ITIGIL ANG DEMOLISYON SA SAN DIONISIO!
Kami ang SAMAHANG MAGKAKAPITBAHAY SA SAN DIONISIO MUNTINLUPA INC. na binubuo ng 90 pamilya. Rehistrado kami sa SEC. Dinemolis ang aming mga tirahan nitong January 15, 2014.
Nagkaroon ng pre-demolition conference noong Oct. 29, 2013 pero hindi kami nakasama sa paghaharap na iyon, yung kabilang samahan ang nakadalo. Nagpatawag ang UPAO sa aming mga legal na opisyales ng meeting noong Nov. 8 2013 sa Mang Inong’s Restaurant kaharap sina Atty. Alita Ramirez ng UPAO at Ms. Virgie Abrinia, kasama rin si Atty. Rogelio. Kami ay inalok ni Atty. Ramirez na tanggapin na lang namin ang P400,000.00 at kusa kaming aalis sa lugar at walang relokasyon na ibibigay para sa amin. Hindi raw obligasyon ng may-ari ng lupa ang kami ay i-relocate. Wala raw selective demolition na mangyayari pero ang nangyari noong January 15, 2014 ay selective demolition dahil may natirang 5 families na hindi kasali sa demolition. Nakipag-set kami ng Appointment kay Mayor Jimmy Fresnedi noong Nov. 19, 2013 kasama si Kap. Celso Dioko.
Hands-off na daw si Mayor sa usapin ng lupa sa amin. Hindi raw siya nabigyan ng kopya tungkol sa demolisyon sa amin. Ayaw daw niyang magpagamit pa. Tinanong kami ni Mayor kung ano ang maitutulong niya sa amin at nabanggit namin ang tungkol sa Nov. 30, 2013 na plano ni Atty. Rogelio na demolition dito sa amin. Kinausap namin si Mayor na kung pwede ay tulungan muna kami na huwag munang mag-demolish hanggang hindi pa natatapos ang March 2014. Nagsabi si Mayor na kakausapin daw niya ang Sheriff na i-hold muna ang demolition. Kami naman ay naniwala sa salita ni Mayor sa amin. Bagamat verbal lang ang pangako ni Mayor ay umasa kami na kami ay mapagbigyan hanggang March man lamang.
Unahin ang relokasyon, hindi demolisyon! Tiyakin ang kapakanan ng mga bata at kababaihan! Negosasyon, hindi demolisyon!
Hinihingi namin ang tulong ng ating Mayor Fresnedi na matiyak na ang kanyang mga mamamayan ay magkaroon ng sapat na relokasyon!
Maralita ng Muntinlupa, Magkaisa! Ipaglaban ang karapatan sa paninirahan!
SAMAHANG MAGKAKAPITBAHAY
SA SAN DIONISIO MUNTINLUPA INC.
SA SAN DIONISIO MUNTINLUPA INC.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento