Dalawang Araw na Kilos Protesta, Tagumpay
Dalawang araw na paralisado ang San Pedro SUKI Market, resulta ito ng kapasyahang ilunsad ang sama samang kilos protesta ng lahat ng manininda sa ilalim ng Organisasyong Suki Wet and Dry Market Vendors & Stall Holders Association – San Pedro, Laguna.
Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng 10% sa arawang renta sa mga pwesto, patuloy na paniningil Common Use Service Area-CUSA, paglabag sa BOT-MOA ukol sa rental rate. At pananakot ng management na palalayasin o ipapadlock ang pwesto sa sinumang hindi susunod sa illegal na paniningil ng management ng SUKI Market.
Ang kahilingan ng Vendors Association:
1. Itigil ang 10% dagdag na upa sa bawat taon mula noong 2004 at ibalik ito sa mga Vendors. Sapagkat illegal ito ayon sa itinatakda ng BOT-MOA at Munisipal Ordinance # 2000-16. At Resolution 2007-53.
2. Itigil ang paniningil ng CUSA, dahil obligasyon ito ng management na imantena ang kaayusan at kalinisan ng Palingke hindi obligasyon ng mga Vendors Renter.
3. Moratorium sa renta habang umiiral ang State of Calamity dulot ng bagyong Ondoy.
4. Kagyat na negosasyon para rebisahin BOT-MOA.
Ito ang dahilan bakit naganap ang dalawang araw na kilos protesta na pumaralisa ng dalawang sa SUKI Market noong Octuber 27-28, 2009.
Dahil dito, naobliga ang pangasiwaan ng SUKI Market na umapilang itigil na ang pag-aaklas at sa loob ng limang araw (November 3, 2009) ay pag-uusapan ang mga kahilingang nabanggit sa itaas ng Asosasyon ng mga manininda.
Bilang good faith na paniniwala at malinis na hangarin ng Vensdors Association, tinanggap ang pakiusap ng pangasiwaan ng SUKI Market. Agad na itinigil ang pag-aaklas ganap ng ika-5:00 ng hapon noong Octuber 28, 2009.
Tama ang pasya ng Management ng SUKI Market na wala munang galawan, wala munang singilan ng upa at renew sa kontrata habang walang malinaw na pag-uusap at kasunduan. Ang aksyong ito ng pangasiwaan ng SUKI Market ay ating pinupuri at pinasasalamatan, bilang pagkilala sa ating mga lehetimong karaingan.
Gayunpaman, higit nating patatagin at palakasin ang ating Organisasyon, ang ating pagkakaisa, maging vigilant tayo at maging handa sa anumang mga posebling hakbangin sa nga susunod na mga araw. At higit sa lahat nagpapasalamat kami sa lahat ng mga sumuporta at tumulong sa dalawang araw na kilos protesta. Laluna sa ating kapulisan at mga security guard na nagmantina ng kapayapaan sa dalawang araw na kilos protesta.
NASA PAGKAKAISA ANG LAKAS, NASA PAGKILOS ANG TAGUMPAY!
HIGIT NA PALAKASIN ANG ATING HANAY, PAGHANDAAN ANG SUSUNOD NA LABAN!. PAGHANDAAN AT SUBAYBAYAN ANG PAG-UUSAP SA NOVEMBER 3, 2009 11:00AM.
SUKI WET AND DRY MARKET VENDORS & STALL HOLDERS ASSOCIATION. BUKLURAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO - SOUTHERN TAGALOG.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento