TEN Good Reasons to Pass the RH Bill Now
Sampung Magandang Dahilan para Ipasa ang Panukalang Batas sa RH Ngayon
Just a few years ago, say “RH” in ordinary talks and you’ll get blank looks. Now, most Filipinos know that RH is reproductive health. It has entered presidential debates, topped the news, been surveyed to death. Moreover, majority have plainly said their piece: “We support RH.” Why? Loads of reasons—from the practical “We need help” to the proud “It’s my choice!” But 10 good ones should be enough to convince rational people and thoughtful policy-makers. So here are our top picks.
Ilang taon na ang nakaraan, sabihin mo ang “RH” sa karaniwang usapan at tutunganga lang sila sa iyo. Ngayon, alam n ang maraming Pilipino na ang RH ay reproductive health o reproduktibong kalusugan. Pinasok nito ang mga presidensyal na debate, nanguna sa balita, at na-surbey pa. Dagdag pa rito, nagsalita na ang mayorya: “Sinusuportahan namin ang RH.” Bakit? Sa iba’t ibang dahilan – mula sa praktikal na “Nais namin ng tulong” hanggang sa mapagmalaking “Iyan ang pinili namin!” Ngunit 10 magagandang dahilan ay sapat na upang kumbinsihin ang mga taong makatwiran at mapag-isip na tagagawa ng polisiya. Kaya ito ang aming nangungunang pinili.
1 RH WILL: PROTECT THE HEALTH & LIVES OF MOTHERS
1. ANG RH AY: MAGPOPROTEKTA SA KALUSUGAN AT BUHAY NG MGA INA
The WHO (World Health Organization) estimates that complications arise in 15% of pregnancies, bad enough to hospitalize or kill women. From the 2 million plus live births alone, some 300,000 maternal complications occur yearly. This is 7 times the DOH’s annual count for TB, 19 times for heart diseases and 20 times for malaria in women. As a result, more than 11 women die needlessly each day.
Tinataya ng WHO (Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan)na tumaas ang kumplikasyon ng 15% ng pagbubuntis, sadyang masama na nagpapaospital o pumapatay sa kababaihan. Mula lamang sa higit 2 milyong buhay na isinilang, nasa 300,000 kumplikasyong maternal ang nagaganap taun-taon. Ito’y nasa 7 beses ng taunang bilangng DOH sa TB,19 na beses para sa karamdaman sa puso at 20 besespara sa malarya sa kababaihan. Bilang resulta, mahigit 11 kababaihanang namamatay araw-araw ng walang katuturan.
Enough skilled birth attendants and prompt referral to hospitals with emergency obstetric care are proven curative solutions to maternal complications. For women who wish to stop childbearing, family planning (FP) is the best preventive measure. All these are part of RH.
Ang sapat na may kasanayang tagapag-aruga ng isinisilang at ang nasa oras na pagsangguni sa orpital na may emerhensiyang pag-aaruga sa panganganak (obstetric care) ay napatunayang nakalulunas na soulsuyon sa maternal na kumplikasyon. Para sa mga kababaihang nagnanais huminto sa pagbubuntis, ang pagpaplano ng pamilya (FP) ang pinakamabuting paraan. Lahat ng ito ay bahagi ng RH.
2 SAVE BABIES
2. KALIGTASAN NG MGA BATA
Proper birth spacing reduces infant deaths. The WHO says at least 2 years should pass between a birth and the next pregnancy. In our country, the infant mortality rate of those with less than 2 years birth interval is twice those with 3. The more effective and user-friendly the FP method, the greater the chances of the next child to survive.
Ang angkop na pagpapatlang ay nakakabawas ng pagkamatay ng sanggol. Sinabi ng WHO na dapat dalawang taon ang palipasin sa pagitan ng pagkapanganak at ng susunod na pagbubuntis. Sa ating bansa, ang rata ng pagkamatay ng sanggol na ang patlang ay hindi umaabot ng 2 taon ay doble ng may 3. Ang pinaka-epektibo at palakaibigang paggamit, ang pamamaraang FP, ang laki ng tsansa ng susunod na sanggol na mabuhay.
3 RESPOND TO THE MAJORITY WHO WANT SMALLER FAMILIES
3. PAGTUGON SA MAYORYA NA NAGNANAIS NG MAS MALIIT NA PAMILYA
Times have changed and people want smaller families. When surveyed about their ideal number of children, women in their 40s want slightly more than 3, while those in their teens and early 20s want just slightly more than 2.
Nagbabago ang panahon at nais ng mga tao ng mas maliit na pamilya. Nang sinurbey tungkol sa tamang bilang ng bata, nais ng mga babaeng nasa edad 40 pataas na bahagyang nais nila ng higit sa 3, habang yaong nasa kanilang kabataan at nasa maagang ead 20 ay bahagyang nagnanais lang ng higit sa 2.
Moreover, couples end up with families larger than what they planned. On average, Filipino women want close to 2 children but end up with 3. This gap is unequal, but shows up in all social classes and regions. RH education and services will help couples fulfill their hopes for their families.
Dagdag pa rito, tumungo ang mga mag-asawa sa pamilyang mas malaki pa kaysa kanilang plinano. Sa kainaman, nais ng kababaihang Pilipino ng malapit sa 2 anak ngunit tumutungo sa 3. Ang agwat na itoay hindi pantay, ngunit ipinapakita salahat ng panlipunang uri at rehiyon. Ang edukasyon at serbisyo ng RH ay makatutulong sa mga mag-asawa na matupad ang kanilang pangarap sa kanilang pamilya.
4 PROMOTE EQUITY FOR POOR FAMILIES
4. PAGTATAGUYOD NG PAGKAKAPANTAY SA MGA MAHIHIRAP NA PAMILYA
RH indicators show severe inequities between the rich and poor. For example, 94% of women in the richest quintile have a skilled attendant at birth, while only 26% of the poorest can do so. The richest have 3 times higher tubal legation rates. This partly explains why the wealthy hardly exceed their planned number of children, while the poorest get an extra 2. Infant deaths among the poorest are almost 3 times that of the richest, which in a way explains why the poor plan for more children. An RH law will help in attaining equity in health through stronger public health services.
Ipinapakita ng mga panukat ng RH na may malalang di-pagkakapantay sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Halimbawa, 94 bahagdan (94%) ng mga kababaihang nasa pinakamayamang kaayusan ang merong may kasanayang tagapangalaga sa pagkasilang, habang 26% lamang sa pinakamahirap. Ang pinakamayaman ay may 3 beses na mas mataas na rata ng pagtatali ng tubal. Bahagyang naipaliliwanag nito kung bakit hindi nahihigitan ng mga maykaya ang planong bilang ng anak, habang sumosobra naman ng2 ang pinakamahihirap. Ang pagkamatay ng sanggol sa mga pinakamahihirap ay nasa 3 beses ng pinakamayaman, na kahit papaano’y nagpapaliwanag kung bakit marami ang pinaplanong anak ng mga mahihirap. Makakatulong ang batas sa RH upang kamtin ang pagkakapnaty sa kalusugan sa pamamagitan ng mas malakas na pampublikong serbisyo sa kalusugan.
5 PREVENT INDUCED ABORTIONS
5. MAPIGILAN ANG SAPILITANG ABORSYON
Unintended pregnancies precede almost all induced abortions. Of all unintended pregnancies, 68% occur in women without any FP method, and 24% happen to those using traditional FP like withdrawal or calendar-abstinence.
Nauunahan ng di-ginustong pagbubuntis ang halos lahat ng sapilitang aborsyon. Sa lahat ng di-ginustong pagbubuntis, 68% ang nagaganap sa kababaihang walang anumang pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya (FP), habang nagaganap ito sa 24% ng gumagamit ng tradisyunal na FP tulad ng withdrawal o pagpipigil gamit ang kalendaryo.
If all those who want to space or stop childbearing would use modern FP, abortions would fall by some 500,000. In our country where abortion is strictly criminalized, and where 90,000 women are hospitalized yearly for complications, it would be reckless and heartless not to ensure prevention through FP.
Sa lahat ng mga nagnanais na magpatlang o itigil na ang pagbubuntis ay dapat gumamit ng modernong FP, angaborsyon ay papatak ng nasa 500,000. Sa ating bansa kung saan ganap na itinuturing na krimen ang aborsyon, at 90,000 kababaihan ang naoospital taun-taon dahil sa mga kumplikasyon, magiging walang-ingat at walang puso kung hindi titiyakin ang kaligtasan nila sa pamamagitan ng FP.
6 SUPPORT & DEPLOY MORE PUBLIC MIDWIVES, NURSES & DOCTORS
6. SUPORTA AT PAGPAPADALA NG MAS MARAMING PAMPUBLIKONG HILOT, NARS AT DOKTOR
RH health services are needed wherever people are establishing their families. For example, a report by the MDG Task Force points out the need for 1 full-time midwife to attend to every 100 to 200 annual live births. Other health staff are needed for the millions who need prenatal and postpartum care, infant care and family planning. Investing in these core public health staff will serve the basic needs of many communities.
Ang serbisyong pangkalusugang RH ay kinakailangan kung saan binubuo ng mga tao ang kanilang pamilya. Halimbawa, tinukoy sa ulat ng MDG Task Force ang pangangailangan ng 1 buong-panahong hilot na dadalo sa bawat 100 hanggang 200 buhay na ipinanganganak taun-taon. Kailangan din ng iba pang kawani sa kalusugan para sa milyong nangangailangan ng pangangalaga bago at matapos manganak, pangangalaga sa sanggol at pagpaplano ng pamilya. Ang pamumuhunan sa mga sentrong pampublikong kawani sa kalusugang ito ay magsisilbi sa pangunahing pangangailangan ng maraming komunidad.
7 GUARANTEE FUNDING FOR & EQUAL ACCESS TO HEALTH FACILITIES
7. PAGGARANTIYA SA PAGPOPONDO AT PANTAY NA PAG-ABOT SA PASILIDAD NA PANGKALUSUGAN
RH will need and therefore support many levels of health facilities. These range from health stations that can do basic prenatal, infant and FP care; health centers for safe birthing, more difficult FP services like IUD insertions, and management of sexually transmitted infections; and hospitals for emergency obstetric and newborn care and surgical contraception. Strong RH facilities can be the backbone of a strong and fairly distributed public health facility system.
Kailangan ng RH at samakatwid susuporta sa maraming antas ng pasilidad na pangkalusugan. Umaabot ito mula sa himpilang pangkalusugan na nagsasagawa ng pangunahing pangangalaga bago manganak, sanggol at FP; mga sentrong pangkalusugan para sa ligtas na panganganak, mas mahirap na serbisyong FP tulad ng pagpasok ng IUD, at pamamahala sa mga impeksyong nakuha sa pakikipagtalik; at mga ospitalpara sa emerhensiyang pangangalaga sa panganganak at bagong panganak at kontrasepsyong surhikal. Ang matatatag na pasilidad ng RH ay maaaring maging gulugod ng isang matatag at pantay na pagbabahagi ng sistema ng pampublikong pasilidad na pangkalusugan.
8 GIVE ACCURATE & POSITIVE SEXUALITY EDUCATION TO YOUNG PEOPLE
8. PAGBIBIGAY NG TUMPAK AT POSITIBONG EDUKASYONG PANGSEKSWALIDAD SA MGA KABATAAN
Currently, most young people enter relationships and even married life without the benefit of systematic inputs by any of our social institutions. We insist on young voters’ education for events that occur once every few years, but do nothing guiding the young in new relationships they face daily. The RH bill mandates the education and health departments to fill this serious gap.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga kabataan ay pumapasok sa relasyon at kahit sa buhay may-asawa nang walang mga benepisyo ng sistematikong impormasyong ibinibigay mula sa ating mga panlipunang institusyon. Iginigiit natin ang edukasyon sa mga batang botante para sa mga pangyayaring nagaganap ng isang beses kada ilang taon, ngunit walang ginagawa para gabayan ang mga kabataan sa bagong relasyong nakakaharap nila araw-araw. Inaatas ng panukalang batas ng RH na punan ng departamento ng edukasyon at pangkalusugan ang seryosong puwang na ito.
9 REDUCE CANCER DEATHS
9. MABAWASAN ANG MGA PAGKAMATAY SA KANSER
Delaying sex, avoiding multiple partners or using condoms prevent HPV infections that cause cervical cancers. Self breast exams and Pap smears can detect early signs of cancers which can be cured if treated early. All these are part of RH education and care. Contraceptives do not heighten cancer risks; combined pills actually reduce the risk of endometrial and ovarian cancers.
Ang pagbinbin sa pakikipagtalik, pag-iwas sa maramihang partner o paggamit ng kondom ay makasasagka sa impeksyong dulot ng HPV na nagdudulot ng kanser serbikal. Ang pagsusuri sa sariling dibdib at pagkulapol sa uton (Pap smear) ang makakadiskubre sa maagang senyales ng kanser na malulunasan kung magagamot ng maaga. Lahat ng ito ay bahagi ng edukasyon at pangangalagang RH. Hindi pinatataas ng kontraseptibo ang panganib ng kanser; sadyang binabawasan ng pinagsamang tabletasangpanganib ng kanser sa endometriyal at obaryo.
10 SAVE MONEY THAT CAN BE USED FOR EVEN MORE SOCIAL SPENDING
10. MAKATIPID SA SALAPI NA MAGAGAMIT SA HIGIT PANG DAPAT PANLIPUNANG PAGKAGASTUSAN
Ensuring modern FP for all who need it would increase spending from P1.9 B to P4.0 B, but the medical costs for unintended pregnancies would fall from P3.5 B to P0.6 B, resulting in a net savings of P0.8 B. There is evidence that families with fewer children do spend more for health and education.
Ang pagtiyak ng modernong FP para sa lahat ng nangangailangan nito ay magtataas ng gastusin mula P1.9B hanggang P4.0B ngunit ang gastusing medical para sa di-ginustong pagbubuntis ay bumagsak mula P3.5B hanggang P0.6B, na magreresulta sa netong matitipid na P0.8 B. Maymga patunay na ang mga pamilyang may kaunting anak ay gumagastos ng higit para sa kalusugan at edukasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento