Mayo 8, 2014 - Inilunsad kanina ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang isang Protest de Mayo (imbes na Flores de Mayo) upang hilingin sa pamahalaan ang kanilang karapatang madagdagan ang sahod. Sa pangunguna ni Ginoong Benjo Basas, pambansang pangulo ng TDC, ang mga guro ay nagmartsa mula sa gusali ng Department of Budget and Management (DBM) sa Arlegui St., sa San Miguel, Maynila patungo sa tulay ng Mendiola, na kilala ring Chino Roces Bridge.
Ipinoprotesta ng TDC ang hindi patas na iskemang Performance-Based Bonus (PBB) scheme at ipinanawagan nila ang dagdag-sahod na P10,000 para sa mga pampublikong guro.
Ayon kay Pangulong Basas ng TDC, "Hindi kami titigil hanggang hindi kami pinagbibigyan ng gobyerno sa hiling na dagdag sahod sa mga guro."
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento