Sabado, Oktubre 31, 2009

Panukalang Batas para sa Seguridad sa Trabaho

Ipinadala ni Ka Ronnie Luna ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino-Southern Tagalog (BMP-ST)

Labor Campaign: Issue and Demand:

(Decent Work! Decent Life! Ipaglaban!)

1. Karapatan sa regular na empleyo at kabuhayan! Labanan ang Labor Only Contracting (LOC): Ayon sa Article 280, 279 at 106 ng Labor Code.
2. Karapatan sa pag-oorganisa, pagtatayo ng unyon at pakikipag-CBA: Ayon sa ILO Geneva Convention Resolution # 98 at Article 234 at 277 © ng Labor Code.
3. Karapatan sa tamang pasahod at benepisyo: Ayon sa Article 13, Sec. 3 ng 1987 Phils. Contitution (Right to aim Living Wage). Baguhin ang Republic Act (R.A.) 6727. Itayo ang National Wage Commission! Buwagin nga RWB!
4. Mandatory Trust Fund sa Retirement, Gratuity/Separation Pay ng mga manggagawa na kapagserbisyo na ng isang taon sa kumpanya.
5. Unemployment Insurance Isabatas.



Sa Kagyat: Ipagkaloob ang urgent economic relief sa mga manggagawang apektado ng bagyong Ondoy.

1. Magkaloob ng Calamity Loan ang SSS at GSIS sa lahat ng kasapi nito na apektado ng bagyong ondoy na katumbas ng tatlong (3) buwang sweldo.
2. Ipagkaloob ang isang (1) taong Moratorium sa lahat ng bayarin ng mga manggagawa sa SSS, GSIS, Housing monthly amortazation.
3. Maayos at ligtas na relokasyon sa lahat ng pamilyang nasa Danger Zone at ipagkaloob ang maayos at sapat na serbisyong panlipunan. Kasama na ang katiyakan sa kanilang kabuhayan.
4. Stablish rehab on work place: Assistance ng gobyerno dito. 36 factories na may 6,000 manggagawa apektado sa Pasig at rizal.



SSS = 10 year remittance covered na ng retirement. bigyan ng Cash Advance

= Mandatory Calamity Loan sa lahat ng kasapi ng SSS with out requisites/ restriction.




PANUKALANG BATAS PARA SA SIGURIDAD AT PROTEKSYON SA EMPLEYO


1. MANDATORY TRUST FUND SA RETIREMENT, GRATUITY/SEPARATION PAY NG MGA MANGGAGAWA. ISABATAS!

Rasyunale:

Marami ng karanasan ang nangyayari na ang retirement benefit, gratuity/separation pay ng mga manggagawa ay nasasakripisyo kapag dumarating sa pagkalugi o pagsasara ng mga kumpanya. Ugali na ng mga kapitalista ang tumakas, takasan ang kanyang mga obligasyon sa mga manggagawa at gobyerno. Sa kabila na ang mga manggagawa ang araw araw na naghahabi ng makina, lumilikha ng produksyon at nagpalago sa negosyo ng kumpanya. Ang probisyong “Full protection on Labor at Equal share of the fruits of production” sa Art. 13, Sec. 3 ng 1987 Phils (Freedom) Constituition ay patay na letra. Dahil hindi ito natutupad. Tatlumpong (30) taon sa serbisyo ng kumpanya, pero walang nakuhang retirement benefit o separation pay.

Ilang halimbawa dito ang pagsasara ng Philippine Blomming Mills noong 1981. Hanggang sa ngayon walang nakuhang separation pay at retirement benefit ang 3,000 manggagawa. Ang Novelty Phils. Inc na nagsara noong September 28, 2003, hanggang sa ngayon ay walang natanggap na benepisyo ang 3,200 manggagawa. Ang Gelmart Phils. Inc.na nagsara noong Octuber 22, 2006, hanggang sa ngayon walang nakuhang mga benepisyo ang 2,600 manggagawa. Ilan lamang ito sa mga pabrika at manggagawang tinakasan ng mga kapitalista na hanggang sa kasalukuyan ay walang hustisya para sa kanila.

Para sa mapagpasyang paglutas nito, Isabatas ang Mandatory Trust Fund ng mga kapitalista sa Retirement/Gratuity at Separation Pay Benefit ng mga manggagawa/empleyado. Sa mga kumpanya/establishment na tumagal na ng isang (1) taon sa kanilang operation ay agad nang ilagak sa bangko (Trust Fund) ang Retirement, Separation Benefit ng kanyang mga empleyado/manggagawa. Upang hindi na maulit ang mga nabanggit na mga pangyayari sa itaas. Dapat ng lapatan ng mapagpasyang parusa ang mga kapitalistang lalabag dito. Gaya ng: Ang sinumang kapitalista na hindi tutupad nito ay agad na alisan ng pangkisa sa pag-nenegosyo at pagkabilanggo ng anim (6) na buwan hanggang isang (1) taon.

Dapat nakalagak sa bangko (Trust Fund) ang Retirement/Gratuity/Separation Pay Benefit ng Manggagawa. May interest. Ayon sa itinatakdang interest rate ng mga bangko. Hindi gagalawin o gagamitin sa operational capital ng kumpanya. Makukuha (iwi-withdraw lamang ito) kapag nagretero na ang empleyado, voluntary retirement, resignation, retrenchment, shutdown, closure na ng kumpanya. Requirment para makuha ng mga manggagawa: 1) May Employment Certificate. 2) Residential Address Certificate. 3) Valid I.D.

2. UNEMPLOYMENT INSURANCE. ISABATAS!

Rasyunale:

Bago pa man pumutok ang GFC noong 2008 ay uso na ang unemployment insurance o Subsidy program & benefit sa mga manggagawang nawalan ng trabaho o walang trabaho ng mga gobyerno sa maraming mga bansa ng buong mundo. Sa Europe, United States, United Arab Emirets, Latin Amerika at Asya. Dito sa Asya halos Pilipinas na lamang ang walang programa ukol dito. Kung mayroon mang ayudang makukuha ang mga Displaced Workers sa ating pamahalaan ay panandalian, leaf service o pakitang tao lamang ng gobyerno.

Bakit ang ibat-ibang pamahalaan sa iba’t-ibang bansa ay nagpapatupad ng mga programa ukol sa unemployment insurance o subsidy sa mga manggagawang nawalan ng trabaho (Displaced Workers) o walang trabaho? Ayon sa ating pag-aaral, ipinatutupad o ginagawa ito ng kanilang pamahalaan bilang pagtupad sa “social obligation for social justice” ng kanilang pamahalaan. Pakikiisa din ito ng kanilang bansa sa pinagtibay na resolution ng International Labor Conference (ILO) Geneva Convention. Salig sa four pillar ng Decent Work Agenda ng ILO.

Dahil dito, kung gayun; napapanahon ng mapagpasyang lutasin ng ating pamahalaan at mga kapitalista ang krisis na mismong likha nila, Napapanahon ng magsabatas ng UNEMPLOYMENT INSURANCE at konkretong programa ukol sa empleyo ang ating pamahalaan. Bilang panimulang solusyon ng ating pamahalaan sa patuloy na pagdami ng walang hanap buhay at kahirapan ng milyon milyon nating manggagawa at kababayan. UNEMPLOYMENT INSURANCE ISABATAS NGAYON NA!

Ang benefit na makukuha: Katumbas ng Daily Minimum Wage

Covered Term of Benefit: Tatamasahin niya ito hanggang sa siya’y makakuha ng katumbas na empleyo.

Re-employment: Tutulungan siya ng lahat ng ahensya ng pamahalaan. Gaya ng DOLE, TESDA, POEA, NEDA, RTIPCs, LGUs

Requirment for availment: 1) May Employment Certificate. 2) Residential (Address) Certificate. 3) Valid I.D.

Penalty sa Lalabag: Parusang (Multang P100,000.00 at hindi bababa sa anim (6) na buwan pagkabilanggo at hindi lalagpas sa isang (1) taon) sa mga kapitalista hindi susunod dito.

3. KARAPATAN SA REGULAR NA EMPLEYO AT PAG-OORGANISA: Karapatan sa pag-oorganisa, pagtatayo ng unyon at pakikipag-CBA: Ayon sa ILO Geneva Convention Resolution # 98 at Article 234 at 277 © ng Labor Code.

Sa pag-iral ng mga DO’s ng DOLE Secretary (D.O. # 10, 3) at kasalukuyang DO 18-02 at RA No. 9178, na mas kilala na “Barangay Micro Business Enterprises” (BMBEs LAW) Act of 2002 ay nagresulta ng laganap na diskreminasyon sa pag-empleyo. Ginagawang hanap buhay na ng ilang indibidual na tao ang paghahanap ng empleyo o pamamasukan ng mga manggagawa. Laganap na ang mga LOC na labag sa Art. 106, 279, 280 ng Labor Code.. Dagdag pa, ang dami nang itinatakdang rekisito ng mga kapitalista sa pagtanggap ng empleyado. Nariyan ang Age Limit (18-25 year old), Personalidad (may itsura, matangkad, kaakit-akit) College Graduate. Talamak ang gawi ng mga kapitalistang ito sa area ng Calabarzon (mga Industrial Park/Centers) at mga Commercials Centers. Nawalan na ng saysay ang mga Konstitusyunal at Batayang Karapatan ng mga manggagawa

ON LABOR, Section 3: “The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organize and un-organize, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.”

“ It shall guarantee the rights of all workers to;

o Self Organization
o Collective Bargaining and Negotiations
o Peaceful Concerted Activities, including the right to Strike in accordance with law.

“They shall be entitle to;

o Security of Tenure
o Human Conditions of Work and a
o Living Wage

“They shall:

o Participate in Policy and Decision Making Processes Affecting their Right and Benefits

“The State shall promote the principle of SHARED RESPONSIBILITY between workers and employers and the preferential use of voluntary modes in settling disputes, including conciliation xxx…

“The State shall regulate the relation between workers and employers, recognizing;

o the right of labor to its just share in the fruits of production
o and the rights of enterprise to
+ reasonable return on investment,
+ to expansion, and
+ growth

Dahil dito, dapat at napapanahon ng alisin ang mga DO’s ng DOLE Secretary (D.O. # 10, 3, 18-02 at RA No. 9178) na mas kilala na “Barangay Micro Business Enterprises” (BMBEs LAW) Act of 2002 at magsabatas ng klaro at malinaw na Enabling Law sa Art. 280, 279 at Art. 106 ng ating Labor Code.

1. Ibatay sa uri ng trabahong kailangan gampanan ng empleyado ang pagtanggap.

2. Kapag Karaniwan, Natatangi at Kinakailangan sa arawang negosyo ng kompanya ang uri ng trabahong ginagampanang ng isang empleyado, Dapat, Regular na Empleyado ang kategorya niya sa trabaho. xxx an employment shall be deemed to be regular where the employees has been engaged to perform activities which are usually necessary or desirable in the usual business or trade of the employer xxx Art. 280 Labor Code.

3. Isagawa ang Quarterly Inspection sa lahat ng mga kumpanya/stablishment ng kinatawan ng DOLE at Organisasyon ng mga manggagawa.

4. Ganap at walang pasubaling ipagbawal ang LOC. Parusang (Multang P100,000.00 at hindi bababa sa anim (6) na buwan pagkabilanggo at hindi lalagpas sa isang (1) taon) sa mga kapitalista agency at principal employer na napatunayang nagsasagawa ng LOC. XXX There is “Labor only” contracting where the person supplying workers to an employer does not have substantial capital or investment in the form of tools, equipment, machineries, work premises, among others, and the workers recruited an placed by such person are performing activities which are directly related to the principal business of such employer XXX Art. 106 Labor Code.

5. Ang sinumang manggagawa/empleyado na mag-organisa, sumali sa unyon o gumaganap ng union activities ay hindi dapat kasuhan ng employer. Maliban kung may malinaw na kaso ng abandonment of work.. xxx Any employees, whethere employed for a definite period or not, shall begining on his first day of service, be considered an employee for purposes of membership in any labor union. Xxx Art. 277 © Labor Code.

6. Gawing tatlong (3) taon na lamang ang kontrata sa CBA at representasyon ng unyon bilang SEBA. At magkaroon ng mandatory RE-CBA Negotiation o Wage Adjustment, batay sa % itinaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.



4. Karapatan sa tamang pasahod at benepisyo: Ayon sa Article 13, Sec. 3 ng 1987 Phils. Contitution (Right to aim Living Wage). Baguhin ang Republic Act (R.A.) 6727. Itayo ang National Wage Commission! MGA RWB BUWAGIN!

Noong Dekada 70-80 sa panahon ng Pasistang Diktadurang Marcos (Martial Law), bawal ang mag-unyon at mag-welga, maging ang mga pagtitipon. Gayunpaman, ang paraan ng pagtatakda ng Minimum na pasahod ng mga manggagawang Pilipino ay pambansa ang katangian at saklaw. Sa pamamagitan ng mga Presidential Degree at mga Executive Orders.

Feb. 22-26, 1986, sa pamamagitan ng Peoples Power o Edsa Revolution. Bumagsak ang diktadurang pamahalaan ni Marcos at iniluklok ng Peoples Power si Ginang Cory Aquino. Asawa ng Pinaslang na si Ninoy Aquino. Ideniklarang Provisional Revolutionary Government (PRG) ang pangangasiwa sa bansang Pilipinas.

Upang makabuo ng bagong saligang batas ang PRG, nagpatawag ng Con-Com si Ginang Cory Aquino upang balangkasin ang bagong Kontitusyon at pinagtibay ito sa pamamagitan ng national referendum noong 1987.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagamit ng mga manggagawang pilipino ang konstitusyunal na karapatang sinasaad ng 1987 Philippines Constitution. Upang obligahin ang Kongreso na magsabatas ng dagdag na sahod. Sa pamamagitan ng 5 araw na General. Industrial Strike ng mga manggagawa ng NCR noong 1987, pinagtibay ang Republic Act (R.A.) 6040 na nagtataas ng P25.00 wage increase, nationwide across the board with out ceiling..

Ngunit, noong 1988-1989, sa kasagsagan ng mga Kudeta, naipuslit ng kongreso sa pangunguna ni Ernesto “Boy” Herera (Secretary General ng TUCP at Congressman) ang kanyang Herera Law na tinawag na Republic Act. R.A. 6727 at R. A. 6715. Nag-aatas na dagdagan ang minimum wage ng halagang P20.00. Kasabay na isinabatas ang Regionalization wage fixing o wage rationalization Act noong June 9, 1989..

Taong 1989 nagsimula ang mga Regional Wage Board.. 2009 na tayo ngayon. Ibig sabihin halos 20 years ng umiiral ang mga RWB. Pero nasa Wage Order # 14 lamang tayo ngayon sa NCR at ibang rehiyon. Dito sa rehiyon 4-A CALABARZON AREA na halos 65% ng export ng bansa ay narito, highly industrialize, pugad ng mga kompanyang multi-national corporation at trans-national corporation ay nasa P298.00 – P320.00 ang minimum wage. Samantala sa NCR ay P382.00 ang minimum wage.

Malinaw kung gayun na ang mga Wage Order ng mga RWB ay salamangka, hindi lamang layuning bawasan o pababain ang minimum wage ng mga manggagawa sa iba’t-iban rehiyon, kundi pag-away awayin nito ang mga manggagawa at ilagay nito sa panganib ang seguridad sa trabaho at karapatang mag-unyon at makipag-CBA ng mga manggagawa. Dahil sa pangyayaring ito naiingganyo ang mga kapitalista na magpalipat lipat ng planta at operasyon kung saang rehiyon ang mas mababa ang minimum wage. Kasabay na palitan ang mga regular nilang empleyado ng mga kontraktwal, para pababain ang sweldo, wasakin ang mga union at bawiin ang mga naipanalo ng CBA ng mga manggagawa. Para masawata at mahadlang ang tahasang ataki sa kilusang paggawa, lutasin ito sa isang:

@ PANUKALANG PAGBABAGO:

1. R.A. 6727 baguhin, itayo ang national wage commission. Regional Wage Board Buwagin!
2. Ibalik sa Kongreso ang pagsasabatas ng dagdag na sahod na pambansa ang katangian at saklaw!
3. National Wage Commission Itayo! Line Industry Salary Standard Ipatupad!
4. Sahod na makakabuhay ng pamilya, Living Wage Isabatas!!
5. Kreminalisasyon sa paglabag: Multang P100,000.00 at pagkakulong ng anim (6) na buwan hanggang isang (1) taon




Drafted By:

Ronnie Luna
BMP
Sept. 21, 2009
CP # 09185663923/09175223194


The Philippine Government under the Department of Labor and Employment (DOLE), strongly favored the interests of the Employers Confederation of the Philippines (ECOP) by issuing a restrictive’ IRR -Department Order No. 40-F-03, Series of 2008, that distorts and water down RA 9481.

LABOR groups from across the political spectrum set aside their differences at least for the meantime when the government and employers continued their plans in formulating a “restrictive” implementing rules and regulations of the Republic Act No. 9481 (An Act Strengthening the Workers Constitutional Right to Self-Organization), which will water down its pro-union provisions, and have plans as well to push Congress to weaken this law by amending it or even to repeal it outright.

And they succeed indeed in watering down the provisions of the new law and to “dilute” if not covertly undermine RA 9481, and thus to “mitigate” its alleged “adverse effects to the business community” when Secretary Marianito Roque of DOLE issued an IRR for RA 9481 dated October 30, 2008.

Key provisions of RA 9481 vis-a vis the IRR

Hailed as a breakthrough for the sluggish trade union movement, RA 9481 – “An Act Strengthening the Workers’ Constitutional Right to Self-Organization” – is the latest of the many revisions to the Labor Code of the Philippines, from the original Presidential Decree No. 442 in 1974.

RA 9481 has relaxed and lessened the once too strict and complex prerequisites for union recognition and the grounds for its cancellation as well as the accreditation of labor federations. Likewise, while still grouped within their own separate unions, the rank and file and supervisory workers are now permitted to join the same federation.

This new law has also hastened union organizing of federations or national unions by simply allowing them to issue charter certificates to their prospective local chapters. In addition, RA 9481 could now put a stop to the management’s much abused dilatory and disruptive tactics against union formation and recognition, and collective bargaining efforts – endless appeals, petitions and motions for reconsiderations to the DOLE and the courts; and harassing, blackmailing, bribing or firing from work the identified local union leaders.

For instance, even a petition for revoking union registration, which was habitually resorted to by management, “shall (no longer be able to) suspend the proceedings for certification election (CE) nor shall it prevent the filing of a petition for certification election (PCE),” the first formal step in establishing a union.

To thwart the usual witch-hunting of management versus local leaders during the early and critical organizing stage in both “organized and unorganized establishments,” RA 9481 has authorized that “(i)n cases where the (PCE) was filed by a national union or federation, it shall not be required to disclose the names of the local chapter’s officers and members.” Of course, the chapter should have a charter certificate, has submitted to the DOLE other pertinent documents, and all the union members will eventually be known either during or after the CE.

As an added assurance that employers will find it difficult to disrupt at will, like before, the organizing process, RA 9481 has a specific provision that describes their participation in the PCE-CE route as a “bystander.” Hence, “(i)n all cases, whether the (PCE) is filed by an employer or a legitimate labor organization, the employer shall not be considered a party thereto with a concomitant right to oppose a (PCE).”

The employer’s role “in such proceedings shall be limited to being notified or informed of (the) petitions…; and submitting the list of employees during the pre-election conference should the Med-Arbiter act favorably on the petition.”

Other significant provisions that removed unwarranted bases for canceling union registration include the incompetence (non-submission of reports, etc.) and misdeeds of certain union officials, and the inclusion as union members the employees outside the collective bargaining unit or CBU.

In both cases, under RA 9481, union registration will no longer be invalidated by law: The offending union leaders will be punished accordingly and individually but without dragging down the entire organization; while those mistakenly included in the CBU will merely be “automatically deemed removed from the list of membership of said union.”

NOTE: Penalty sa mga kapitalista na nag-interfered at coersion sa union, union officers at members

Alisin ang No Union Option sa mga CE at Direct Recognation sa mga pabrika walang kalabang unyon. Alisin ang Cooling of Perion to stricke, sapat na ang NOS at Stricke vote para magwelga, Alisin ang Fress igress at Free Ingress. Issuance of AJ ng DOLE SEC ay sa layunin lamang to regulate not to restrick the rights of workers.


Rasyunale:

Sa Pilipinas, bago pa man ang P.D. 442 ay umiral na ang “LOC” sa anyo ng “CABO” na pamamaraan. Nalalagay sa P.D. 442 (Art. 106 to Art. 109) ang pahintulot ng job contracting/subcontracting, pero defined ang pagbabawal sa LOC at ibig sabihin ng LOC.

Ang pagpapahintulot sa job contracting at kahulugan at pagbabawal sa labor-only contracting ay nakasaad sa Sections 7, 8 at 9, Rule Vlll, Book lll Implementing Rule ng Art. 106 to 109 ng Labor Code:

Ang Section 7,8,9, Rule VIII, Book III, Implementing Rules ng Art 106-109 ng Labor Code ay inamyendahan ng Department Order No. 10 (DO No. 10) noong Mayo 30, 2001. Ang Department Order No. 10 ay nagpalawig pa sa maraming mga gawain na pinahintulutan na ipa- job contract (permissible), ayon ito sa Section 6. Kung kaya’t ang mga naunang guidelines ng Art. 106 -109 ay lalong pinalawak at pinalala ng DO No. 10 na umiral ng halos apat (4) na taon mula noong 1997 to 2001. Ayon sa Section 6 ng DO No.10:

Sa pag-iral ng Department Order No. 10, lumala at lumaganap ang malawakang kontraktuwalisasyon sa paggawa. Lumaganap din ang matinding pagtutol sa D.O. # 10 ng mga organisadong manggagawa. Kaya naobligang bawiin ito ng DOLE Secretary sa pamamagitan ng Department Order No. 3 noong May 8, 2001.

Pinanatili ng DO No. 3 ang pagbabawal sa LOC at idinelegate sa Tripartite Industrial Peace Council (TIPC) ang paggawa ng bagong implementing rules sa Art. 106-109 na kailangan may konsultasyon sa lahat ng kaukulang sektor (partikular sa mga mangagawa at namumuhunan).

Matapos ang mga konsultasyon sa mga manggagawa at namumuhunan, nabuo ng TPIC ang bagong implementing rules sa Article 106-109 ng Labor Code. Kung kaya’t noong Pebrero 21, 2002 inilabas ni Secretary Patricia Sto. Tomas ang Department Order No. 18-02 (DO No. 18-02)

Ang kaibahan ng Sections 7 – 9, Rule Vlll Book lll sa DO # 18-02 ay: Una: Kailangan lamang iparehistro ang mga Manpower Agency sa DOLE. Magreklamo at patunayan na lamang kung LOC nga o hindi ang operasyon ng mga ito. Ikalawa: Kailangan ang Trilateral Relationship in Contracting Arrangements, ibig sabihin, may kontrata sa pagitan ng principal at contractor at kontrata sa pagitan ng kontraktor at kontraktwal na manggagawa. Pangatlo: Maraming mga ipinagbabawal (prohibitions) na nakasaad sa Section 6 ng DO 18-02:

Subalit ang probisyon sa mga prohibitions ay may butas. Kumbaga ibinigay ng kaliwa, kinuha naman ng kanan. Kailangan pang magreklamo, patunayan at husgahan ng Korte kung LOC nga o hindi ang ginagawang operasyon ng kumpanya o Manpower Agency. “Parang ibig sabihin pwedeng magsagawa ang mga kapitalista ng LOC. Huwag lang pahuhuli”. Napalabnaw na ang salitang LOC is prohibited by law. Ayon sa Section 7 ng DO No. 18-02:

Sa pag-iral ng DO 18-02 kasabay din na umiral ang RA No. 9178, na mas kilala na “Barangay Micro Business Enterprises” (BMBEs) Act of 2002, which aims to hasten the country's economic development and alleviate poverty by encouraging the formation and growth of BMBEs through the rationalization of bureaucratic requirements, the active support and assistance of government, and the granting of incentives and benefits to generate employment.

“One of the incentives granted to registered BMBEs is exemption from the coverage of the Minimum Wage Law. The Constitution and the Labor Code, however, mandate the State to regulate relations between workers and employers, recognizing the right of labor to its just share in the fruits of production and the right of enterprises to reasonable returns on investments, and to expansion and growth. Guided by this Constitutional provision, the workers and owners of BMBEs are encouraged to set mutually acceptable wage rates in their respective enterprises.”

Ang Art. 25 ng Labor Code = Karapatan ng mga pribadong sector na lumahok sa pagrerekrut at pagpapadala ng mga manggagawa sa abroad at lokal employment. Nagamit din ito ng mga kapitalista para ipalaganap ng kanilang mga Manpower Placement Agency ang LOC.

Pinalala pa ito ng D.O. # 10, at DO # 18-02 ngayon na pinaganda lang sa salita, pero kaya pa din ikutan at lusutan ng mga kapitalista ang LOC, Bawal daw ang LOC pero kailangan muna may magreklamo, patunayan at husgahan ng korte na LOC nga ang operasyon ng kumpanya at mga Manpower Agency’s.

Kung dati ay specific project o short term duration o seasonal employment lamang ang LOC. Sa ngayon laganap na ito sa mga Regular Job at Production Area ng mga kumpanya. Hindi na ginagalang at sinasalaula na ang Art. 280 at Art. 248 ng Labor Code at Art. 13, Sec. 3 ng 1987 Phils. Constitution.

Epektibo ding ginamit ng mga kapitalista ang D.O. # 10, 3 at 18-02 hindi lamang para makaiwas sa dagdag na sweldo at benepisyo ng manggagawa, kundi higit sa lahat, mahadlangan ang pagtatayo o pagsapi sa unyon o mga labor association ng mga manggagawa. Hindi na din iginalang ar nagging palamuti na lamang ang Art. 277 (c), Art. 211 ng Labor Code at Art 13, Sec. 3 ng ating 1987 Philippines Constitution.


@ DESINYO NG KAMPANYA AT LABAN:

a. Layunin:

1. Maging mayor na kampanya at laban ng kilusang manggagawa, na direktang kokompronta sa patakaran ng rehimeng GMA at globalisasyon (LDP)
2. Maging kongkretong plataporma sa paggawa ng ating Pol Party at Party List sa nalalapit na 2010 election. At maging insperasyon sa muling pagbangon ng kilusang manggagawa sa ating bansa.
3. Maging behekulo sa malawak na kampanyang pagmumulat. (propaganda, ahitasyon, edukasyon.
4. Maging behekulo sa mabilisan at malawakang pag-oorganisa, pagtatayo ng mga union, mga teretorial at pambansang alyansa at sa direktang pakikipag-ugnayan sa pandaigdigang kilusang manggagawa.
5. Madevelop ang mga sama-samang pagkilos (SSP) sa bawat erya na lulundo sa mga pambansang koordinadong pagkilos (National Day of Protest o Workstoppage)



b. Paraan at porma ng paglaban:

1. Sa pamamagitan ng mga local na unyon at alyansang nakatayo sa bawat lokalidad at lalawigan, kagyat na ipatawag ang pulong talakayan (Forum On Contractualization) para maipaunawa ng malalim ang pagiging salot ng laganap na LOC (Maipamahagi ang Primer on LOC) At magresulta ang Forum ng plano sa tuloy tuloy na pag-oorganisa at pagkilos laban sa salot sa paggawa na LOC..
2. Kagyat na mahimok ang mga local na unyon, na pasimulan na sa kani-kanilang local ang labang ito, Ang lahat na Contractual o Agency employees sa kanilang pabrika ay agad na pasapiin sa unyon para masimulan ang laban sa LOC at para sa direct employment, regular employment at union membership sa kanila. Sa panahon ng mga CBA, maisama ang probisyon ukol sa mandatory union membership sa lahat ng empleyado sa unang araw pa lamang ng kanilang serbisyo. Art. 277 (c) Labor Code. Note: Pero sa pagtatayo ng unyon, maaaring gamitin muna ang dating kalakaran. Na, regular rank & file lang muna ang saklawin sa petition for union registration. Sa mga CE case to case bilang taktika sa pagpapanalo. Ngunit sa CBA negotiation agad na saklawin ng CBA proposal ang lahat na manggagawa.
3. Pasukin ang mga Tripartitesa antas local at nasyunal, isalang dito ang debate ukol sa isyu ng LOC at regularisasyon sa empleyo at mandatory union membership on his 1st day of service. Ayon sa Art. 280 at 277 (c) ng Labor Code.
4. Maghain ng Bill sa Congress para patalasin ang HB 2453 ni Akbayan Partylist Rep. Honteveros. Para bigyang pangil (Enabling Law) ang Art. 106, 279, 280 at 277 © ng Labor Code. Gayundin ang paghahain ng isa pang Bill (Unemployment Insurance at Mandatory Trust Fund sa Retirement Gratuity Pay Benefit) para para hindi na maulit ang nangyari sa Novelty Phils. Inc., Gelmart Industry Phils. At iba pa. Para mapagkalooban ng regular na ayuda ng pamahalaan ang mga manggagawang biktima ng malawakang tanggalan at pagsasara ng mga pabrika.
5. Gumawa ng Petition signing sa mga LGUs para magpasa at DOLE Secretary Office para suportahan ang House Bill natin sa Congress at tuloy tuloy na Lobby.
6. I-develop ang mga coordinadong protesta at pambansang protesta o pangkalahatang welga. Bilang mapagpasyang porma ng pagkilos para pawiin, kundi man malimitahan ang LOC at kamtim ang regularisasyon sa paggawa at mandatory union membership (union close shop) sa paggawa.
7. Maging behekulo ang kampanyang ito para sa mabilisan at malawakang pag-oorganisa (paglawak n gating base).
8. Gayundin, paghandaan sa hinaharap ang pagtatayo ng TUC at mga Line Industry Formation – One Union in One Industry. One Labor Center in One Country!

Phasing

1. Unification sa mga Leaders at Memberships
2. Drafting & Filling ng Bill
3. Prop / Primer
4. Alliance Building
5. Press-Con
6. Big Rally sa araw ng Filling ng Bill sa Congress
7. Petition Signing to make reso of all LGUs in support of the Bill
8. Direct Lobbying sa mga LGUs, DOLE-RTIPC at Congress
9. Warm up provincial Coordinated Rallies
10. National Day of Protest - Work Stoppage

Ondoy-Ondas - Press Release - Tagalog

PARTIDO LAKAS NG MASA-QUEZON CITY (PLM-QC)
ALYANSA NG MARALITA NG QUEZON CITY (ALMA-QC)
111-D Malakas St., Quezon City, Tel. 4343947

Press Release
Oktubre 31, 2009

ONDOY-ONDAS
Pag-alala sa mga Namatay sa Bagyong Ondoy
sa Bagong Silangan, Quezon City


LUNSOD QUEZON, Okt. 31 – Bilang paggunita sa mga namatay ngayong undas, nagmartsa ang mga residente ng Barangay Bagong Silangan sa Lunsod Quezon mula sa evacuation center sa Brgy. Bagong Silangan covered court hanggang sa Binhi ni Abraham and countryhomes kung saan maraming residenteng namatay, habang kasaliw ang isang salmo hinggil sa kanilang kalagayan bilang biktima ng bagyong Ondoy isang buwan na ang nakalipas. Nagsindi sila ng kandila at tumula, sa pag-alala sa mga mahal sa buhay, mga namatay at nangawala sanhi ng bagyo, habang nananawagan ng in-city relocation at kabuhayan para sa apektadong pamilya.

Ayon kay William Cerdeña, residente ng Brgy. Bagong Silangan at kinatawan din ng Alyansa ng Maralita sa Quezon City (ALMA-QC), “Di kami nakalilimot. Ang pag-alala sa mga nangamatay, lalo na ng ating mahal sa buhay, ay nakaukit na sa ating kultura. Ngunit ngayon, inaalala natin yaong mga namatay ng wala sa panahon dahil sa bagyong Ondoy, kamatayang di dapat sana nangyari kung nagawa lamang ng pamahalaan ang tungkulin nito na sabihan ang mga tao sa parating na bagyo upang nakapaghanda sana ang mga ito. Laging sinisisi ng gobyerno ang mga maralita pag may kalamidad, at ayaw nitong sisihin ang kanyang sarili sa mga kapalpakan. Biktima ang mga maralita rito at hindi sanhi.”

Idinagdag pa ni Cerdeña, “Limampu’t dalawang (52) katao mula sa aming lugar ang namatay dahil kay Ondoy, at hinahanap pa naming ang mga nawawala pang 40 residente na hanggang ngayon ay di pa rin natatagpuan. Sa ngayon, may 75 pamilya pa ang nasa covered court ng barangay na ginawang evacuation center, at inalis na ng pamahalaang lunsod, sa pamamagitan ng SSDD (social service development department) ng QC Hall, ang mga kinakailangang suporta para sa mga pamilyang ito.”

Ayon pa sa kanya, “Nananawagan kami sa pamahalaan ng isang in-city relocation at on-site development. Negosasyon muna bago ebiksyon at demolisyon hangga’t walang ligtas, abot-kaya, madaling puntahan, at maayos tirahang pabahay na may kasiguruhan para sa lahat.”

Para sa panayam at iba pang detalye, kontakin si William Cerdeña sa 09182252016

Ondoy-Ondas - Press Release - English

PARTIDO LAKAS NG MASA-QUEZON CITY (PLM-QC)
ALYANSA NG MARALITA NG QUEZON CITY (ALMA-QC)
111-D Malakas St., Quezon City, Tel. 4343947

Press Release
October 31, 2009

ONDOY-ONDAS
Remembering the Dead Victims of Typhoon Ondoy in Bagong Silangan, Quezon City

QUEZON CITY, Oct. 31 – Residents of Bagong Silangan in Quezon City marched from the evacuation center in Barangay Bagong Silangan covered court to the site Binhi ni Abraham and countryhomes where many residents died, and recited a responsorial psalm about their plight as victims of typhoon Ondoy a month ago. They lit candles and recited poetry, in remembering their loved ones and those who died in the typhoon, while calling for in-city relocation and jobs for the affected residents.

