Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Mensahe ng Sanlakas sa Kongreso ng ZOTO

MENSAHE NG PAKIKIISA NG SANLAKAS
PARA SA KONGRESO 2011 NG ZOTO
24 Setyembre 2011

Buong pagpupugay na ipinaaabot ng Sanlakas ang pinakamainit na pagbati ng progresibo demokratikong pagkakaisa sa lahat ng ating mga kasama at kasaping samahan ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) sa di-malilimutang okasyon ng inyong Kongreso 2011!

Ang inyong Kongreso ngayon at ang masigla't aktibong partisipasyon ng inyong mga kasapi at lider ay matatag na patunay na ang ZOTO ay nananatiling isa sa mga ilang tumagal na organisasyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang inyong patuloy na kasaysayan ng mga matitinding pakikibakang masa para sa tunay na panlipunang pagpapalaya ng pinagsasamantalahan at inaaping maralita ng lungsod sa higit sa apat na dekada ay malinaw na isang inspirasyon para sa malawak na progresibong kilusan ng masa hanggang ngayon.

Ang inyong mga pakikibakang masa noon pa man sa tabing-dagat ng Tondo para sa katarungang panlipunan, demokrasya at tunay na progreso sa panahon ng Unang Sigwa ay isang matinding tagumpay para sa mga maralita ng lungsod. Nangyari ito noong lumitaw pasista diktadurang Marcos ay nagsisimula nang supilin ang batayang masa. Gayunpaman, ang inyong mga militanteng paglutas upang manalo ay tiyak na mananatiling isang nakakaantig na halimbawa ng kung anong magagawa ng malawak na uring manggagawa at makakamit sa pamamagitan ng nagkakaisang paglaban bilang isang solong kilusan para sa tunay na panlipunang pagbabago.

Sa nakalipas na apatnapung taon, at lalo na sa mga nakaraang dekada ng militanteng mga pakikibaka ng masa laban sa mga reaksyonaryong patakaran ng estado ng rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo, nanatiling nasa unahan ang ZOTO sa progresibong kilusan ng masa. Sa inyong sektoral at pangkomunidad na pamumuno, muling pinakikita ng ZOTO ang mahigpit nitong tangan sa prinsipyo at kolektibong paglaban upang tutulan at itigil ang anti-mahihirap at anti-demokratikong direksyon ng rehimeng GMA, sa lokal at pambansang arena ng pakikibaka.

At kahit ngayon, na may pro-elite at anti-masang karakter at tendensiya ng kasalukuyang rehimeng PNoy, ang progresibong kilusan ng masa sa Pilipinas ay hindi maaaring pumayag na magsawalang-kibo na lamang, kahit na para sa isang sandali. Sa kasalukuyan at pagbabago-bago ng pambansang kalagayan, at higit pa sa pulitikal na panahong daratal, ang batayang masa, lalo na tayong mga organisadong pwersa ay dapat patuloy na patindihin ang ating kolektibo't demokratikong tungkulin upang bumuo ng mataas na organisado at epektibong malalakas at banat na organisasyong masa. Tiyak na ang may kamalayan at nagkakaisang kilusang masa lamang ang mangunguna para sa isang mahalaga at matagumpay na sistematikong pagbabago ng lipunang Pilipino sahinaharap.

Kung gayon, kami sa SANLAKAS ay patuloy na kikilalanin ang natatanging ambag ng ZOTO sa ating pangkalahatang layunin. Ganap naming minamahalaga ang matiyagaat patuloy nitong pag-oorganisa - ang pagsisikap sa gawaing pagpapalawak at pagkokonsolida - upang mabigyang kapangyarihan ang masang maralita. Ito'y inyong isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-aaral, pag-oorganisa at pagmomobilisa ng mga walang kapangyarihang mayorya ng lipunan. Ito ang mga nagawa ng inyong organisasyon mula pa noong 1970, at itong inyong patuloy na paninindigan ay inaasahan naming inyong ipagpapatuloy hanggang sa ang tunay na panlipunang kalayaan ay makamit ng sambayanan.

IPAGPATULOY ANG PAKIKIBAKA PARA SA TUNAY NA PANLIPUNANG PAGBABAGO!
PATULOY NA ISULONG ANG PAGPAPALAYA NG MGA MARALITA!
MABUHAY ANG ZONE-ONE TONDO ORGANIZATION!



SANLAKAS SOLIDARITY MESSAGE
FOR THE 2011 ZOTO CONGRESS
24 September 2011

SANLAKAS proudly extends its warmest greetings of progressive democratic solidarity to all our kasamas and member-organizations of the Zone-One Tondo Organization (ZOTO) on this memorable occasion of your 2011 Congress!

Your Congress today and the vibrantly active participation of your members and leaders is solid proof that ZOTO remains one of the very few surviving and historic people’s organizations in the Philippines. Your continuing story of hard-fought mass struggles for the genuine social liberation of the exploited and oppressed urban poor after more than four decades is clearly an inspiring story for the broad progressive mass movement until now.

Your earliest mass struggles in the Tondo Foreshore area for social justice, democracy and true progress during the First Quarter Storm period was a smashing success for the urban poor. This happened at a time when the still-emergent fascist Marcos Dictatorship was just beginning to repress the basic masses. However, your militant resolve to win certainly remains a rousing example of what the broad working-class masses can and, still achieve through united fight-backs as one single movement for real social change.

Over the past forty-years, and especially in the past decade of militant mass battles against the reactionary state policies of the Gloria Macapagal-Arroyo Regime, ZOTO remained in the frontline of the progressive mass movement. With your sectoral and community-oriented leadership, ZOTO once again showed its firmest and principled courage in our collective resistance to oppose and stop the GMA Regime’s anti-poor and anti-democratic direction, both in the local and national arenas of struggle.

And even now, with the current PNoy Regime’s pro-elite and anti-masses character and tendency, the Philippine progressive mass movement cannot allow its guard down at all, even for a single moment. In the presently (and still) shifting national situation, and more so in the political period ahead, the basic masses, and especially all of us in the organized forces must continue to intensify our collective democratic duty to build highly organized and effectively strong and resilient mass organizations. Definitely and for sure, only a conscious and unified mass movement can become the spearhead for an urgent and triumphant systemic change in Philippine society in the future.

It is in this regard, therefore, that we in SANLAKAS continue to recognize ZOTO’s unique and unqualified contributions to our common general cause. We fully value ZOTO’s persistent and consistent organizing—through both your expansion and consolidation work efforts—to help empower the poor masses. This you do primarily through educating, organizing and mobilizing the disempowered social majority. This is what you have organizationally accomplished since 1970, and it is this resolute commitment of yours which we wish you will continue to carry out until real social liberation is achieved for our people.

CONTINUE THE STRUGGLE FOR GENUINE SOCIAL CHANGE!
ALWAYS ADVANCE THE LIBERATION OF THE POOR!
MABUHAY ANG ZONE-ONE TONDO ORGANIZATION!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento