Linggo, Agosto 24, 2014

Panunumpa ng bagong pamunuan ng SAMANA-FA sa Mandaluyong, Idinaos

PANUNUMPA NG BAGONG PAMUNUAN NG SAMANA-FA SA MANDALUYONG, IDINAOS

Agosto 24, 2014 - Kasabay ng ikatatlumpung (ika-30) anibersaryo ng Samahan ng Maralitang Nagtitinda sa Fabella (SAMANA-FA) sa Lungsod ng Mandaluyong, idinaos naman ang panunumpa ng bagong pamunuan nito. Ang tema ng anibersaryo ay "Magtitinda, Magkaisa! Isulong ang Katiyakan sa Hanapbuhay at Permanenteng Tirahan".

Ang bagong pamunuan ng SAMANA-FA ay sina: Ka Pedring Fadrigon - pangulo; Demetrio Riego - pangalawang pangulo - panloob; Rodelo Ramirez - pangalawang pangulo - panlabas; Alberto Kalalo - pangkalahatang kalihim; Patricio Ningala Jr. - pangalawang kalihim; Melanie Matias - ingatyaman; Nemia Bongalonta - tagasuri; - Salvador Soriano at Christopher Bolanon - PRO; at ang mga kasapi ng konseho ay sina: Leonora Espadilla, Arlene Gomez, Ma. Prima Rose, Marilou Bongcayao; Placida Cahinhinan; Edilberto Doctor, Rosemary Borreros at Loreta Cipriano.

Nauna rito'y nagdaos muna ng misa ng pasasalamat, na pinangunahan ni Fr. Wilmer Rosario, parish priest ng Sacred Heart of Jesus Parish, sa Welfareville Compound. 

Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Kagawad Carlito C. Cernal, at iba pang hindi agad nakuha ang pangalan. Dumating ang kinatawan ni Mayor Benhur Abalos na si Jimmy Isidro, na siyang nagpasumpa sa bagong pamunuan. Matapos ang misa'y nagdaos ng munting programa, at nagsalita si Ka Pedring Fadrigon. Nagpalabas din ng video si Mr. Isidro hinggil sa mga aktibidad ni Mayor Abalos, tulad ng kalinisan at ang bagong ordinansa ng Mandaluyong laban sa mga riding in tandem, pati na ang usapin ng palupa ng mga taga-Welfarevill. Binanggit din niya  ang hinggi sa Republic Act 9397, na umano'y pag-amyenda sa Seksyon 12 ng RA 7279 o UDHA (Urban Development and Housing Act). Binanggit din niyang libre ang pangungupahan ng mga taga-SAMANA-FA sa palengke hangga't si Mayor Abalos ang nakaupo sa pwesto.

Nagsimula ang misa ng ikapito ng gabi, at natapos ang buong programa ng bandang ikasiyam at kalahati ng gabi.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.


Miyerkules, Agosto 20, 2014

Joint PR: Groups Vow to Fight Aquino’s bid for Cha-Cha and Term Extension

SANLAKAS - BMP - PLM
Joint Press Release
20 August 2014 

Groups Vow to Fight Aquino’s bid for Cha-Cha and Term Extension to Secure Himself and his Pork Barrel Beyond 2016

CITING President Noynoy Aquino’s innuendoes towards Cha-Cha and term extension, and his declaration of intent to clip the powers of the judiciary after the Supreme Court declared his Disbursement Acceleration Program (DAP) unconstitutional, progressive groups say this clearly reveals Aquino’s dictatorial tendencies.

In a press conference held in Quezon City, the groups Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Partido Lakas ng Masa (PLM) and allied peoples organizations vowed to take to the streets and mobilize to fight President Noynoy Aquino schemes to change the Charter in order to extend his term in office to secure himself in the face of recent Disbursement Acceleration program (DAP).controversy.

“If a sitting President flouts the Constitutional tenets on checks and balance by flagrantly attacking the judiciary, flaunts his control over the legislative branch, and pits this against the judiciary as well,  does this not endanger the very delicate balance of power of existing constitutional democracy?” argued Atty. Aaron Pedrosa, national Secretary-General of Sanlakas.

Pedrosa said that Aquino’s recent moves against the judiciary, and calls for cha-cha and term extension reminds us of how President Ferdinand Marcos, who in 1972 was on his last year of his Constitutionally-mandated second term made similar innuendoes for term extension during the Constitutional Convention to amend the 1935 Constitution. “We all know what happened in September of 1972, Marcos usurped absolute power when he declared martial law and ruled as a dictator for the next 13 years”.

For his part, Leody de Guzman of BMP asserted that, “the bottom line of recent political tumult since parts of the DAP were declared unconstitutional by the SC is Aquino’s intent to protect himself and his partymates from the consequence of such a resolution, and to secure himself and his party of continued control over power beyond 2016.”

The groups also decried the refusal of Congress to recognize an impeachment complaint they filed earlier against President Aquino on the grounds of “culpable violation of the constitution” and “betrayal of trust”.  

Sonny Melencio of Partido Lakas ng Masa said, “Despite the general belief that impeachment in our political system is a numbers game, and that all impeachment complaints that are now filed and being deliberated in the House Committee on Justice are expected to be thrown out because of Noynoy’s and the ruling party coalition’s control over the very large majority of the House of Representative, it is still important and significant that we and all the groups who have done so, take a stand and file for impeachment of President Aquino, in the effort to expose the hypocrisy of this administration’s campaign against corruption, and the nature of their TRAPO rule.”  

Melencio added, “the fact that we have a House of Representative that will do the behest of the Executive in order to preserve the pork barrel system and to protect their hold on power merely reveals the reality that what we have is a Congress of TRAPOs and elite politicians, not a Congress truly representative of the people, the large majority that is the toiling masses.”

The groups called on the public “not to rely and put their lives and welfare in the hands of the Congress of TRAPOs, but to secure the people’s welfare and interest by setting up a People’s Congress that is representative of the large majority, that is of the toiling masses.”  

At their press conference, the groups announced that on August 25, they will launch a nationally-coordinated protest actions in major urban centers such as Metro Manila, Laguna, Cavite, Cebu City, Bacolod City, and Tacloban City in the Visayas, Davao and Ozamis City in Mindanao.

In Metro Manila, they will march to Mendiola in the morning to raise their call, and in the afternoon they will join with various forces gathering in Luneta against the Pork Barrel System.

Thereafter they vowed to hold a series of protests in all urban centers nationwide in the coming weeks. The activists say that these mass actions shall serve as venues and spaces for ordinary folks to link arms and resist and fight the Aquino government’s track of preserving their pork barrel, Cha-Cha and Aquino’s term extension.###

Biyernes, Agosto 15, 2014

Halalan ng SAMANA-FA sa Mandaluyong, Inilunsad

Halalan ng SAMANA-FA sa Mandaluyong, Inilunsad

Inilunsad ng grupong SAMANA-FA (Samahan ng Maralitang Nagtitinda sa Fabella) ang halalan ng kanilang bagong pamunuan, hapon ng Agosto 15, 2014, Biyernes, sa bulwagan ng Barangay Addition Hills sa Lungsod ng Mandaluyong. Sa 104 na kasapian ng SAMANA-FA, 91 lamang dito ang nakaboto. Kaya may 13 kasapi ang hindi nakaboto.

Dalawang pangkat ang naglaban, na kapwa may 15 kandidato. Ang patakaran, sa tatlumpung kandidato, ihahalal ang labinlimang kandidato na siyang bubuo ng bagong pamunuan, kasama ang komiteng tagapagpaganap at ang mga itatalagang mamununo ng bawat komite.

Ang mga kandidato sa Team A ay sina: 
1. Pedrito "Pedring" Fadrigon
2. Alberto "Albert" Kalalo
3. Salvador "Buddy" Soriano
4. Demetrio "Jimmy" Riego
5. Eugenia "Nemia" Bongalonta
6. Placida "Ida" Cahinhinan
7. Patricio "Patrick" Ningala
8. Romeo "Toto" Blances
9. Rodelo "Rudy" Ramirez
10. Arlene Gomez
11. Leonora "Nora" Espadilla
12. Fely Misias
13. Edilberto "Edil" Doctor
14. Christopher "Nonoy" Bolanon
15. Loreta "Lorie" Cipriano

Ang mga kandidato sa Team B ay sina:
1. Santiago "Santi" Mente
2. Alejandro "Alex" Descalzota
3. Alberto "Bert" Habana
4. Doroteo "Tiyoy" Lasao
5. Ma. Linda "Marlyn" Caunday
6. Ma. Fe "Fe" Mente
7. Marilou "Malou" Boncayao
8. Ma. Prima "Linday" Rose
9. Melanie "Melan" Matias
10. Ruth "Ritchie" Bacsain
11. Alejandro "Alie" Navidad
12. Imelda "Emie" Plaza
13. Ricky Cortez
14. Rosemary "Rose" Boreros
15. Reny "Ronnie" Descalzota

Ang mga kasapi ng COMELEC ay sina Ka Danny Afante, Merck Maguddayao at Joy Autencio. Ang nagbilang ng boto ay si Merck Maguddayao.

Nagkaroon ng patas (tie) na boto ang apat na kandidato, mula ika-14 hanggang ika-17 pwesto, na pare-parehong nakakuha ng 40 boto, at napagdesisyunan ng mayoryang naroon na isama na lahat, kaya naging labimpito na ang bilang ng pamunuan ng SAMANA-FA.

Ang mga nanalo at ang kanilang nakuhang boto ay sina: 
1. Pedring Fadrigon - 58
2. Rudy Ramirez - 57
3. Buddy Soriano - 55
4. Nemia Bongalonta - 52
5. Melan Matias - 51
6. Nora Espadilla - 50
7. Jimmy Riego - 49
8. Albert Kalalo - 46
9-10. Arlene Gomez - 43
9-10. Prima Rose - 43
11. Malou Boncayao - 42
12-13. Ida Cahinhinan - 41
12-13. Patrick Ningala - 41
14-17. Rose Borreros - 40
14-17. Edil Doctor - 40
14-17. Nonoy Bolanon - 40
14-17. Lorie Cipriano - 40

Napagkaisahan ng mga naroong dumalo na ipagpaliban muna ang botohan kada pwesto sa pagitan ng labingpitong nanalo. Magbobotohan sila sa susunod na mga araw para sa pwestong pangulo, atbp. Ipapakilala ang bagong pamunuan sa Agosto 24, 2014, anibersaryo ng SAMANA-FA.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.
Magandang paalala. Kuha sa paligid ng venue.
Magandang paalala. Kuha sa paligid ng venue.
Ang mga nanalo sa halalan

Kumpanyang Glencore: World Class Human Rights Abuser!

KUMPANYANG GLENCORE: WORLD CLASS HUMAN RIGHTS ABUSER!

"Gllencore: World-Class Human Rights Abuser!" Ito ang sigaw ng mga manggagawa, maralita at CSOs sa naganap na rali sa harap ng tanggapan ng Glencore sa Ortigas. Ito'y bilang paggunita sa naganap na masaker ng 34 na minero noong Agosto 16, 2012 sa Lonmin Mining Property sa Marikana, South Africa. Hinihiling ng mga minero na itaas ang kanilang sahod ngunit ang natanggap nila'y punglo, kamatayan.

Ang Lonmin Mining Property ng South Africa ay pag-aari ng kumpanyang Glencore, na siya rin umanong may-ari ng Sagittarius Mines sa Tampakan, South Cotabato dito sa bansa. May masaker ding nangyari sa Tampakan dahil sa mariing pagtutol ng mga katutubo sa pagmiminsa sa kanilang lugar. Ang nangyaring iyon sa Marikana ay naging isang dokumentaryong pinamagatang "Miners Shot Down" na ipinalabas na sa maraming bansa, at ipinalabas din dito sa Pilipinas noong Agosto 13, 2014. Iniugnay rin ang nangyaring iyon sa naganap na masaker sa Tampakan sa South Cotabato noong Oktubre 2012, kung saan pinaslang ang pamilyang Kapeon na tutol sa pagmimina sa kanilang lugar.

Pinangunahan ang nasabing pagkilos ng mga grupong Alyansa Tigil Mina (ATM), Philippine Miserior Partnership Inc (PMPI), SENTRO, Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), Lilak, Focus on the Global South, Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), at Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML).

Ang tagapagpadaloy ng programa ay si Primo Murillo ng PMPI, at ang mga naging tagapagsalita ay sina Jaybee Garganera ng ATM, Fr. Oli Castro ng PMPI, Jun Santos ng SENTRO, Anthony Barnedo ng KPML, at Egay Cabalitan ng TFDP. Nang matapos ang programa, dinala ng mga tagapagsalita ang kanilang award sa ika-22 palapag, kung saan nag-oopisina ang Glencore dito sa Pilipinas.

Ang Agosto 16 ng bawat taon ay idineklarang Global Day of Remembrance (Pandaigdigang Araw ng Paggunita) sa mga pinaslang na manggagawa sa Marikana. Maglulunsad din ng film showing at pagkilos sa Tampakan, South Cotabato sa araw na ito, na pangungunahan ng Social Action Center (SAC) ng Diocese of Marbel.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.