Here's Ric Reyes' letter to PLM explaining his resignation from Akbayan:
Ric Reyes: My Resignation from Akbayan
Please see below Ka Ric's explanation for his resignation from Akbayan (see attachment).
==================
Dear All,
This is to inform you that I resigned as Akbayan member during its recently held 6th Regular Congress after it voted to continue the party's alliance with the Aquino administration and its coalition with the Liberal Party.
I cannot defend, much less comply, with a policy to ally with an administration and ruling party whose aggressive neo-liberal and pro-US directions and designs have ran roughshod over the interests of the working class, the peasantry and the fishers and have forsaken the nation's and the people's sovereignty.
Many comrades advised me to remain in as much as the Aquino administration has only 13 months to go before it steps down from power. But I said those 13 months are forever - like a flowing stream that carries the mud of previous years and will pile up more before it reaches its destination.
I look forward to continue working with comrades and start working with new ones to strengthen the movement for socialism and participatory democracy, including comrades in Akbayan as individuals.
Attached is the speech I prepared for a debate on the alliance issue and also for my resignation in the event that the Akbayan Congress voted in favor of the alliance policy.
Mabuhay!
PAHAYAG NI KASAMANG RIC REYES
SA IKA-6 NA REGULAR NA KONGRESO NG PARTIDO AKBAYAN
CLOUD 9, ANTIPOLO CITY, ABRIL 23-25
25 Abril 2015
Mga kasama,
Anim na taon ang nakakaraan, sa lugar ding ito, tumayo ako para tutulan ang panukala na magbuo ng pormal at mataas na alyansa sa Partido Liberal at suportahan ang kandidatura ni Senador Mar Roxas. Liban sa akin at sa mga kasamang kinatawan ng Alliance of Progressive Labor (APL) halos lahat ay sumang-ayon. Sa bisa ng desisyong ito, sinuportahan ng ating partido ang kandidatura ni Senador Noynoy Aquino nang siya ang ipinalit ng Partido Liberal kay Senador Roxas.
Tumutol ako dahil ang Partido Liberal at si G. Roxas ay tagapagtaguyod noon pa ng neoliberal na direksyon ng ekonomya at pamamahala . Ang direksyong neoliberal ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon ay instrumento para patayin ng mga monopolyong global at lokal ang ating kakayahang lumikha ng trabaho at kabuhayan, magreporma sa lupa at payabungin ang agrikultura, at proteksyunan ang ating likas na yaman para sa ating mamamayan, kabilang ang mga katububo . Lalo lamang mabubulid sa kahirapan ang mayorya ng ating mamamayan at makokonsentra ang yaman at kapangyarihan sa iilang pamilya at mga monopolyong dayuhan at lokal.
Dito ako nagdumiin dahil sa ipinapakita ng ating karanasan bilang isang bayan. Ang demokrasya at kahirapan ay hindi pwedeng magsama. Ang bayang mayorya ay mahirap ay hindi kailanman magiging demokratiko. Ang pangarap ng ating Partido na mabali ang pulitikang elitista, trapo at padron ay mangyayari lamang kung ang ating mamamayan ay makakaahon sa kahirapan para maging independyente, mulat at aral na botante at walang kinatatakutang Pilato at Herodes sa bawat sulok ng ating bayan. Ang kahirapan ay hindi lang kasalatan sa pangangailangan sa buhay kundi ang kawalan ng kapangyarihan bunga ng makauring pagsasamantala at kaapihan.
Ang islogan ni G. Aquino nang palitan niya si G. Roxas: Kung walang corrupt, walang mahirap, ay hindi kapani-paniwala. Baligtad pa ang mas malapit sa katotohanan: kung walang mahirap, mahirap maging corrupt. Gayunman, ang panawagang ito ay naging kaakit-akit di lamang sa maraming kababayan kundi sa marami ring progresibo hindi lamang dahil kailangang tapusin na ang labis na corruption ng nakaraang administrasyon. Ang isang tapat at tuluy-tuloy na anti-corruption drive ay maaaring tumibag sa malalaking dinastiya na magbibigay ng ispasyo para sa mga progresibong pwersa at magpapalaya sa malaking pera ng gubyerno para sa mga batayang pangangailangan ng mamamayan.
Kaaakyat pa lamang sa Malacanang ng bagong presidente, malinaw na sa kanyang hirang na Gabinete at direksyon ng pamamahala na ang direksyong neoliberal ay mananatili. Pero dahil sa malalaki niyang hakbang para ipakulong si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, pababain sa pagiging Ombudsman si Gutierrez at tanggalin sa pamamagitan ng impeachment si Chief Justice Corona, natakpan sa media ang araw-araw na kaganapan sa ating mga tahanan at komunidad – ang palalang kahirapan, kawalan ng trabaho, namamatay na kabuhayan, ang mas mabigat na dobleng pasanin ng ating kababaihan, ang malaking bilang ng di makapag-aral, ang di-makayanang gastos sa ospital, sa koryente at tubig at pamasahe, ang mga demolisyon, at ang walang tigil na paglisan sa ating bayan ng ating manggagawa para sa trabaho abroad.
Umasa ang maraming kababayan pati ang ating Partido na ang kampanya ng Presidente laban sa corruption ay magtutuluy-tuloy at ang problema n gating ekonomya ay unti-unting mahaharap. Kung kayat matapos ang unang tatlong taon ni G. Aquino sa Malacanang, sumisikat pa ang araw para sa kanya bagamat may namumumuong masamang panahon sa di-kalayuan.
Nasa ibabaw na natin ngayon ang maiitim na ulap. Ang pangako ng kanyang kampanya kontra corruption ay tumigil sa pintuan ng kanyang mga kasangga at kaalyado sa gubyerno. Ang prosecution at pagkulong sa tatlong senador at ang paglalantad at pagkakaso sa salang corruption laban sa pamilyang Binay ay makabuluhang hakbang sa paglilinis ng gubyerno. Subalit sa masugid na depensa ni G. Aquino sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP), sa pagkunsinti sa iba’ibang paikot ng mga kongresista at senador sa pag-ilegalisa sa PDAF at sa pagprotekta sa kanyang mga kakamping sangkot sa pork barrel scam naging double-standard ang kanyang kampanya laban sa corruption.
Kasabay nito ang mas mapaminsalang pangyayari. Ang sa umpisa’y “business as usual" na pagdadala ng neoliberal na direksyon ay naging agresibo nang pagtutulak nito na lalong nagpalala sa kahirapan at katayuan ng ating mga manggagawa, magbubukid, mangingisda, katutubo at kababaihan.
Ang adyenda ng ating Partido sa paggawa, agraryo at pagsasaka, pangisdaan at soberanyang bayan ay sinagasaan ng administrasyong ito.
Ang laban natin para sa full employment ay winalang bahala. Walang malinaw na industrial policy para buhayin ang ating mga industriya at baliin ang nakabaong monopolyo ng mga dayuhang korporasyon at mga kabit nitong lokal na monopolyo. Ito ang bara sa pagyabong ng mga maliliit at katamtamang mga negosyo at bara rin sa pagpasok ng mga dayuhang puhunan na makakatulong sa ating ekonomya.
Sa ating pagtataguyod sa karapatan ng paggawa, ang sagot ni G. Aquino ay pagmamatigas laban sa Security of Tenure Bill. Hindi natin makakalimutan ang pag-akusa ni G. Aquino ng economic sabotage sa mga unyonista ng PAL, ang PALEA. Masakit sa dibdib ang pagkatuwa niya sa nakaraang SONA na kakaunti na lang ang nagwewelga. At makahumindig-galit ang pangarap niyang zero strike sa SONA ding yaon. G. Aquino, alam ng buong bayan pati ang mga kapitalista na kaya kaunti at napakahirap magwelga ngayon ay hindi dahil maligaya sila sa kanilang sahod, benepisyo at iba pang karapatan, kundi dahil nilulumpo ang mga unyon ng contractualization at ang kapangyarihan ng gubyerno na mag-assume ng jurisdiction at mag-compulsory arbitration tuwing may labor dispute.
Lahat ng ito ay pinahayag ng APL at SENTRO sa Kongresong ito. Dagdag pa nila, ang mga manggagawa ay walang nakuha sa kanilang mga hiling ng makatwirang taas ng sahod, substantial tax breaks para sa sumasahod nang minimum, pagbaba ng bayad sa koryente, transportasyon at iba pang serbisyo, at determinadong pagbibigay hustisya sa mga biktimang unyonista at aktibista ng extra-judicial killings, at ang FOI bill.
Winaldas ni G. Aquino at kanyang administrasyon ang nalalabing pagkakataon at panahon na ipatupad ang CARPER. Natapos ito na ayon mismo sa DAR, 60 porsyento ng target nitong pamamahagi ng lupa sa magbubukid ay hindi pa nagagawa, kabilang ang hindi pa nabibigyan ng Notice of Coverage (NOC) matapos ang 25 taon. Ito ang sabi lang ng DAR. Paano na ang may 1 milyong ektaryang nabura sa target nang walang malinaw at kapani-paniwalang paliwanag? Ngayon pa lamang, sa Audit na sinisimulan ng Save Agrarian Reform Coalition (SARA) , naglilitawan na ang mga anomalya sa CLOA sa ilalim ng CARP bago pa mag-CARPER.
Ang CARPER ay sunog na sinaing na. Tutong sa ilalim, hilaw sa ibabaw at ang makukuha mo na lamang ay pakutsa-kutsarang luto. Kailangang magsaing nang bago. Para magawa ito, kailangang pawalang bisa o rebisahin ang maraming batas na sumasakal sa repormang agraryo tulad ng kapangyarihan ng LGU sa land classification, pagbali ng mga monopolyo sa agrikultura at pagbasura sa liberalisasyon na nagpasok sa atin sa WTO.
Ang lalong masakit, isa na namang salin ng mga batang magbubukid at batang aktibista ang magsasakripisyo para sa isang pagbabago na binuhusan na ng pawis, talino at dugo ng ilang henerasyon at naiukit na sa ating Konstitusyon.
Dineklara ng ating Partido na agrikultura ang susi sa pambansang pag-unlad: agriculture-led development. Salamat kay G. Aquino at kanyang administrasyon, ang ating agrikultura at ang ating magbubukid ay nahaharap sa mas matinding disaster sa mga papasok na taon. Pinayagan ng gubyerno na tapusin na ang quantitive restriction (QR) o pagkontrol sa importasyon ng bigas. Libre nang bumaha ang murang bigas mula Thailand at Vietnam. Wasak ang kabuhayan ng ating milyong magpapalay.
Salamat din kay G. Aquino, ang kanyang bagong EO sa coco levy ay salungat sa hinihingi ng mga maliliit na magninyog na lumaban nang ilang dekada at naglunsad ng milya-milyang martsa nang ilang beses. Ang nabawing mga coco oil mills at mga kaugnay na pag-aari ay isasapribado. Takam na takam na ang mga pinuno ng gubyerno sa mga bilyon ni Manny Pangilinan. Sa halip na gawing perpetual fund ang P71 billion coco levy, ito ay hinayaan na sa disposisyon ng PCA kung saan maimpluwensya si Danding Cojuangco at mga monopolista sa niyog. Ang kahilingan ng magninyog na Farmers Trust Fund para panghawakan ang nakumpiskang coco levy money sa halip na PCA ay nakasalang sa Kongreso kung saan may malaking tipak ng mga kongresista si Danding at mga monopolista sa niyog at walang determinadong pagtutulak ng Malacanang para rito.
Salamat uli kay G. Aquino at kanyang administrasyon, ang pinirmahan niyang Sugarcane Industry Development Act ng 2015 ay magbibigay daan sa lalong pagsakal ng mga monopolista sa asukal sa maliliit na saka sa tubo sa ilalim ng iskemang “ block farming “. Bagong panabotahe na naman ito sa laban para lansagin ang mga asyenda at gawing demokratiko ang kontrol sa lupa at kapital sa ating mga tubuhan.
Ang alarmang matagal nang itinaas ng mga maliliit na mangingisda tungkol sa mabilis na pagkaubos ng ating pangisdaan dahil sa open access sa karagatan na binigay sa malalaking komersyal na pangingisda ng mga kapitalistang korporasyon at kawalan ng plano at regulasyon ng gubyerno ay hindi pinapakinggan ng gubyerno.
Ang mahirap, marahas at dikdikang labanan ng mga manggagawa sa mararalitang komunidad ay nagtamo ng ilang tagumpay sa ilalim ng administrasyong ito. Nais kong kilalanin sa puntong ito ang ambag ng pumanaw na Kalihim Jesse Robredo at NAPC sa ilalim ng ating Joel Rocamora. Gayunman, di ko maikaila sa aking sarili na ang tagumpay na ito ay hindi permanente. Hindi matibay ang angkla ng patakarang on site at in city sa urban settlement program ng gubyerno at maliit ang pondong nakalaan para rito.
Tuluy-tuloy pa rin at paparami ang coal mining sa maraming lugar sa bansa, laluna sa Kabisayaan, sa ilalim ng kutsabahan ng ADB at ng gubyerno. Nakakasira ito sa klima, nakatarak ito sa puso ng mga lupang ninuno ng mga katutubo at nakakapinsala ito sa kalusugan ng mga komunidad na nakatira sa paligid.
Totoong nag-ambag si G. Aquino sa malawak at malakas na kampanya ng kilusang kababaihan at mga progresibo na nagtagumpay ipasa ang Reproductive Health Act. Ang mga hakbanging nilalaman ng batas na ito, bagamat limitado pa rin, ay patungo sa ganap na pagkilala ng karapatan ng kababaihan sa kanilang katawan. Paro tulad ng alam natin sa nangyayari sa mga karapatan, ito ay madaling maging patay na letra hanggat ang karamihan ng ating kababaihan mula sa manggagawa, magbubukid, mangingisda at katutubo ay nananatiling mahirap at kapos sa kapangyarihan sa pulitika.
Tinupad ni Aquino nang higit pa sa ninais ng kanyang ina na si Corazon Aquino na panatilihin ang base militar ng US sa Pilipinas. Ngayon, sa ilalim ng Enhanced Defense Coorperation Agreement (EDCA), makapagtatayo muli ng mga base at instalasyong militar ang mga Amerikano AT SA MISMONG sa mga kampo at instalasyong militar ng Pilipinas bukod sa iba pang pribilehiyong binigay sa mga tropang Amerikano sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Nakakagimbal ang kataksilang ito. Tahasang binaligtad nito ang tagumpay ng mahigit kalahating siglo ng makabayang pakikibaka ng mamamayang Pilipino para palayasin ang mga base militar ng US sa ating bayan.
Mga kasama, hindi lang ito simpleng patakarang panlabas o patakarang panlabas na militar. Ang sinangla dito ay ang ating pambansang soberanya, ang ating karapatang ugitin ang ating sariling direksyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipag-relasyon sa ibang bansa.
Lalong pagkokonsolida ito ng sakal ng dayuhan sa atin na kahit may pagluluwag ng mga nakaraang dekada ay nasa sentrong parametro pa rin ng Imperyong Amerikano. Kinomit ng EDCA ni Aquino ang Pilipinas bilang lunsaran o staging post ng gyera ng US laban sa tinatawag nitong terorismo na nakatuon sa mga kaaway nito sa Islamic at Arab world at sa geo-political na paligsahan nito sa Tsina. Mas maaga pa, tinanggap ni Aquino ang asaynment ni Presidente Obama na maging liaison ng US ang Pilipinas sa ASEAN. Nakakahiya!
Bulls-eye ang winika ni Senadora Santiago: wala kang makikitang isang bansa na labis labis na namanipula ng isa pang bansa tulad ng Pilipinas. Minsan pa, pinako ng isa pang Presidente ng Pilipinas ang ating bayan sa pinakamalaking kasawian nito sa kasaysayan – ang hindi pagkakaroon ng tunay na pagkakataon liban sa panahon ng Rebolusyong Pilipino at Digmang Pilipino-Amerikano, na umugit ng ating kinabukasan, lalo na para sa nakararaming mamamayan, bilang malayang bansa.
Mga kasama, hinding hindi ko matatanggap na sa kabila ng pananagasa ni Aquino at ng kanyang administrasyon sa adyenda ng ating Partido sa paggawa, agraryo at agrikultura, pangisdaan, at soberanyang bayan, ay magpapatuloy pa tayo ng alyansa sa kanila at koalisyon sa Partido Liberal. Hindi ko matatanggap na dapat itong gawin ng isang partido ng mapanlahok na demokrasya at sosyalismo.
Saksi ang mga naunang nagtayo ng ating Partido at mga kasaping nanatili at nagpursigi sa ating hanay sa kabila ng ating mga ups and downs na sinikap kong maging mabuting myembro, maging ako ma’y nasa mayorya o minorya. Naniniwala ako na ang praxis ng pagiging mabuting mayorya at mabuting minorya ay isang haligi ng pagtatayo ng demokratikong institusyon.
Batid ng mga kasama na kahit salungat ako sa desisyon ng ating 2009 Kongreso na makipag-alyansa sa Partido Liberal, kinilala ko ito. Katunayan, sa tulak ng lokal na oposisyon sa aking bayan ng Pasig, tumakbo ako kahit agaran para pamunuan ang labang elektoral kontra sa dinastiya sa amin sa ilalim ng koalisyon ng ating partido, LP, Partido ng Masang Pilipino, Sanlakas, Partido Lakas ng Masa at Magdalo.
Kahit kontra pa rin ako sa patakarang koalisyong ito, kinilala ko pa rin ang desisyon ng 2012 Kongreso ng ating partido.
Tinindigan ko rin ang ating partido sa ilang beses na pagkalas ng ilang mga grupo ng mga taong malalapit sa akin at sinikap kong angkupan at gamutin ang mapapait na bunga nito.
Hindi ninyo rin ako naringgan na aalis kung ang pusisyong tinindigan ko ay hindi mapagtitibay.
Sa pagkakataong ito, napakalalaki ng mga nakasalang na tumitinag at tumitibag sa mga pundamental kong paniniwala at sa aking tingin ay mga pundamental na paninidigan ng partido Akbayan nang ito ay itatag.
Hindi ko kayang ipagtanggol sa ating mamamayan, sa aking sarili at sa aking kahapon – ang alaala ng mga naunang nakibaka sa atin, at lalong hindi ko kayang ipatupad ang boto ng ating Kongreso ngayon na ipagpatuloy ang alyansa kay Aquino at sa Partido Liberal.
Dahil dito, tanggapin ninyo ang pormal kong pagbibitiw bilang kasapi ng Partido Akbayan.
Mahal ko kayong lahat at maraming maraming salamat sa inyong lahat sa ating mga ginintuang panahon ng pagsubok, pangangarap, iyakan at katuwaan.
Ricardo B. Reyes

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento