Sabado, Oktubre 31, 2009

Ondoy-Ondas - Press Release - Tagalog

PARTIDO LAKAS NG MASA-QUEZON CITY (PLM-QC)
ALYANSA NG MARALITA NG QUEZON CITY (ALMA-QC)
111-D Malakas St., Quezon City, Tel. 4343947

Press Release
Oktubre 31, 2009

ONDOY-ONDAS
Pag-alala sa mga Namatay sa Bagyong Ondoy
sa Bagong Silangan, Quezon City


LUNSOD QUEZON, Okt. 31 – Bilang paggunita sa mga namatay ngayong undas, nagmartsa ang mga residente ng Barangay Bagong Silangan sa Lunsod Quezon mula sa evacuation center sa Brgy. Bagong Silangan covered court hanggang sa Binhi ni Abraham and countryhomes kung saan maraming residenteng namatay, habang kasaliw ang isang salmo hinggil sa kanilang kalagayan bilang biktima ng bagyong Ondoy isang buwan na ang nakalipas. Nagsindi sila ng kandila at tumula, sa pag-alala sa mga mahal sa buhay, mga namatay at nangawala sanhi ng bagyo, habang nananawagan ng in-city relocation at kabuhayan para sa apektadong pamilya.

Ayon kay William Cerdeña, residente ng Brgy. Bagong Silangan at kinatawan din ng Alyansa ng Maralita sa Quezon City (ALMA-QC), “Di kami nakalilimot. Ang pag-alala sa mga nangamatay, lalo na ng ating mahal sa buhay, ay nakaukit na sa ating kultura. Ngunit ngayon, inaalala natin yaong mga namatay ng wala sa panahon dahil sa bagyong Ondoy, kamatayang di dapat sana nangyari kung nagawa lamang ng pamahalaan ang tungkulin nito na sabihan ang mga tao sa parating na bagyo upang nakapaghanda sana ang mga ito. Laging sinisisi ng gobyerno ang mga maralita pag may kalamidad, at ayaw nitong sisihin ang kanyang sarili sa mga kapalpakan. Biktima ang mga maralita rito at hindi sanhi.”

Idinagdag pa ni Cerdeña, “Limampu’t dalawang (52) katao mula sa aming lugar ang namatay dahil kay Ondoy, at hinahanap pa naming ang mga nawawala pang 40 residente na hanggang ngayon ay di pa rin natatagpuan. Sa ngayon, may 75 pamilya pa ang nasa covered court ng barangay na ginawang evacuation center, at inalis na ng pamahalaang lunsod, sa pamamagitan ng SSDD (social service development department) ng QC Hall, ang mga kinakailangang suporta para sa mga pamilyang ito.”

Ayon pa sa kanya, “Nananawagan kami sa pamahalaan ng isang in-city relocation at on-site development. Negosasyon muna bago ebiksyon at demolisyon hangga’t walang ligtas, abot-kaya, madaling puntahan, at maayos tirahang pabahay na may kasiguruhan para sa lahat.”

Para sa panayam at iba pang detalye, kontakin si William Cerdeña sa 09182252016

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento