Huwebes, Mayo 31, 2012

Corona Conviction is not a Deterrent to Corruption


PRESS STATEMENT
May 30, 2012
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Partido Lakas ng Masa (PLM)
SANLAKAS

Corona Conviction is not a Deterrent to Corruption

Malacanang and its paid hacks in media are now making a mountain out of a molehill. They say that the conviction of Renato Corona by the impeachment court is a triumph of democracy and a cleansing of the bureaucracy. Nothing could be farther from the truth. 

The telenovela that was the impeachment of Corona ended with a predictable and lackluster climax, leaving the masses unentertained and not craving for more. The single and simplistic moral lesson of the story: “tell the truth in your SALN”. 

Despite the long proceedings, the Senate could only prove one fact: Corona did not properly disclose his dollar deposits in his SALN. Hence, its verdict rested on the sole issue of “non-disclosure”, covered by Article 2, which it raised to a “culpable violation of the Constitution”.

In so doing, the complaint, reduced to Articles 2, 3 and 7 during the deliberations, was further narrowed down to “non-disclosure” (Article 2, paragraph 2.2). It did not determine if such cash assets were ill-gotten or acquired illegally, leaving unanswered the people’s questions on “ill-gotten wealth”, “court decisions for sale”, “misconduct and corrupt practices”, etc., etc. The result was a “narrowing down” not to focus on more substantial issues; the case was watered down to insignificance. 

The respondent’s admission of non-disclosure was enough for the prosecution and the senator-judges to obtain a guilty verdict. They did not use Corona’s waiver of his dollar deposits to put such bank accounts under scrutiny. Hence, it is clear as daylight that the real intention of the impeachment court was not to expose and punish immoral conduct and corrupt practices in government but to merely remove Corona in the Supreme Court, to replace an Arroyo crony with an Aquino lackey in the judiciary.

If the impeachment court truly wanted to cleanse the bureaucracy, it should have let the sun shine in the dark and shadowy corridors of power. Let the people know how Corona acquired his millions of dollars; how Lucio Tan compelled the Court to flip-flop on the FASAP (Flight Attendants and Stewardesses Association of the Philippines) case; how much perks and privileges are given by PAL to members of the Supreme Court. 

But it did not; the impeachment court stopped in its tracks. It did not go beyond the question of non-disclosure. To the people, especially the workers and the poor, we believe that they did so because further investigation would reveal their modus operandi, the prevalent malpractice of officials in the bureaucracy who use their power and influence for economic and personal gain. 

Miyerkules, Mayo 23, 2012

Disclose All or Resign All! Genuine Cleansing of the Bureaucracy not a Telenovela of Elite Infighting

PRESS STATEMENT
Mayo 23, 2012
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
Partido Lakas ng Masa (PLM)
Sanlakas

Disclose All or Resign All!
Genuine Cleansing of the Bureaucracy not a Telenovela of Elite Infighting 


We have said it before and we will say it again. Give the Filipino people a chance for real reforms and meaningful cleansing of the rotting bureaucracy.

The impeachment of Corona is not enough. The process is a spectator sport for the Filipino masses who are neither senator judges nor members of the prosecution and defense panels. More so, it is atelenovela of elite infighting being used by the Aquino regime to consolidate its control of the state and to advance its economic interests.

In impeachment proceedings, the masses are being induced to take sides between two oppressors. They are made to choose the lesser evil among rival camps of the ruling elite, which is nothing more than a choice between hell and purgatory.  By so doing, it fosters the illusion of democracy, of people’s participation in the affairs of the State.

But while the impeachment process is patently limited in its scope and objective and is being utilized by factions of the elite to pursue their self-serving economic and political agendas, it would inevitably open more meaningful questions. Its narrowness and limitation would provide exact arguments for the necessity of genuine and widespread reforms, and for other means of political activity that ensure public participation in the cleansing of the bureaucracy.

Hence, upon the opening of impeachment proceedings against Corona, we issued the “Disclose All” slogan, the demand for the full disclosure of all financial records and transactions by all government officials.

The beleaguered chief justice – who is more an astute politician than an honorable judge – knows this Achilles heel of the impeachment process. Hence, Corona is now piercing the veil of Noynoy’s anti-corruption pretense in order to save his skin as he challenges Senator Drilon and the 188 signatories of the impeachment case to “disclose all”. Truly, crooks know when to speak the truth to hide a lie.

We are neither “pro-Corona” nor “pro-Noynoy”. Both politicians are personifications of the social evil of a corrupt bureaucracy under an elite democracy. If government officials want to dispel public mistrust, they should let the sun shine into dark places. The broad masses of the people, not just the workers and the poor demand the public scrutiny of their private wealth.

If they could not “disclose all”, then they should all resign. And if the demand for “full disclosure” is continuously not met, the cry for “Resign All” would transform from an appeal for delicadeza into a call of action for their ouster. #

Lunes, Mayo 21, 2012

Workers’ Cost of Living not Employers’ Capacity to Pay! – BMP NCRR

PRESS RELEASE
May 21, 2012 

Metro Workers picket the NCR Wage Board:
Workers’ Cost of Living not Employers’ Capacity to Pay! – BMP NCRR

In reaction to the latest order by the NCR wage board, the militant socialist center Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) National Capital Region Rizal chapter (BMP-NCRR) picketed the offices of the Regional Tripartite Wages and Productivity Board in in Malate, Manila today.  

Last Friday, the NCR wage board ordered a two-tier P30 cost of living allowance (COLA) and the integration of P22 previous COLA into the basic pay. Romy Castillo, BMP spokesperson said, “The order is an insult. The P30 COLA is not even enough to buy a kilo of rice.  More so, it also falls short of the P90 to P125 across-the-board wage relief demand by organized labor.”

Castillo added, “Workers, however, have little to expect from the regional wage boards. Its checkered track record shows that it is patently not a mechanism for economic relief.  Their wage increase orders are a pittance. The exemptions they give to employers make their directives a paltry. Barya na nga! Ipinagkait pa ng mga eksempsyon! Two-gives pa!”

BMP-NCRR Secretary General, Gie Relova explained, “The NCR wage board fulfilled its mandate in accordance to Republic Act 6727, or the 1989 Wage Rationalization Act: to peg wages to the level of starvation pay”.

The BMP is demanding the reform of the country's wage fixing mechanisms and the abolition of the wage boards. The labor group is calling for the scrapping of RA 6727 since “it gives more weight and consideration to “employers’ capacity to pay” rather than the “cost of living” for the workers and their families.

“Workers are not asked for their "capacity to buy" when we buy our families' needs. Why then, in fixing wages, must the government ask the employers in the tripartite wage boards if they have the "capacity to pay" the living wage?”, Relova asked. The BMP estimates the daily cost of living for a family of six to be at P990.

Relova elucidated, “Are workers asking too much if they want to be paid at cost? Prices of commodities are generally the sum of "cost of production" and profit. For the price of labor power (wages), workers want to be paid according to the necessary costs for workers and their families to survive decently.” 

At the protest, the workers brought “thirty (30) rotten eggs” to highlight their disgust to the latest wage order of P30 COLA for Metro Manila worker.“Tatlumpong bugok na itlog para sa bugok sa wage board”, Relova concluded. #

Huwebes, Mayo 10, 2012

Ika-115 Anibersaryo ng Kamatayan ni Bonifacio, Ginunita ng mga Militanteng Grupo

PRESS RELEASE
Mayo 10, 2012

Ika-115 Anibersaryo ng Kamatayan ni Andres Bonifacio, 
Ginunita ng mga Militanteng Grupo

Ginunita ng mga militanteng grupo ang ika-115 anibersaryo ng kamatayan ng ating bayaning si Gat Andres Bonifacio ngayong Mayo 10 sa isinagawa nilang pagkilos sa Mehan Garden sa Maynila. Ayon sa kasaysayan, pinaslang si Bonifacio, kasama ang kanyang kapatid na si Procopio, sa utos ni Hen. Emilio Aguinaldo, noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Buntis, Maragondon, Cavite.

Ito’y pinangunahan ng Partido Lakas ng Masa (PLM), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML-NCRR), Sanlakas, at iba pa. Nag-alay sila ng bulaklak, nagkaroon ng maikling programa, at nagsagawa ng munting pagsasadula sa naganap na pagkapaslang sa bayani.

"Ginugunita natin ang kamatayan ni Rizal tuwing Disyembre 30 at Ninoy Aquino tuwing Agosto 21, pero bakit ang ginugunita natin ay ang kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio tuwing Nobyembre 30? Dahil nais itago ang isang kahindi-hindik na pangyayari sa kasaysayan, ang pagpaslang ng mga ilustrado sa itinuturing nilang hindi nila kauri, kay Bonifacio." Ito ang mariing sinabi ni Ka Leody de Guzman, pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Dagdag pa niya, "Sa ngayon, patuloy pa ang pagpatay ng naghaharing uri sa mga maliliit, lalo na sa hindi nila kauri, tulad ng mga manggagawa’t maralita. Patuloy pa ang pananalanta ng salot na kontraktwalisasyon, patuloy ang pagtataboy sa mga maralita sa kanilang tirahan upang tayuan ng mga negosyo tulad ng SM, patuloy na nagtataasan ang mga bilihin, tubig, kuryente, tuition fee, langis, na ang nakikinabang lamang ay ang mga kapitalista, ang mga naghaharing uri sa lipunan. Kayrami na ring napaslang na mga lider ng masa at marami ring dinukot na naging mga desaparesidos."

Ayon kay Ojie Tan ng PMT, "Matagal nang itinago ng mga naghaharing uri ang pagkapaslang kay Bonifacio ng kapwa niya lider-rebolusyonaryo. Ayaw ng mga naghaharing uri na gunitain natin ito, dahil mamumulat ang mga Pilipino sa mga ginawa nilang katrayduran sa mga mahihirap nating kababayan. Takot ang burgesya na mamulat ang sambayanan sa tunggalian ng uring umiral at patuloy na umiiral sa lipunan. Ngunit kailangan natin itong gunitain upang hanguan ng aral at ipaalala sa mga susunod na henerasyon na ang nangyaring ito’y paglapastangan sa ating bayani at sa buong bayan."

Sinabi naman ni Victor Briz, bise-presidente ng Partido Lakas ng Masa (PLM), ”Napakahalagang gunitain natin ang araw ng kamatayan ni Gat Andres Bonifacio bilang paalala sa atin at sa mga susunod pang henerasyon na hindi natutulog ang kanilang mga ninuno, na ang mga aral ng nakaraan ay hindi natin ibinabaon sa limot. Ang pagbabalik-gunita natin sa nangyaring pagpaslang kay Ka Andres noong Mayo 10, 1897 ay isang mahalagang aral sa atin na hangga't may tunggalian ng uri sa lipunan, magpapatuloy ang mga ganitong pagpatay, pang-aapi at pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa mga maliliit. Dapat talagang baguhin natin ang lipunan kung saan wala nang mga naghaharing uri't elitistang mapagsamantala sa maliliit. ”.

Ayon naman kay Greg Bituin Jr., ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML)-NCRR, at kasapi ng history group na Kamalaysayan, "Pinapakita ng pagkapaslang kay Bonifacio ang tunggalian ng uri noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Bagamat parehong mga rebolusyonaryo na nagnanais ng pagpapalaya ng bayan mula sa kamay ng mananakop, magkakaiba pa rin sila ng kalagayan sa lipunan. Nangibabaw ang uring ilustrado sa uring anakpawis, tulad din ngayon na patuloy na nagsasamantala ang uring elitista laban sa mahihirap, ang uring kapitalista laban sa uring manggagawa, ang burgesya laban sa taumbayan, ang gobyernong kapitalista laban sa masa ng sambayanan. Panahon nang ilantad ang ganitong bulok na sistema upang mas madaling maunawaan ng masa na dapat silang mag-alsa laban sa bulok na sistemang patuloy na yumuyurak sa ating dangal at pagkatao. Ituloy natin ang laban ni Bonifacio. Rebolusyon para sa pagbabago!"

Ipinahayag ng mga militanteng grupo na ang nasimulang paggunita ngayong Mayo 10 ay magiging taunang gawain para sa uring anakpawis na tulad din ng pagbibigay halaga ng paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio tuwing Nobyembre 30.



Miyerkules, Mayo 9, 2012

Militant Groups to Commemorate Bonifacio's 115th Death Anniversary


MEDIA ADVISORY
Mayo 9, 2012

Ika-115 Anibersaryo ng Kamatayan ni Gat Andres Bonifacio, 
Gugunitain ng mga Militanteng Grupo

SAAN: Mehan Garden, malapit sa Manila City Hall
KAILAN: Mayo 10, 2012, 10:30 am-12nn

Magsasagawa ng pagkilos sa Mehan Garden ang mga militanteng grupo bilang paggunita sa ika-115 anibersaryo ng kamatayan ng ating bayaning si Gat Andres Bonifacio. Kasamang pinaslang ang kanyang kapatid na si Procopio noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Buntis, Maragondon, Cavite.

Ang aktibidad na ito'y pangungunahan ng Partido Lakas ng Masa (PLM), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML-NCRR), Zone One Tondo Organization (ZOTO), Piglas-Kabataan (PK), Sanlakas, Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), at iba pa. Mag-aalay ng bulaklak at magsasagawa ng reenactment ang mga militanteng grupo hinggil sa naganap na pagkapaslang kay Bonifacio at sa kapatid nitong si Procopio.

"Ginugunita natin ang kamatayan ni Rizal tuwing Disyembre 30 at Ninoy Aquino tuwing Agosto 21, pero bakit ang ginugunita natin ay ang kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio tuwing Nobyembre 30? Dahil nais itago ang isang kahindi-hindik na pangyayari sa kasaysayan, ang pagpaslang ng mga ilustrado sa itinuturing nilang hindi nila kauri, kay Bonifacio." Ito ang mariing sinabi ni Ka Leody de Guzman, pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Dagdag pa niya, "Sa ngayon, patuloy pa ang pagpatay ng naghaharing uri sa mga maliliit, lalo na sa hindi nila kauri, ang mga manggagawa. Patuloy pa ang pananalanta ng salot na kontraktwalisasyon, patuloy ang pagtataboy sa mga maralita sa kanilang tirahan upang tayuan ng mga negosyo tulad ng SM, patuloy na nagtataasan ang mga bilihin, tubig, kuryente, tuition fee, langis, na ang nakikinabang lamang ay ang mga kapitalista, ang mga naghaharing uri sa lipunan."

Ayon kay Ojie Tan ng PMT, "Matagal nang itinago ng mga naghaharing uri ang pagkapaslang kay Bonifacio ng kapwa niya lider-rebolusyonaryo. Ayaw ng mga naghaharing uri na gunitain natin ito, dahil mamumulat ang mga Pilipino sa mga ginawa nilang katrayduran sa mga mahihirap nating kababayan. Takot ang burgesya na mamulat ang sambayanan sa tunggalian ng uring umiral at patuloy na umiiral sa lipunan. Ngunit kailangan natin itong gunitain upang hanguan ng aral at ipaalala sa mga susunod na henerasyon na ang nangyaring ito’y paglapastangan sa ating bayani at sa buong bayan."

Sinabi naman ni Allan dela Cruz, pangulo ng KPML-NCRR, "Ang paggunita sa kamatayan ni Bonifacio ay simula ng paggunita natin sa katrayduran ng mga naghaharing uri sa taumbayan. Ang nasimulang paggunitang ito tuwing Mayo 10 ay taun-taon na nating gagawin tulad ng taun-taon nating paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio tuwing Nobyembre 30. Ang pagbabalik-gunita natin sa naganap noong Mayo 10, 1897 ay pagpapaalala sa atin na hangga't may tunggalian ng uri sa lipunan, magpapatuloy ang mga ganitong pagpatay, pang-aapi at pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa mga maliliit. Dapat baguhin natin ang lipunan kung saan wala nang mga elitista't naghaharing uring yuyurak sa ating dangal at pagkatao." 


MGA AKDANG HALAW SA KASAYSAYAN:

Narito ang mga sinulat ng mga bayaning sina Heneral Artemio Ricarte at Apolinario Mabini bilang katunayan ng naganap na pagpatay kay Gat Andres Bonifacio. 

“Si Koronel Bonzon ang bumaril ng rebolber kay G. Andres Bonifacio na ipinagkasugat nito sa kaliwang bisig. Dumaluhong din noon si Koronel Pawa kay G. Andres Bonifacio at ito'y sinaksak ng sundang sa gawing kanan ng liig. Nang anyong bibigyan ulit ng isa pang saksak si G. Bonifacio ay siyang pagdaluhong kay Pawa ni G. Alejandro Santiago na nagsabing: 'Ako ang patayin ninyo, huwag iyan!' Noon din ay inilagay si G. Andres Bonifacio sa isang duyan at dinalang bihag sa Indang.”

Iyan ang testimonya ni Heneral Artemio Ricarte sa sinapit ni Gat Andres Bonifacio. Matatagpuan iyan sa pahina 71 ng kanyang aklat na Himagsikan ng mga Pilipino Laban sa Kastila, na nalathala noong 1927 sa Yokohama, Japan.

May mga paratang laban sa pangkat nina Bonifacio na nasa nayon ng Limbon, sa Indang, Cavite nang panahong iyon. Dahil dito'y agad ipinadala ni Heneral Emilio Aguinaldo sina Koronel Agapito Bonzon at Jose Pawa, kasama ang kani-kanilang mga tauhan. Ayon sa ulat ni Ricarte: “Kinabukasan ng umaga, ang mga kawal ni G. Andres Bonifacio na noo'y nakabantay sa daan ng nayong Limbon, ay nilusob na't sukat ng pangkat ng nagsibalik doong mga Koronel Bonzon at Pawa at agad nilang napatay ang matandang kapatid ng Supremo na si G. Ciriaco Bonifacio, at pagkatapus ay hinandulong na nila ang mga kasamang kawal ng namatay, hanggang sa mangahuli at maalisan silang lahat ng sandata. Pagkarinig sa putukan, si G. A. Bonifacio at isa pang kapatid niyang si G. Procopio, saka ang mga kasamang G. Alejandro Santiago, G. Francisco Carreon, G. Apolonio Samson, G. Antonino Guevara at iba pa, ay nagsidalo sa pook na pinangyayarihan ng gulo; ngunit bahagya pa silang nakalalapit, ay sinagupa na sila nina Bonzon at Pawa.”

Dagdag pa ni Ricarte sa kanyang ulat: “Pagkabaril sa magkapatid na G. Andres Bonifacio at G. Procopio Bonifacio. - Nang ang Republika Pilipina ay nahihimpil na sa mga bundok na lalong masukal at tago sa pag-itan ng Maragundong at Look, pook na pinamamagatang Buntis, si G. Emilio Aguinaldo ay nagpasya na ng pagpapabaril sa dalawang magkapatid na nasabi na, upang lubusan nang mawala, marahil, ang sa boong tapang at lagablab ng pag-ibig sa bayang tinubuan, ay tinatag niya ang K. K. K. ng mga A. N. B. na siyang lumikha ng dakilang tungkuling sa gahasa'y inangkin niya (Aguinaldo). Inuna muna ang Procopio at pagkatapus ang Andres, na dahil sa kanyang mga sugat ay lupaypay na ang katawan, kaya't dinalang nakaduyan sa pook na pinagbarilan, isang oras muna sa kanyang kapatid, ng mga Koronel ding Bonzon at Pawa (“Koronel Lazaro Makapagal”), na gaya ng maalaala'y silang nagsilusob sa pangkat nina Bonifacio sa nayon ng Limbon, Indang. At sa ganitong paraan tinapus ang buhay niyaong bayaning humamak sa mga kapanganiban, at nagtatag ng K. K. K. ng mga Anak ng Bayan; niyaong taong nagturo sa bayang Pilipino ng tunay na landas, upang maibulid ang pangaalipin ng mga dayuhan; niyong, kailan ma't kausap ng kanyang mga kabig, ay lagi nang nilalabasan sa bibig ng mga ganitong pangungusap: “Pagsikapan ninyong huwag makagawi ng mga pagkakasalang makadudungis sa inyong mga pangalan.” “Matakot kayo sa Kasaysayan (Historia), na siyang di mapagkakailaan ng inyong mga kagagawan.”

Ayon kay G. Apolinario Mabini, sa Kabanata VIII ng kanyang aklat na Ang Himagsikan ng Bayang Pilipino: “Sa inasal na ito ni G. Emilio Aguinaldo, ang manunuligsang kasaysayan, ay di makakakita ng anomang katwirang sukat makapagtakip o makabawas man lamang sa kanyang sagutin. Si Andres Bonifacio ay di huli sa pinag-aralan sa sino man sa mga napahalal sa naturang pagpupulong, at tangi sa rito'y nagpakilala ng talino at lakas loob na di pangkaraniwan sa pagtatatag niya ng Katipunan. Ang lahat ng mga naghalal ay kaibigan ni G. Emilio Aguinaldo at ni G. Mariano Trias na noon ay nangagkakaisa, samantalang si Bonifacio ay tinitingnan nila ng may hinalang tingin, gayon nakapagpakilala na ng isang kaasalang malinis at pusong buo, at ito'y dahil lamang sa siya'y hindi tubo sa Kabite; ito ang sanhi ng kanyang pagdaramdam. Gayon pa man, ang pagdaramdam niya'y hindi ipinakita sa isang magahasang paraan ng pagsalungat, at ang katunayan, nang makita niyang walang sinomang nagmamalasakit sa ikapagkakasundo ng lahat, ay nagkasya na lamang siya sa pag-alis sa lalawigan tungong San Mateo na kasama ang kanyang mga kapatid. Kung pag-iisiping si G. Aguinaldo ang una-unang dapat managot sa di niya pagsunod at sa di pagkilala sa naturang pinuno ng Katipunan na kanya ring kinaaniban; kung pagbubulay-bulaying ang pagkakasundo ng lahat ay siyang tanging angkop na lunas sa mapanganib na kalagayan noon ng Panghihimagsik, ang dahil at layon ng pagpatay, ay di maikakait na bunga ng mga damdaming nakasisirang totoo ng puri sa Panghihimagsik; sa paano't paano man, ang gayong katampalasanan, ay siyang masabing unang tagumpay ng kasakiman ng isang tao laban sa tunay na pag-ibig sa bayan.”

Sa Kabanata X nama’y sinulat ni Mabini: “Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio ay nagpakilalang maliwanag na si G. Emilio Aguinaldo ay may isang walang habas na kasakiman sa kapangyarihan.” Aniya pa, “Sa buong sabi, ang Paghihimagsik ay nabigo pagkat nagkaroon ng masamang pamamatnugot; pagkat nakuha ng tagapamatnugot ang kanyang tungkulin, hindi sa pamamag-itan ng mga gawaing kapuri-puri, kungdi sa mga gawang kalait-lait; pagkat sa halip na tulungan niya ang mga taong lalong may magagawa sa bayan, dahil lamang sa paninibugho, ay lalo pang sinugpo niya. Sa pagkalango sa kadakilaan ng sarili, ay di na pinahalagahan ang mga tao nang ayon sa kanilang kakayahan, katibayang-loob at pag-ibig sa bayan. Dahil sa ganitong paghamak niya sa bayan, siya'y iniwan ng bayan naman; at sapagkat siya’y iniwan nito, wala na siyang hangganan kungdi ang pagkabulid na gaya ng nangyari sa isang pagkit na diyus-diyusan na nilusaw ng init ng kasawiang-palad. Harinangang tayo'y huwag makalimot sa kakila-kilabot na aral na iyang ating natutuhan sa likod ng mga di maulatang pagtitiis na yaon.”