Martes, Pebrero 4, 2014

Malapitan, ‘di kumikilala sa karapatan at nangha-harass, Koop humiling ng TRO


Press Release

03 February 2014

Contact person:
Mirriam Neri, President of Maypajo Caloocan Public Market Peoples’ Vendors Association
0999-8736696


 Malapitan, ‘di kumikilala sa karapatan
at nangha-harass, Koop humiling ng TRO

ISANG kooperatiba ang naglunsad ng isang “silent protest” sa Hall of Justice ng Kaloocan habang dinidinig ng Regional Trial Court Branch 121 ang kanilang kahilingan para sa isang temporary restraining order (TRO). Kung pagbibigyan ng korte, ang kooperatiba ng mga manininda sa Maypajo public market pa rin ang mamamahala dito kahit na kabaliktaran nito ang gusto ni Mayor Oscar Oca Malapitan.

Magka-kontra ng tindig ang koop at city hall sa usapin ng pamamahala ng palengke. Nagsimula ang sigalot nang sabihan ni Mayor Malapitan ang mga opisyal ng Maypajo Market Multi-Purpose Cooperative (MMMPC) noong ika-2 ng Disyembre na hindi na ire-renew ng city hall ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nila. Balak diumano ni Malapitan na pagandahin ang palengke. Nag-expire ang MOA nung ika-29 ng Enero at tumagal ng 20 taon.

Ang kasunduan ay nalagdaan nung 1994 nung Mayor pa si Macario Assistio.  Ang sentral na usapin dito ay:  Responsable ang koop sa buong pagpapatakbo ng palengke at babayaran na lang nito ang city hall ng upa kada buwan. Sa pagtatapos ng kontrata, umabot  265 libong piso ang upa nito kada buwan.

Ayon sa mga nakapanayam na vendor, mula ng matapos ang MOA ay araw-araw silang ginugulo mula ng mga tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Monitoring (DPSTM) sa pamumuno ng isang Larry Castro. Pinipilit ni Castro ang mga may-ari ng mga pwesto na magbayad ng kanilang arawang upa.

Noong ika-31 ng Enero, sa harapan ng maraming mamimili at opisyal ng koop ay sinira ni Castro ang sound system para pigilan ang mga lider nito na manawagan sa kanilang kasapian. Humupa lamang ang tensyon nung dumating ang ilan pulis at SWAT. Ayon sa mga nakasaksi, biglang naging malumanay si Castro.

“Kahit na expire na ang MOA, obligasyon pa rin ng City Hall na kilalanin ang aming karapatan bilang lehitimong kooperatiba at mamamayang nagbabayad ng buwis at nagpapasahod sa kanila. Ayon sa Secksyon 62, Artikulo 7 ng Philippine Cooperative Code, may preferential rights kami at igigiit namin ito. Kaysa bumalik kami sa palengkeng walang sistema at pinatatakbo ng City Hall,” sabi ni Miriam Neri, kasapi ng koop at presidente ng samahan ng mga manininda.

“Mukhang nagka-amnesia na nga si Mayor, matapos niyang makuha ang boto naming sa pangako nigton susuportahan niya ang MMMPC nung siya’y nangangampanya pa lamang,” dagdag pa nito.

Ayon sa mga kasapi ng koop, ang plano ni Mayor Malapitan na hindi na ipagpatuloy ang MOA ay hindi suportado ng anumang pampublikong konsultasyon at dokumento at hindi rin bahagi ng Medium-Term Development Plan ng Lungsod ng Kalookan.

Sa bahagi naman ng City Hall, and kanilang mga hakbang ay suportado ng isang resolusyon ng sangguniang lungsod ng Kaloocan. Ayon sa resolusyon, binibigyan ng otoridad ng konseho asi Mayor Malapitan na umakto para sa kapakanan ng lokal na pamahalaan. Sagot ng MMMPC, inisyu lamang ang resolusyon nung ika-6 lang ng Disyembre pero ika-2 pa lamang ay pinangangalandakan na ni Malapitan ang kanyang planong ‘di pag-renew ng MOA sa koop.###

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento