PEOPLES' COALITION AGAINST REGRESSIVE TAXATION (PCART)
PRESS RELEASE
05 Disyembre 2012
Mga Manggagawa, Takatak, at May-ari ng Tindahang Sari-Sari, Nag-Alay ng Panalangin para Masagip ang Kanilang Trabaho’t Kabuhayan
Inokupa ng apat na libong manggagawa, takatak at may-ari ng mga tindahang sari-sari ang paligid ng Shangri-La Hotel sa Mandaluyong, habang idinaraos doon ang kumperensya ng Bilateral Committee hinggil sa nilalaman ng panukalang sin tax. Nag-alay ng panalangin ang mga kasapi ng Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART) upang humingi ng awa para masagip ang kanilang mga trabaho at kabuhayan. Ipinahayag din ng nasabing koalisyon laban sa sin tax ang kanilang pagkadismaya sa mga senador at kongresistang nagbalewala sa kanilang hinaing habang tinatalakay ang panukalang sin tax sa mga kapulungan nito.
Nag-apila ang nasabing grupo sa mga dumalo sa kumperensya ng Bicameral Committee na manindigan para sa kanila sa pagtatanggol sa kanilang trabaho kahit na ilang sesyon na lang ang nalalabi bagi ito ipresenta kay Pangulong Benigno Aquino III. Ang bagong patakaran sa pagbubuwis ay nangangahulugan ng kawalan ng trabaho at pagbaba ng kita ng mga takatak at may-ari ng mga tindahang sari-sari sa komunidad. Naniniwala pa rin ang PCART na ang kanilang apila ay pumukaw sa budhi ng mga mambabatas at lumaki ang posibilidad na ma-veto ni Pangulong Aquino ang panukalang sin tax.
Ayon kay Edwin Guarin, tagapagsalita ng PCART, “Dapat alalahanin ng pamahalaan ang milyun-milyong manggagawang mawawalan ng trabaho at ang kapakanan ng kanilang pamilya. Tungkulin natin bilang mamamayan na paalalahanan ang mga opisyales ng pamahalaan na kung lalala ang kahirapan, hindi makakamit ng bansa ang Millenium Development Goals at itutulak ang ating mga kababauan sa pang-ekonomyang pagdurusa.”
Binalaan ng nasabing alyansa laban sa sin tax ang mga kasapi ng kumperensya ng Bicameral Committee at inudyukan ang mga ito na pumanig sa mga mahihirap nating kababayan dahil ang panukalang sin tax ay dagdag pahirap sa masa at lalo lang magpapatindi sa lumalaking agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mga maralita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento