Inilunsad ng FIND (Families of Victims of Involuntary Disappearance) ang taunang Kalbaryo ng Kawalang Katarungan (KKK) sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon Avenue nitong Abril 16, 2014, Myerkules, mula ika-9 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.
Naging tagapagsalita rito sina Nilda Lagman-Sevilla ng FIND, at ang mga kinatawan ng iba't ibang sektor, na sina Jo-Ann Maglipon para sa isyu ng mga mamamahayag, Ka Leody de Guzman ng BMP para sa isyu ng manggagawa, Ka Val Vibal ng Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA) para sa isyu ng magbubukid, Tita Flor Santos ng Sanlakas para sa isyu ng maralita, Atty. Sunga para sa isyung legal at karapatang pantao, Sunshine Serrano ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) para sa isyu ng kabataan, at Ms. Carol para sa isyu ng kababaihan.Binasa rin dito ang nakahandang panalangin ng FIND, at isa sa mga nagbasa ay si Rose Trajano, secretary-general ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA). Ang tagapagpadaloy naman ng programa ay si Ka Boyet Itucal ng FIND.
(Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento