ALYANSA NG MAGKAKAPITBAHAY SA TABING ILOG NG SANTOLAN, PASIG
(ALMA-SANTOLAN)
(ALMA-SANTOLAN)
Kami po ang tumatayong kinatawan ng Alyansa ng Magkakapitbahay sa Tabing Ilog ng Santolan. Apektado kami ng sinasabing tatlumpong metro (30 meters) na tatanggalin mula sa gilid ng ilog.
Hindi pa man kami tuluyang ngkakarecover sa pananalanta at trauma ng bagyong ONDOY, ito na naman at rumaragasa ang balitang kami ay tatanggalin sa aming mga tirahan. Noong ika-4 ng Nobyembre ay ipinatawag kami sa tanggapan ng Barangay Santolan ng kinatawan ng National Housing Authority at City Engineers Office ng Pasig at sinabing kami ay mag “fill up” na ng forms na ipinamahagi nila at sisimulan na ang relokasyon sa ika-9 Nobyembre at kung hindi susunod ay MMDA na ang magdedemolis. Lumikha ito ng pagkataranta at takot sa aming mga naninirahan sa tabing ilog ng Santolan. Marami ang kaagad kumuha ng forms at nagfill up dahil sa matinding takot na idimolis ng MMDA kahit hindi pa malinaw kung anong proyektong isasagawa.
Walang pagsasaalang-alang sa proseso ng batas, sa karapatan sa paininirahan at karapatang pantao ang ginawa sa amin. Ayon sa Urban Dvelopment Housing Act (UDHA) o Republic Act 7279, kung may planong proyekto ang anumang ahensya ng pamahalaan at may paglilikas o eviction na gagawin dapat ipatupad ang proseso nito. Ayon sa Section 28, dapat may sapat na konsultasyon, dapat marinig din muna ang pananaw at boses naming mga apektado. Sinasabi nila na Danger zone ang aming kinalalagyan kaya’t ililipat kami. Subalit ang relocation na pagdadalhan sa amin sa Calauan, Laguna ay malayo sa aming mga hanapbuhay, walang malapit na paaralan, ospital at iba pang serbisyong panlipunan. Wala pa ring bahay na maaaring tulugan lalo na ng aming mga anak, ito ay ayon sa aming nakita at nakausap na engineer doon mismo sa sinasabing relokasyon. Hindi ba’t mapanganib din ito para sa amin? Hindi ba’t mas masahol pa ito sa kalagayan namin ngayon?
Sa ganitong sitwasyon kaming mga naninirahan sa tabing ilog sa ilalim ng Alyansa ng Magkakapitbahay sa Tabing Ilog ng Santolan (ALMA-SANTOLAN) ay nagkakaisa at naninindigan sa sumusunod na posisyon at kahilingan:
1. Kagyat na itigil ang pagpapapirma sa mga forms dahil ito ay lumilikha ng takot at trauma sa aming mga apektado lalo na sa aming mga anak.
2. Maglaan ng sapat na panahon ayon sa batas (Sec. 28 UDHA) para sa pagpapaliwanag ng proyekto, kung ano ba talaga ang gagawin at ipirmi ang tamang sukat at saan magsisimula.
3. Mga options na dapat bigyang “priority”;
---3.1 Pag-aralan ang paglalagay ng mataas na “dike” tulad sa kabila o tapat ng lugar namin na hindi na kailangan pang ilipat kami.
---3.2 In-City relocation o paghanap ng lupa sa loob ng Pasig o kaya ay pagpapatayo ng medium rise upang hindi kami malayo sa aming mga trabaho at pinagkakakitaan. Ganun din para hindi maapektuhan ang pag-aaral ng aming mga anak.
Inaasahan po namin na maunawaan ninyo ang aming kalagayan at sana ay magkaroon ng pag-uusap sa pagitan naming mga apektado at ng mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapatupad ng proyekto na tatama sa amin.
Konseho ng mga lider maralita:
Vergel Velasquez
Pangulo
DOROTEO * Sgt. DE LEON/GABRIEL * RAFAEL CRUZ
Larry Sajorda * Jun Ursua * Ernesto Lozano
Ricaliza Cordero * Nelson Cioco * Eddie Alim
Dindo Combiene * Vilma Nilvida * Maricar Flores
VILLA DOROTEO * STO. TOMAS * VICTORINO
Efren Aguilar * Judy Loreno
Ma. Teresita Cabalonga * Isaac Castillo
Abel Balingit * Francia Cillo
Larry Sajorda * Jun Ursua * Ernesto Lozano
Ricaliza Cordero * Nelson Cioco * Eddie Alim
Dindo Combiene * Vilma Nilvida * Maricar Flores
VILLA DOROTEO * STO. TOMAS * VICTORINO
Efren Aguilar * Judy Loreno
Ma. Teresita Cabalonga * Isaac Castillo
Abel Balingit * Francia Cillo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento