Sabado, Nobyembre 24, 2012

press release - Huwag ipasa ang Bagong Buwis sa Mahihirap

Press Release

November 23, 2012
Kilusang Kontra Buwis-it 

Hiling na “Maagang Pamasko” ng Maralita at Manggagawa:

Huwag ipasa ang Bagong Buwis sa Mahihirap,
Pagpapagaan sa Kahirapan, ‘di Bagong Pasanin

NAGLUNSAD ng press-conference ang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) bukas para ilunsad ang KKB o Koalisyon Kontra Buwis-it. Layon ng koalisyon na labanan ang mga buwis na pasan ng mahihirap. 

Ayon kay Pedring Fadrigon, pambansang tagapangulo ng KPML, “Hindi kami tutol sa buwis. Alam naming obligasyon ng  mamamayan ang magbayad ng buwis para tustusan ang mga programa ng pamahalaan. Pero ang mas dapat pumasan ng pagbubuwis ay ang mga may-kaya hindi ang mahihirap. Those who have more in life should have more of the tax burden”.

“Ang tinututulan namin ay ang mga buwis-it – ang klase ng mga buwis na nakakarga sa presyo ng mga batayang pangangailangan. Mga klase ng buwis na nakabatay sa konsumo imbes na sa kita at pag-aari,” dagdag ni Fadrigon.

Paliwanag ni Leody de Guzman, pambansang tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino at co-convenor ng Kilusang Kontra Buwis-it, “Ang sahod may withholding tax. Ang overtime pay may tax. Ang iba’t ibang mga bonus ay may tax. Ang tubig, may VAT. Ang kuryente, may VAT. Ang pagkain at damit, may VAT. Ang langis at produktong petrolyo, may VAT. Ang paggamit ng kalsada may road users’ tax. Binatbat na kami ng sobrang pagbubuwis. ‘Di tulad ng mga negosyanteng – bukod sa may panuhol sa kolektor ng BIR – ay may mga akawntant at mga abogado para makaiwas sa pagbubuwis”.

Ani de Guzman, “Ngayong umaalingawngaw ang mga kontrobersya ukol sa gold tax, sa sin tax at sa text tax, iisa lamang ang reaksyon ng mga mahihirap: “Kami na naman?!” Bakit ang mahihirap ang mas pumapasan ng mga buwis? Ang pondo ng gobyerno ay kinukurakot lang ng iilang opisyal sa pamahalaan at hindi napupunta sa taumbayan! Bakit ang manggagawa’t maralita ang bubuhay sa estado ng mga asendero’t kapitalista? Hindi naman sa masa nagsisilbi ang gobyernong binubuo ng mga elitista!”

Hiniling din ng Kilusang Kontra Buwis-it sa gobyernong Aquino na “bigyan ng maagang pamasko” ang mga mahihirap sa pamamagitan ng “pagtigil sa bagong buwis” at “gawing urgent ang pagrereporma sa sistema ng pagbubuwis” para pagainin ang kahirapang dinaranas ng milyon-milyong Pilipino. Sa naturang press conference, nagsuot ng “Christmas hats” ang mga maralita at nangaroling ng “O Buwis na naman” (sa saliw ng “Pasko na Naman”), gamit ang mga kalderong walang laman bilang tambol. #


O Buwis na Naman!
(to the tune of “Pasko Nanaman”)

O Buwis na naman
O kay tulin ng araw
Ang Twelve Percent VAT
Tila ba kung kailan lang
Ngayon bagong buwis
Para sa Taumbayan
Ngayon bagong buwis
Sa Walang Laman ang Tiyan

KORO:
O buwis, O buwis
O buwis na namang muli
IMF World Bank lang
Ang napapangiti
O buwis, O buwis
O buwis na namang muli
Ang bangkero naghahari

Press Statement - KILUSANG KONTRA BUWIS-it


Press Statement
Kilusang Kontra Buwis-it
November 23, 2012

Nagkakaisang Pahayag sa Paglulunsad ng
KILUSANG KONTRA BUWIS-it

Kami, mga manggagawa at maralita, batid ang matinding kahirapan na dinaranas ng mayorya ng taumbayan, ay nananawagan sa gobyernong Aquino na itigil ang pagpataw ng dagdag na buwis sa mamamayang Pilipino.

Hindi kami tutol sa buwis. Alam naming obligasyon ng  mamamayan ang magbayad ng buwis para tustusan ang mga programa ng pamahalaan. Pero ang mas dapat pumasan ng pagbubuwis ay ang mga may-kaya hindi ang mahihirap. Those who have more in life should have more of the tax burden.

Ang tinututulan namin ay ang mga buwis-it – ang klase ng mga buwis na nakakarga sa presyo ng mga batayang pangangailangan. Mga klase ng buwis na nakabatay sa konsumo imbes na sa kita at pag-aari. Mga klase ng buwis na gaya ng 12% EVAT at “Text Tax” na panukala ng International Monetary Fund (IMF)”.

Sobra-sobra na ang aming pasanin! Maliit na nga ang sweldo ng iilang may hanapbuhay. Kinakaltasan pa ito ng withholding tax. Kapag ipinambili pa ng mga pangangailangan ng kanilang pamilya, ito ay pinapatawan pa ng 12% EVAT. 

Ang sahod may withholding tax. Ang overtime pay may tax. Ang iba’t ibang mga bonus ay may tax. Ang tubig, may VAT. Ang kuryente, may VAT. Ang pagkain at damit, may VAT. Ang langis at produktong petrolyo, may VAT. Ang paggamit ng kalsada may road users’ tax. Binatbat na kami ng sobrang pagbubuwis. ‘Di tulad ng mga negosyanteng – bukod sa panuhol sa kolektor ng BIR – ay may mga accountant at abogado para makaiwas sa pagbubuwis.

Ngayong umaalingawngaw ang mga kontrobersya ukol sa gold tax, sa sin tax at sa text tax, iisa lamang ang reaksyon ng mga mahihirap: “Kami na naman?!” Bakit ang mahihirap ang mas pumapasan ng mga buwis? Ang pondo ng gobyerno ay kinukurakot lang ng iilang opisyal sa pamahalaan at hindi napupunta sa taumbayan! Bakit ang manggagawa’t maralita ang bubuhay sa estado ng mga asendero’t kapitalista? Hindi naman sa masa nagsisilbi ang gobyernong binubuo ng mga elitista!

Kami ay humihiling sa Pangulong Aquino: bigyan ng maagang pamasko ng mahihirap. Itigil ang mga bagong buwis. Sa halip, gawing “urgent” ang pagrereporma sa sistema ng pagbubuwis! Huwag siyang magpasulsol sa IMF. Ang dayuhang mga bangko’t pinansyal na institusyon ay walang malasakit sa mahihirap. Nais lamang nitong madagdagan ang pondo para sa debt servicing at debt payments ng bansa.

At upang bigyan ng lakas ang ganitong karaingan ng taumbayan, aming inilulunsad ngayon ang “Kilusang Kontra Buwis-it”. Isang kilusan na maglulunsad ng tuloy-tuloy na pagkilos laban sa anumang tipo ng dagdag na pagbubuwis sa naghihirap na mayorya ng mamamayang Pilipino.

At kung magpapataw ng bagong buwis-it ang gobyerno sa darating na mga araw, asahan niyang susugod ang libo-libong manggagawa’t maralita sa Mendiola sa Nobyembre 30, bitbit ang mga kalderong walang laman, para kalampagin ang konsensya ng Palasyo. #


O Buwis na Naman!
(to the tune of “Pasko Nanaman”)

O Buwis na naman
O kay tulin ng araw
Ang Twelve Percent VAT
Tila ba kung kailan lang
Ngayon bagong buwis
Para sa Taumbayan
Ngayon bagong buwis
Sa Walang Laman ang Tiyan

KORO:
O buwis, O buwis
O buwis na namang muli
IMF World Bank lang
Ang napapangiti
O buwis, O buwis
O buwis na namang muli
Ang bangkero naghahari

Huwebes, Nobyembre 15, 2012

Scrap the Sin Tax Bill - BMP-NCRR

PRESS RELEASE
NOVEMBER 14, 2012  

Workers and urban poor troops to Senate again to condemn the Senator for their failure to listen to the people’s call to scrap the Sin Tax Bill

Workers and urban poor members from the militant Bukluran ng Manggagawang Pilipino - National Capital Region Rizal (BMP-NCRR) trooped again to the Senate to declare their dismay and anger at the failure of the Senators to heed the call to scrap MalacaƱang’s scheme to impose heavier taxes on liquor and cigarettes.

The rallyists paraded three (3) red coffins to symbolize the grief and anger felt by the workers, farmers and urban poor to the Senate’s deafness and blindness to the people’s call to scrap the Sin Tax Bill. “We spent several days to rally every time the Senate has a session to bring to the Senators the voice of the poor citizens, our objection to imposing an anti-poor law. We are here rain or shine but not a single Senator have the courage to face or hear our demands,” said Anthony Barnedo, Secretary General ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML-NCRR).

The BMP-NCRR, one of the convenor of the Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART), began their campaign in front of the Senate when the deliberation for the Sin Tax Bill started. Gie Relova, general secretary of the said militant group, said, “It is now clear for us how numb the Senators are at the workers’ grievances. It is now clear for us that no Senator will stand for the interest of the people for their livelihood and rights. It is now clear for us that this august hall of Congress is a graveyard and mausoleum of the aspiration and hope of the poor.”

“There is a very long list of anti-workers and anti-poor laws that was passed at the halls of the Senate, from the ratification of the GATT WTO, Visiting Forces Agreement, JPEPA, and we will not be surprised that this anti-poor Sin Tax Bill will also be passed,” said the leader-worker.

At the end of the program, the militants burned the three red coffins as symbol of the burning down of the people’s illusion on the Senate as an institution and their declaration of their continuous and intense struggle for the days to come.

Ibasura ang Sin Tax Bill - BMP-NCRR

PRESS RELEASE
NOVEMBER 14, 2012

Mga manggagawa at maralitang lungsod, muling sumugod sa Senado upang kondenahin ang kabiguan ng mga Senador na dinggin ang panawagan upang ibasura ang sin tax bill


Muling nagmartsa ang mga manggagawa at mga maralitang lungsod na kasapi ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino - National Capital Region Rizal (BMP-NCRR) sa senado upang ipahayag ang kanilang labis na pagkasiphayo at galit sa kabiguan ng mga Senador na pakinggan ang panawagan para sa tuluyang pagbabasura sa panukala ng Malakanyang na pagpapataw ng mas mataas na buwis sa alak at sigarilyo.

Ipinarada ng mga raliyista ang tatlong (3) pulang kabaong na sumisimbulo sa lungkot at ngitngit na nararamdaman ng mga manggagawa, magsasaka at maralitang lungsod sa pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan sa sigaw na ibasura ang sin tax bill. “Ilang araw na kaming nagrarali kada may sesyon sa senado upang iparating sa mga Senador ang tinig ng mga maliliit na mamamayan, ang pagtutol sa pagpapataw ng isang kontra-mahihirap na batas. Inulan at inaraw na kami ngunit isa man sa mga Senador ay walang lakas ng loob na harapin o pakinggan man lang ang aming mga sinasabi”, ayon kay Anthony Barnedo, Secretary General ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML-NCRR).

Ang BMP NCRR, isa sa tagapagbuo ng alyansang Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART), ay nagsimulang maglunsad ng mga pagkilos sa harapan ng senado buhat ng magsimula ang deliberasyon para sa sin tax bill. Ayon kay Gie Relova, General Secretary ng militanteng grupo, “Klaro na sa amin kung gaano kamanhid ang mga Senador sa daing ng mga manggagawa. Klaro na sa amin na wala isa mang Senador ang titindig para interes ng masa sa kanyang kabuhayan at karapatan. Klaro na sa amin na ang gusaling ito ng Senado ay libingan at musuleyo ng mga pangarap ng mga mahihirap”.

“Napakahaba na ng listahan ng mga kontra-manggagawa at kontra-mahihirap na batas na naipasa sa bulwagang ito, mula sa ratipikasyon ng GATT WTO, Visiting Forces Agreement, JPEPA, at hindi kami magugulat na maipapasa rin ang kontra-mahihirap na Sin Tax Bill,” dagdag pa ng lider-manggagawa.

Sa pagtatapos ng programa ay sinilaban ng mga militante ang tatlong (3) kabaong bilang simbulo ng pagkatupok ng mga ilusyon ng masa sa Senado bilang institusyon at ang deklarasyon ng tuloy-tuloy at papatindi pang laban sa mga darating pang mga araw.

Linggo, Nobyembre 11, 2012

Buwisan ang Mayayaman, at Hindi ang mga Mahihirap!

BUWISAN ANG MAYAYAMAN
AT HINDI ANG MGA MAHIHIRAP!

Mula nung nag-break sa session ang mga Senador noong ikatlong linggo ng Oktubre may ilang mga naganap na mayor na humugis sa isyu ng Sin Tax o ang karagdagang buwis na sisingilin ng gobyerno mula sa gumagamit ng produktong tabako at alkohol. Kapag naipasa ang sin tax bill, magtataas ang presyo ng murang sigarilyo ng mahigit 1000% na ayon sa gobyerno'y mapupunta daw sa pondo ng PhilHealth at pagpapaganda ng mga pasilidad ng mga pampublikong ospital.

Unang kaganapan: Sa utos ng Malacanang, inakusahan ng Presidential Legislative Liaison officer na si Manuel Mamba ang mga Senador na tumanggap ng suhol mula sa mga kumpanya ng tabako't alak. Sinagot ni Senador Enrile ito na magpakita ng katunayan kung wala nama'y mag-issue ito ng public apology at bawiin ang lahat ng naunang pahayag nito.

Ikalawang kaganapan: Pormal nang itinalaga si Senador Franklin Drilon bilang Chairman ng Ways and Means Committee ng Senado. Ang kumiteng ito ang namamahala sa pagdi-disenyo ng pinal na bersyon ng batas bago ihapag sa pangkalahatang pulong ng mga mambabatas at isusumite sa Pangulo.

Ikatlong kaganapan: Naganap ang isang close-door meeting sa pagitan ng ilang representante ng Malacanang sa pamumuno ni Kalihim ng Department of Budget and Management at tumatayong little president sa Malacanang na si Butch Abad at ng mga senador. Naganap ito matapos pumalag ang mga senador sa akusasyong tumanggap sila ng suhol. Dahil dito'y humingi ng paumanhin ang mga tao ni P-Noy at nagkasundo sila sa isang kumpromiso na ipapasa pa rin nila ang sin tax bill at kikita pa rin ang gobyerno ng talumpu hanggang apatnapung bilyong piso kada taon.

Pang-apat na kaganapan: Sa pagbalik ng mga senador mula nung Undas, isinumite ni Senador Drilon bilang bagong Ways and Means Committee chairman ang pinakuhuling bersyon ng sin tax bill. Ayon sa panukala ni Drilon, target ng gobyernong patawan ng apatnapu hanggang apatnapu't limang bilyong piso kada taon ang kawawang mamamayan.

Ang implikasyon ng mga kaganapang ito ay ang ibayong pagkakaisa ng iba't-ibang sangay at ahensya ng gobyerno na itulak ang kanilang agenda na siyang dadagok at tuluyang papatay sa kabuhayan at hanapbuhay ng tatlong
milyong manggagawa't magsasaka at ng kanilang mga pamilya. Ayon kay Drilon, balak nilang tapusin ang debate sa Sin Tax sa ika-19 ng Nobyembre. Ibig sabihin, bibilisan ng kapal-mukhang mga senador ang kanilang moro-morong deliberasyon dahil pare-pareho naman silang nagkakasundo na kailangan pasanin ng mga manggagawa't-maralita ang lahat ng nilang kaprisyo.

Kung tayong mga ordinaryong mamamayan ang nagluklok sa mga abusadong senador na ito, natural lamang na tayo ang may karapatan at kolektibong kapangyarihan na alisin sila sa pwesto at singilin sila sa kanilang pag-abandona sa interes natin at pagtra-traydor sa tiwalang pinagkaloob natin sa kanila.

Habang dinidiinan natin ng kritisismo ang mga senador hindi dapat mawaglit kahit kailan sa ating isipan na ang mastermind ng kontra-mahirap na panukalang ito, si Noynoy Aquino. Rinereserba natin sa kanya ang ating pinakamatinding galit sa presidenteng puro publicity na siya'y ating boss pero nuknukan naman na maka-dayuhan at maka-elitista ang lahat ng ginagawa ng kanyang rehimen.

Huwag tayong magtataka kung ang resulta ng debate sa Sin Tax ay isang kumpromiso. Isang kumpromiso na ikagagalak ni P-noy, iba pang pulitiko, mga kapitalista't asendero ng mga produktong tabako't alak at iba pang negosyanteng tumutubo sa pamamagitan ng pag-aalipin sa ating manggagawa't magsasaka. Habang tayong ordinaryong masa ay ginigisa sa sarili nating mantika at tayo rin ang siyang kaisa-isang biktima sa labanan nila para sa tubo at buwis.

IBASURA ANG SIN TAX, ITAAS NA LAMANG ANG CORPORATE TAX!

ILANTAD ANG SABWATAN NG GOBYERNO AT MGA KAPITALISTA'T ASENDERO SA ANTI-MAHIHIRAP NA SIN TAX!
 

Peoples Coalition Against Regressive Taxation (PCART) ● Bukluran ng Manggagawang Pilipino-NCR-Rizal Chapter (BMP-NCRR) ● Samahan ng mga Manininda sa Komunidad (SMK) ● Samahan ng mga Takatak Boys (STB) ● Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralita ng Lungsod-NCR-Rizal Chapter (KPML-NCRR)