Biyernes, Hunyo 13, 2014

Koalisyong Pabahay ng Pilipinas (KPP), sumama sa pagkilos laban sa pork barrel

KOALISYONG PABAHAY NG PILIPINAS (KPP), SUMAMA SA PAGKILOS LABAN SA PORK BARREL

Isa ang Koalisyong Pabahay ng Pilipinas (KPP) sa nagtungo sa Bonifacio Shrine sa Mehan Garden sa Maynila nitong Hunyo 12, 2014. Ang kanilang pagsama ay bilang pakikiisa sa panawagang "Jail All" - o ikulong lahat ng mga sangkot sa pork barrel scam, sila man ay oposisyon o maka-administrasyon.

Kasama nila ang mga grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas, Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Partido Lakas ng Masa (PLM), Alliance for Truth, Integrity and Nationalism (ATIN), Zone One Tondo Organization (ZOTO), Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA), Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT), Piglas-Kabataan (PK), SUPER-Federation, Makabayan-Pilipinas, Ang Grupo ng Organisadong Mamamayan (AGOM), at Proletaryong Rebolusyonaryong Kilusan (PRK).

Nakasama nila sa Bonifacio Shrine ang mga grupong Kilusang KontraPork, Workers Alliance Against Corruption (WAAC), NAGKAISA, Freedom from Debt Coalition (FDC), Water for All Refund Movement (WARM), APL-SENTRO, Partido ng Manggagawa (PM), at marami pang iba. Ang estimasyon ay mga nasa humigit-kumulang sa apatnalibo ang lumahok sa makasaysayang pagkilos na ito.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento