PRESS STATEMENT
July 26, 2010
3-Taong Moratoryum sa Demolisyon, Hiling ng Maralita
MGA MARALITA NG SAN ROQUE,
NAGMARTSA PATUNGONG TIMES ST.
MGA MARALITA NG SAN ROQUE,
NAGMARTSA PATUNGONG TIMES ST.
Nagsagawa ng piket-martsa ang nasa dalawangdaang (200) maralita, isangdaan dito ay mga bata mula edad 7 pataas, mula sa Agham Road sa Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa, Quezon City. Nagmartsa sila mula sa Agham Road patungo sa bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times St.
Ang kanilang isyu: ipatigil ang bantang demolisyon sa kanilang lugar bunsod ng proyektong CBD o Central Business District, kung saan tatamaan nito ang 10,000 hanggang 12,000 pamilyang nakatira sa North Triangle at East Triangle, at mula Veterans Hospital hanggang Esat Avenue Medical Center.
Ang nasabing pagkilos ay pinangunahan ng FRONT (Friends of North Triangle) na binubuo ng San Roque Community Council (SRCC), N3T, at United Muslim Association (UMA). Dalawang linggo ang nakararaan ng magbigay sila ng liham kay Pangulong Aquino na humihiling na itigil ang demolisyon at petisyon para sa tatlong taong moratoryum laban sa demolisyon sa buong Sitio San Roque.
Ayon kay Edwin Nacpil, tagapagsalita ng grupo, "Nararapat lamang na pakinggan ni P-Noy ang aming kahilingan dahil sabi nga niya sa kanyang inaugural address, “Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo.” Umaasa ang maralita na ang munting kahilingan nila ay agarang magkaroon ng katuparan.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin si Lydia Lim sa 0918-7393524 o sa 09082030713
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento