Press
Release
03 February 2014
Contact person:
Mirriam
Neri, President
of Maypajo Caloocan Public Market Peoples’ Vendors Association
0999-8736696
Malapitan, ‘di kumikilala sa karapatan
at nangha-harass, Koop humiling ng TRO
ISANG kooperatiba ang
naglunsad ng isang “silent protest” sa Hall of Justice ng Kaloocan habang
dinidinig ng Regional Trial Court Branch 121 ang kanilang kahilingan para sa
isang temporary restraining order (TRO). Kung pagbibigyan ng korte, ang
kooperatiba ng mga manininda sa Maypajo public market pa rin ang mamamahala
dito kahit na kabaliktaran nito ang gusto ni Mayor Oscar Oca Malapitan.
Magka-kontra ng
tindig ang koop at city hall sa usapin ng pamamahala ng palengke. Nagsimula ang
sigalot nang sabihan ni Mayor Malapitan ang mga opisyal ng Maypajo Market
Multi-Purpose Cooperative (MMMPC) noong ika-2 ng Disyembre na hindi na
ire-renew ng city hall ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nila. Balak
diumano ni Malapitan na pagandahin ang palengke. Nag-expire ang MOA nung ika-29
ng Enero at tumagal ng 20 taon.
Ang kasunduan ay
nalagdaan nung 1994 nung Mayor pa si Macario Assistio. Ang sentral na usapin dito ay: Responsable ang koop sa buong pagpapatakbo ng
palengke at babayaran na lang nito ang city hall ng upa kada buwan. Sa
pagtatapos ng kontrata, umabot 265
libong piso ang upa nito kada buwan.
Ayon sa mga nakapanayam
na vendor, mula ng matapos ang MOA ay araw-araw silang ginugulo mula ng mga
tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Monitoring (DPSTM) sa pamumuno
ng isang Larry Castro. Pinipilit ni Castro ang mga may-ari ng mga pwesto na
magbayad ng kanilang arawang upa.
Noong ika-31 ng
Enero, sa harapan ng maraming mamimili at opisyal ng koop ay sinira ni Castro
ang sound system para pigilan ang mga lider nito na manawagan sa kanilang
kasapian. Humupa lamang ang tensyon nung dumating ang ilan pulis at SWAT. Ayon
sa mga nakasaksi, biglang naging malumanay si Castro.
“Kahit na expire na
ang MOA, obligasyon pa rin ng City Hall na kilalanin ang aming karapatan bilang
lehitimong kooperatiba at mamamayang nagbabayad ng buwis at nagpapasahod sa
kanila. Ayon sa Secksyon 62, Artikulo 7 ng Philippine Cooperative Code, may
preferential rights kami at igigiit namin ito. Kaysa bumalik kami sa palengkeng
walang sistema at pinatatakbo ng City Hall,” sabi ni Miriam Neri, kasapi ng
koop at presidente ng samahan ng mga manininda.
“Mukhang
nagka-amnesia na nga si Mayor, matapos niyang makuha ang boto naming sa pangako
nigton susuportahan niya ang MMMPC nung siya’y nangangampanya pa lamang,”
dagdag pa nito.
Ayon sa mga kasapi ng
koop, ang plano ni Mayor Malapitan na hindi na ipagpatuloy ang MOA ay hindi
suportado ng anumang pampublikong konsultasyon at dokumento at hindi rin bahagi
ng Medium-Term Development Plan ng Lungsod ng Kalookan.
Sa bahagi naman ng City
Hall, and kanilang mga hakbang ay suportado ng isang resolusyon ng sangguniang
lungsod ng Kaloocan. Ayon sa resolusyon, binibigyan ng otoridad ng konseho asi
Mayor Malapitan na umakto para sa kapakanan ng lokal na pamahalaan. Sagot ng
MMMPC, inisyu lamang ang resolusyon nung ika-6 lang ng Disyembre pero ika-2 pa
lamang ay pinangangalandakan na ni Malapitan ang kanyang planong ‘di pag-renew ng
MOA sa koop.###