According to William Cerdeña, resident of Brgy. Bagong Silangan and also representing ALMA-QC, “We will not forget. Remembering the dead, most especially our loved ones, is in our culture. But this time we remember those who met their untimely death because of typhoon Ondoy, deaths that should not be if the government only has advised the people of the coming typhoon so they can prepare for the worse. The government always blame the poor and don’t look at their faults. The urban poor are the victims here and not the cause.”

Cerdeña added, “Fifty-two (52) persons from our area died because of Ondoy, and we are still searching for more than 40 missing residents, which until now cannot be found. As of now, there are still about 75 families occupying the Brgy Hall covered court as their evacuation center, and the city government, through the SSDD (social service development department) of QC Hall, has already cut necessary support to these families.”

He further added, “We call for our government for an in-city relocation and an on-site development. Negotiation first before eviction and demolition until a safe, affordable, accessible, habitable housing with security of tenure has been provided the poor.”

For media interview and other details, please contact William Cerdeña of ALMA-QC and a resident of Brgy. Bagong Silangan, QC, at 09182252016

Biyernes, Oktubre 30, 2009

Dalawang Araw na Kilos Protesta, Tagumpay

Dalawang Araw na Kilos Protesta, Tagumpay

Dalawang araw na paralisado ang San Pedro SUKI Market, resulta ito ng kapasyahang ilunsad ang sama samang kilos protesta ng lahat ng manininda sa ilalim ng Organisasyong Suki Wet and Dry Market Vendors & Stall Holders Association – San Pedro, Laguna.

Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng 10% sa arawang renta sa mga pwesto, patuloy na paniningil Common Use Service Area-CUSA, paglabag sa BOT-MOA ukol sa rental rate. At pananakot ng management na palalayasin o ipapadlock ang pwesto sa sinumang hindi susunod sa illegal na paniningil ng management ng SUKI Market.

Ang kahilingan ng Vendors Association:

1. Itigil ang 10% dagdag na upa sa bawat taon mula noong 2004 at ibalik ito sa mga Vendors. Sapagkat illegal ito ayon sa itinatakda ng BOT-MOA at Munisipal Ordinance # 2000-16. At Resolution 2007-53.
2. Itigil ang paniningil ng CUSA, dahil obligasyon ito ng management na imantena ang kaayusan at kalinisan ng Palingke hindi obligasyon ng mga Vendors Renter.
3. Moratorium sa renta habang umiiral ang State of Calamity dulot ng bagyong Ondoy.
4. Kagyat na negosasyon para rebisahin BOT-MOA.

Ito ang dahilan bakit naganap ang dalawang araw na kilos protesta na pumaralisa ng dalawang sa SUKI Market noong Octuber 27-28, 2009.

Dahil dito, naobliga ang pangasiwaan ng SUKI Market na umapilang itigil na ang pag-aaklas at sa loob ng limang araw (November 3, 2009) ay pag-uusapan ang mga kahilingang nabanggit sa itaas ng Asosasyon ng mga manininda.

Bilang good faith na paniniwala at malinis na hangarin ng Vensdors Association, tinanggap ang pakiusap ng pangasiwaan ng SUKI Market. Agad na itinigil ang pag-aaklas ganap ng ika-5:00 ng hapon noong Octuber 28, 2009.

Tama ang pasya ng Management ng SUKI Market na wala munang galawan, wala munang singilan ng upa at renew sa kontrata habang walang malinaw na pag-uusap at kasunduan. Ang aksyong ito ng pangasiwaan ng SUKI Market ay ating pinupuri at pinasasalamatan, bilang pagkilala sa ating mga lehetimong karaingan.

Gayunpaman, higit nating patatagin at palakasin ang ating Organisasyon, ang ating pagkakaisa, maging vigilant tayo at maging handa sa anumang mga posebling hakbangin sa nga susunod na mga araw. At higit sa lahat nagpapasalamat kami sa lahat ng mga sumuporta at tumulong sa dalawang araw na kilos protesta. Laluna sa ating kapulisan at mga security guard na nagmantina ng kapayapaan sa dalawang araw na kilos protesta.

NASA PAGKAKAISA ANG LAKAS, NASA PAGKILOS ANG TAGUMPAY!

HIGIT NA PALAKASIN ANG ATING HANAY, PAGHANDAAN ANG SUSUNOD NA LABAN!. PAGHANDAAN AT SUBAYBAYAN ANG PAG-UUSAP SA NOVEMBER 3, 2009 11:00AM.

SUKI WET AND DRY MARKET VENDORS & STALL HOLDERS ASSOCIATION. BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO - SOUTHERN TAGALOG.

polyeto - San Pedro Market Vendors

BOT-MOA at Municipal Ordinance # 2000-16 Ipatupad!

Ibalik (Refund) ang Sobrang Singil sa Renta!

Itigil ang Illegal Rental Increase!

Mga Kababayan sa San Pedro at sa mga Karatig Bayan,

Ang San Pedro Public Market ay dapat pakinabangan ng mamamayan ng San Pedro. Dapat magbigay ito ng sustenadong kabuhayan at ginhawa sa mamamayan ng San Pedro, laluna’t nasa ilalim tayo ngayon sa State of Calamity. Sunod-sunod na krisis at kalamidad ang tumama sa ating bansa. Hindi pa nalulutas ang epekto ng Global Financial Crisis, na naresulta ng malawakang tanggalan sa trabaho, inabot na naman tayo ng matinding kalamidad (Ang Bagyong Ondoy) na kung saan isa ang ating bayan sa matinding tinaman ng malawakang pagbaha na hanggang sa kasalukuyan lubog pa ang Baranggay Landayan at South Fairway. At iba pang baranggay at bayan sa paligid ng Lawa ng Laguna.

Masakit nito, napinsala na ang ating mga bahay at ari-arian ng bagyong Ondoy, nangananib pang alisin ang natitira nating kabuhayan (Ang mga pwesto natin sa SUKI MARKET, San Pedro Public Market).

Ito ang dahilan, kung bakit nais naming ipabatid sa inyo at hingin ang inyong pang-unawa at suporta sa isasagawa naming pansamantalang pagtigil sa pagtitinda ngayong ika-27-29 ng Oktubre, 2009. Bilang protesta sa patuloy na paggigipit sa amin ng SUKI MARKET Management.

Ang kasaysayan ng SUKI Public Market:

June 26, 2000 nagkaroon ng MOA ang LGU (Sangguniang Bayan) ng San Pedro Laguna sa ITHIEL Corporation na pagmamay ari ni Ms. Ma. Teresa R. Lim. Isinailalim sa Build to Operate Transfer-BOT ang San Pedro Public Market. Kasabay nito pinagtibay ng Sangguniang Bayan ang Municipal Ordinance No. 2000-16, na may kasunduan sa ipapatupad na “Rental Rates” sa mga Stall Holders sa bagong palengke ng San Pedro na mas kilala sa pangalan SUKI MARKET.

Sa MOA Art. VI. Malinaw na nakasaad na walang pagtataas sa renta hanggat walang konsoltasyon/pagsang-ayon ang Vendors Association. Section 18: ITHIEL may increase said rentals charges with the consultation with the market vendors association into consideration the increase in cost of maintenance and operation of the new market resulting to an increase of buyers patronizing the market.

Art. VII. Miscellaneous Provisions: Section 2: The Parties shall have the right to terminate the Agreement without resorting to legal proceedings in case of any substantial breach of condition/ obligations and responsibilities. A pattern of continuing or repeated non-performance, willful violation or non-compliance of terms and conditions hereof will be deemed a substantial breach of Agreement.

Sa Municipal Ordinance No. 2000-16, naman na pinagtibay ng Sangguniang Bayan, nasasaad ang kasunduan sa ipapatupad na “Rental Rates” sa mga Stall Holders sa bagong palengke ng San Pedro na mas kilala sa pangalan SUKI MARKET. Gaya ng mga ss:

GROUND FLOOR :

Items Merchandise Rates/stall/per day Area Per Sqm.

A Fish P42.00– P59.00 2.1 – 3.0 P20.00– P 25.00
B Meat P42.00– P59.00 2.1 – 3.0 P20.00 – P25.00
C Chicken P42.00– P59.00 2.1 – 3.0 P20.00 – P25.00
D Vegetable P40.00– P52.00 2.28 – 3.0 P18.00 – P23.00
E Grains P63.00– P81.00 7.9 – 9.0 P8.00 – P10.00
F Grocery P30.00– P40.00 5.35 – 6.0 P5.00 – P7.00
G RTW P34.00– P46.00 5.7 – 6.0 P6.00 – P8.00
H Fruits P43.00– P86.00 2.85 – 6.0 P15.00
I Native weets P17.00– P46.00 2.85 – 6.0 P6.00 – P8.00
J Coconut P20.00 - P30.00 2.0 – 6.0 P8.00 – P10.00
K Ice P96.00 10.0 P9.60

SECOND FLOOR;

A Parlor P69.00– 92.00 10.0– 14.0 P6.00 – P8.00
B Jewelry P69.00– 92.00 10.0 – 14.0 P6.00 – P8.00
C Carinderia P100.00 11.0 – 14.0 (dining ncluded)

Ngunit, ang Municipal Ordinance No. 2000-16, na pinagtibay ng Sangguniang Bayan, ukol sa ipapatupad na “Rental Rates” sa mga Stall Holders ay tahasang binaliwala at hindi sinunod ng SUKI MARKET Management na si Ms. Ma. Teresa R. Lim.

Naningil ito ng labis sa itinatakda ng kasunduan.

Halimbawa : Ang isang stall holder sa Dry Section na umaakupa ng 6.15 sqm. Ay sinisingil ng halagang P328.00 per day. Lumalabas na P53.33 per sqm, per day ang sinisingil.

Samantala malinaw na nasasaad sa pinagtibay na Municipal Ordenance No. 2000-16. noong June 26, 2000, Na; P15.00 per sqm, per day lamang ang dapat na renta. Kung gayon, 6.15 sqm x P15.00 = P92.25 per day lamang ang dapat na Renta Kung gayon, P235.75 per day ang labis na singil. Ito ang dapat na i-refund ng SUKI MARKET (Ms. Ma. Teresa R. Lim) sa mga stall holders Vendors.

Dagdag pa, mula 2004 ay taon taon itinataas ng 10% ang renta. Ibig sabihin halos 60% na ang itinaas sa halaga ng renta. At ngayon November 1, 2009, kasabay ng araw ng mga patay, muling oobligahin kaming papirmahin sa taunang renewal ng pwesto kasabay ang panibagong 10% na pagtaas ng renta.

Kung kayat muling nagpasa ang Sangguniang Bayan ng San Pedro ng bagong Resolution No. 2007-53 noong March 12, 2007 na sinususugan ang dati ng batas at inaatasan ang management ng SUKI Market na sundin at ipatupad ang sinasaad na Rental Rate sa Municipal Ordenance N0. 2000-16. Noong June 26, 2000 ng walang pagtatangi sa baguhan at datihan ng vendors.

Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy na nilalabag ang naturang mga Ordinansa at Resolusyon. Patuloy na nilalabag ang MOA na pinagtibay noong June 26, 2000. Patuloy na pinagsasamantalahan ang kawawang Stall Holders ng SUKI MARKET Management na si Ms. Ma. Teresa R. Lim.

Gayun paman, sumulat ang Suki Wet and Dry Market Vendors & Stall Holders Association Inc. sa management ng SUKI Market noong October 13, 2009. Hiniling na ipatupad na ang nilalaman ng MOA, Ordinansa, Resolusyon at isaayos ang mga sumusunod na usapin sa SUKI MARKET. Gaya ng Bentelasyon, Kalinisan, Sub-meter, CUSA at pagtaas ng 10% taon taon sa renta.

Subalit, sa halip na dinggin ang mga karaingan ng mga maliliit na manininda, pagbabanta at pananakot ang ginagawa ng management. Sa anyo ng araw araw na ”pagging system”, pagpapaskil ng babasahin, na diumano, ”ang ayaw mag-renew at ayaw sumunod sa 10% taon taon pagtaas ng renta ay lumalayas na!”

Para sa kapwa naming manininda, Sobra na ang pahirap sa atin ng SUKI Market Management. Halos sa kanila na lamang napupunta ang kakarampot nating kinikita sa pagtitinda. Sobra na ang paglapastangan nito sa ating mga batayang karapatan. Maging ang lokal nating pamahalaan ay hindi na pinakikinggan. Sa halip na tulungan tayong makapanumbalik sa normal na pamumuhay dahil sa salanta ng Bagyong Ondoy, ito patuloy tayong ginigipit at tinatakot. Walang patawad! Walang konsensya! Walang puso! Ang Management ng SUKI Market.

Sa mga Kababayan at mamimili, mga kapatid namin sa hanap buhay na magtri-tricycle. Tutol kami sa taunang pagtaas ng renta sa aming pwesto, hindi pa dahil sa liliit ang aming kita, kundi ayaw naming patuloy na tumaas ang presyo ng mga bilihin o paninda namin. Na magiging dagdag na pahirap sa ating lahat.

Kung kaya, hinihingi namin ang inyong pang-unawa, kooperasyon at pagsuporta sa isasagawa naming protesta. Ito’y hindi lamang namin laban, kundi laban ito nating lahat na mamayan ng San Pedro.

Mga kasama, panahon na para manindigan, pahigpitin ang pagkakaisa, kapit bisig, sama-sama tayo sa kilos protesta ngayong ika-27-29 ng Oktubre, 2009 para ipaglaban ang ating mga lehitimong karapatan at kahilingan :

  1. Rental Rates Law. Ipatupad!
  2. Ibalik (Refund) Sobrang siningil!
  3. Para sa recovery ng kabuhayan, dulot ng pinsalang bagyong ondoy, 10 % rental increase. Alisin!
  4. Moratorium sa Renewal ng kontrata!
  5. Itigil na ang paniningil sa CUSA.

Suki Wet and Dry Market Vendors & Stall Holders Association Inc. Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna,

Ika-26 ng Oktubre, 2009

Media Advisory - ONDOY-ONDAS

PARTIDO LAKAS NG MASA-QUEZON CITY (PLM-QC)
ALYANSA NG MARALITA NG QUEZON CITY (ALMA-QC)
111-D Malakas St., Quezon City, Tel. 4343947

Media Advisory
October 30, 2009

ONDOY-ONDAS
Remembering the Dead Victims of Typhoon Ondoy in Bagong Silangan, Quezon City

WHAT:
Residents of Bagong Silangan in Quezon City will march and recite a responsorial psalm about their plight from evacuation center to the site where many residents died as a result of typhoon Ondoy. They will lit candles and recite poetry, in remembering their loved ones, while calling for in-city relocation and jobs for the affected residents.

WHEN:
October 31, 2009, Saturday, 10:30 am

WHERE:
From Brgy. Hall covered court, Barangay Bagong Silangan, Quezon City (converging point), then march to the site Binhi ni Abraham and countryhomes where many residents died

For details, pls contact William Cerdeña of PLM-QC
and a resident of Brgy. Bagong Silangan at 09182252016

polyeto - ALMA-QC

MAKATARUNGANG PABAHAY SA MGA NASALANTANG MARALITA, IPAGLABAN!

Septyembre 26, 2009, sinalanta ng bagyong Ondoy ang Kamaynilaan at karatig-probinsya. Katumbas ng isang buwang ulan ang dulot ng Ondoy sa loob ng 6-9 na oras, mas mataas pa sa ulan na dulot ng bagyong Milenyo noong 2007. Isinisisi ng pamahalaan ang mga maralitang iskwater sa naganap na pagbaha, imbes na sa kapalpakan ng pamahalaan sa pagsasagawa ng nararapat na paghahanda para rito.

Dahil dito, agad ipinag-utos ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagsagawa at pagpatupad ng isang urban development project na naglalayong baguhin ang anyo ng Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapaalis sa mga libu-libong maralitang nakatira sa mga danger zones, lalo na sa mga estero. Ayun naman kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Hermogenes Ebdane, Jr., kinakailangan daw repasuhin ang mga batas at ordinansa ukol sa land use at zoning upang mapigilan ang pagbara sa mga drainage, spillways at floodways na dulot diumano ng mga informal settlers. Ito’y maliwanag na banta ng malawakang demolisyon at ebiksyon laban sa mga maralita.

Sinasamantala ng pamahalaan ang pagkawasak ng tahanan ng mga maralita dulot ng pagbaha upang hindi na sila makabalik at tuluyang na rin silang alisin sa kanilang tahanan.

Masansang na panlasa ang bakas na iniiwan ng mga ganitong tugon ng pamahalaan sa nasalanta ng bagyo. Halos karamihan ng biktima ng Ondoy ay mga maralita. Imbes na bigyan sila ng tulong, sila pa ngayon ay nakakaranas ng pangamba, hindi na mula sa bagyo kundi mula sa pamahalaan. Kahit papaano, ang bagyo ay may tinira pa sa kanilang bahay, ang pamahalaan ay tuluyan itong aagawin sa kanila.

Halos lahat ng eksperto sa larangan ng siyensiya ay nagkakaisa na ang sanhi ng pagbaha at pagkamatay ng marami ay kapabayaan mismo ng pamahalaan. Walang early warning system kahit na siyam na oras ang lag-time sa pagdaloy ng tubig mula sa bundok at matataas na lugar patungo sa mga lugar na sinalanta ng baha. Wala ring Doppler radar ang PAGASA kung kaya hindi ito nakapag-abiso tungkol sa dami ng tubig na dala ng Ondoy kahit na nasa Signal No. 1 lamang ang lakas ng hangin. Wala ring malinaw na rescue at relief operation kung kaya mas malaki pa ang naitulong ng mga pribadong grupo at simbahan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima.

Kung kaya, hindi nararapat na ang hantungan ng sisi ay mga maralitang lungsod na sila ring naging biktima hindi lamang ng bagyong Ondoy kundi ng kapabayaan ng pamhalaan.

Hindi nilalayon ng maralitang lungsod na pigilin ang pagsasaayos sa ka-Maynilaan upang lalo itong maging ligtas sa kapahamakan mula sa kalamidad. Ngunit kung magkakaroon man ng solusyon dito, nararapat na ito ay hindi nakabatay sa isang maling pagtingin sa mga maralita na tila ba ay sila ang nagdulot ng kalamidad kaya isasaalang-alang na lamang ang kanilang karapatang mabuhay bilang tao.

Ang panawagan ng mga maralitang lungsod ay isang mas makatarungang solusyon. Ipatupad ang moratorium sa demolisyon at evictions hanggang may maayos na bahay/lupa sa relocation, may maayos na pasilidad gaya ng ilaw, tubig para sa kalusugan, at may kabuhayan.

Ang mga hakbang patungo dito ay ang mga sumusunod:

1. Bigyan ng sapat na pondo ang pagbili ng lupa at pagpatayo ng bahay sa isang comprehensive housing program;
2. In-city relocation at On site development;
3. Moratorium sa demolitions/evictions;
4. Status quo sa evacuees/evacuation centers hangga’t walang ligtas at sustainable relocation area;
5. Kagyat na pagkakaroon ng staging area para sa critical areas.
6. Konsultasyon at negosasyon, hindi demolisyon
7. Safe, affordable, accessible housing na may security of tenure para sa lahat
8. Ang pabahay ay dapat serbisyo, at huwag gawing negosyo

Sumama sa pagkilos sa Oktubre 26, 2009, Lunes. Ang kitaan ay sa harap ng PNB sa Kalayaan, cor. Elliptical Road sa ganap na ika-12:30 ng tanghali.

MGA MARALITA MAGKAISANG IPAGLABAN ANG MAKATARUNGANG PANINIRAHAN PARA SA LAHAT!

ALYANSA NG MARALITA SA QUEZON CITY (ALMA-QC)

Oktubre 23, 2009

Miyerkules, Oktubre 7, 2009

Landas ng Uri - Kabanata 5

V

Landas ng Bayan
Landas ng Uri

Ang pakikibaka para sa sosyalismo ay mulat na pagkilos ng higit na nakararami para sa ganap na pagbabago ng umiiral na sistema. Walang ibang paraan para sa tagumpay ng sosyalistang rebolusyon kundi ang hayagan at malawakang makauring tunggalian sa pagitan ng dalawang pangunahing uri ng kasalukuyang lipunan. Isang tuwirang labanang naglalantad ng magkatunggaling interes ng dalawang uri. Isang malawakang pakikibakang mulat na nilalahukan ng milyun-milyong manggagawa para ibagsak ang kapitalistang estado.

Sa Pilipinas, ang pinakamalaking balakid sa pakikibaka ng manggagawa para sa sosyalismo ay ang atrasadong antas ng makauring tunggalian. Hindi pa sumisiklab ang masasaklaw na labanang industriyal - pang-ekonomya man o pampulitika - sa pagitan ng mga manggagawa at mga kapitalista. Mga pakikibakang tuwirang naglalantad sa di-mapagkakasundong interes ng dalawang uri at nagpapabaga sa usapin ng pagpapabagsak ng kapitalismo bilang kagyat na suliraning panlipunan.

Mauugat ang pagkaatrasado ng makauring tunggalian sa Pilipinas sa pagkaatrasado ng kapitalistang pag-unlad. Likha ng pagkabansot ng kapitalismo sa bansa, makitid ang industriyal na proletaryado, ang maaasahang gulugod ng kilusang unyon at tagapagbandila ng sosyalismo. Hindi lamang manipis ang hanay ng manggagawang industriyal kundi kakaunti pa ang organisadong seksyon. Hindi lamang maliit ang kilusang paggawa kundi hati-hati ito sa ilang sentro, lagpas 100 pederasyon, at libu-libong lokal at independyenteng unyon, na hindi madaling magkasundo sa paglulunsad ng mga pagkilos, laluna't may dilawang mga lider at tinyente ng burgesya sa loob ng kilusang unyon.

Kinakailangan pang hawanin ang landas para sa lubusang paglarga ng maigting at lantarang makauring tunggalian sa pagitan ng uring manggagawa at uring kapitalista. Kung kaya't ang kagyat na layunin ng makauring pakikitunggali ng proletaryado ay hindi pa sosyalismo kundi demokrasya.

Hindi nito tinutukoy ang pekeng demokrasya ng mga elitista na umiiral sa ngayon at sumisikil sa iba't ibang paraan sa kalayaan at karapatan ng mamamayan. Kundi ipinapakahulugan nito ang demokrasyang bayan na magbibigay ng malawak na kalayaang sibil at karapatang panpulitika sa manggagawa at iba pang anakpawis.

Ang makauring pakikitunggali ng proletaryadong Pilipino ay may dalawang anyo - sosyalista at demokratiko. Ang dalawang anyong ito ay tumutugma sa dalawang magkaibang nilalaman o tungkulin ng makauring pakikibaka ng proletaryado. Subalit magkaiba man, may di-maipaghihiwalay na ugnayan ang dalawang ito: dalawang mukha sa iisang kabuuan, dalawang tungkulin ng iisang makauring pakikitunggali ng proletaryado.

Ang saysay ng kagyat na demokratikong pakikibaka ng manggagawa ay hawanin ang daan para sa masaklaw at tahasang paglaban para sa ultimong sosyalistang layunin. Gagamitin ng uring manggagawa ang makakamit na demokrasya, ang malawak na karapatan at kalayaan, para sa tuwirang paglaban sa uring kapitalista, at kagyat na sisimulan ang sosyalistang rebolusyon matapos ang demokratikong pakikibaka. Ang demokratikong pakikibaka ay bahagi lamang, ang unang hakbang, sa isang tuloy-tuloy na rebolusyon ng manggagawa tungong sosyalismo.

Ang demokratikong pakikibaka ng proletaryado ay nangangahulugan ng paglaban para sa mga kahilingang mangangalaga sa pisikal at moral na katayuan ng mga manggagawa, at magpapataas ng kakayahang lumaban ng uri para sa kanyang paglaya. Sa kasalukuyan, ang mga demokratikong kahilingang ito ay umiikot sa usapin ng sahod, trabaho at karapatan.

Kailangang ipagtanggol ang sahod mula sa pag-uk-ok ng sumisirit na presyo ng bilihin. Higit dito, dapat iakyat ang tunay na halaga ng pangkaraniwang sweldo upang iangat ang pangkalahatang kalidad ng buhay ng mga manggagawa. Kailangang pangalagaan ang seguridad sa trabaho, kasama na ang sahod at benepisyo, mula sa pagsalanta ng kaswalisasyon at kontraktwalisasyon. Dagdag pa, dapat mabigyan ng trabaho ang sanlaksang mga walang hanapbuhay, nang sa gayon maibsan ang presyur ng reserbang hukbo ng paggawa na humihila pababa sa sahod at benepisyo. Maliban dito, dapat itali ang mga kapitalista na sundin ang anumang umiiral na regulasyon sa paggawa at pasaklawin pa ang mga proteksyon ng manggagawa. At kailangang ibasura ang sangkaterbang restriksyon at regulasyon sa pag-uunyon at pagwewelga na nagsisilbing gapos sa kamay ng manggagawa sa pakikibaka.

Ang partikular na mga usapin ng mga seksyon ng uring manggagawa - gaya ng kababaihang manggagawa, at maralita ng lungsod at kanayunan - ay mahalagang tugunan at isulong. Ang kababaihang manggagawa ang bumubuo sa kalahati ng hukbong mapagpalaya kaya't ganun kaimportante sa buong kilusang manggagawa na maisulong ang kanilang kagalingan at karapatan, na maorganisa at mapakilos sila. Ang pakikibaka ng kababaihang manggagawa laban sa diskriminasyon, pang-aabuso at karahasan ay integral na bahagi ng demokratikong kahilingan ng uring manggagawa.

Kung makakamtan ang mga reporma at pagbabagong ito, higit na lalakas ang kilusang manggagawa at ibayong titindi ang pakikibaka laban sa uring kapitalista. Hahawanin nito ang landas para sa mas malawak at hayagang makauring tunggalian.

Ang demokratikong pakikibaka ay nangangahulugan din ng paglaban para sa panlipunang pag-unlad, ng pakikibaka para sa mga pang-ekonomya at pampulitikang reporma sa kasalukuyang sistema. Bukod sa mga manggagawa, ang panlipunang pag-unlad ay kahilingan din ng ibang uri at sektor na disgustado sa umiiral na lipunan sapagkat hindi natutugunan ang kanilang demokratikong interes.

Ang demokratikong pakikibaka ay hindi solong laban ng uring manggagawa kundi pakikitunggali ng buong sambayanan para sa komon na interes. Sa sosyalistang pakikibaka, nag-iisang tumatayo ang uring manggagawa laban sa uring kapitalista. Subalit sa demokratikong pakikibaka, kaagapay ng mga manggagawa ang ibang uri at sektor - ang mga magsasaka at ang petiburgesya - na naghahangad rin ng pagbabago sa kasalukuyang sistema.

Sa kasalukuyan, demokratikong mga pakikibaka ang mas tampok na panlipunang salpukang sumisiklab sa Pilipinas. Pangunahin dito ang laban ng uring magsasaka para sa repormang agraryo, ang laban ng petiburgesya para sa mga repormang pampulitika, ang laban ng Bangsamoro para sa kalayaan sa sariling pagpapasya, at ang laban ng buong sambayanan para sa sariling pambansang pag-unlad kontra sa dominasyon ng imperyalismo sa anyo ng globalisasyon.

Ang mga kilusang sektoral at multisektoral gaya ng kilusang istudyante at kilusang kababaihan na masigla at aktibo sa paglaban para sa kanilang partikular na mga kahilingan ay krusyal na makaalyado ng kilusang manggagawa. Ang kanilang paglaban ay mga anyo ng demokratikong pakikibaka at bahagi ng kabuuang pagrereporma ng sistema.

Sa panahon ng pamamayagpag ng globalisasyon, sa pag-unlad ng imperyalismo sa yugtong ito at sa pananalasa ng imperyalistang globalisasyon sa bansa, may natatanging init at igting ang anti-globalisasyon o anti-imperyalistang pakikibaka. Kung paanong ang anti-pasistang pakikibaka ang tumampok na usaping nagpakulo ng kilusan laban sa diktadurang Marcos, ang anti-imperyalistang pakikibaka naman ang tumitingkad na isyung nagpapasiklab ng kilusan laban sa reaksyonaryong sistema.

Ang pakikibaka para sa demokrasya at kalayaan ang dalawang pangkalahatang kahilingan ng demokratikong pakikibaka. Ang paglaban para sa demokrasya ay tumutukoy sa pagwawagi ng mga kahilingang pang-ekonomya at pampulitika ng aping mga uri at sektor sa kasalukuyang sistema. Ang pakikibaka para sa kalayaan ay nangangahulugan ng pagsusulong ng pambansang pag-unlad nang malaya sa dominasyon ng imperyalismo.

Ang tagumpay ng demokratikong pakikibaka ay di pa sasagot sa lahat ng pangangailangan ng manggagawa, di pa tutugon sa interes ng uri. Gayunpaman, ang tagumpay ng demokratikong pakikibaka ay magpapatag ng landas para sa malawakan at hayagang makauring pakikibaka. Sa paglutas sa mga isyung pambayan, titingkad ang makauring usapin, ang tungkuling pawiin ang pribadong pagmamay-ari. Sa ngayon, nag-iilusyon pa mismo ang mahihirap na kinakailangan lamang mabawasan ang katiwalian sa gobyerno, magkaroon ng pambansang pag-unlad o mapalaya ang bayan sa kuko ng imperyalismo upang mapawi ang pagdarahop at pagsasamantala. Hindi pa nila makitang sosyalismo ang katubusan ng masang manggagawa sapagkat nabubulagan pa sila ng ibang nagbabagang usaping pambayan na kagyat na tumatampok bilang suliranin ng lipunan. Papawiin ng tagumpay ng demokratikong pakikibaka ang mga ilusyong ito.

Ganunpaman hindi ito nangangahulugang hindi maaring simulan na ngayon pa lamang, sa panahon ng demokratikong pakikibaka, ang sosyalistang pagmumulat, sosyalistang edukasyon, sosyalistang ahitasyon at sosyalistang propaganda sa masang manggagawa. Ang pangingibabaw ng kapitalismo sa lipunan, ang kapitalistang pagsasamantalang dinaranas ng mga manggagawa ang batayan ng kanilang pag-unawa at pagnanasa para sa sosyalismo. Katunayan, tanging sa pagkamulat sa sosyalismo, sa pag-unawa sa makauring interes, magkakaroon ng kapasyahan ang uring manggagawa na isulong at ipagtagumpay ang demokratikong pakikibaka kaagapay ang iba pang aping uri at sektor ng kasalukuyang lipunan.

Ang uring manggagawa ang determinadong mandirigma ng demokratikong pakikibaka, ang maaasahang gulugod ng isang malakas na kilusang bayan. Hindi nito ikokompromiso ang laban ng sambayanan sapagkat ang mga manggagawa ang pinakaaping uri sa lipunan. Wala itong reserbasyon sa laban sapagkat nakatanaw ang uring manggagawa sa malayo, sa laban para sa sosyalismo na lagpas sa demokratikong pakikibaka. Lumalaban ang kilusang manggagawa sa harapan ng sambayanan sapagkat obligado itong dumaan sa landas ng demokratikong pakikibaka upang makaabot sa ultimong sosyalistang destinasyon.

Hinihingi ng makauring pakikitunggali ng proletaryado na hindi lamang lahukan kundi pamunuan ng uring manggagawa ang demokratikong pakikibaka ng sambayanan. Kung mapapanghawakan ng uring manggagawa ang liderato ng demokratikong pakikibaka, garantisado ang lubos at mapagpasya nitong tagumpay.

Tatapusin ng uring manggagawa ang demokratikong pakikibaka sa isang ganap na rebolusyon ng bayan. Pangungunahan nito ang pag-aalsa ng mamamayan laban sa reaksyunaryong gobyerno. Titiyakin nitong maitatayo ang isang rebolusyonaryong pamahalaang magpapatupad ng lahat ng demokratikong kahilingan ng sambayanan. Ang makauring katangian ng rebolusyonaryong pamahalaan ay gobyerno ng mamamayan. Isang gobyernong binubuo ng mga kinatawan ng demokratikong mga uri, pangunahin ang uring magsasaka, petiburgesya at manggagawa. Isang gobyernong tutugon sa demokratikong interes ng mga uring ito.

Sa pamumuno ng proletaryado sa matagumpay na rebolusyon ng bayan malulubos ang mga ganansyang makakamit ng manggagawa. Maibibigay ang lahat ng demokratikong mga kahilingan ng manggagawa, at magagarantiya ang mga karapatang pampulitika at kalayaang pang-unyon, mga kahilingang tutungo sa pagtaas ng kalidad ng kanilang buhay at paglakas ng kanilang kilusan. Maipipihit ang balanse ng pwersa sa makauring tunggalian laban sa uring kapitalista pabor sa uring manggagawa.

Gayundin ang tagumpay ng demokratikong pakikibaka ay tutungo sa ibayong panlipunang pag-unlad, sa mas masigabong industriyalisasyon, sa mas masiglang paglago ng kapitalismo. Ilalatag ng panlipunang pag-unlad ang materyal na mga sangkap para sa sosyalismo. Ipupundar nito ang yamang panlipunan at mauunlad na produksyon na magsisilbing batayan ng sosyalistang sistema. Iluluwal nito ang mas maraming sahurang alipin, ang mas makapal na industriyal na proletaryado, ang mas malaki at disiplinadong hukbong lalaban para sa sosyalismo.

Mailalatag ang pinakapaborableng kondisyon para sa sosyalistang pakikibaka. Mahahawan ang mabilis at direktang pagtawid ng makauring pakikitunggali ng manggagawa tungong sosyalistang rebolusyon.

Ang liderato ng proletaryado sa demokratikong pakikibaka ay pamumuno ng isang uri hindi ng isang indibidwal. Subalit kung paanong ang isang indibidwal ay nagiging lider sapagkat sinusundan ng mga taong naniniwala sa kanyang paninindigan, gayundin ang uring manggagawa ay namumuno sapagkat ang kanyang kilusan ay titingalain ng iba pang uri at sektor, kikilos ang sambayanan sa ilalim ng mga bandilang tangan ng kilusang manggagawa.

Ang una at pangunahing rekisito sa pamumuno ng proletaryado sa demokratikong pakikibaka ay ang pagbangon ng isang malakas na kilusang manggagawa. Maimamarka ng proletaryado ang makauring tatak sa laban ng bayan kung malakas ang sariling kilusan, kung maigting ang pakikibakang manggagawa. Subalit babangon lamang ang isang malakas na kilusang manggagawa kung ito ay organisado bilang isang kilusang makauri, lumalaban para sa kagyat na demokratikong mga kahilingan nang mulat sa ultimong sosyalistang interes.

Sa paraan ng buhay na halimbawa ng paglaban, pupukawin ng mga manggagawa ang ibang uri at sektor na kumilos at ipaglaban ang sariling mga hinaing. Sa pamamagitan ng maigting na pagkilos sa pabrika at lansangan, hihimukin ng uring manggagawa ang buong bayan na tahakin ang landas ng pakikibakang masa. Ituturo ng militanteng kilusang manggagawa sa sambayanan kung papaano makibaka at magwagi laban sa umiiral na rehimen.

Ang ikalawang rekisito sa pamumuno ng proletaryado ay ang pag-ako ng kilusang manggagawa sa mga panawagan ng ibang uri at sektor bilang sariling kahilingan. Isusulat ng kilusang manggagawa sa sariling bandila ang demokratikong mga kahilingan ng sambayanan. Sa ganitong paraan hihinangin ang matibay na alyansa sa pagitan ng mga uri at sektor na lumalaban sa umiiral na rehimen. Rerespetuhin ng buong bayan ang matikas na kilusang manggagawa bilang pinakamaaasahang kakampi sa demokratikong pakikibaka.

Subalit aakuin ng uring manggagawa ang mga kahilingan ng buong bayan nang hindi binibitawan ang nagsasariling mga kahilingan at sinasakripisyo ang independenteng interes. Titindigan ng kilusang manggagawa ang mga panawagan ng ibang uri batay sa pagkakaintindi sa sariling makauring interes para sa panlipunang pag-unlad, panghahawakan ng proletaryado ang mga kahilingang ito sapagkat mulat sa pangangailangang hawanin ang mas malawak at hayagang makauring tunggalian.

Ang mga kahilingan ng bayan ay ganap na makakamit sa pamumuno ng uring proletaryado sa demokratikong pakikibaka. Ang landas ng bayan ay ang landas ng uri.

Samantala, ang tuwirang transisyon sa sosyalistang pakikibaka ay maisasagawa naman sa pamumuno ng uring manggagawa sa pakikibaka ng bayan. Ang landas ng uri ay landas ng bayan.

Sa unahan ng buong bayan, isisigaw ng sosyalistang proletaryado - demokrasya! Sa harap ng lahat ng anakpawis, ibabandila ng mulat na manggagawa - sosyalismo!



Mga pinagsanggunian:

I. Iisang Kalagayan, Iisang Kapalaran

1. Labor Force Survey, Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES), January 2005
2. National Wages and Productivity Commission (NWPC), March 2006
3. Occupational Wages Survey, BLES, June 2002
4. Regional Poverty Estimates, National Statistics Coordination Board (NSCB), 2003
5. SWS 2nd quarter survey, Social Weather Station (SWS), 2005
6. Family Income and Expenditures Survey, National Statistics Office (NSO)
7. Survey on Children, NSO, 2001
8. BLES Intergrated Survey (BITS), 2002
9. Survey on Labor Standards, 2002, DOLE
10. Country Report on Human Rights Practices, US State Department, 2004
11. Regional Labor Force Statistics on Women and Young Workers, October 2004
12. National Statistics Office, October 2004
13. 1996 Report, United Nations Development Program (UNDP)
14. International Herald Tribune, 1999/02/05
15. 1999 Human Development Report, United Nations Development Program (UNDP)
16. "Report: US Rentals Unaffordable to Poor," Genaro Armas, Associated Press
17. "Income and Inequality, 8 Years of Prosperity: Millions Left Behind," Woodrow Ginsburg, Economic 18. Policy Committee, Americans for Democratic Action Inc.

II. Dalawang Uri sa Lipunan, Dalawang Interes sa Buhay

1. Marx and Engels, Wage, Labor and Capital
2. Mandel, Ernest, Introduction to Marxist Economic Theory
3. Eaton, John, Political Economy

III. Iisang Uri, Iisang Landas

1. Lenin, Vladimir, What is to be Done?
2. ibid, On Strikes
3. Luxembourg, Rosa, Mass Strike

IV. Hamon ng Kasaysayan, Misyon ng Uri

1. Marx at Engels, Communist Manifesto
2. Engels, Utopian and Scientific Socialism

V. Landas ng Bayan, Landas ng Uri

1. Lenin, Vladimir, Two Tactics of Social Democracy
2. BMP Pre-Congress document: Bagong Landas, Bagong Kilusan, 1996

Martes, Oktubre 6, 2009

Landas ng Uri - Kabanata 4

IV

Hamon ng Kasaysayan
Misyon ng Uri

Ang kapitalismo at ang ibayo nitong pag-unlad ang mismong nagpapatag ng daan para sa sosyalismo. Ito mismo ang lumilikha ng materyal na mga sangkap ng sosyalistang lipunan.

Sosyalisado ang produksyon sa kapitalismo. Sama-samang niyayari ng maraming tao ang iisang produkto. Dadaan sa maraming kamay ang iisang kalakal para ito matapos. Nililikha ang isang kalakal ng maraming manggagawa na gumagamit ng mga instrumentong maari lamang patakbuhin ng maraming tao, mga kagamitang nilikha rin ng sama-samang paggawa ng maraming trabahador.

Ang kabuuang paggawa ay nakapailalim sa isang dibisyon sa paggawa para magluwal ng malakihang produksyon. Sa bawat empresa, ang paggawa ng isang kalakal ay hati-hati sa mga yugto. Ang maraming manggagawa ay sabay-sabay na nagtatrabaho, sa kani-kanyang bahagi ng kabuuang paggawa, upang lumikha ng laksa-laksang produkto.

Katunayan, ang isang produktong lalabas sa isang pagawaan, liban kung ito'y produktong pangkonsumer, ay gagamitin bilang sangkap sa isa pa uling ikid ng produksyon sa iba namang pagawaang lumilikha ng iba pang produkto. Maituturing ang kabuuan ng ekonomya bilang isang malaking asembliya ng produksyon kung saan magkakaugnay ang iba't ibang empresa para likhain ang lahat ng pangangailangan ng lipunan.

Higit pa rito, tinatahi ng kapitalistang produksyon ang buong daigdig bilang isang internasyunal na ekonomya. Hinahalukay ang mga murang materyales mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Pinoproseso ang mga materyales batay sa samu't saring hakbang ng produksyon sa magkakaibang bansa. Ilalagak ang yaring produkto sa pandaigdigang pamilihan upang ikonsumo sa apat na sulok ng mundo. Isang tunay na pandaigdigang sistema ang kapitalismo na hindi nalilimitahan ng pambansang mga hangganan.

Ang sosyalisadong produksyon ay higit na maunlad na tipo ng paglikha ng mga produkto. Pinakikinabangan nito ang mga pamamaraan at kasangkapang nilikha ng pag-abante ng modernong syensya. Sinasamantala nito ang pagiging episyente na likas sa kolektibong pagtatrabaho at dibisyon sa paggawa. Ginagamit nito ang likas yaman at rekursong pantao ng buong daigdig upang tugunan ang pangangailangan ng internasyunal na pamilihan.

Sa pag-unlad na iniluwal ng kapitalismo, sa yamang nilikha ng sosyalisadong produksyon posibleng tugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng buong mundo, kahit pa patuloy na lumalawak ang mga ito. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, may pagkakataong pawiin ang kasalatan sa lipunan at tapusin ang kahirapan sa daigdig.

Bagamat sama-sama ang paggawa at gumagamit ng mga instrumentong nilikha ng marami at pinatatakbo ng marami, ang mga produktong likha ng prosesong ito ay sinasamsam ng iilan.

Samantalang sosyalisado ang produksyon, pribado naman ang pag-aari ng mga kagamitan sa produksyon. At sapagkat pribado ang pag-aari ng mga kagamitan sa produksyon, pribado pa rin ang pagkamkam ng mga likha ng sosyalisadong produksyon.

Kaya't ang bunga ng paggawa ng buong lipunan ay di pinakikinabangan ng lahat kundi napupunta sa kamay ng iilang indibidwal. Ang lahat ng pag-unlad at yamang likha ng kapitalismo ay tinatamasa lamang ng iilang nagmamay-ari hindi ng buong lipunan. Ang posibilidad na pawiin ang kahirapan ay nanatiling mailap na pangarap lamang.

Ang pananatili ng pribadong pag-aari kahit na sosyalisado ang produksyon ang dahilan ng kahirapan sa gitna ng kaunlaran ng kapitalismo, ng kasalatan sa kabila ng kasaganahan ng modernong lipunan.

Upang pawiin ang kahirapan, kailangan lamang baliktarin ang tiwarik na kaayusan ng modernong daigdig, Para ilagay ang lipunan sa makatarungang batayan, kailangan lamang dalhin ang pag-unlad ng sosyalisadong produksyon sa lohikal nitong katapusan, sa makatuwiran nitong katugma - sa sosyalisadong pag-aari.

Sa lipunang walang indibidwal na nagmamay-ari ng mga kagamitan sa produksyon, wala nang puwang para may malibre sa trabaho at umasa na lamang sa tubo. Wala nang sandigan para mamuhay ang iilan sa pawis ng nakararami. Wala nang batayan para magsamantala ang minorya sa mayorya. Sa pundasyon ng komunal na pag-aari, lahat ay magtatrabaho para tugunan ang pangangailangan ng buong lipunan. Ang kabuuang bunga ng paggawa ng lipunan ay gagamitin para sa lahatang-panig na pag-unlad ng lahat.

Ito ang sosyalismo - ang makataong sibilisasyon, isang lipunang walang nagsasamantala at walang naghihirap. Sa sosyalismo ilalagay sa kamay ng lipunan ang dating pribadong pag-aari ng mga kapitalista. Magiging sosyalisadong pag-aari ang mga kagamitan sa produksyon.

Sa sosyalismo, sapagkat pagmamay-ari na ng lipunan ang mga kagamitan sa produksyon, tutugunan ang lahat ng pangangailangan ng buong populasyon ng daigdig. Lilikha ng damit hindi para pagtubuan kundi para bihisan ang mga tao. Ang higanteng potensyal ng mauunlad na makinarya at teknolohiya, na nirerendahan ng konsiderasyon ng tubo, ay gagamitin para dalhin ang modernong sibilisasyon sa atrasadong mga bayan at lubusang iakyat ang kalidad ng buhay ng mga tao. Ang pag-unlad ng ekonomya, syensya at kultura ay hindi mapupunta sa pagpapalaki ng tubo at pagsusustena sa marangyang buhay ng iilan kundi tutungo sa pagtaas ng antas ng kabuhayan at pagpapaunlad ng kakayahan ng bawat indibidwal at ng buong sangkatauhan. Ang kaunlaran at kasaganahan na dating ipinagkakait sa nakararami ay matatamasa ng lahat.

Maglalaho ang salot ng kawalang-trabaho, ang multo ng di-katiyakan ng buhay, ang takot sa pagkagutom, sapagkat paplanuhin ang produksyon upang siguruhin na lahat ng tao ay may trabaho sa lahat ng pagkakataon. Kung paanong sa kapitalismo inoorganisa ng indibidwal na kapitalista ang produksyon sa isang empresa para siguruhin ang tubo, ganoon din sa sosyalismo ipaplano ng lipunan ang kabuuang takbo ng ekonomya para tiyakin ang trabaho at pangangailangan ng lahat. Magtatrabaho ang lahat ng nasa wastong gulang at pangangatawan, at hahatiin ang mga likha ng lipunan para pakainin, bihisan, ibahay, papag-aralin, at bigyan ng makataong buhay ang lahat. Magkakaroon ng katiyakan ang buhay ng tao mula pagsilang hanggang kamatayan.

At sapagkat ang mga manggagawa ang naghaharing uri at nakatayo ang estadong manggagawa, maipapatupad ang tunay na demokrasya, masusunod ang mayorya, patatakbuhin ng nakararami ang lipunan para sa interes ng nakararami.

Ang ganap na paglaya ng kababaihan ay makakamit sa sosyalismo. Ang pormal na pantay na karapatan na tinatamasa ng kababaihan sa ilalim ng kapitalismo ay magiging totohanan sa panahon ng sosyalismo sa batayan ng paglaya ng mga babae sa domestikong pang-aalipin, pagkakaroon ng regular na trabahong may sahod at direktang partisipasyon sa buhay pampulitika't panlipunan. Ang karapatan ng kababaihan sa paghalal, diborsyo at iba pang kalayaan na limitado ang saklaw sa kasalukuyan ay magiging ganap at garantisado.

Yamang iiral ang full employment, ang lahat ng babae na nasa wastong edad at may kakayahan ay magkakaroon ng trabaho. Ang seguridad pang-ekonomya na ibibigay ng regular na trabahong may sweldo ay garantiya ng pagbabago sa posisyon ng babae sa loob ng pamilya at ng relasyon ng babae sa kanyang asawa. Lalaya ang kababaihan sa tanikala ng domestikong pang-aalipin sa pamamagitan ng sosyalisasyon ng gawaing bahay. Ang mga gawaing bahay na pinapasan ngayon ng kababaihan - pagpapalaki ng anak, pagtuturo sa mga bata, paglalaba ng damit, pagluluto ng pagkain, atbp., - ay magiging mga linya ng industriya, bahagi ng produksyon ng lipunan at serbisyong panlipunan ng sosyalistang estado.

Hindi isang magandang panaginip lamang ang sosyalismo. Hindi ito isang pangarap sa simpleng dahilang naririyan na ang mga sangkap para sa lipunang ito, nalikha na mismo ng kapitalismo ang kaunlarang pagbabatayan nito at ang uring lalaban para rito.

Makasaysayang misyon ng uring manggagawa, ng proletaryado, na itatag ang sosyalismo. Sa lahat ng uri na lumalaban sa mga kapitalista, ang proletaryado ang tunay na rebolusyonaryong uri, ang tanging uring may interes at kakayahang pawiin ang pribadong pag-aari at itayo ang sosyalismo.

Naninindigan ang lahat ng iba pang uri sa pananatili ng pribadong pag-aari. Lahat ng iba pang uri ay nabubuhay sa batayan ng kanilang yaman - malakihan sa kaso ng mga kapitalista o maliitan sa kaso ng petiburgesya o panggitnang uri - kaya't mayroong pag-aaring ipagtatanggol. Ang uring manggagawa lamang ang uring nagnanais pawiin ang pribadong pag-aari nang walang pagtatangi sapagkat wala ni anumang yamang tangan. At hindi nanaisin ng mga manggagawang magkaroon ng pribadong pag-aari sapagkat nabubuhay sila sa sosyalisadong paggawa. Pinanday sila ng sama-samang pagpapatakbo ng mga modernong kagamitan sa produksyon. Ang mga manggagawa ang uring lalaya lamang kung papawiin ang lahat ng tipo ng pagsasamantala.

Ang proletaryado ay dumarami at lumalakas sa pag-unlad ng kapitalismo habang ang ibang uri ay naaagnas at naglalaho. Pinipisak ng kompetisyon ng malalaking kapitalista ang petiburgesya. Ang indibidwal at maliitang produksyon ng panggitnang uri ay di makakatagal kapag pinasok ng malalaking kapitalista ang kanilang linya ng negosyo. Ang mas murang produktong ibabaha sa pamilihan ng malalaking kapitalista ay magpapataob sa anumang kalakal, sabihin pa mang de-kalidad, na likha ng mas atrasadong produksyon ng panggitnang uri.

Samantala, laging dumarami ang proletaryado at patuloy na dinidisiplina, pinagkakaisa at inoorganisa ng mismong pag-unlad ng kapitalistang produksyon. Habang lumiliit ang bilang ng malalaking kapitalista na nagmomonopolyo ng lahat ng ganansya ng produksyon ay lumalaki naman ang pagpapahirap, pang-aalipin, pang-aapi, pambubusabos at pagsasamantala sa masang manggagawa. Sabay ring tumitindi ang pag-aaklas ng uring proletaryado.

Ang kapangyarihan ng mga manggagawa ay nagmumula di lamang sa kanilang bilang kundi umuusbong mula sa kanilang pwesto sa pagkakaorganisa ng pang-ekonomyang buhay ng modernong lipunan.

Pawis ng manggagawa ang gasolinang nagpapasikad sa mga pabrika. Bisig ng proletaryado ang granaheng nagpapaikot sa motor ng ekonomya. Kung ang mga manggagawa ang nagpapaandar ng produksyon, sila rin lamang ang nagpapaandar ng produksyon, sila rin lamang ang maaring magpatigil dito. Kung walang paggawa, walang tubo ang kapitalista at walang mga produktong magagamit ang lipunan. Kung magwewelga ang uring manggagawa, titirik ang kapitalistang ekonomya at guguho ang buong lipunang nakatayo sa pundasyong ito.

Tanging ang manggagawa ang may angkin sa ganitong modernong agimat. Wala nang iba pang uri sa lipunan ang may kakayahang papantay sa kapangyarihang ito. Ang proletaryado lamang ang uring may kakayahang pabagsakin ang kapitalismo.

Sa lahat ng saray ng uring proletaryado, natatangi ang lakas ng manggagawang industriyal sa malalaking pagawaan. Ang kapangyarihan ng mga manggagawang industriyal ay wala sa kanilang bilang o proporsyon sa kabuuang populasyon ng lipunan. Maaring sila pa ang pinakamaliit na saray ng uring manggagawa.

Pinanday sa apoy ng konsentradong paggawa at pagsasamantala ang kakaibang karakter ng mga manggagawang industriyal. Mas malakas ang pandama nila sa organisasyon, mas matining ang disiplina sa kanilang hanay at mas malalim ang pagkakaugat ng kolektibismo at militansya. Napakanatural na umuusbong ang diwa ng pagkakabuklod at paglaban sa kanilang puso't isipan. Sila ang saray ng manggagawa na pinakabatikan sa pag-uunyon at pinakabihasa sa pakikibaka. Sila ang matibay na moog ng unyonismo at matigas na gulugod ng kilusang unyon. Ang kanilang hanay ang pinakabukas yakapin ang sosyalismo.

Nagmumula ang natatangi nilang lakas sa kanilang susing papel sa ekonomya. Sila ang mga manggagawang nagtitimon ng mga makina ng pinakamalalaking pabrika, lumilikha ng labis na halaga ng pinakamayayamang empresa, bumubuhat sa mga haligi ng modernong kapitalistang ekonomya.

Ang pagtirik ng produksyon sa isang linya ng manupaktura ay aalingawngaw sa kabuuan ng ekonomya, didiskaril sa pagtakbo ng iba pang industriyang konektado ito - mga empresang pinagkukunan ng murang materyales, mga pagawaang bumibili ng produkto nito, at iba pa. Ang pagtirik ng pagmimina ng langis o pamamahagi ng kuryente ay kikitil sa daloy ng dugong bumubuhay sa mga makina ng industriya. Ang welga sa mayor na mga kompanya ng komunikasyon o transportasyon ay puputol sa lambat ng ugnayang sentral sa pagtakbo ng ekonomya.

Ang ganitong mga aksyong industriyal ay pumipilay sa buong ekonomya, pumipinsala sa uring kapitalista at yumayanig sa mismong estado.

Ang maiigting na pakikibaka ng mga manggagawang industriyal ay nagsasahimpapawid ng mga aral ng makauring tunggalian sa buong lipunan. Pinupukaw nito ang diwang mapanglaban ng lahat ng naghihirap. Binibigyan nito ng pag-asa ang lahat ng pinagsasamantalahan.

Ginigising ng mga pakikibakang ito ang iba pang saray ng uring manggagawa - manggagawa sa serbisyo, manggagawang bukid at mala-manggagawa - maging ang iba pang anakpawis, pangunahin ang maralitang mga magsasaka. Lahat sila ay naghihirap sa ilalim ng kapitalismo. Lahat sila ay lumalaban, sa iba't ibang paraan, sa uring kapitalista. Subalit ang kanilang hanay ay di masinsin at relatibong hati-hati. Mas mahirap silang organisahin, demoralisado sila ng mababang pasahod at malalang kalagayan sa paggawa at madali silang gapiin ng mga kapitalista sa mga labanang pang-ekonomya.

Likha ng kakaibang katangian at natatanging lakas ng mga manggagawang industriyal, nakaatang sa kanilang balikat ang mabigat na responsibilidad sa pakikitunggali ng uring manggagawa. Nasa kanila ang kakayahan at tungkuling pukawin sa militanteng paglaban ang iba pang saray ng proletaryado at anakpawis, at pangunahan ang kabuuang pakikibaka ng uri laban sa kapitalismo.

Ang mga manggagawang kababaihan ay may partikular na hamong pamunuan ang kilusang kababaihan at ikawing ito sa pakikibaka ng kilusang manggagawa para sa sosyalismo. Ang paglaya ng kababaihan at ang katubusan ng manggagawa ay parehong magaganap lamang sa sosyalismo. Sa lipunang walang pagsasamantala ng tao sa tao, maglalaho rin ang di-pantay na katayuan at pagturing sa babae. Walang paglaya ng kababaihan kung walang sosyalismo.

Wala ring sosyalismo kung walang paglaya ng kababaihan. Ang kababaihan ay bumubuo ng kalahati ng uring manggagawa. Hindi magtatagumpay ang sosyalistang rebolusyon kung hindi mapupukaw, maoorganisa at mapapakilos ang kalahati ng masang manggagawa. Ang paglaya ng kababaihan at manggagawa ay iisang laban at di mapaghihiwalay. Kaya naman kailangang agawin ng kababaihang manggagawa ang liderato ng kilusang kababaihan mula sa kamay ng kababaihang burgis at idirihe ito sa sosyalistang pakikibaka.

Sa aktwal na kalagayan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng pakikipagkapatiran ng kilusang unyon - ibig sabihin, pakikipagkaisa sa mga panawagan at pagkilos - sa kilusan ng maralitang lungsod, kilusan ng manggagawang bukid at sa lahat ng kilusang lumalaban sa kapitalismo gaya ng mga istudyante at kababaihan, maitatayo ang isang makapangyarihang sosyalistang kilusang masa, na ang malakas at matigas na ubod ay ang mga manggagawang industriyal.

V

Landas ng Bayan
Landas ng Uri