PCUP ang kanilang kasaysayan kung saan nabanggit nila ang KPML, at inilathala ko naman ng buo sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang publikasyon ng KPML, isyu ng Abril 1-15, 2019, mula sa kawing na http://pcup.gov.ph/index.php/transparency/about-pcup/background-history:

"Two months after the February political revolt, on April 10, 1986 the Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod, or KPML, had a dialogue with President Corazon C. Aquino and demanded for a moratorium on demolition, and for the establishment of the Presidential Arm on Urban Poor Affairs (PAUPA), a government unit that would allow avenues for the poor for consultation and participation on things that concern them.

On May 30 to June 2, 1986, another alliance was formed, the National Congress of Urban Poor Organizations (NACUPO), composed of two major groups of varying ideological leanings. This new organization pursued the same issues raised during their April 10 march to Malacanang. They stated, however, that they wanted to change PAUPA to PCUP or Presidential Council on Urban Poor.

On December 8, 1986, President Aquino issued Executive Order No. 82 which created PCUP, mainly a coordinative and advocacy body mandated to serve as the direct link of the urban poor to the government in policy formulation and program implementation addressed to their needs”. Nakakuha ako ng dalawang pahinang dokumento ng Executive Order 82, na nag-aatas ng pagtatayo ng PCUP, na nilagdaan ni dating Pangulong Cory Aquino, na may petsang Disyembre 8, 1986.

PAGKAKABUO NG NACUPO

Ayon naman sa dokumentong "Oryentasyon ng KPML": "Noong kalagitnaan ng taong 1987, isa ang KPML na nagbuo ng National Congress of Urban Poor Organizations (NACUPO) na siyang naghain ng People’s Proposal sa Malacañang." Subalit ayon sa PCUP: "On May 30 to June 2, 1986, another alliance was formed, the National Congress of Urban Poor Organizations (NACUPO), composed of two major groups of varying ideological leanings. This new organization pursued the same issues raised during their April 10 march to Malacanang. They stated, however, that they wanted to change PAUPA to PCUP or Presidential Council on Urban Poor."

Noong Mayo 1990, isang taon mula nang mamatay si Ka Eddie Guazon, ang unang pangulo ng KPML, ay inilathala ang talambuhay ni Ka Eddie sa isang babasahin, at ganito naman ang isinasaad, mula sa kawing na https://kpml-org.blogspot.com/2009/05/touched-by-his-life-ka-eddie-guazon.html.

"In mid-1986, the Aquino administration sponsored a national consultation-workshop among the urban poor, during which the National Congress of the Urban Poor Organizations (NACUPO) was formed. Together with the other delegates, Tatay Eddie, who was already the KPML chairman then, called for the creation of an agency for the urban poor. The agency would represent the urban poor in the planning and implementation of government programs and policies."

Kalagitnaan pa lang ng 1986 ay nakatayo na ang KPML, at tagapangulo na noon si Ka Eddie Guazon. Kaiba ito kaysa nakasaad sa Oryentasyon ng KPML na nagsasabing sa kalagitnaan ng taong 1987 nabuo ang NACUPO, ngunit walang eksaktong petsa. Subalit 1986 ito nabuo, ayon sa talambuhay ni Ka Eddie Guazon, at sa dokumento ng PCUP na isinulat ang eksaktong petsa, Mayo 30 hanggang Hunyo 2, 1986, na apat na araw na pagtitipon. Alin ang totoo?

ILANG PAGSUSURI

Kung naitayo ang PCUP noong Disyembre 8, 1986, kung saan isa ang KPML na nakibaka upang maitayo ang PCUP, at sinasabi naman ng KPML na isinilang siya noong Disyembre 18, 1986, hindi nagtutugma ang kasaysayan. Dahil nauna ng sampung araw na itinatag ang PCUP kaysa KPML, gayong ang KPML ang isa sa nanawagang magkaroon ng PCUP. May problema sa datos.

Subalit kung totoo ang sinabi ni KR na panahon ni Marcos nang itatag ang KPML, magtutugma ang kasaysayan sa tatlong batayan: ang sinabi ni KR, ang dokumento ng PCUP, at ang talambuhay ni Ka Eddie Guazon. Dagdag pa, suriin din ang mga datos ng tatlong dokumento: ang Oryentasyon ng KPML, ang kasaysayan ng PCUP, at ang talambuhay ni Ka Eddie Guazon, kung anong taon talaga isinilang ang KPML. Kung nahingi ko lang noon kay KR ang isinulat niyang kasaysayan ng KPML, magandang panimula na sana iyon ng pagtatama ng kasaysayan. Subalit hindi ko iyon binigyang pansin noon, dahil nga batay sa Oryentasyon ng KPML, 1986 at hindi 1985 isinilang ang KPML, at may selyong bakal pa ang KPML na nakasulat ang Disyembre 18, 1986.

Maraming dapat itama sa datos, lalo na't hindi magkakatugma. Kailan talaga isinilang ang KPML? Disyembre 18, 1985 nga ba, na batay sa isinulat noon ni KR, na nakita ko, subalit wala akong kopya? O ang nakasaad sa dokumentong "Oryentasyon ng KPML" na isinilang ang samahang ito noong Disyembre 18, 1986?

Ang tanong, sino ang nagsulat ng naunang kasaysayan ng KPML na ginagamit sa oryentasyon nito, at bakit hindi ito nagtutugma sa mga pangyayari batay sa kasaysayan ng PCUP at sa talambuhay ni Ka Eddie? Kailangan nating malaman kung kailan talaga isinilang ang KPML dahil malaki ang epekto nito. Panahon ba ni Marcos isinilang ang KPML kung saan matindi pa ang paglaban ng mga tao sa diktadurang Marcos? O sa panahon ni Cory Aquino na diumano'y may kalayaan na, at sariwa pa ang tagumpay ng mga tao sa pagpapatalsik sa tinagurian nilang diktador? Sumama ba at nakibahagi ang KPML sa Pag-aalsang EDSA noong Pebrero 22-25, 1986?

Marahil dapat tanungin ang mga naunang lider ng KPML na nabubuhay pa, katulad ni Ka Pedring Fadrigon, ang pambansang pangulo ng KPML, at ni Ka Butch Ablir ng ZOTO.

Marahil dapat pag-usapan ang kasaysayang ito ng pambansang pamunuan ng KPML, kasama ang Konseho ng mga Lider nito, sa susunod na pulong ng Pambansang Konseho nito sa darating na panahon. At kung kinakailangan, isulat ang resolusyon ng pagtatama ng kasaysayan ng KPML, na lalagdaan ng mayorya ng kasapi ng Pambansang Konseho ng KPML.

KONGKLUSYON

Kung pagbabatayan ko ang mga datos, hindi Disyembre 18, 1986 isinilang ang KPML, at malamang ay Disyembre 18, 1985. Hindi lang ito usapin ng petsa o kung anong taon talaga isinilang ang KPML. Usapin ito ng pagsasalaysay ng tama, kung ano ang naging batayan ng pagkakabuo, kung anong panahon, tulad ng panahon ba ng diktadura kaya dapat itayo ang KPML, o panahon na kasi na "malaya" na ang bayan kaya malaya na tayong nakapag-organisa.

Kung ang KPML ay naitatag noong 1985, ang KPML ay ibinulwak ng pakikibakang anti-diktadura, tulad ng kasabayan nitong FIND at BALAY. Kung 1986 naman, ano ang batayan ng pagkakatatag ng KPML sa panahong "malaya" na ang bayan? Ganyan kahalaga ang kasaysayan, kaya dapat maitama rin natin ang mga petsa at datos na dapat maisulat.

Batay sa pagsusuri at mga nasaliksik na ito, kailangang itama at muling isulat ang kasaysayan ng KPML.

Biyernes, Mayo 10, 2019

Pahayag ng PLM partylist sa ika-122 anibersaryo ng pagpaslang kay Gat Andres Bonifacio

Pahayag ng PLM partylist sa ika-122 anibersaryo ng pagpaslang kay Gat Andres Bonifacio
Mayo 10, 2019

NOON, PINASLANG NG MGA ILUSTRADO ANG MANGGAGAWANG SI GAT ANDRES BONIFACIO;
NGAYON, PAGPASLANG SA MGA DUKHA SA NGALAN NG WAR ON DRUGS AY WAR ON THE POOR

Masaklap ang pagkakapaslang kay Gat Andres Bonifacio. Malinaw na inilarawan ni Heneral Artemio Ricarte ang mga pangyayari hinggil sa pagpaslang kay Gat Andres Bonifacio ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Buntis, sa bayan ng Maragondon, sa Cabite.

“Si Koronel Bonzon ang bumaril ng rebolber kay G. Andres Bonifacio na ipinagkasugat nito sa kaliwang bisig. Dumaluhong din noon si Koronel Pawa kay G. Andres Bonifacio at ito'y sinaksak ng sundang sa gawing kanan ng liig. Nang anyong bibigyan ulit ng isa pang saksak si G. Bonifacio ay siyang pagdaluhong kay Pawa ni G. Alejandro Santiago na nagsabing: 'Ako ang patayin ninyo, huwag iyan!' 

Noon din ay inilagay si G. Andres Bonifacio sa isang duyan at dinalang bihag sa Indang, pati ng kapatid na Procopio na nagagapus ng buong higpit; kasama ring bihag sina GG. Francisco Carreon, Arsenio Mauri-cio, isang binatang nag-aaral pa na nagngangalang  Leon  Novenario, na  naging Kapitan Ayudante't Kalihim ni Vibora at iba pang di ko na matatandaan ang mga panga-pangalan.

Ang lahat ng nabihag, matangi kay G. Andres Bonifacio at kapatid nitong si G. Procopio, ay pinagpipiit sa bilangguang madilim at di bini-gyan ng pagkain, kundi makalawa lamang sa loob ng tatlong araw na ikinabilanggo nila. Ang Konsehong inilagay upang magsiyasat, tunkol sa mga pagkakasalang ibinubuhat kay G. Andres Bonifacio at sa kapatid nitong si G. Procopio, ay humatol ng parusang kamatayan sa magka-patid.”

Iyan ang testimonya ni Heneral Artemio Ricarte sa sinapit ni Gat Andres Bonifacio. Matatagpuan iyan sa pahina 71 ng kanyang aklat na Himagsikan ng mga Pilipino Laban sa Kastila, na nalathala noong 1927 sa Yokohama, Japan.

Sa kasalukuyan, sa panahon ni Pangulong Duterte, kapwa Pilipino'y basta na lang pinapaslang sa ngalan ng "War on Drugs" subalit ang nangyayari'y "War on the Poor". Marami nang pinaslang subalit pawang mga maralita ang biktima. Walang proseso, walang paggalang sa karapatang pantao, pulos mga maralitang hindi kayang magdemanda sa korte dahil sa kamahalan ng prosesong ito para sa mga dukha, habang ang mga natukoy ng pamahalaan na mga druglord, na dahil maimplwensya, ay nakalalaya pa rin.

Ayon sa mga ulat ay libu-libo na ang pinapaslang. Paiba-iba ng datos, depende sa kung sino ang nagsasalita, kung kapulisan o mga grupo sa karapatang pantao. Subalit nagkakapareho sila ng datos kung sino ang napapaslang: pawang mga maralita.

Dahil dito, nananawagan ang PLM partylist na igalang ang proseso ng batas, at huwag basta mamaslang dahil iyon ang utos ng pangulo. Kung may nagawang pagkakasala, kasuhan at ikulong. Paano kung maraming inosente ang napatay nang walang proseso ng batas? Hindi na maibabalik ang nawalang buhay.

Kitang-kita sa nangyari sa magkapatid na Bonifacio at ang nangyayari sa kasalukuyan ang tunggalian ng magkalabang uri. Tunggalian ng ilustrado at mga plebyano. Tunggalian ng mayaman at mahihirap. Mabisang inilalarawan ito ng awit na Tatsulok: "At ang hustisya ay para lang sa mayaman."

Panahon na upang tapusin ang ganitong tunggalian. Panahon nang wakasan ang tunggalian ng mga uri, at ipagwagi ng aping uri ang isang bagong lipunan, isang bagong simula para sa lahat, para sa karapatang pantao, at maitayo ang isang lipunang makatao at para sa tao.

Huwebes, Mayo 9, 2019

Pahayag ng PLM partylist sa ika-144 kaarawan ni Oriang, ang Lakambini ng Katipunan

Pahayag ng PLM partylist sa ika-144 kaarawan 
ni Oriang, ang Lakambini ng Katipunan
Mayo 9, 2019

GREGORIA DE JESUS, LAKAMBINI NG KATIPUNAN
INSPIRASYON SA KABABAIHAN SA KASALUKUYAN

Isinilang si Gregoria "Oriang" De Jesus sa Kalookan noong Mayo 9, 1875. Siya ang maybahay ng ating bayaning si Gat Andres Bonifacio at tinaguriang Lakambini ng Katipunan.

Isa si Oriang sa mga inspirasyon ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon, kababaihang natutong ipaglaban ang kanilang karapatan, kababaihang nagsisilbi sa bayan, at nalalagay sa pamunuan ng bayan. Sa katunayan, bilang pagpupugay sa kanya, itinatag ang grupong Oriang noong Marso 2016 ng mga kababaihan, at nahalal na pangulo nito ang ikaapat na nominado ng PLM partylist na si Flora Assidao-Santos.

Bilang Katipunero, isinalaysay ni Oriang ang kanyang karanasan sa himagsikan sa isa niyang sanaysay na na "Mga Tala ng Akinsg Buhay": "Nang ako'y kasama ng mga kawal ng naghihimagsik sa parang ng digmaan ay wala akong pangiming sumuong sa anomang kahirapan at sa kamatayan man, sapagka't wala akong nais ng panahong yaon kundi ang mawagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas, at palibhasa'y kasama ako at sumaksi sa maraming laban, kaya't kabilang din akong isa sa mga kawal at upang maging ganap na kawal, ako'y nagsanay ng pagsakay sa kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon. Napagdanasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa boong maghapon, uminom sa mga labok ng maruming tubig o kaya'y katas ng isang uri ng baging sa bundok na tutoong mapakla na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw."

Napakaganda naman ng sinabi ni Oriang hinggil sa mga guro, lalo na't unang nominado ng PLM partylist ay isang guro sa katauhan ni G. Benjo Basas. Ayon kay Oriang sa kanyang sanaysay na "Mga Tala ng Aking Buhay":  "Igalang ang mga gurong nagpapamulat ng isip pagka't kung utang sa magulang ang pagiging tao ay utang naman sa nagturo ang pagpapakatao."

Noong kaarawan ni Oriang, edad 22 noong 1897, tiyak na pinaghahanap niya ang kanyang asawang si Gat Andres Bonifacio, na pinaslang isang araw matapos ang kanyang kaarawan. Napakasakit niyon para sa isang asawa. At bilang isang makata, naipadama ni Oriang ang siphayong iyon sa tula niyang alay kay Gat Andres, na pinamagatang "Magmula, Giliw, nang ikaw ay pumanaw", at narito ang una at huling saknong ng mahaba niyang tula:

Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw, 
Katawan at puso ko'y walang paglagyan;
Lakad ng dugo sa ugat ay madalang, 
Lalo't magunita ang iyong palayaw.

Masayang sa iyo'y aking isasangla
Ang sutlang pamahid sa mata ng luha, 
Kung kapusing palad, buhay ma'y mawala, 
Bangkay man ako'y haharap sa 'yong kusa.

Sa pagsapit ng ika-144 na kaarawan ni Gregoria De Jesus, nawa'y muling sariwain ng mga kababaihan ang kanyang natatanging ambag sa himagsikan, at bilang isang inspirasyon sa kasalukuyang panahon.

Kami sa PLM party list ay taas-noong nagpupugay sa Lakambini ng Katipunan, at sa lahat ng kababaihan ngayong lumalaban para sa kanilang karapatan tungo sa isang lipunang pantay-pantay at makatao.

Miyerkules, Mayo 8, 2019

Sampung karapat-dapat sa pamantayan ng pagpili ng kandidato, suportado ng PLM

PAHAYAG NG PLM PARTY LIST
Mayo 8, 2019

SAMPUNG KARAPAT-DAPAT SA PAMANTAYAN NG PAGPILI 
NG KANDIDATO, SUPORTADO  NG PLM PARTY LIST

Maalab na sinusuportahan ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ang isasagawang malaking pagkilos ng mga grupo sa pangkarapatang pantao, sa pangunguna ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), at mga kasapian nito. Ilulunsad sa malaking pagkilos sa Mayo 8, 2019 ang kampanya hinggil sa Sampung Karapat-Dapat na Agenda.

Ang nasabing sampung pamantayan ay ang mga sumusunod:

1. Paggu-gobyernong maka-karapatang pantao.
2. Pamahalaang sumusunod sa pandaigdigang pamantayan ng karapatan ng mamamayan.
3. Hustisyang abot ng maralita at patas para sa lahat.
4. Proteksyon sa mga inaapi at pinagsasamantalahang sektor.
5. Proteksyon para sa mga nagtatanggol ng karapatang pantao.
6. Lipunang mapayapa at panatag.
7. Sapat na pagkain, trabaho at pabahay.
8. Kalikasang malusog at ligtas.
9. Kaunlarang para sa lahat ng mamamayan, hindi ng iilan.
10. Proteksyon laban sa pananakop at pandarambong ng ibang bansa.

Sinong aayaw sa ganitong pamantayan kung pag niyakap ito ng kandidato, kapalit nito'y boto? Sinong mga kandidato ang hindi sasakay sa pamantayang ito kung ito ang sa kanila'y magpapabango sa mga botante? Subalit hindi lahat ng yumakap ng pamantayang ito'y seryoso, lalo na yaong mga nasa mataas na antas ng lipunan na hindi pabor sa kaunlarang para sa lahat, kundi tanging sa kanilang may malalaking pribadong kumpanya na pinananatiling kontraktwal ang kanilang manggagawa.

Una, ang sampung pamantayan ay para sa kabutihan, kagalingan at kapakanan ng lahat ng mamamayan.Ikalawa, sa lente ng karapatang pantao, dapat dalhin ito ng lahat ng kandidato. Lahat naman ng kandidato ay nais na ganitong pamantayan ay dalhin upang sila'y maiboto. Ang tanong, gaano sila katotoo sa pagdadala ng pamantayang ito, kung sila'y mga negosyante't elitistang iniisip lagi ay ang kikitain kahit mapahamak ang ibang tao. Halimbawa, ang paggu-gobyernong maka-karapatang pantao. Magagawa kaya nila ito kung pabor sila sa tokhang na sistemang pumapatay ng taong walang kalaban-laban, sistemang walang paggalang sa proseso.

Gayunpaman, kami sa Partido Lakas ng Masa (PLM) party list ay kaisa ng mga grupong pangkarapatang pantao sa kanilang panawagan ng pamantayan ng pagpili ng kandidato sa halalan. Dahil sa ganitong paraan ay makikilatis ng mga botante kung sino talaga ang seryosong magliingkod sa bayan at magmumulat sa kanila upang baguhin na ang bulok na sistema ng mga pulitiko, tulad ng dinastiyang pulitikal.

Sa Mayo 8 ay ganap na kaisa ang Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist ng mga grupong pangkarapatang pantao sa kanilang Miting De Avance upang ilunsad ang Sampung Pamantayan para sa Botohan 2019: 
3:00 - 5:00 p.m. Simula sa Welcome Rotonda kasama si BAYAW (Jun Sabayton)
5:00 p.m. (House to house) Blumentrit cor. Espana 
6:00 p.m. Misa sa Most Holy Trinity Parish
7:00 p.m. Miting de avance sa MHTP grounds

Biyernes, Mayo 3, 2019

Pahayag ng PLM partylist sa World Press Freedom Day

Pahayag ng PLM partylist sa World Press Freedom Day
Mayo 3, 2019

SA WORLD PRESS FREEDOM DAY, AMING PANAWAGAN:
MAGING MAPAGBANTAY, MAPAGMATYAG
HUWAG HAYAANG MASIKIL ANG KALAYAANG MAGPAHAYAG

Noong 1993, Ipinahayag ng United Nations General Assembly ang Mayo 3 bilang World Press Freedom Day o Pandaigdigang Araw ng Malayang Pamamahayag. Layunin nito na itaas ang kamalayan sa kahalagahan ng kalayaan sa pagpapahayag at paalalahanan ang mga gobyerno ng kanilang tungkulin na respetuhin at itaguyod ang karapatan sa kalayaan sa pagpapahayag na nakasaad sa Artikulo 19 ng 1948 Universal Declaration of Human Rights at anibersaryo rin ng Deklarasyon sa Windhoek, isang pahayag ng mga prinsipyo ng malayang pamamahayag na pinagsama ng mga dyornalista sa Aprika sa Windhoek noong 1991.

Mula sa ika-127 puwesto noong 2017, ang Pilipinas ay nasa ika-133 pwesto na noong 2018, sa talaan ng 180 bansa sa index na inilabas ng media watchdog Reporters Without Borders (RSF).  Ibig sabihin, bumaba ang pwesto natin dahil na rin marahil sa pananakot o supresyon ng midya sa Pilipinas. 

Sinabi rin ng RSF  na ang administrasyon ng Duterte ay "nakabuo ng ilang pamamaraan upang mapatahimik ang mga mamamahayag na pumupuna sa kanyang War on Drugs". Tinawag din ng RSF ang Pilipinas na "pinakamatinding bansa sa Asia para sa media" matapos ang apat na mamamahayag na napatay noong 2017.

Nito lang 2019 ay hinuli ang isa sa tinaguriang icon ng press freedom ng Time magazine na si Maria Ressa ng Rappler. Sa katunayan, ayon sa mga balita, binawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lisensya ng Rappler, na nagsasabi na ang mga tuntunin ng kasunduan sa pagitan ng Rappler at dayuhang mamumuhunan na Omidyar Network ay lumabag sa konstitusyunal na tuntunin na ang mga kumpanya ng midya ay wala sa kontrol ng dayuhan, o dapat 0% dayuhang kontrol.

Noon ngang Pebrero 20, 2018, pinagbawalan nang pumasok sa Malakanyang ang reporter ng Rappler na si Pia Ranada. Si Ranada, na nakatutok kay Pangulong Rodrigo Duterte mula noong nagsimula itong kumampanya noong 2016, ang tanging reporter mula sa mga press corps na sinabihang pinagbawalan na siyang magbalita, hindi lamang sa Malakanyang, kundi sa iba panggawain ng pangulo. Sabi nga ni  Pia Ranada: "Kung ako nga ay pinupuntirya, lalo na rin ang iba ay mapupuntirya". Paano pa kaya kung simpleng mamamayan ang nagpapahayag? Ang rali o pagtitipon ng mga tao ay kalayaan din sa pamamahayag.

Gayundin naman, nagbabanta ang ChaCha at federalismo na gawing 100% pag-aari ng dayuhan ang mga midya sa bansa, na bawal sa kasalukuyang Saligang Batas.

Sa Halalan 2019 ay kita rin natin na hindi pantay ang kalayaan sa pagpapahayag, dahil ang may mga political advertisement lamang sa mga telebisyon, diyaryo at radyo ay pulos yaong may pera lamang ang kayang makapagbayad. Paano ang mga kandidato ng masa't mga manggagawa na hindi kayang magbayad ng libu-libong pisong  TV ads? Ang isang 30-segundong TV ads ng kandidato ay nasa P100,000 umano. Kaya nga halos ang nananalo lang sa halalan, kung pagbabatayan ang mga political ads sa panahon ng halalan, ay yaong may kakayahang bumili ng espasyo sa "malayang" media.

Dapat maging pantay din ang ehersisyo ng mamamayan sa kalayaan sa pamamahayag, magkaroon din ng pagbabago sa iskema ng political ads at bigyan ng Comelec ng pantay na espasyo ang lahat ng kandidato, at hindi lamang ang maykakayahang bumili ng political ads ang makinabang dito.

Ang PLM partylist ay nananawagan sa mamamayan na maging mapagbantay at mapagmatyag laban sa anumang institusyon at ahensya ng pamahalaan, maging ang pangulo, na susupil sa kalayaan sa pamamahayag, hindi lang ng midya, kundi ng mamamayan.  At dapat kumilos ang mamamayan upang tiyaking ang kalayaang ito ay hindi sinisikil ninuman.