Ilang mga kuha sa rali ng SONA 2014
Lunes, Hulyo 28, 2014 - Nagmartsa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue patungo sa Batasang Pambansa, ang iba't ibang grupo upang tuligsain ang ayon sa mga raliyista ay ka-SONA-lingan. Ngunit hinarang na agad ang mga raliyistang nananawagan ng pagpapatalsik kay Noynoy Aquino sa pwesto, sa ikalimang SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Noynoy Aquino, dalawang taon bago matapos ang kanyang termino. Mula sa Tandang Sora ay hindi man lang nakarating kahit sa Gotesco ang mga raliyista dahil hinarang na sila ng mga pulis, kaya nagpasya na silang magprograma isang kilometro bago mag-Ever Gotesco,
Nagmartsa at nagdaos ng programa ang mga grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), SANLAKAS, Partido Lakas ng Masa (PLM), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), Zone One Tondo Organization (SM-ZOTO), Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA), SUPER-Federation, Piglas Kabataan (PK), Makabayan-Pilipinas, Koalisyon Pabahay ng Pilipinas (KPP), Manggagawang Sosyalista (MASO), Teachers' Dignity Coalition (TDC), Freedom from Debt Coalition (FDC), Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), atbp.
Ang SONA ay ginaganap tuwing ikaapat na Lunes ng Hulyo.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento